Nilapag ni Romano ang gitara sa kanyang kaliwa at pagkatapos ay pinihit ang katawan paharap sa akin. Nakatulala pa rin akong nakatanaw sa kanya.
Romano leaned forward and stretched out his hand to me. I was caught off-guard when he wiped the side of my mouth. Why did he do that?
“You’re drooling.” His eyes danced in amusement. A boyish smirk formed on his lips.
“Huh?” Agad ko namang pinunasan ang magkabilang labi ko only to realize he’s lying. Humagalpak ito sa tawa na halos bumulabog sa mga ibong namamahinga sa mga puno.
“Bwisit ka!” I used my water bottle to throw at him, but he was too fast to catch it. “Bakit naman ako maglalaway, sa hitsura mong yan!”
“Sa hitsura kong ‘to?” Tila hindi ito makapaniwala. He touched his cheeks with both hands. “Hindi ba ako kalaway-laway?”
“Hindi ka pagkain para paglawayan ko, Romano.” Speaking of food, kumalam ang aking tiyan. Maalala kong hindi ko pala nagalaw ang chocolate cake na merienda kanina. Masyado akong na-excite makarating dito.
“Aha! Wait till you see my abs up close!” He attempted to raise his shirt pero nagtitili na ako sa inis!
“Bwisit ka talaga! Uuwi na ako!” I stood up pero maagap din akong pinigilan nito. He was still laughing, though. He clutched my arm and pulled me towards him. Hindi ako nakapalag nang pinaloob niya ako sa kanyang mga yakap. My arms went lifeless on my both sides.
We went silent until I heard him took a deep breath. “Bukod sa pamilya ko, ikaw pa lang ang kauna-unahang tao na kinantahan ko. Did you like it, Maya? Did you like my voice? I need your honest answer, baby.”
I shuddered from the pureness and calmness of his voice. It was as if he was trying to coax and entice me at the same time.
“Uhm… well.” I couldn’t talk properly because my face was buried deeply against his chest. I discreetly filled my nostrils with his manly perfume. Ang bango ng mokong na’to. Sa sasakyan ay itong amoy niya ang nalalanghap ko. I have always had a motion sickness pero nagtaka ako sa sarili ko na hindi man lang sumakit ang aking ulo sa gitna ng biyahe. I think because I was being conscious from his presence behind me. Isang bagay din ay nalibang akong pakinggan ang kwentuhan nilang dalawa ni Papa kahit madalas ay sa pang-aasar at panunudyo sa akin ang hantungan ng usapan nila.
Tinukod ko ang aking mga braso sa kanyang dibdib at lumayo ng bahagya.
“Aaminin ko, may talent ka sa pagkanta, Romano. Mahusay ka ring tumugtog ng gitara. Happy now?”
“I think you’re lying. You’re not even looking at me.” May bakas na tampo sa kanyang tinig. Gusto ko itong irapan.
Sa kanyang leeg kasi ako nakatingin. Hindi ko siya kayang tingalain. Naiilang ako sa kanyang mga titig. We were not even supposed to be this close. We were not supposed to be touching and hugging like this!
“Look at me, Maya. I wanna see your beautiful eyes.” He cooed.
I sighed and reluctantly tilted my head up. And just like as always, I find it difficult to breathe when he’s staring intensely back at me.
“Your eyes….” He started.
I nodded. I knew what he wanted to say. Na kulay abo ang kulay ng aking mata at hindi ito pangkaraniwan para sa isang Pilipino. Hindi na rin ako magtataka kung bakit kulay brown ang kanyang mga mata. Ang alam ko’y hindi puro ang kanilang lahi.
“Namana ko sa side ni Mama.” I shrugged and looked away.
“I thought I’ve seen them before. Hey, eyes on me, Maya.”
“Tss. You have a gift, Romano. Medyo naiinggit ako sa’yo kasi gusto ko rin mabiyayaan ng magandang boses katulad ni Papa. I so wanted to sing along with him, pero lagi akong wala sa tono. Ang ending, tinatawanan nila ako.” I pouted.
“They’re probably laughing because it’s funny and entertaining, but it doesn’t mean they’re insulting you, baby. How about you try me? C’mon, let me hear you sing.”
I huffed and pushed him. He had let me go. “Hindi ako kakanta sa harap mo, Romano.”
“E di kumanta ka sa likod ko.” He retaliated in a serious note.
I rolled my eyes. “Ang corny ng joke mo.”
“Promise, I won’t laugh, Maya.”
Pinagkrus ko ang aking braso sa aking harap. “I highly doubt that.”
Ginaya nito ang aking kilos. “Ikaw ba, kapag kinakantahan ka ng crush mo, tatawanan mo? I don’t think so. Kikiligin ka sigurado dahil kinakantahan ka niya. Kapag kinantahan mo ako, siguradong abot-langit ang tuwa ko.” Ngiting-ngiting sambit nito.
Akala ng taong ito ay magpapauto ako? Huh! Bumalik ako sa pagkakasalampak sa picnic blanket at inabot ang sketchpad at lapis. “Umupo ka lang diyan at mag-gitara. Tatapusin ko lang ‘to pagkatapos ay umuwi na tayo.”
“Gutom na gutom ka na siguro. Akala mo hindi ko narinig ang pagrigodon ng tiyan mo, Maya?”
“Ay naku, ang ingay! Hindi ako makapag-concentrate.” Pagmamaldita ko.
He only clicked his tongue at inabot ulit ang gitara mula sa kanyang gilid. Mga kanta naman ng The Bread ang tinira nito. Habang nakayuko ako ay maya’t maya ako napapatigil. Ang totoo ay ang lakas ng t***k ng puso ko. Nene-nerbiyos ako. Ito ba ang pakiramdam ng babaeng kinikilig? Kasi pati daliri ko’y nanginginig sa kaba. Ramdam ko naman kasi ang palagiang pagsulyap nito sa aking gawi habang kumakanta.
‘Baby, I’m-a want you,
Baby, I’m-a need you.
You’re the only one I care enough to hurt about
Maybe I’m-a crazy
But I just can’t live without
You’re lovin’ and affection
Givin’ me direction
Like a guidin’ light to help me through my darkest hour
Lately I’m-a prayin’
That you’ll always be-a stayin’ beside me’
Gustong-gusto kong punitin ang ngisi sa kanyang mga labi. Nakakaasar! Pwede bang wag niya akong tignan ng mapanuyong mga titig? Gumapang ang init sa aking pisngi. Siguro ay pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Ang siste, tuwang-tuwa pa sa reaksiyon ko!
He stopped singing. “Did I make your heart race, Maya?” Panunukso pa nito.
Pinandilatan ko ito ng mata. “You wish, Romano.” Ani ko bago ko niyuko ang aking sketchbook. There’s no way I will answer him!
He made a light chuckle at nagpatuloy ulit sa kanyang pag-awit. It took all my willpower not to glance again at his direction. Ayokong magtama ang aming mata at baka himatayin na ako ng tuluyan.
Ang swabe ng boses ng lalakeng ‘to. Lord, bakit ang perfect niya? Tiyak akong hindi siya tao! He’s probably an angel! A fallen angel for that matter!
“Aissh.” Reklamo ko sa aking sarili nang magkamali ako sa pag-outline. Kung ano-ano na lang kasi ang pumapasok sa aking utak. Wala naman sigurong maninisi sa kakalatan ko dahil ngayon lang talaga ako nakasalamuha ng lalakeng perpekto! At hindi lang yun, crush niya daw ako! No one can tell me I’m dreaming! No one can tell me I’m a fool! The old tree is my witness! I have evidence carved in that tree!
Siguro ay mga sampung minuto pa ang ginugol ko nang matapos kong iguhit ang tanawin sa aking harapan. Inangat ko ang sketchbook at tagumpay na nangiti. Sinemplehan ko lang naman at hindi gaanong detalyado ang pagkaguhit ko. Gaganda din naman ito kapag nakulayan na.
“I can tell that you love nature.” Bahagya lumapit sa akin para sulyapan ang sketch ko. The appreciation in his eyes were evident when he looked at me. “You may be tone-deaf, but you’ve got some talents too, babe. That’s one heck of a drawing. Ang galing. At ilang minuto mo lang yan nagawa? Kahanga-hanga ka, Maya.”
Ngumuso ako. “Kung sinabi mo lang yan para pagaanin ang loob ko….” Sinalubong ko ang kanyang mga tingin. “…may punto ka naman.” I shrugged my shoulders. “I don’t consider this as a talent but at least, I have something my father could be proud of.”
“Kahit wala ka pang talent, your father is still proud of you.”
“How did you know?”
“I could tell by the way he looked at you. He seemed so fond of you, Maya. I could see the father’s love through his eyes. Something I couldn’t see from my—” He trailed off. “Anyway, mukhang uulan ata.” He looked up.
I bursted into laughter. “Maiiyak na ata ang langit dahil sa walang patid na pagkanta mo.”
“Rather, nagtatampo dahil tumigil ako.” He snickered.
“Tss. Di rin.”
Romano stood up. “Mabuti pa siguro ay umuwi na tayo. Unti-unti na ring dumidilim.” Sa pagsabi niyang iyon ay biglang gumuhit ang kidlat sa kalangitan.
“Pambihira. Ang bilis naman magbago ng panahon. Kanina lang ay maaraw.” Reklamo ko. Kinuha ko muna ang dalawang bote ng tubig na hindi man lang nabawasan bago ako tumayo.
“Ang alam ko’y may paparating na LPA mamayang gabi. Akala ko nga di totoo dahil ang taas ng sikat ng araw kanina.” Sagot nito. Yumuko ito at tinupi ang picnic blanket.
“May LPA? Summer na summer naman kaya?”
“Kaya nga LPA lang at hindi naman daw bagyo.”
Inagaw ko ang blanket sa kanya nang matapos niya iyong tupiin ng maayos.
“Ako na ang hahawak nito.” Ani ko. “Bibitbitin mo pa yang gitara, e.”
“At hahawakan pa kita.” Naglahad ito ng palad at malapad na ngumiti sa akin.
I stood frozen as my eyes remained on his hand. Aabutin ko ba? Bago pa ako makapag-desisyon ay ito na mismo ang kumuha sa aking palad at maingat na hinila ako.
Nakayuko akong nagpatangay na lamang sa kanya palayo sa burol na iyon. Kumibot-kibot ang aking mga labi. Bakit kailangan mag holding hands? Feeling nitong si Romano akala mo dekada na kaming magkakilala! Feeling close ang lalakeng ‘to!
Pero…sa paraan ng pagkakahawak niya sa akin, may pag-iingat at lambing. I could feel his thumb stroking the back of my hand. Sometimes, he would tighten his grip, but it wasn’t painful, nor I find it uncomfortable. In fact, he seemed very protective of me.
“Watch your step.”
“This slope is kinda slippery, be careful.”
“May bato sa gilid baka matisod ka.”
And he just kept going…..napapailing na lamang ako sa kanya.
Hindi pa kami nakakalayo sa burol ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Nilingon ako ni Romano na may pag-alala. Hinila ako nito palapit sa may kalakihang puno. “Pwede tayong sumilong dito pansamantala pero tingin ko’y hindi iyon makakabuti. Mukhang magiging masungit pa ang lagay ng panahon. Hindi dapat tayo magtagal sa area na’to dahil mababa ang lupa dito at mabilis tumaas ang tubig. At isa pa, maggagabi na. We should run, Maya.”
I nodded. “We should.” Literal na nanginig ang katawan ko dahil sa panlalamig.
Inagaw ni Romano ang dalawang water bottles sa aking kabilang kamay at nilagay sa gilid namin. Sinandal din nito ang gitara na basa na rin ng ulan. “Let’s leave them here.”
“Pati gitara mo?”
“Babalikan ko sila bukas. Kung masisira man ang gitara, I can always buy a new one, Maya. Don’t worry.”
I felt sorry for the guitar, but I understood him. I unfolded the blanket at tinalukbong sa aking ulo. “Share tayo dito, Romano.”
Hindi na ito nag-atubili at agad na tumabi sa akin. The blanket was made of plastic, but I knew this wasn’t enough to shield us from getting wetter than we already were. Pero bahala na.
“Ako na ang hahawak ng blanket. Siguraduhin mo na hindi masyadong mabasa ang sketchbook mo.”
“Okay.” I clutched the book and held it on my chest.
“Maya, encircle my waist with your arm and press your side closer to mine. We have to stick together as much as possible.”
Saglit akong nag-alangan pero sinunod ko rin ang utos nito. Hindi ito panahon para mag-inarte. We have to secure each other.
Mabibilis ang hakbang namin pero dahil malakas ang buhos ng ulan at hindi sementado ang daan, napuno ng putik ang mga sapatos namin. Naging madulas at malambot na rin ang lupa. May kalayuan ang burol mula sa kubo kaya tiyak akong bago pa namin marating iyon ay basang-basa na kami.
Both of sighed in relief nang matanaw ang cottage ni Romano. Dali-dali kaming sumilong sa maliit na terrace nito.
“Magpatila muna tayo dito.” Ang sabi nito.
“Hindi ba tayo didiretso na lang sa malaking bahay?”
“Maya, kung hindi mo napapansin, may kalayuan ang malaking buhay mula dito sa cottage. Kapag sinuong natin ang ulan ay baka maaksidente pa tayo. Bukod sa madilim na, baka makasalabong tayo ng mababangis na mga hayop. Walang poste ng ilaw sa daanan. Mas mainam nating gawin ay dito muna tayo sa cottage at kung tumila na ang ulan mamaya, saka tayo umuwi sa bahay, okay?” He opened the door to his little house. Kusa na akong bumuntot sa kanya. Alangan namang sa labas lang ako. Bukod kasi sa malakas ang ulan ay malakas din ang ihip ng hangin. Sinarado ko ang kanyang pintuan.
Romano was busy looking for something in the drawer. Humugot ito ng ilang pirasong damit mula doon at humarap sa akin. He handed the clothes to me.
“These are clean and unused. You’re soaking wet, Maya. Baka magkasakit ka niyan. Gamitin mo muna ang mga ‘to. Feel free to use the bathroom.”
Sa aming dalawa, siya itong basang-basa kaysa sa akin. Akala niya ay hindi ko napansing halos sa akin lamang nakatalukbong ang blanket at mas pinaboran niya ako kaysa sa kanyang sarili. Looking at him now, I knew he was shaking from cold.
Nakatingin ako sa damit na hawak ko ngayon. Kumurap-kurap ako at hindi alam ang aking sasabihin. Kumalabog ang dibdib ko. Why did I feel like we were trap in here?
Romano came forward and ruffled my wet hair. He gave me the sincerest smile I had ever seen from him. “It’s okay. We will be okay. You have me, Maya. I will protect you, no matter what.”
His words and the tonality of his voice were reassuring. He probably saw the fear in my eyes. Kumagat-labi ako at tumango. Pumasok agad ako sa kanyang maliit na banyo. Kung sa ibang pagkakataon, I would have probably taken my time appreciating his bathroom pero dahil alam kong lamig na lamig na ang lalake ay nagmadali ako. Nahulog mula sa aking bulsa ang cellphone. Nawala sa isip kong may cellphone pala akong dala. Pinulot ko iyon at agad na nag-alala na baka napasukan na iyon ng tubig. I sighed in relief nang gumana pa ito pero yun nga, one bar na lang at nang may pumasok na text ay agad na nag-shut down ang aking cellphone. Pambihira naman. Hindi ko tuloy alam paano ko matatawagan si Papa at Tiya para ipagbigay alam ang sitwasyon ko. Makikisuyo na lang ako kay Romano.
I stepped out from the bathroom feeling so awkward. I didn’t have any underwear at tanging t-shirt at boxer shorts lang ni Romano ang suot ko. Ang basa kong mga damit ay pinigaan ko sa banyo. Kahit nilabhan ko ang aking underwear ay hindi ko naman alam kung saan ko iyon isasampay na hindi makikita ng lalake. Hays. Ang hirap naman nito. Kung alam ko lang ay sana dinala ko na rin ang luggage ko dito sa cottage. Wala naman kasing mag-aakala na biglang uulan ng ganito kalakas.
“May sampayan sa terrace. You can hang them there.” Ininguso ni Romano ang damit na hawak ko.
“Ah. Okay.” Alanganin kong sagot at tinungo ang pintuan.
“Malakas ang hangin, Maya. Be careful. Gusto mo ako nalang ang magsampay—”
“Naku, hindi na, Romano. Kaya ko naman.” Agap ko sa kanya sanang sasabihin.
Nagkamot ito sa batok. “Ikaw ang bahala. Maliligo na muna ako.”
“Sige lang.”
“Nga pala.” Hawak nito ang cellphone. “Na-text ko na si Manong Norman. Kanina pa pala umuulan doon sa Lipa. Doon daw siya magpapalipas ng gabi. He was calling you but you’re out of reach.”
“My phone battery has run out.” I answered. “Ano sabi ni Papa?”
“Mag-iingat lang daw tayo.”
Naningkit ang mga mata ko. “Yun lang?”
“Did you expect your father to go berserk? Your mind is running wild, babe. Your father trusts us. Wala naman tayong gagawing masama unless you want to suggest something bad.” He smirked.
“Ewan ko sa’yo! Mang-asar ka pa at hindi ako magdadalawang-isip na suungin ang ulan!”
Humalakhak ito pero hindi na kasing lakas katulad kanina. He cleared his throat and when he swallowed, his face contorted as if he’s in pain. Sinalat nito ang kanyang noo. “I’m gonna get sick.” But the man just grinned.
“Ngising aso ka pa diyan. Maligo ka na kasi!” Tinalikdan ko ito at binuksan ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang sinalubong ako ng malakas na ihip ng hangin. Despite the darkness of the night, I saw the trees being blown back and forth. Their branches were waving about. Ang ibang halaman sa paso na nasa gilid ng cottage ay nagsitumba na. Binilisan ko ang pagsampay sa kabila ng panginginig ng aking katawan. I made sure my clothes were secured at hindi liparin ng hangin.
Pansin kong hindi na malakas ang ulan pero nakakatakot ang tunog at lakas ng hangin. Hindi safe ang manatili talaga sa labas. Nagmadali ako sa pagpasok sa cottage ni Romano and I locked the door. Ang mga bintana ay kanina pa sinara ng lalake.
Gusto ko sanang i-check ang laman ng kanyang ref nang bigla nalang dumilim ang paligid. Napatili ako. It’s so dark!
I instantly hugged myself and closed my eyes. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. I suddenly felt so scared. I didn’t know what to do.
“Romano…. Romano…” My voice shook as I called his name. Gusto kong manakbo patungo sa bathroom kung saan iyon naroroon pero hindi ko maiangat ang paa ko.
I heard the sound of the opening of the door. Finally, I heard the sounds of unlocking, and the door opened. I heard his hurried footsteps.
“Baby, are you okay?”
His fresh, warm breath was fanning through my face and that’s when I opened my eyes. I sighed in relief. Nanghihinang sinandal ko ang aking noo sa kanyang dibdib. Agad ko namang naramdaman ang kanyang matipunong mga bisig na nakayapos sa akin.
“I’m sorry about the blackout. I should have installed a generator. Damn it.”
“I’m okay now.” I finally answered.
Hindi ako nakapalag when I felt his lips landed on my forehead. I think I needed that, too.
“Come here.” He pulled me and I let him guide me. He pushed me slowly by the shoulder and that’s when I noticed I was sitting on his bed.
“Sit here while I prepare something to eat.” Salita nito. “Alam kong gutom ka na.”
“I can help.”
“No, baby. I just want you to sit still. It’s dangerous for you to move around since you’re not familiar with my place yet.”
“Nakakaaninag na ako. Romano. Nakikita n akita ngayon.”
“Let me serve you. Let me serve my crush.” Sinabayan niya iyon ng mahinang tawa.
“Sige na nga.”
“Mabuti na lamang at nasabihan ko ang kasambahay na uuwi ako ngayong araw kaya nakapag-grocery sila.” Rinig kong sambit nito. Nasa kusina na ito at hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngayon.
“Kung may tinapay ka, Romano, yun na lang ang kainin natin. I don’t want you to cook because it’s too dark. It’s not safe.”
“Are you sure? I do have a bread here, but I can’t microwave it. Are you fine eating it cold?”
“Yes.” Anything as long as tumigil na sa pagkalam ang aking sikmura.
Ilang sandali pa ay magkatabi kaming kumakain sa kanyang mesa. He handed me a glass of water at naubos ko ang laman niyon. I burped and Romano chuckled.
“Busog na ikaw?” Malambing na tanong nito.
Namula ako sa tono ng kanyang boses. Mabuti na lamang ay madilim. I pouted but I couldn’t help to grin. I just found him so cute for asking that.
Out of nowhere, naghikab ako.
“Antok ka na? Go and sleep on my bed.”
“Maaga pa para matulog, Romano. At isa pa, hindi tayo dito matutulog. Uuwi pa tayo sa malaking bahay.”
He sighed. “I’m sorry, Maya. It’s not safe to go out there. I think that’s impossible for now. Tiyak akong maraming sanga at mga puno ang nagsisitumbahan sa daan. I don’t think kakalma ano mang oras ang panahon. Tiyak akong hanggang bukas pa ito.” He coughed.
Kumunot ang noo ko. His voice changed. Bahagya na iyong paos.
“Okay ka lang?”
“Yes, of course. Medyo makati lang ang lalamunan ko.”
Hindi ako nag-atubili at agad na sinalat ang kanyang noo. Napapitlag pa ako sa gulat. Ang init niya!
“Jesus Christ, you’re burning!”
“Konting sinat lang ito.”
“Shut up, Romano. Do you have medicine here?”
“None. I have a first-aid kit pero walang gamot doon sa lagnat. Para lamang iyon sa sugat.”
“Hay naku.” Hinawakan ko ang kanyang braso at hinila ito patungo sa kanyang kama. “Sa ating dalawa ay ikaw dapat ang nagpapahinga, Romano. Masama na pala ang pakiramdam mo, bakit hindi ka nagsasabi?”
“I…I…” He trailed off. “I’m not used to having someone take care of me, Maya. When I’m caught under the weather, I just take meds on my own accord and sleep. I don’t really need anybody.”
“Of course, you do, silly! How about your parents? Hindi mo ba sinasabi sa kanila kapag masama ang pakiramdam mo?” I pushed him on the bed at hindi na siya pumalag. I fixed his pillow, grabbed the blanket and covered his body with it.
“I don’t want to disturb them. They’re too busy.”
“Walang busy na magulang sa anak na may sakit, Romano.” Saying that, naalala ko si Mama. Sa kabila ng lahat, inaasikaso ako nito kapag may sakit ako. Only during those times, I felt her love and care.
“Sa sofa ako hihiga.”
“No, please. Lie down beside me. I’m harmless, Maya. I just want to hold your hand. I want to feel your warmth. Please, baby. I beg you.”
He reached for my hand, and I felt him shaking. Gusto kong magmura. Ang taas siguro ng kanyang lagnat.
“May bimpo ka?”
“Sa gitnang drawer.”
Mabilis ang kilos ko. Laking pasalamat ko na may tubig sa gripo. Gamit ang plangganita nitong nakasabit sa dingding ng sink, agad kong pinuno iyon ng tubig at binabad ang bimpo. Pagkatapos ay pinigaan ko ang bimpo at nilagay sa noo ni Romano.
He groaned and just looking at him felt so helpless make my heart constrict in pain. He’s burning. Binanlawan ko ulit ang bimpo dahil nag-init agad iyon.
“I’m so cold.” He murmured.
“You’ll be okay, Romano.” A tear escaped my eyes. I was so weak for this. I was getting hysterical, and my insides were panicking! I wish I could call someone to help but how? Even if I had a chance to ask for help, I did not want to put his people’s lives on the line just to extend a helping hand. Romano would surely disagree.
Pinatong ko ulit ang bimpo sa kanyang noo. I was about to stand up to change the water from the basin, but Romano clutched my wrist.
“Just lie down beside me, Maya.” Paos na sambit nito. “I’ll be okay, I promise you.”
Suminghap ako at narinig ko ang mahinang tawa nito. “Are you crying? I’m not dying, babe. Liligawan pa kita.”
“Puro ka kalokohan.” Marahan at maingat akong humiga sa kanyang tabi.
Ginagap ni Romano ang aking palad at pinagsalikop ang mga daliri namin. Humugot ito ng malalim na hininga. “This is all I need.”
“Sigurado ka okay ka na sa ganito?”
“Well, there’s one more thing I’d like to ask from you.”
“Tell me.”
“Sing for me.”
I squeezed his hand with force. “No. Lalong babagyo, Romano. Lalong magagalit ang langit.”
He shifted on his position. He’s now lying on side facing me. Ang bimpong nalaglag ay hinagis nito kung saan.
“I’ll be fine, Maya. Kantahan mo lang ako.”
I glanced at him. Nakapikit na ang mga mata nito. Siguro ay inaantok na ang lalake. Tumagilid ako paharap sa kanya na hindi inaalis ang pagkakakipit ng kanyang palad sa akin. Bahala na nga.
“I have always been a dreamer
Followed visions of my own
I was born to belong
To the lines of a song
And make them my home
I believe in happy endings
Through I’ve only known a few
For as rare as they are
Like a bright falling star
I found one in you
Sometimes
All the world can seem so friendless
And the road ahead so endless
And the dream so far away
Sometimes
When I’m almost to surrender
Then I stop and I remember
I have you to save my day”
A smile broke on his lips. “That was nice, baby. Thank you.”
“Why are you thanking me?”
“Because I have you to save my day. Because for the first time in my life, I have someone to save my day. Thank you, babe. I hope I save yours, too. I’m no hero but I promise you that I’ll be there whenever you need me. No matter what, I’ll be there.” He breathed.
“For someone who’s feeling feverish, you talk so much, Romano.”
“Hmm…can I hug you?”
“Why would you?”
Hindi ito sumagot at basta na lamang ako hinila palapit sa kanya. My face was literally planted against his chest. Naramdaman ko ang bigat ng kanyang brasong nakadagan sa akin.
“Romano.” I complained.
Agad akong binitawan nito. “Shit.” Tumihaya ito at pagkatapos ay tumalikod sa akin.
“Anong nangyayari sa’yo?”
“Don’t talk, Maya. Let’s just sleep, baby.”
I poked his shoulder. “Hoy, explain mo sa akin bakit ka ganyan.” Ganito ba siya kapag may lagnat? Hindi malaman kung anong gusto at gagawin?
“For the love of God, don’t touch me.”
“Why?”
“Because despite being sick, I’m getting hard, Maya!”
“Ano? Naguguluhan ako, Romano.”
“I don’t want to scare you, babe. Give me a minute, no, give me ten minutes to calm down.”
“Ewan ko sa’yo. Hindi kita maintindihan.” Kumilos ako at tumihaya. Pinakiramdaman ko ang aking katabi. He wasn’t talking nor moving. Siguro ay nakatulog na ito. Ilang sandali pa ay naghikab na ako. My eyes started to flutter close.
“Good night, Romano.” I murmured as I closed my eyes.
I felt something warm press against my forehead.
“Good night, baby.”