Seven years ago….
“Mabuti naman at pinagayan ka ng mama mong makapagbakasyon dito sa Batangas, pamangkin.” Hinaplos ni tiya Lorna ang aking buhok.
Umiling ako habang ngumunguya. “Napilit po ni papa.”
Pero ang totoo ay isang linggo lang naman ang binigay sa akin. Luluwas ulit ako pa-Maynila sa darating na sa Sabado. Si Krizette naman ay tatlong araw lang din mananatili dito dahil yun lang ang binigay na leave sa kanyang pinapasukang trabaho. Matanda ang pinsan ko ng pitong taon sa akin at vocational course lang ang tinapos nito. Mas gusto kasi nito ang kumita ng pera kaysa mag-aral. Ako naman ay mag-ge-grade 11 sa darating na pasukan.
Kasalukuyan kaming nananghalian ni Krizette. Pagdating namin ay nakahanda na agad ang aming tanghalian. Dahil may motion sickness ako, tiniyak kong walang laman ang aking tiyan bago kami bumiyahe patungo dito. I made sure I had extra plastic with me just in case I would vomit on the bus. May dala-dala rin akong white flower para mabawasan ang pananakit ng aking ulo. Anemic kasi ako kaya kahit simpleng pagsakay sa jeep ay naliliyo na ako.
“E di sana sumabay ka na lang sa papa mo.” Ngumuso ang tiya.
Si papa ay isang jeepney driver noon. Pumapasada ito ng biyaheng Divisoria-Velasquez araw-araw. Pero kamakailan lang, he sold his jeepney and accepted the job as personal driver ng isang mayamang pamilya. Ang kwento ni papa ay kilala niya ang pamilya dahil sa lupain ng Alcantara sa Palawan siya pinanganak at nagka-isip. Ang totoo, taga Palawan talaga sila Papa at nakipagsapalaran lang sa Maynila noong namatay ang kanilang magulang.
Aniya, marami daw bahay ang amo niya. Mayroon sa Maynila, sa Palawan at dito sa Batangas. Sa ngayon, ang sineserbisyuhan ni papa ay ang senyora na si Leonora Salvatore. Madalas sila dito sa Batangas dahil pinapangasiwaan ng senyora ang fish canning factory ng pamilya. Ang mga produkto nila ay isa sa pinakatanyag at mabenta sa masa. Bukod sa mura na ang mga de latang gawa ng Salvatore Canned Goods Corp., masasarap din naman talaga. Hindi malansa.
Hindi ako mahilig sa sardinas pero nagustuhan ko ang partikular na produktong iyon. In fact, marami kaming stock niyon sa bahay dahil madalas ay nag-uuwi si papa ng kahon-kahong de lata. Minsan nga ay pinamimigay na lang namin sa mga kapitbahay dahil nagpang-abot na.
Dahil sa pagiging personal driver ni papa, madalang na lamang ito kung umuwi sa bahay. Minsan ay isa o dalawang beses lamang sa isang linggo. Pero mas gusto ko na rin iyon dahil noong jeepney driver pa ito, halos araw-araw sila mag-away ni mama. Naaawa ako kay papa kapag nagtatalo sila dahil hindi ito kumikibo at ‘pasensiya at sorry’ ang madalas na sinasagot niya kay mama. But lately, maaliwalas ang dating ni papa kapag umuuwi sa bahay. Halatang hindi pagod at mukhang nag-eenjoy siya sa bago niyang trabaho. Nakakapagtaka lang na sa tuwing umaalis si papa, naririnig ko palagi ang iyak ni mama sa kanilang silid.
“Hindi daw ubra na maisabay ako, tiya. Kasabay daw kasi nito ang senyora sa biyahe at isa pa, marami pa daw silang dadaanan na mga lugar at opisina. Marami daw kasing ka-meeting ang senyora araw-araw.”
“May rason naman pala.” Sang-ayon ni tiya.
“Grabe noh.” Singit ni Krizette na nakaupo sa aking gilid. “Yung ang yaman-yaman na nila pero kung magtrabaho akala mo wala nang bukas. Kaya dapat tayong mahihirap, bawal sa atin ang magreklamo. Hindi dapat tayo tatamad-tamad.”
Tiya Lorna slapped her shoulder. “Sa’yo pa talaga nangggaling yan e, ikaw nga itong panay lakwatsa at late na daw kung umuuwi sabi ng tiyo Norman mo.”
Krizette rolled her eyes when she looked up to her mother. When her gaze transferred to me, her eyes were glaring. I chuckled. She knew. Ang totoo ay ako ang nagsusumbong kay tiya. Sa kabilang kanto lang kasi mula sa bahay ang boarding house ni Krizette. Kahit anong kumbinsi namin ni papa na sa bahay na lamang ito tumira para makatipid, talagang ayaw nito. Alam naman namin kung bakit. She hates my mother, and the feeling was mutual. Pareho kasi silang topakin.
“Nagpasabi ba ang papa na uuwi ngayong tanghalian, tiya?” I asked. I grabbed my glass of water and drank from it.
Umiling ito. “Hindi ko alam. Hindi naman nagpapasabi yang papa mo. Bigla-bigla na lang yan susulpot dito. Alam naman nun na darating kayo ni Krizette ngayong araw di ba?”
Tumango ako. “Nag-text ako sa kanya kaninang umaga pero hindi naman ito nagrereply pa.”
“Hayaan mo na at busy tiyak yun. Ang alam ko’y darating ngayong araw ang bunsong anak ng senyora galing Palawan. Pagkatapos ay ihahatid niya ata sa Maynila sa makalawa dahil may summer class daw ata ito.”
“Di ba Mama taga-Palawan kayo ni tiyo Norman?” Si Krizette.
Tiya Lorna finally pulled a chair and sat between us. She nodded at her daughter. “Oo. Naitanong mo? Gusto mo sa Palawan? Pero wala na tayong maakyatan dun. Ang bahay na kinalakihan namin ni kuya Norman ay pagmamay-ari ng Alcantara. Ang mga magulang namin ay mga magsasaka ng pamilya.”
“Ang pabrika sa Lipa, pagmamay-ari yun ng asawa ni senyora?”
Umiling si tiya. “Alcantara ang may-ari ng canning factory na iyon. Pinamana ng ama ni Leonora sa kanya.”
“Bakit tayo napadpad dito sa Batangas, Ma?”
Tiya Lorna shifted in her seat. She seemed reluctant to answer the question. “Noong binata pa si kuya Norman, hindi niya nagustuhan ang mamuhay sa Maynila. Sinubukan niyang mag-apply as factory worker sa pabrika ng Alcantara at sa awa ng Diyos ay nakapasok naman siya. Sa loob ng dalawang taon ay nakapag-ipon ito kaya naipatayo niya ang bahay na ito dito sa Lobo, Batangas.”
Pinilig ko ang aking ulo. Hindi ko makuha ang logic ni Papa. Kung ang pabrika ay nasa Lipa, bakit dito sa Lobo siya nagpagawa ng bahay na halos isang oras na biyahe ang pagitan ng dalawang municipalidad. Kay laking sakripisyo naman nun kung araw-araw siyang mag-uuwian.
Tiya Lorna probably saw the confusion in my face. She grabbed my hand and gave it a squeeze.
“Dito kasi sa Lobo ang may pinakamurang bentahan ng lupa noong panahong iyon, pamangkin.”
Tumango ako. Kung ganun ay hindi na masama.
“Buntis na ako kay Krizette noon at dahil iniwan kami ng ama nito, kinuha ako ni kuya Norman mula Palawan at dito na kami nanirahan buhat noon.”
“Magkakaedad lang ba kayo ni senyora Leonora?” I asked.
“Oo. Nung kabataan nga namin ay may mga pagkakataong nakakausap ko ito. Ang ganda niya at mabait din siya sa mga ordinaryong tao katulad namin. Tumatakas nga ito sa kanilang hacienda para lang sumama sa aming maligo sa ilog.”
“Ah. Nag-iisang anak lang ba ang senyora?” A follow-up question.
Umiling si tiya. “Dalawa silang magkapatid at bunso siya. Ang kuya niya, si Don Bernardo ay matanda sa kanya ng limang taon. Bihira lang naming makita ito dahil madalas ay sa ibang bansa ito namamalagi. Si Leona…uhm…Leonora ay umuuwi lamang sa Casa Barbara kapag bakasyon sa klase. Sa ekslusibong unibersidad sa Maynila ito nag-aaral noon.”
“Yung mga anak ni senyora, Ma, nakita mo na? Madalas ba sila dito sa Batangas? Kasi kahit dito ako lumaki at nagkaisip, hindi ko pa ata sila nakita kahit isang beses.”
“Ang alam ko ang panganay nila ay sa ibang bansa nag-aaral. Ang bunso naman ay sa Maynila pero kapag walang pasok ay sa rest house nananalagi ito. Mailap yung bunso, mukhang mahiyain kaya di lumalabas sa kanila. Si Leonora at ang asawa niya ay madalang lamang kung umuwi dito sa Batangas. Madalas ay sa Palawan, Maynila at sa ibang bansa sila namamalagi. Pero nitong nakaraan, dahil may iregularidad sa pabrika, mukhang matatagalan ang pananatili ni Leonora dito.”
Tumango-tango kami ni Krizette. Pagkatapos ay may sumagi sa isipan ko. “Siguro ay matalik na magkaibigan si papa at si senyora kasi inalok niyang maging personal driver si papa. Ang bait naman ng senyora, hindi matapobre.”
Sumulyap si tiya Lorna sa akin at walang babalang kinuha mula sa aking kamay ang baso. Uminom siya doon. Namalikmata lang siguro ako dahil tingin ko’y naging tensiyonado ito sa tanong ko.
“Si Sylvia, kumusta?” She asked me. Hindi nito pinabulaanan o kinompirma ang sinabi ko.
I sighed at her question. Krizette answered in my behalf. “Ayon, feeling dalaga pa rin. Panay ang gala at kung manamit daig pa GRO sa club.”
Kinurot ni tiya ang tagiliran ng anak na siyang ikinahiyaw nito. “Tiyahin mo pa rin yun. Matuto kang gumalang.”
“E hindi niya ginagalang si tiyo Norman, bakit ko siya gagalangin!” Ngumuso ito.
“Sinisigawan mo ako?” tinampal niya ulit iyon sa balikat.
“Mama, nagpapaliwanag lang!” She was shuffling her feet while nursing her shoulder with her hand.
“Yang nguso mo Krizette, paplanstahin ko talaga yan para lumapad.” Banta ni tiya.
She scoffed. “Ewan ko sa’yo, Mama. Bihira mo na nga lang ako mauwi dito, inaaway mo pa ako.”
“Tsee. Lubayan mo ako sa arte mo.” Tumayo si tiya. “Kung tapos na kayong kumain, ay aba, sino pa bang hinihintay n’yo? Wala kayong katulong na magliligpit ng mesa. Kumilos-kilos na kayo. Ikaw Mira, kung nahihilo ka pa ay umidlip ka muna sa silid n’yo ni Krizette. Hayaan mo ang pinsan mo diyan. Ako’y mananahi na rin muna.”
I beamed at her. “Tulungan ko kayong manahi, tiya.”
“Ay nako, wag na. Matatapos ko na rin naman ang bedsheet cover na pa-order ko. Kung ako sa’yo, iidlip ako. Uminom ka ng paracetamol kung pakiramdam mo’y lalagnatin ka.”
Tawang-tawa na inakbayan ko ang aking butihing tiyahin. “Ang OA ni tiya. May tao bang lalagnatin sa tatlong oras na biyahe?”
“Hindi yan sumuka, Ma. Himala.” Hiyaw ni Krizette mula sa dirty kitchen.
“Wala naman kasing isusuka.” Sagot ko pabalik.
Pagkatapos naming magligpit sa kusina, tumambay kami sa sala habang nanonood ng noontime show. Tawang-tawa kami nila tiya sa mga kalokohan ng hosts. I felt so at home talaga kapag nandito ako sa Batangas. Sa bahay namin sa Tondo, I was always on my toes when my mother was around. Hindi naman ako sinasaktan ni Mama o pinagsasalitaan ng masama, hindi ko lang gusto ang ekspresyon ng mukha niya kapag naagaw ko ang kanyang atensiyon.
Kapag kami lang dalawa sa bahay, she would treat me like I did not exist. She would dismiss me kahit na ba may importante akong sasabihin sa kanya about sa school. Ni minsan hindi ito umattend sa mga parents’ meeting kaya sa mga ganoong okasyon ay si papa lagi ang nag-lalaan ng oras para sa akin.
Kaya kapag nakikita kong nagtatalo si tiya Lorna at Krizette, imbes na kabahan ako ay natutuwa akong pagmasdan silang dalawa. Naiinggit ako. Sana ganun din kami ni Mama. Kaso, mula nang magkaisip ako ay hindi ko maramdaman ang kanyang pagmamahal sa akin. Minsan iniisip ko tuloy na ampon lang ako. Pero may mga pictures kasi si mama noong buntis ito. Si tiya mismo ang nagpasubali ng agam-agam na yan sa dibdib ko. She said she was there when my mother gave birth to me. At hindi naman maipagkakaila na mag-ina kami dahil halos lahat ng kakilala namin ay sinasabing magkamukha daw kami. Pag naririnig ni papa ay tinatawanan niya lamang iyon dahil totoo naman daw.
I was pulled from deep thoughts when Krizette tugged my shirt. Bumaling ako sa kanya na nakaupo sa aking tabi.
“Ano yun?”
“Ligo tayo sa parang.” Ngumisi ito, nangniningning ang mga mata.
“Mainit pa. Mamayang hapon na. Hintayin ko munang dumating si papa.”
“Ano naman ngayon kung mainit, e, yung parang sa unahan ay liblib naman.”
“Ayoko sa parang. Maraming tao tiyak dun.”
“Arte nito. Ganda ka teh?” Pinataasan ako nito ng kilay. “Yung ilog sa katabing barangay, gusto mo dun? Marami din tiyak tao dun. Expect mo na dahil summer po ngayon.” Umirap ito.
“Dun sa ilog na pinuntahan natin last year, di pwede dun?”
“Private property yun.” Sumingit si tiya. “Kung noon ay malaya kayong makalangoy doon, ngayon ay hindi na. May cottage nang pinatayo doon. Naikwento lang ni Andres na siyang nangasiwa, minsang nakasalubong ko sa palengke. Inutos daw ng senyora para sa bunsong anak niya.”
“May ganun?” Ngumiwi si Krizette.
Ang alam namin ay pag-aari ng Alcantara ang bahaging iyon pero wala kasing harang at mangilan-ngilan ding kabataan ang tumutungo doon para maligo.
“Sayang. Mas gusto ko pa naman doon dahil mas tago at hindi crowded.”
Krizette subtly hit my foot with hers. She looked at me knowingly. Oh, I knew that look. She had one or two tricks up her sleeves. Pero imbes na tutulan ito, ngumisi ako at tumango. Tumango-tango din ito. I guess, it had been established, far too long, that our brain cells were attached to each other. Oh well, we’re cousins for a reason.
“Krizette, may binabalak ka na namang kababalaghan. Wag na wag mong idadamay itong si Mira.”
Sabay naming nilingon si tiya na nagsusulsi naman ngayon. Nakaupo ito sa rocking chair, tabi ng malaking bintana. She pushed up her glasses and looked at us suspiciously. “Pag bawal, bawal ha. Baka ihabla kayo ng trespassing kung mahuli kayo ng tauhan ng Alcantara. Ay nako, hinding-hindi ko aakuin na anak at pamangkin ko kayo.”
“Ang salbahe mo, Mama.”
“Batuhin kita ng gunting, makita mo.” She snarled. “Private property nga, di ba? Bakit pinagpipilitan? Bobo kayo? Kailangan n’yo ng dictionary?”
“Baka pwedeng magpaalam, tiya.” Ani ko sa mahinang tinig. Nahihiya akong salubungin ang nanliliit na mga mata nito.
“Ayan, pwede yan. Magpaalam kayo. Pero ang tanong, kanino? Sa senyora? E, baka wala pa yun sa rest house dahil ang ama mo ay di pa rin nakakauwi. At kahit nandiyan ang may-ari, malakas ba ang loob niyong magpaalam? Mahiya nga kayo. Maraming ilog diyan. Daming dagat. Daming pagpipilian.”
“Hay naku. Wag na nga lang. Sa gripo na nga lang makaligo! Daming hanash!” Naiinis na tumayo si Krizette at pumasok sa silid namin.
Si tiya ay bumubulong-bulong sa hangin pero hindi ko marinig iyon. Bumuntong-hininga ako at tinuon na lamang ang atensiyon sa telebisyon.
Ngunit ilang sandali lamang ay nag-vibrate ang cellphone ko. Hinugot ko iyon mula sa bulsa ng aking shorts. Nangunot ang aking noo nang makitang galing iyon kay Krizette.
Her: May plano ako. Magpaalam tayo kay mama na sa parang lang tayo maliligo pero ang totoo ay hindi. May alam akong sikretong daanan patungo sa ilog Alcantara.
I hit the reply button.
Me: Pagagalitan tayo ng tiya, Kriz.
Her: Gaga, hindi niya malalaman kung walang magsasabi. Di ba gusto mo doon? Gusto ko rin doon dahil malinis at mas kaaya-aya ang tanawin.
Me: Baka mahuli tayo.
Her: Jusko naman, Mira. Walang nakukulong dahil nakiligo lang tayo. At isa pa, trabahante ng pamilya si tiyo Norman. Palalagpasin nila kung mahuli man tayo. Tsaka isa pa, hindi naman tayo magtatagal. Isa o dalawang oras lang siguro.
I sighed. If there’s one trait about Krizette that I did not like, it was her being decisive. And I, on the other hand, was a pushover.
I replied OK.
Bakit kaya hindi nagrereply si Papa sa text ko? Bakit kaya hindi pa ito umuuwi gayong alam naman nito na ngayong araw ang dating ko sa Batangas?
*********
Grabe ang nerbiyos ko nang tuluyan kaming makalayo sa bahay. Iniwasan ko talaga ng tingin ni tiya dahil baka masasalamin niya sa aking mga mata na nagsisinungaling kami ni Krizette. My cousin was a freaking good actress.
At para makasiguro, tinahak talaga naming ang daan pababa sa parang. Pero nang makarating doon ay lumiko ulit kami at pinasok ang masukal na gubat.
Hawak-hawak ni Krizette ang aking kamay. Ako naman ay pinaninindigan na ng balahibo. Paano na lamang kung may masalubong kaming ahas! Pinaka-hate ko pa naman sa lahat ng hayop ay ang ahas.
“Malayo pa ba?” Hingal ko. Parang gusto ko na lang magsisi kung bakit sumang-ayon pa ako sa trip ng babaeng ito. Hindi na ako natuto.
“Weak ka, girl? Wala pa ngang kinse minutos buhat nang lumiko tayo. Tsaka nasa bungad na tayo, ilang hakbang na lang.”
Ngumungusong nakasunod lamang ako sa kanya. Hawak-hawak pa rin nito ang aking kamay. Hindi ko mabilang kung nakailang liko kami, nakailang hawi ng mga naglalakihang dahon hanggang nakarating kami sa harang. Ang harang ay gawa lamang sa kawayan at hanggang baywang ko ang taas. Madali lamang sa amin ang tumawid dahil may malaking bato sa gilid na pwedeng akyatan at tatalon lamang kami para makarating sa kabila.
Hingal na hingal ako nang makaapak ng tuluyan sa lupain ng Alcantara. Hinarap ako ni Krizette na may pagmamalaki sa kanyang ngiti.
Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok sa aking mukha. Hinugot nito ang panyo sa kanyang bulsa at siya na mismo ang nagpunas sa aking pawising mukha.
“Sana lahat kasing ganda mo kahit pawis na.” She blurted out, grinning.
I huffed with annoyance, and she just chuckled. She pinched my cheek. Hinahaplos ng hinalalaki nito ang nunal sa akin pisngi.
“You’re so pretty naman talaga, baby cousin ko.”
I slapped her hands lightly. “Kalokohan mo, Krizette.”
She held my hand and pulled me again. “Doon ang ilog.” She pointed out.
Nang tuluyan kaming makarating sa ilog, napangisi ako. Ang ganda talaga dito! Ang tahimik, ang linis! It was wide, clear as crystal, framed with green trees, wildflowers and ferns. Kompara noong isang taon, mas gumanda ang tanawin ngayon. Tila may nag-aalaga at nagmimintina na sa buong paligid.
The river was flowing fast but I think it wasn’t fast enough to sweep me away to the ocean.
“Malalim na tiyak doon sa unahan.” Bakas sa mukha ni Krizette ang pagkamangha.
Tumango ako. “Tiyak yun. Mabuti na lang at marunong tayong lumangoy.”
“Give credit where credit is due, couz. Natuto ka dahil pinagtiyagaan kitang turuan.”
I gave her an eye roll. “Oo nalang. So ano na?”
Umangat-baba ang kilay nito. “Ano pang hinihintay natin. Liguan na!”
“Wag kang sumigaw.” Kastigo ko. Baka may makarinig sa amin. Luminga-linga ako sa paligid hanggang tumama ang mata ko sa isang bagay sa di-kalayuan.
Kinilabit ko si Krizette. “Yun ba yung cottage na tinutukoy ni tiya?”
“Yan na nga yun. Nasa isip ko ay kubo, ang moderno naman ng cottage na yan.”
“May tao kaya?” Kung may tao bakit sarado ang mga bintana at ang pintuan? Tsaka kung may tao man, baka kanina pa kami nasigawan at tinaboy.
“Wala yan. Mamaya pang gabi ang dating ng bunsong anak, di ba? Hello, alas tres pa lang ng hapon.” Hinila ako nito palapit sa ilog. Nagkikislapan ang tubig sa ilog, it was if the river was taunting me to dive in. Sa init ng panahon, swimming sounded heavenly.
Sa gulat ko ay bigla nalang naghubad sa harap ko si Krizette. She even removed her bra at panties lang ang iniwan. “Tara na. Ano pang tinutunganga natin.” Ang laki ng ngisi nito.
I took a quick glance around us to confirm that we were indeed alone. Nang matiyak na wala talagang ibang tao, hinubad ko ang aking T-shirt. Sinunod ko ang shorts.
Krizette finally leaped into the water before I even had time to remove my clothes. “Remove your bra, Mira. Iwan mo lang diyan katabi ng sa akin. Sus, tayong dalawa lang dito, oy.” Salita nito, tanging ang ulo ang nakalitaw sa tubig.
I removed my bra, and I heard her whistle. Oh, please.
I moved to the edge and tried to deep my foot into the water. I let out a wild gasp. Jesus, the water was cold!
Suddenly, a hand gripped my foot from the water. Hinila ako ni Krizette so I had no choice but jump right into it. Tawang-tawa ito at panay naman ang tampal ko sa kanyang balikat.
“Salbahe mo talaga!” Reklamo ko.
Sasagot sana ito nang makarinig kami ng mga kaluskos. Sabay kaming napabaling sa kinatatayuan namin kanina. There was a dog. A dog! Saan galing ito? Mukhang nawawala ang aso. It didn’t make any sound ad it looked harmless. We would just ignore it but the next thing the dog did surprise us. Kinagat nito ang bra at T-shirt ko at tumakbo palayo sa amin!
“Yung damit ko!” Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat at takot. Paano ako makakauwi kung wala ang mga iyon?!
Hindi nag-atubili si Krizette. Umahon ito at agad na nagbihis. “Dito ka lang. Babalikan kita. Hahabulin ko lang yung aso. Wag kang aalis, ha.”
“Paano naman ako aalis kung wala akong damit. Kahit mamatay ako sa lamig, hinding-hindi ako aahon dito, Krizette.” Nanginig ang mga labi ko.
“Kung di ko makuha pabalik ang mga damit mo, I have no choice but to go back to the house and get you new ones. Promise, babalikan kita, Mira. Kahit pa paluin ako ni Mama ng walis tambo o tusukin ng kanyang gunting, babalikan talaga kita.”
Sa kabila ng lahat ay napangiti ako. “Alam ko. Hihintayin kita. Bilisan mo lang ha.”
Tumango ito at agad na tumakbo doon sa direksiyon kung saan lumusot ang aso.
Nagdasal ako na sana mabawi pa ni Krizette ang mga damit ko para hindi kami mapagalitan ni tiya. I looked around. Ang tahimik ng paligid. Ang excitement ko kanina ay unti-unti nang napalitan ng kaba. Hindi gaanong makapasok ang sinag ng araw dahil sa mga sangay ng mga naglalakihang puno sa taas. Ang paligid ay unti-unting dumidilim. Uulan kaya?
Pumikit ako at nagdasal ulit. Lord, sana ay makabalik na si Krizette at nang makauwi na kami. Hinding-hindi na talaga kami susuway, Lord. I’m sorry po sa katigasan ng ulo naming magpinsan.
I snapped my eyes open when I heard something break. Seemed like a stick crunched because someone stepped on it.
I jerked my head up and found a man standing at the edge. My heart was about to come out from my chest. I slowly retreated to the deep area, making sure what he could only see was my head above the surface.
“The water is cold, young miss. I don’t want a girl dying in my land due to hypothermia.” His deep, cold voice made my hair prickle.
I swallowed. “Ano…kasi…. I…mean…the dog. There’s a dog. Tinangay niya ang damit ko.” I sounded so stupid. I couldn’t clearly see his face, but I hoped he’s a good man.
I thought I heard his jaw clench. “For f**k’s sake, you’re naked? You’d better not be skinny dipping in my damn river!”
I flinched. That did not sound like a good man to me.
How could I escape from this?