“Miss, alam mo bang pwede kitang ireport sa pulis? This is a private property and you entered without permission.” Bakas ang iritasyon sa kanyang boses. His fists were planted on his hips.
I covered my chest with my arms. Kahit nakalubog sa tubig ang aking katawan, nag-aalala pa rin ako na baka maaninag nito ang aking kahubdan. Kahit ba may kapirasong tela pa akong suot, pakiramdam ko’y wala na akong maitatago sa lalakeng nakatayo na animo hari sa pampang ng ilog.
“Nasisiraan ka na ba ng bait, Miss? Anong pumasok sa utak mo para maligo dito nang mag-isa and worse, nakahubad ka pa?”
“Hindi ako nakahubad! I have my underwear on!” Pasigaw na sagot ko. Bakit sa tono ng boses nito ay parang pinapahiwatig niyang sinadya kong maghubad?
“Ipangalandakan mo pa. Sumigaw ka pa diyan para malaman ng lahat ng tao na may dalagitang nangahas manghimasok dito.” Banta nito. “Don’t you know? My land helpers are all men, and they could easily wander down here and find you like this.”
I almost rolled my eyes. Didn’t I know it!
Hindi ko na alam paano pa lulusot. Nawawalan na ako ng pag-asa. Dahil nahuli na ako, ayokong balikan pa ako ni Krizette at baka pati ito ay mapahamak pa. Baka mas lalong mairita ang lalake kapag nalaman nitong dalawa kami ng pinsan ko ang nangahas na pumasok sa kanyang pribadong lugar.
If this was his property, did it mean that this man, the youngest Salvatore? The one my father would pick up from Batangas Pier? Kung ganoon ay nandito na din si Papa sa lupain ng Alcantara! Akala ko ay mamayang gabi pa!
Diyos ko, paano kung umuwi na ito sa bahay at malamang wala ako doon? Or worse, makasalubong ni Papa sa daan si Krizette at malamang nandito ako sa ilog na pag-aari ng amo niya!
Oh, no! Mas lalong hindi ako pwedeng magtagal pa dito. Kailangan ko nang makaalis bago pa ako isumbong ng lalakeng ito sa awtoridad.
“Ano..uhm…kuya ano…uhm… ano nga pangalan mo?” Nanginig ang mga labi ko. Lamig na lamig na ako.
“Ku…ya?” His tone was low, but why did I sense some annoyance in his voice?
“Kuya. I’m pretty sure you’re older than me.” Sagot ko nang pabalang.
“Don’t call me ‘kuya’. We’re not siblings.” Matigas na tonong sambit nito.
Ngumuso ako. Suplado. Just because I called him ‘kuya’ didn’t mean to say we’re blood related! Para namang perstym niyang may tumawag na ‘kuya’ sa kanya? Imbes na suplahin ito ay minabuti ko na lamang ang magpasensiya pa sa pagiging antipatiko nito.
“Ano kasi. Ikaw ba may-ari ng cottage na iyon?” Ininguso ko ang cute na bahay sa di kalayuan.
Nilingon ng lalake iyon. “Bakit?”
“Baka may extra kang T-shirt sa bahay mo. Pwede ko bang mahiram?” Hindi ko pansin na unti-unti akong humakbang palapit sa riverbank, kung saan nakatayo ang lalake. “Kailangan ko na kasing umuwi. Tiyak akong hinahanap na ako ng tatay ko.”
“Do you think I will let you walk out that easily?” He crossed his arms over his chest.
I prided myself for having great patience and endurance, pero ewan ko ba, konting kibot ng lalakeng ‘to naiirita na ako. Ipapakulong niya ba ako? I was still minor! There’s no way I could be imprisoned for trespassing!
Tiyak akong may naglalabasan ng usok sa ilong at tainga ko. I tipped my head back and now that I was closer, I finally got to see his face in daylight. Yes, in daylight because the dark clouds were gone, and rays of the sun shone upon him, creating a shimmering effect on his fair skin.
My eyes landed on his scowling face. Salubong ang kilay nitong nakayuko sa akin. Air left my lungs when I realized how handsome he was. He was drop-dead gorgeous—the kind of face fitting for a heartbreaker.
His eyes were scanning thoroughly on me. I blushed and dipped my head as I hugged myself more.
“I’m… I’m really sorry for invading your private property, mister. Hindi na talaga mauulit. But please, I really want to go home now.” I suddenly felt so helpless. I did not think Krizette would come back any time soon.
He heaved a deep sigh. At ewan ko ba kung bakit gumaan ang pakiramdam ko sa buntong-hininga niyang iyon.
“You’re so careless, miss. You shouldn’t be wandering or swimming around here alone. The thought that some of my men might catch a glimpse of you like that…” He cursed, his hands turning into fists. Another sigh escaped from his lips as he ran his fingers though his brown hair.
“I don’t think I have a spare shirt in my cottage. My things are still in the main house—”
His words were halted when we heard voices laughing. Ang lakas ng mga halakhak ng mga iyon na tiyak akog nagmumula sa grupo ng kalalahikan.
My eyes grew wide. The man in front me got panicked. “They’re on their way here! Magtago ka!”
Nagpalinga-linga ako. Saan naman ako magtatago? Sa ilalim ng tubig?
“Dito.” Ani ng lalake. He pointed out the side of the riverbank. “Stay here and make sure na nakalubog pati kalahati ng ulo mo. Sasalubungin ko sila para hindi sila makalapit dito.”
Sinunod ko ang sinasabi nito. Mas lumapit ako sa gilid ng pampang, malapit sa paanan niya at mas nilubog ang sarili sa tubig. Hinagis ng lalake ang shorts ko na tumama sa aking ulo. Gusto ko sanang magreklamo dahil baka masira ang cellphone ko pero nang maalalang iniwan ko pala iyon sa bahay ay pumanatag na lamang ako. Pero yun nga, pati shorts ko ay basa na rin. I heard him scampering away.
“Romano! Dumating ka na pala.” I heard a man speak. Romano? Was that his name? Hmm…very fitting for a mysterious guy like him.
“Oo. Kani-kanina lang.” He replied in a friendly tone. I subtly scoffed. I never heard that tone from him when he talked to me.
“Saan ka ba nanggaling niyan? Sa Maynila o sa Palawan?” Tanong ng isa.
“Sa Palawan, Estong. May pinag-utos lang si Papa. Hindi pa kasi sila makauwi ni kuya.”
“Taon na siguro buhat nang huli kong makita ang Senyor at si Alejandro. Madalang lang sila kung magawi dito, ano.”
“Hindi kasi ito pag-aari ni Papa at hindi niya rin ito prioridad. Ayaw namang bitawan ni Mama kahit marami pa siyang negosyong hawak.”
“Nako, Romano. Kapag binitawan ni Senyora ang pabrika at ang lupain na ito, paano na lamang kami? Dito ang hanap-buhay namin.”
Romano laughed. “Wag kayong mag-alala, andiyan naman si tito Bernardo at mga pinsan ko na magaling mamalakad ng mga lupain. Tiyak akong pati ang pabrika sa Lipa ay hindi pababayaan ng angkan ni Mama kung sakaling bitawan niya ito, kahit malabo iyon dahil mahal ni mama ang Batangas.”
I wanted to peek at them pero sa takot na baka mahuli nila ako, minabuti ko na lamang na magtiis dito sa aking kinalalagyan kahit na ba pumapasok na sa ilong ko ang tubig.
“Pauwi na kami. Baka gusto mong tumambay muna sa bahay? Birthday ni Kardo at magpapainom daw siya.” Halakhak ng isa.
“Kaarawan mo, Kardo?” I heard him ask. Kailan pa ba sila aalis? Nangangati na ang ilong ko.
“Oo, Romano. Nakakahiyang imbitahin ka. Konting salo-salo lang ang kaya ko.”
He laughed. “Susubukan kong dumaan sa bahay mo mamaya.”
“Sige ba.”
“Kwentuhan na lang ulit tayo sa susunod. May gagawin pa din akong importante.”
“Ano iyon? Baka makatulong kami? Hindi ka ba komportable sa cottage? May sira ba at kukumpunuhin namin habang nandito pa kami.”
“Ah. Wala naman. Okay naman. Ibang bagay ang tinutukoy ko.”
“Sigurado ka ha. O siya sige. Mauna na kami sa’yo, Romano. Ipatawag mo lang kami kung kailangan mo ng tulong.”
Unti-unting humina ang mga boses at pati mga yabag ng mga tauhan nito. Nangangahulugan lamang na nakaalis na sila. I sighed in relief at naubo pa ako dahil napasukan ng tubig ang bibig ko.
“Psst…humihinga ka pa naman siguro diyan.”
Muntik pa akong mapatalon sa gulat. I looked back and found him in a sitting position. Nakapangalumbaba ito at aliw na aliw n niyuko ako.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. He was so close I swore he could peek at my almost naked body!
“Lumayo ka nga! Manyak ka siguro!”
Nalaglag ang panga nito at pagkatapos ay bumalanghit ng tawa. He pointed at himself. “Ako, manyak? Kung manyak ako, may taste naman siguro ako. Namimili pa rin ako ng mamanyakin. And I assure you, hinding-hindi kita pagkakainteresan. You’re far from being desirable.” Pumalatak ito at umiiling-iling. “At isa pa, ang bata-bata mo pa. Pero kung adik ako, tiyak akong may paglalagyan ka. Pasalamat ka na lang talaga, young miss.”
“Young miss mo mukha mo.” Bulong ko sa hangin.
Tumayo at tumalikod. I thought he was about to leave but the next thing he did made me speechless. Hinubad lang naman nito ang suot na T-shirt. His sparkling skin almost blinded me.
“Alam kong lamig na lamig ka na diyan. Umahon ka na at tatalikod lang ako. I won’t peek. I’m not interested in your unripe body. You’re not my type in the first place. Get yourself descent and wear my shirt.”
“Dapat ba kitang pagkatiwalaan?”
He scoffed. “Young miss, madali naman akong kausap. Kung ayaw mong tulungan kita at mas nais mong isumbong kita sa awtoridad—”
“Kung gusto mong pagkatiwalaan kita, wag mo akong isumbong.” Ngumungusong saad ko.
“Hmmm…I really don’t care if you trust me or not. One thing I’m certain though, I don’t trust people like you. You’ve invaded my property without consent. That says a lot about you, miss. Pero sa kabila ng lahat, babae ka pa rin at alam kong kailangan mo ng tulong ko. Now, kung pinagdududahan mo ako, wala na akong magagawa.”
I contorted my face in dismay. Not to him but to myself. I grew up in Manila at likas na sa akin ang hindi agad magtiwala sa kahit kanino, lalong lalo na sa isang lalakeng hindi ko naman kilala. But I guess, I’d gone too far. Ako ang nagpahamak sa sarili ko. Ako ang mas kailangan ng kanyang tulong.
“Aahon na ako. Wag kang sisilip!” Irap ko sa nakatalikod nitong pigura.
“Tss. Anong sisilipin ko diyan? Yang katawan mong patpatin? I’m not interested in you. In tagalog, hindi ako interesado sa’yo. Ayoko sa babaeng hindi masunurin sa batas.”
“E di wow.”
Nagpalinga-linga ako sa paligid habang yakap ang sarili. Umahon ako at agad na sinuot ang shorts. Hustong umihip ang hanging pang hapon. Leaves dancing on the ground; trees ruffling their branches. Nangilkig ako sa lamig. Nanatili ang tingin ko sa kamay niyang hawak ang T-shirt. Nagtatalo ang isipan ko kung tatanggapin ko ba iyon o hindi.
Romano spoke angrily. “Get my damn shirt or you’ll catch a cold!” His arm holding his shirt, stretching out behind him.
Standing few meters from him, I took few strides to grab the shirt he’s offering. Halos mapapikit ako nang nanuot sa aking ilong ang bango ng kanyang damit.
I shook my head and wore his shirt. I felt strange. But because I wasn’t wearing a damn bra and my body was still wet, bumakat ang tela sa harap ko. Tumalikod ako sa kanya na yakap-yakap ang sarili.
“Suot ko na. Salamat dito.” Matutuyo ng hangin ang aking basang katawan. It was only a matter of time. “Salamat ulit. Hindi na ulit ako manghihimasok pa sa teritoryo mo.” Hindi ko na ito hinintay pang makasagot. I ran toward the direction where Krizette and I entered.
Pero agad na napatigil ako nang marinig ko ulit ang boses nito.
“Anong pangalan mo?” I didn’t notice he followed me, and I was more surprised to know how close he was from where I was standing. Tingin ko’y isang metro lang ata ang layo niya sa akin.
I looked at him over my shoulder. I swallowed. My heart skipped a beat just by looking at those brown eyes of his. It took all my willpower not to roam my eyes on his bare chest.
But Romano scandalously stared at me. I saw how his eyes travelled from mine to the other parts of my face as if he was studying me, remembering every detail of it. Hindi nagtagal ay bumaba pa ang tingin nito at pinasadahan ang buo kong katawan. I looked down on myself. Kahit wala akong suot na bra ay presentable naman akong tignan. His shirt was too big for my petite figure na umabot pa nga ang laylayan nito sa gitnang hita ko.
Kunot-noong tinignan ko ito. Walang mali sa suot ko pero bakit kumikislap ang mga mata nitong nakatitig sa akin? I parted my lips to speak but I couldn’t form a single word. Nagtagal ang paninitig nito sa aking mga labi. When his eyes went back to meet mine, our gazes locked. The soft expressions he was giving me a while ago vanished.
“What’s your name, Miss Trespasser?”
I was caught off-guard by the tone he used. It wasn’t demanding. It was gentle and persuasive.
I wet my lips and he suddenly turned his head to other direction.
I cleared my throat. “Maya. Ang pangalan ko ay Maya.” I couldn’t tell him my real name baka magkwento ito sa aking ama na may isang babaeng napadpad sa ilog at mabanggit pa nito ang pangalan ko. At kapag nalaman ng pamilya Salvatore na anak ako ng driver ng Senyora, baka tanggalin nila sa trabaho si Papa. Ayokong mangyari iyon.
Kita ko ang bahagya nitong pagtango. “How old are you?”
Ngumiwi ako. “This is not a pageant, is it? Hindi ako na-inform na may question-and-answer portion palang magaganap. Hindi ako prepared.” I cracked a joke, but only received a scowl from him. Suplado talaga!
“I’m fifteen.” I answered.
His cold stare made my hair on my nape stand. His eyes were walking from my hair down to my feet and backed up again. Kumibot ang mga labi nito ngunit hindi ko marinig ang kanyang sinabi. All I could notice was how hard he clenched his jaw. As if I said something that left a bitter taste in his mouth.
He shoved his hands into the front pockets of his denim shorts. “Diyan ka ba lumusot?” Tukoy nito sa masukal na daan sa aming unahan. “Alam mo ang daan pauwi sa inyo? Sigurado kang hindi ka mapapahamak sa daan?”
“Taga dito ako.” Another lie. “Alam ko ang pasikot-sikot dito.”
“Don’t tell me something I didn’t know. Kaya nga napadpad ka dito, e. Don’t ever come here again unnoticed. If you want to swim in my river…” He looked away. Bahagyang namula ang pisngi nito. “…just ask permission.”
“Kanino?”
Nagsalubong ang kilay nito na para bang hindi makapaniwala sa tanong ko. Anong mali sa tanong ko?
“Sa mga puno at halaman ka humingi ng permiso, Maya. O di kaya sa Diwata ng kagubatan.” Sarkastiko nitong sagot. “Malamang sa akin!”
Lumabi ako. “Hindi na. Hinding-hindi na ako magagawi pa dito. Marami pang magagandang ilog sa buong lalawigan. Wag kang feeling, Romano. Hindi lang ang ilog mo ang pinakamaganda sa buong Batangas.”
Ngumisi ito habang ang mga mata ay nanatili sa mga labi ko. “At pati pangalan ko’y alam mo na rin. Magaling.”
Namewang ako at tuluyang humarap sa kanya. “Narinig ko naman kasing tinawag kang Romano nung mga kausap mo kanina! Bakit, mali ba ako? Hindi ba Romano ang pangalan mo?”
Nanlaki ang mga mata nito at mabilis pa sa kidlat na tinalikdan ako. “s**t… s**t… s**t….” He uttered silently. “Umalis ka na nga!”
“Talagang aalis na ako! Salamat nalang sa lahat, Romano!” Angal ko. Problema ng lalakeng ‘to?
“Anong salamat nalang sa lahat? Yang T-shirt ko ibalik mo. Ang mahal ng bili ko diyan.”
“Wag kang mag-aalala! Hindi ko naman inaangkin! Anong brand ba nito at bibilhin ko nalang sa’yo!”
Yumugyog ang balikat ni Romano. He was laughing at my question. Sarap kunin ang bato na nasa aking paanan at ipukpok sa ulo niya. Tamang tama di niya makakita dahil nakatalikod pa din ito.
“That’s a VETEMENTS limited edition shirt, baby.”
“Ay wala akong pake, di ko naman alam anong brand yun. Nike at Addidas lang alam ko.” Did he just use endearment to me? Ang weird ng lalakeng ‘to.
“You’re cute.” He’s still chuckling.
“Sinong cute? Ang puno sa harap mo?”
“Har har. Very funny.”
“E sa puno ka nakaharap, e. Baka mamaya sabihin mong assuming ako.”
“I can’t face you, Maya.”
“At bakit?”
“Your n*****s are showing through my shirt, woman! Ah, s**t. You’re not even a woman yet.” He said in frustration.
Mabilis kong tinakpan ang aking dibdib at pinihit ang sarili paharap sa masukal na daan. Gusto kong sabunutan ang aking sarili. “Isosoli ko rin ‘to pero di ko alam kung kailan at paano.” Syempre kailangan ko pa itong labhan para hindi naman nakakahiya sa kanya.
“How about two days from now? Ganitong oras din. Aabangan kita dito.”
Dalawang araw mula ngayon? Sapat na iyon para matuyo at maplantsa ko ang T-shirt niya.
“Okay.”
“It’s deal, okay? Don’t pull a prank on me. Hihintayin kita dito.”
“May isang salita ako, Romano.”
“Aasahan ko yan, Maya.”
We both stopped talking. Silence engulfed us. We could only hear the wind blowing, leaves rustling in the trees and birds chirping from afar.
“Mauuna na ako.” I broke the awkward silence and started walking forward. Tuloy-tuloy lang ako at lumusot-lusot kung saan. Kahit unti-unti nang dumidilim ay nakakapagtakang wala akong makapang takot sa aking dibdib. My mind was wandering back to him.
I clutched my chest. Ngayon ko lang napagtanto na ang lakas ng t***k ng puso ko. Nakalimutan kong itanong kong ilang taon na ito? Mukhang hindi nagkakalayo ang agwat ng edad namin. Lamang ay sobrang tangkad ng lalakeng yun. Tingin ko’y dise-otso o dise-nueve pa lamang ito.
“Mira!”
Humahangos na si Krizette ang namataan ko sa di kalayuan. Mukhang patungo sana ito sa ilog at mabuti na lamang ay nagkasalubong kami.
“Diyos ko, ayos ka lang?” Puno ng pag-alalang tanong nito. She pulled me for embrace. “Pasensiya na at natagalan ako. Hinintay ko pa kasing bumaba si Mama sa bahay dahil maalala kong maghahatid pala iyon ng kanyang mga panahi sa katabing barangay. Yung aso, di ko alam saan nun tinakbo damit mo. Tiyak akong gutay-gutay na iyon. Saan ka kumuha ng T-shirt? May nakapansin ba sa’yo?”
Umiling ako. Hindi ko sasabihin sa kanya ang totoong nangyari. Tiyak akong hindi ako nito papayagang makipagkita ulit kay Romano. “Nakasampay ito sa likod ng cottage. Kinuha ko nang walang paalam.” Hilaw na ngumisi ako sa kanya.
She sighed in relief. “Kinabahan naman ako. Akala ko ay nahuli ka. Hayaan mo na. Hindi na tiyak mapapansin ng may-ari na may nawawala siyang damit. Ito, isuot mo tong sweater ko.” Binigay niya iyon sa akin. “Sa kakamadali ko’y ito ang nabunlot ko sa damitan ko. Hindi ko ginalaw mga gamit mo dahil mas matatagalan ako kung mamimili pa ako.”
Sinuot ko ang sweater and zipped up the front. I finally sighed in relief. Now, my n*****s wouldn’t be visible from everyone.
“Uwi na tayo nang makapag-banlaw na tayong parehas.” Aya ni Krizette. She linked her arm in mine.
I smiled and nodded at her as we walked through the forest. Lumingon pa akong muli sa aking pinanggalingan at ganun na lang ang gulat ko nang makita si Romanong nakapamulsa habang nakasandal sa puno.
Sinusundan niya ba ako?
“Anong tinitignan—”
I stopped her from looking over her shoulder by grabbing her forward. “Naku, wala, wala. Gutom na ako, Krizette. Anong ulam ngayong hapunan?”
Nag-isip ito sandali. “Ginataang tulingan siguro.”
“Ah. Paborito ko.” I simply looked back again and still saw him standing there. He waved at me, and he mouthed something I couldn’t comprehend.
He must have seen the confusion in my face, so he raised his two fingers in the air then pointed at his wristwatch.
“I’ll see you in two days. Same time.” He mouthed.
Akala ko naman kung ano. I gave him a thumb up.
He grinned boyishly, bouncing on the balls of his feet as if I just answered him something that made him so excited.
Tuwang-tuwa si kuya. Indian-in kita diyan, e.
But his boyish grin made me giddy and nervous at the same time. I didn’t think I could get a good night sleep tonight.
Sleep is overrated, anyway. Para saan pa ang matulog kung gigising lang din naman? I think Romano would agree with me.
I chuckled at my silly thought and Krizette gave me a weird look.
“Masaya yan?”
I just grinned.