I snapped my eyes open. Tumama ang sinag ng araw sa aking mukha at agad kong inangat ang aking palad para harangan iyon. Ramdam ko agad ang hapdi sa aking mga mata. Napaungol ako dahil sa pananakit ng likod. Kumilos ako at nagpalit ng aking posisyon. I lay on my side facing the door, but a high-pitched shriek escaped my throat when I found Tiya Lorna sitting on the single chair. Her arms were crossed over her chest, her expressions blank.
Napahawak ako sa aking dibdib. “Tiya naman, ginulat mo po ako.”
Tumikwas ang kanyang kilay. “Kung tama ang bilang ko ay apat na oras kang tulog, Mira. Mag-aalas tres na na ng hapon, pamangkin. Masama ba ang pakiramdam mo? Hindi ka naman mainit.”
Sinalat ko ang aking noo. “Hindi ba ako mainit, Tiya?”
“Bakit? Mabigat ba pakiramdam mo? Baka nasa loob ang lagnat mo.” This time, concern was visible on her face.
Umiling ako. “Okay naman pakiramdam ko, Tiya. Nagbabawi lang siguro ng pagod at puyat.”
Nanliit ang mga mata nito. “Napagod ka kagabi? Anong ginawa n’yo at napagod at napuyat ka? Umamin ka sa akin, Mirasol!”
Pinagulong ko ang aking mata at unti-unting inangat ang sarili. I leaned my back against the headrest at ngumisi kay Tiya. “Si Tiya Lorna ang dumi ng iniisip.”
“Ay, aba. So, may idea ka na sa kung ano ang nasa isip ko? Isang oras akong naghintay sa mansiyon buhat nung sinundo kayo ng tauhan nila. Ganun ba kalayo ang kubo nung Romano ba yun?”
“Ang lalim siguro ng tulog namin kaya hindi agad kami nagising sa mga katok nung tauhan niya.”
Hinimas ni Tiya ang kanyang baba. “Ipaliwang mong mabuti sa akin ang nangyari kagabi, Mira. At bakit nga ba Maya ang tawag nung binatang yun sa’yo? Itatanong ko sana pero bigla mo akong hinatak palabas ng mansiyon nila.”
“Ipapaliwanag ko sa inyo mamaya, Tiya.” Tamad na sagot ko.
“Ano nga ang nangyari kagabi?”
“Walang nangyari kagabi, tiya.” Pagmamaktol ko. “Ang lakas nga po ng ulan kagabi, di po ba? Hindi kami makauwi sa malaking bahay dahil ang lakas din ng hangin. Nahirapan nga kami sa daan kanina dahil ang daming punong nagsitumbahan.”
“Natulog kayong magkatabi.” It was a statement.
“Wala kaming ginawang masama, Tiya. Nakita mo naman po ang hitsura nung tao.”
“Ay oo. Kitang-kita ko. Gwapo, matangkad, matikas, parang modelo. Parang ang sarap niyang kayakapan. Pero mas kapansin-pansin ang mga lagkit niyang tingin sa’yo, Mirasol.”
“Tiya naman.” Napakamot ako sa aking ulo. I jiggled my knee up and down. Medyo naiinis na ako. “Hindi po yan ang tinutukoy ko.”
“Ay ano baga?”
“He got sick last night, Tiya. Namumutla pa nga yun kaninang umaga.”
“May sakit yun? Yung hitsura niyang yun na mas gwapo pa sa mga artista sa TV? May sakit pala yun?” May pagdududa sa kanyang tinig.
Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa deskripsiyon niya kay Romano. “Opo. Kaya paidlip-idlip lang ang nagawa ko magdamag dahil binantayan ko siya. He was shaking and I didn’t know what to do. Pinupunasan ko lang po siya ng basang towel katulad ng ginagawa ni Mama kapag may lagnat ako.”
“Hmmm….” Hinimas nito ang kanyang baba at nagsalubong ang kilay.
“Magkaibigan po kami. Magkaibigan lang po talaga.”
Tiya Lorna stared at me longer than she should. Pagkatapos ay umiling ito at nanghihinang sumandal sa upuan. Tumitig ito sa kawalan.
“Si Romano ay may dugong Alcantara. Ikaw ay may dugong Cuevo. Bakit pakiramdam ko’y bumabalik ang multo ng nakaraan.” She whispered.
Her voice was too quiet I could barely hear her. “Ang ano po, Tiya?”
She sighed inwardly. “Magkaibigan lang kayo, Mira. Hanggang doon lang.” Her voice was clipped.
Marahan akong tumango. Bakit may himig ng banta sa boses ni Tiya? “Opo. Ganun lang naman po talaga.”
“Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng ama mo para hayaang mangyari ang ganito. Dapat talagang hindi na siya bumalik pa sa buhay niya. Ang tigas ng ulo ni kuya.”
Kumunot ang noo ko. “Tiya, ano bang pinagsasabi n’yo? Buhay nino po? Hindi ko na kayo maintindihan.”
“Mukhang nakikinita ko na ang iyong kapalaran, Mirasol.”
I pointed myself. “Kapalaran ko? Hindi ako na-inform na manghuhula ka pala, Tiya.” Tumawa ako pero hindi man lang makitaan ng ibang reaksiyon si Tiya maliban lamang sa pagiging seryoso nito.
She made a tsk sound. “Pag-uwi ng ama mo ay kakausapin ko ito. Bumalik ka na lang kaya sa Maynila, Mira?”
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. “Tiya naman. Kahapon lang ako dumating tapos pauuwiin n’yo ako pabalik ng Maynila? Para na kayong si Mama niyan. Tsaka hindi po ba naikwento ni Papa sa inyo na nagtalo sila at mukhang hihiwalayan niya na ng tuluyan si Mama?”
“Ano?” Napatayo si Tiya Lorna. Sapo nito ang bibig. “Bakit sila maghihiwalay? Dahil ba kay—hindi. Hindi dahil sa kanya. Mahal ng iyong ama ang iyong ina, Mira. Hindi ako maniniwalang hihiwalayan ng Papa mo si Sylvia.” She fished her phone from her pocket. “Kukumpirmahin ko ito mula sa iyong ama. Bumangon ka na diyan at mag-merienda, Mira. Hindi mo na nagawang magtanghalian. Pagkatapos mong maligo ay naabutan kitang tulog diyan sa higaan mo. Halos hindi ako magkandaugaga sa pagpapatuyo ng buhok mong bata ka.” She walked towards the door, but her attention was on her phone.
“Hindi pa ba nakakauwi ang Papa, Tiya?”
“Pinapahupa pa daw niya ang baha doon sa Lipa. Ang huling text niya kaninang umaga ay masyado pang mataas ng tubig.”
“Okay lang daw ba siya doon?”
“Nakakapag-text naman ang Papa mo so malamang, okay lang siya.” She answered in a clipped tone before she exited the bedroom.
Anyare kaya dun? Biglang sumama ata timpla ni Tiya nang binanggit ko ang posibilidad na maghihiwalay na ang aking mga magulang. Ako lang ba ang anak na mas matutuwa kung maghihiwalay ng tuluyan ang mga magulang? There’s no point staying in a toxic relationship. Dapat nga noon pa sila naghiwalay. I’d rather want to see my father happy without her than seeing him suffer and getting hurt for staying with her.
I sighed. Ayaw niya ba na maghiwalay ang mga magulang ko kahit aware naman siya sa treatment ni Mama sa amin ni Papa? O baka wala lang talaga ito sa mood. Nasa menopausal stage na siguro ito. Pero hindi, a. Nasa mid-forties pa lang si Tiya.
Tuluyan akong tumayo at saglit na nag-inat. Ang haba pala ng naiidlip ko. Apat na oras? May maitutulog pa kaya ako mamayang gabi niyan?
Sumagi sa balintataw ko si Romano. Kumusta na kaya ang lalakeng yun? Inaya niya kami ni Tiya na mag-almusal muna bago umalis pero dahil umiwas ako sa kumplikasyon at komprontasyon, I declined his offer at hinatak si Tiya kasabay ng mga gamit ko palabas ng mansiyon. Hindi na nga ako nakapagpaalam ng maayos. Hindi ko rin naitanong kung bumuti na ba ang kanyang pakiramdam. Kasi nung sinundo kami ng tauhan niya kaninang umaga, pareho kaming hindi na nagkibuan.
Tumunog ang cellphone kong nakapatong sa mesa na katabi ng aking kama. Kinuha ko iyon at napakunot ang aking noo. I received a text from an unknown number. Using my thumb, I swiped down the screen to read the whole message.
: Hi, crush. Thank you for taking care of me last night. Alam kong hindi ka nakatulog ng mabuti dahil sa pag-alala sa akin. It’s me.
My eyebrow raised. Saan niya nakuha ang number ko?
Umupo ako sa dulo ng aking kama at may sumaging kapilyahan sa aking isip. It’s me, it’s me ka pang nalalalaman diyan ha. I hit the reply button. I didn’t pay attention to the fast beating of my heart.
: Sino ‘to? Hindi crush ang pangalan ko.
I pressed the send button, and it did not take a minute before I received a reply from him.
: I know. But you’re my crush. In fact, I’ve been crushing on you since the second our eyes met. Sino ako? Ako lang naman ang future mo.
I snorted then giggled. Wait, bakit daw ako natatawa at kinikilig? I covered my mouth with my hand. “Stop giggling, Mirasol!” Kastigo ko sa aking sarili. “Ang landi, landi. Ang babata n’yo pa ha. Bad yan.” Bulong ko.
: Future mo mukha mo. Tigilan mo ako.
: I’m bored and I miss you, babe. Will you come and visit me?
: Romano, I can’t. Kakagising ko nga lang, e. Teka nga, saan mo nakuha ang number ko?
: From your father. We’re text mates na kaya. Kinukuha ko loob ng Papa mo para pag nagpaalam na ako, payagan niya akong ligawan ka.
: Romano ha, wala ka na nga sigurong sakit dahil nagagawa mo nang mambwisit sa akin.
: Nambubuwisit ako? I was just telling the truth. At alam ko naman na crush mo rin ako.
: Ha ha. Dream on.
: Babe, I can feel it. You like me, too.
: That’s not true.
: Watch me. I’ll prove you wrong. Kung hindi ka pupunta dito, pwedeng ako na lang ang pupunta diyan sa’yo?
: What? Dito sa bahay?
: Hindi. Sa puso mo
: Umayos ka ng sagot, Romano. Sarap hambalusin yang smiley mo.
: Maayos po ang sagot ko babe ko. Pupuntahan na lamang kita diyan. Uhm. Actually….
: Actually…...?
: Nasa tapat na ako ng bahay mo. See you in a bit. Mwah!
Ano daw? Pinagloloko talaga ko ng lalakeng yun. May sakit pa kaya yun. Tsaka hindi naman nun alam kung nasaan ang bahay ni Tiya. I checked my messages at walang ni isa na galing kay Papa o di kaya kay Mama. Expected ko na si Mama dahil hindi naman talaga yun nagtatanong sa kalagayan ko, pero nakakapagtakang hindi man lang ako kinumusta ni Papa. Tamad na nilapag ko ang cellphone sa aking tabi.
“Mira!!!!” Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Napatalon ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat. Humahangos si Tiya Lorna nang bumungad ito sa akin.
“Tiya, bakit ano pong problema?” Taranta kong dinaluhan ito. Hawak ni tiya ang kanyang dibdib at medyo namutla ito. Kinabahan ako. May nangyari kayang masama kay Papa?
Sunod-sunod itong humugot ng malalim na hininga. May tinuturo itong kung ano sa labas. “Anong ginagawa ng batang yun dito? Akala ko ba may sakit yun?”
“Po?” My eyes almost popped out of its socket. Nasa labas ng bahay si Romano?
“Si Romano, nasa labas.” Pinasadahan nito ang aking suot. “Magbihis at magpaganda ka. Maghilamos ka! Namamaga yang mga mata mo. Magsuklay ka rin babae ka! Para kang bruha diyan sa buhok mo, Mira. Ipa-rebond mo nga yan. Bilisan mo at papasukin ko na ang batang yun. Nakakahiya. Hindi pa naman ako nakapaglinis pa ng bahay. Bakit ba kasi ako tinamad e, wala naman akong ginagawang importante. Teka, kumakain ba yun ng ordinaryong pagkain? Naglaga kasi ako ng saba dahil alam kong paborito mong merienda iyon. Umiinom kaya yun ng soft drinks? Iced tea lang ang meron sa ref natin, diyos ko.” Tutop nito ang kanyang noo.
“Sandali nga po, Tiya!” Malakas na boses na sambit ko. Pati ako’y natataranta sa kanya. Bakit siya nagkakaganito?
“Kumalma nga po kayo. Si Romano lang yan, Tiya. Hindi naman siya importanteng tao.” Sabi ko sa kanya pero ang totoo, sinasabi ko iyon para sa aking sarili. Ang totoo, kabado din ako at parang may naghahabulang mga daga sa aking dibdib. Ano ba kasi ang pumasok sa utak ng lalakeng yun at pumunta pa talaga dito?
“Importanteng tao siya, Mirasol. Wala kang idea kung gaano ka-makapangyarihan ang angkan nila.”
Ngumuso ako. “Bakit, Tiya. Kung eestimahin ba natin siyang mabuti ay bibigyan niya tayo ng milyon?” Ngumisi ako at kurot sa tagiliran ang ganti ni Tiya sa akin.
“Umayos kang bata ka. Anak siya ng pinagsisilbihan ng ama mo, baka nakakalimutan mo.” She sighed and her expressions changed. Hinaplos nito ang aking buhok. “Mapaglaro talaga ang tadhana. Mukhang hindi na talaga maiiwasan pa. Ipapaalala ko lang na mga bata pa kayo, Mira. Kung magkakagustuhan man kayo, walang problema sa akin pero magtapos muna kayo ng pag-aaral at tuparin n’yo muna ang mga sarili n’yong pangarap. Ano mang balakid ang dumating sa inyong dalawa, andito lang ako para suportahan kayo.”
Humagalpak ako sa tawa. “Pinagsasabi mo, Tiya. Ang gulo-gulo n’yo pong kausap. Magkaibigan lang po kami ng lalakeng yun.”
Sa gulat ko, niyakap ako nito. “Baka sa henerasyon na ito ay makamit n’yo na ang tunay na kaligayahan. Ang kaligayahan sa piling ng isa’t isa.” She whispered above my head.
I felt uncomfortable with the way she spoke. She seemed sad and happy at the same time. Hindi ko lubusang maipaliwanag. Kaligayahan sa piling ng isa’t isa? Nakakaloka ang mga pinagsasabi ni Tiya. Hindi kayang i-absorb ng utak ko. Gusto ko pa sanang magsalita pero pareho kaming nabulabog sa boses mula sa labas.
“Tao po! Tao po!”
Tiya Lorna made a light chuckle as she quickly drew back from me. “Nakakatuwang ang Alcantara ang laging gumagawa ng hakbang para amuin at paibigin ang Cuevo. Kahit naman kasi hindi tayo galing sa marangyang pamilya, mga disente tayo at may hitsurang maipagmamalaki.” Tiya Lorna flipped her hair and then cupped my cheeks. “At sino naman ang hindi mahuhumaling sa mukhang ito? Napakaganda mo, Mirasol.”
“Tiya.” Napapadyak ako sa aking mga paa. “This conversation is so weird. At saka pag narinig ni Krizette yan, tiyak akong magtatampo iyon sa inyo.”
“Hayaan mo yung pinsan mo na yun. Alam naman nun na nagsasabi ako ng totoo. Partida, hindi ka pa ganap ng dalaga sa lagay na yan, pamangkin. Kaya hindi rin ako magtataka kung bakit ganun na lang kung proteksiyunan ka ng Mama mo. Alam ko naman kung bakit hinihigpitan ka niya e, dahil iniisip lamang nito ang iyong kaligtasan. Sandali at lalabasin ko lang ang batang yun. Baka nabagot na yun. Nakita ko pa lang sa siya sa kalsada e nagtatakbo na ako papasok ng bahay. Dito na kaya siya maghapunan? Bibili akong lechon manok sa Talipapa. Kumakain kaya siya nun?”
“Aba’y malay ko po. Bakit hindi siya ang tanungin n’yo, Tiya. Ano po bang malay ko sa mga hilig ng lalakeng yun.” Ngumungusong sagot ko.
“Hay naku. Mag-ayos ka na at wag kang magtatagal ha.”
“Opo. Nga pala tiya, Maya ang itawag n’yo sa akin.”
Namewang ito sa aking harap. “Bakit nga pala Maya ang tawag sa’yo ni Romano? Nagsinungaling ka sa kanya?”
“Opo. White lies naman po kasi yun. Basta ipapaliwang ko nalang mamaya, tiya.”
“Hay naku na bata ka. Hindi na nga lang kita tatawagin sa pangalan mo. Pati ako’y nadadamay diyan sa kalokohan mo na yan.” Tuluyan na itong lumabas ng aking silid.
Ang weird ni Tiya. Kanina lamang ay binalaan niya ako na hanggang pagkakaibigan lang ang dapat mamagitan sa amin ni Romano tapos ngayon, gusto pa akong magpaganda sa harap ng lalakeng yun? Saan ba ako lulugar? Hmmp. Naka-pajamas naman ako. Disente akong tignan. Baka kung mag-ayos ako, isipin pa ni Romano na talagang nagpapaganda ako para sa kanya. Tss. Siniswerte siya.
Naghilamos lang ako at nagsuklay ng buhok. I gathered my hair and clipped it using my big clamp. Inabutan ko ang nakatalikod na pigura ni Romano na nakatayo habang nakatanaw sa mga display pictures sa payak na sala. Sa gilid ng aking mata ay kita ko si Tiya na nagsasalin ng iced tea sa mga baso. When she looked at me, I could see the disappointment in her eyes. Ngumiwi lamang ako. Hindi ko kasi sinunod ang gusto nitong mag-ayos daw dapat ako.
“Anong ginagawa mo dito?” Masungit na tanong ko. Kalmadong umikot si Romano paharap sa akin. I made a step back. Hindi ako prepared sa lakas ng arrive ng lalakeng ‘to.
He looked so dashingly fresh and all around attractive with his simple white T-shirt and frumpy jean shorts. His eyes shimmered when he gazed at me. Hindi na mababakas ang putla sa kanyang mukha. In fact, he’s glowing.
“Hi, babe.” Masigla nitong bati. I heard something dropped from the kitchen. I didn’t need to know what happened. Tiya Lorna obviously heard it. Siguro sa gulat ay nabitawan ang tray.
“Walang nabasag, walang nabasag.” Natatawang sambit pa ni Tiya.
Inirapan ko si Romano. “Babe ka diyan. Ano nga kako ginagawa mo dito? Wala ka na bang sakit? Hindi ka na ba nilalagnat?”
Romano shook his head. Kinuha nito ang aking kamay at nilagay sa kanyang noo. “Hindi na ako manit. I’m feeling well. Ang galing kasi ng nurse ko kagabi.” He grinned boyishly.
I rolled my eyes at him. “So, ano nga ang ginagawa mo dito?”
“I just missed you. May dala rin pala akong basket ng prutas at iilang gulay na naharvest ng mga tauhan nung nakaraang araw. Binigay ko na kay Tiya Lorna.” Sumulyap ito sa kusina at nilingon ko rin si Tiya. She smiled shyly at tila namula ang mga pisngi nito.
Lumapit ito sa amin na bitbit ang tray. “Mag-merienda muna kayo.”
Romano, the ever gentleman, agad namang tumalima at kinuha ang tray mula sa mga kamay ni tiya. “Salamat po dito, Tiya. Tamang-tama po, medyo gutom ako.”
Tiya Lorna’s face lit up. Taimtim itong tumitig sa lalake. Ang pagkamangha ay hindi sapat para i-describe ang reaksiyon nito.
“Salamat, hijo.” She smiled brightly. Parang nabato balani si Tiya. I facepalmed. Parang ibang tao na ngayon ang aking tiyahin. Hindi ko akalaing aakto ito ng ganito. She sternly gawked at Romano as if she couldn’t believe the man was real.
Nilapag ni Romano ang tray. Pagkatapos ay inabot nito ang aking kamay at hinila patungo sa sofa. Nang maupo ito ay nadamay na rin ako. Siniko ko ito. “Feeling at home ka, a.”
“Naku, hijo. Wag mong intindihin ang pamangkin kong iyan. Please feel at home. Sana ay kumakain ka ng nilagang saba, Romano. Pero kung may gusto kang kainin ay sabihin mo lang sa akin. Malapit lang naman ang Talipapa, kayang-kaya kong takbuhin.”
Malapit lang ang Talipapa? E, nasa bayan pa yun, a! Kailangan pang sumakay ng tricycle para makarating doon. Kung lalakarin ay siguro uubos ng kwarenta minutos.
Aangal sana ako pero naunahan akong magsalita ni Romano. “Okay na po ito, Tiya. Hindi naman po ako maselan sa pagkain tsaka paborito ko rin itong kainin. Isa ito sa mga namimiss ko kapag nasa ciudad ako.” Magalang na sagot nito.
Tiya Lorna dramatically clutched her chest. “Nakakatuwa ka naman, hijo. Mas lalong nadagdagan ang paghanga ko sa’yo. Sige, kain lang kayo. Kumain kayo ng marami. Ako’y sa likod lamang at hahanguin ang mga sinampay na hindi natuyo kahapon dahil sa panahon. Pero magaling ka na ba talaga?”
“Magaling na po talaga ako, Tiya. Thanks to her.” He glanced at me.
“Magaling talaga mag-alaga yang pamangkin ko, Romano. Maasahan mo yan sa lahat ng bagay. Bukod sa maganda na, ay mabait pa. Nasa lahi talaga yan namin.” Malapad ang ngisi ni Tiya.
“Tiya….” Protesta ko. Pulang-pula na tiyak ang aking mukha. Parang gusto ko na lang bumuka ang sahig at magpalamon ng kusa. She’s practically giving me away!
“Kaya nga po sa unang beses na nakita ko siya ay nahulog na agad ang loob ko sa kanya. I really like your niece, Tiya Lorna.”
Napamaang ako sa sinabi ni Romano. Pati ang tiyahin ko ay natigilan at nakangangang nakatitig sa lalake.
I managed to pull myself together. I lightly hit him on the shoulder as I chuckled nervously. “Puro ka kalokohan, Romano.” Sunod-sunod akong napasinghap. Parang nahihirapan akong huminga dahil sa gulat. I did not expect him to be this blunt and straightforward. Kinabahan din ako sa reaksiyon ng aking tiyahin.
Tiya Lorna cleared her throat. She seemed uncomfortable standing in front of us. “Mga bata pa kayo. Nasa getting-to-know each other stage pa kayo, hijo. Wag sana kayong magmadali. Gusto ko lang din linawin sa’yo na hindi ako sang-ayon na magkasama kayo ng pamangkin ko magdamag kagabi. Sa mata ng Diyos at mata ng tao, ito ay hindi kanais-nais. Pero alam ko naman din na hindi iyon maiiwasan dahil sa masama ang lagay ng panahon. Pero sana ay hindi na iyon mauulit pa. Kahit naman sabihin ko na may tiwala ako sa pamangkin ko at sa’yo na rin, hindi ko pa rin maiwasang mangamba.”
“Makakaasa po kayong hindi ko sasaktan at gagawan ng masama si Maya, Tiya. I respect her a lot. I’m aware that we’re still young and I’m willing to wait for her until she’s ready.”
“Tatlong taon pa ang hihintayin mo, hijo.” Pabirong sagot ni Tiya.
“It doesn’t matter po. Even if it takes eternity, I will wait for her.”
“Bakit?” Halos sabay na tanong namin ni Tiya. Tong lalakeng ‘to kung magsalita akala mo matured na. May pa-eternity eternity pang nalalaman.
Romano shifted on his seat and faced me. He held my hand and squeezed it gently. He looked me in the eyes, and I became breathless.
“Because I know you’re worth it, Maya.”
Nakakatitig lamang ako sa kanya. I wanted to say something, but I couldn’t find my tongue. I couldn’t even gather my thoughts. In that moment, I was lost—through his words and in the way he stared at me.
“Tiya Lorna, pwede ko po bang ayain si Maya na mamasyal sa tabing-dagat pagkatapos naming mag-merienda? Hindi po kami magtatagal. Ibabalik ko po siya ng buo bago dumilim.”
Tiya Lorna blinked her eyes. She opened her mouth only to closed it in a matter of second. She nodded as a response instead. Kumunot ang noo ko nang mapansing nangingislap ang mga mata ng aking tiyahin. Tila ba ay naiiyak ito. Bago ko pa malaman ang kasagutan, nagpaalam ito sa amin at nagmamadaling tinungo ang kusina. Ano kaya nangyari dun?
Hinarap ko si Romano at tinampal ang kanyang braso. “Loko ka, a. Umayos ka nga, Romano. Kung ano-ano pinagsasasbi mo diyan. Sumama pa ata ang loob ni Tiya Lorna sa atin.”
Romano innocently scratched the back of his head. He pouted. “I was just being honest, babe. I don’t see anything wrong with it.”
Minabuti ko na lamang ang hindi na umimik. Dahil tingin ko, bawat salitang lalabas sa bibig ni Romano ay magiging dahilan ng pagka-abnormal ng t***k ng aking puso.
**********
“Motorcycle? May dala kang motor?” Laking gulat ko na sa paglabas namin sa bahay ay may motorsiklong nakahimpil sa gilid ng kalsada.
Dalawang helmet ang nakasabit doon. Kinuha ni Romano ang isa at puno ng pag-iingat na nilagay sa aking ulo.
“Wait lang, Romano. Paano ka nakakapag-message sa akin kanina kung nag-motor ka papunta dito?”
Romano wickedly grinned. “Halos isang oras akong nakahimpil dito sa tapat ng bahay n’yo. Nung nag-message ako sa’yo, nakaupo lang ako dito sa tabi.” Tinuro nito ang imburnal sa gilid ng kalsada.
“Ano?” Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa kanya. Seryoso ba talaga ito o nagbibiro lang?
“Nung nakita kong bumaba ng bahay ang tiya mo at magwawalis ata siya ng bakuran, nagpakita na ako. Kaso, nagtatakbo si Tiya paakyat sa bahay n’yo. Muntik pang mahulog sa hagdan. Ang cute.” He chuckled.
Pati ako ay natawa na rin. Nai-imagine ko ang hitsura ni tiya na parang nakakita ng multo kanina.
“Saan nga ulit tayo pupunta?”
“Sa Malabrigo Beach. Malapit lang iyon. Nasa dulo ng lupain ng Alcantara.”
“E di malayo yun. Halos pagmamay-ari n’yo daw ang buong lupain dito, e.”
“That’s absurd. Kalahati lang, ang alam ko.” May himig na pagmamalaki sa kanyang boses.
“Pssh. Yabang. Oo na, ikaw na mayaman.”
“Ang mga magulang ko lang, hindi ako.”
“Humble ka na sa lagay na yan? Teka nga, you’re not eighteen yet. Are you even allowed to drive or in this case, ride a motorcycle? Wala ka pang driver’s license noh?”
“Okay lang yan, hindi naman uso dito sa probinsiya. Walang nanghuhuli dito. Ang mahalaga, rehistrado ‘tong big bike ko.” Tawang sagot nito. Sumakay na ito sa motor niya. He looked at me over his shoulders. “Hop on my bike, babe.”
“Is it safe, Romano? First time kong sumakay ng motor.”
“My Harley-Davidson is safe to ride, babe. And besides, I’m here. I won’t let anything happen to you.”
Nagdadalawang-isip man ay umakyat pa rin ako sa kanyang motor. Kumapit ako sa kanyang balikat para makabalanse at maging komportable.
“You okay?”
“I think I’m good.”
Kinuha ni Romano ang aking mga kamay mula sa kanyang balikat at binaba niya iyon sa kanyang baywang. “Hold me tight, and don’t ever let go, Maya.”
I swallowed as I nodded. Niyakap ko ang kanyang baywang at siniksik ang sarili sa kanyang likod. I felt him heave a deep sigh. Ilang sandali pa ay pinaandar na nito ang motor. I closed my eyes as we took off. Sa umpisa ay kabado ako pero habang tumatagal, naging kampante na ako at nagawa ko nang buksan ang aking mga mata. Pero sa kabila ng pagiging komportable ko, hindi ko magawang lumayo kay Romano. I was still hugging him from behind, my right cheek pressing hard against his solid back. I wouldn’t dare let go from hugging him until we reached our destination.
“Wow!” The first word that escaped my lips when we arrived at the beach. “Ang ganda naman dito!” Mabilis akong bumaba sa kanyang malaking motor at tumanaw sa payapang dagat. Hindi na masakit ang sikat ng araw dahil dapit-hapon na. May nakikita akong iilang tao sa baybayin sa kalayuan. The beach wasn’t as crowded as I thought it would be.
“Glad that you like it.” Romano was standing behind me.
I was about to turn around to face him, but I gasped when I felt his strong arms snake around my waist. He placed his chin on my right shoulder.
“My turn to hug you from behind, babe.” He whispered huskily.
I gulped down. Nakayuko ako at pinagmasdan ang maugat nitong mga brasong nakayapos sa aking baywang.
“You’re so soft and fragile that I’m scared that if I squeezed you more, you’d break.”
Lumakas ang ihip ng hangin. Ngayon ko lang din napansin ang aliwalas na panahon, malayong-malayo sa kahapon. My hair was being blown by the wind. Romano let me go and gathered my hair in his hands. He rested them on my other shoulder.
He clutched my shoulders at pinihit niya ako paharap sa kanya. I was in trance. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Hinawakan ni Romano ang aking baba at inangat niya iyon. I had no choice but to tip my head and meet his deep brown eyes.
There was something in the way he looked at me. Bumaba ang mga mata nito sa aking mga labi. I saw his Adam’s apple bobbed up and down from swallowing.
Tumigil sa pagtibok ang aking puso when he lowered his face. Ano ang kanyang gagawin?
Palapit ng palapit ang kanyang mukha sa akin. Gusto kong ibaling ang mukha sa ibang direksiyon pero hindi ko magawa. I was paralyzed. His intense gaze was hypnotizing me. When the tip of his nose touched mine, I shivered and closed my eyes. Then, I felt his warms lips on my forehead. Using his thumb, he traced the outline of my lower lip. It was then I opened my eyes.
“I’m dying to kiss and taste these luscious lips of yours, babe. But you’re not ready for me yet.”
I couldn’t help but to stare at his mouth, as well. “How—how will I know when I’m ready?”
I saw a ghost of smile lurking at the corner of his lips. “When you’re ready to call me yours.”