CHAPTER 3

2232 Words
Pagbalik sa bahay, bumalik din kami sa kanya-kanya naming buhay. Ngayong kasama na namin si Papa, makakasabay na namin siya sa hapag-kainan. Kumpleto na kami pero walang magbabago. My home is not lively at all. Lahat ay dapat naaayon sa gusto nila. At dahil dakila akong taga-sunod ay wala silang nagiging problema sa ‘kin. Maliban kay Sammie, siya lang ang may lakas-loob na magreklamo o sumuway kay Mama at Papa. Ang saya ng buhay niya, p’wede niyang takasan ang problema dito sa bahay. P’wedeng siyang umayaw, hindi siya pressured, at wala talaga siyang pake. “Mom, magkikita kami ni Thelia bukas. Bibili na rin ako ng mga ka-kailanganin sa school,” sabi ko habang tahimik ang paligid. Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner. Tanging tunog lang ng utensils ang naririnig namin. “Oo nga, tama ‘yan para sa pasukan ay ready ka na,” tugon ni Mama, payag agad siya. “Isama mo na rin ang kapatid mo para iisang bili na lang kayo,” suhestyon ni Papa. Nagkatinginan naman kami ni Sammie, kaagad siyang umiling. “Ayoko. Ipapasabay ko na lang ‘yong mga gamit na ipapabili ko,” aniya at nagpatuloy muli sa pag-kain. “Oo nga, Ma, Pa. Kami na lang ni Thelia bahala bukas.” “Baka naman kung saan-saan ka pa gagala niyan?” heto na naman ang pagiging strikto niya. “Pagkatapos ko pong bumili ay uuwi ako agad, wala naman akong ibang pag-gagalaan.” “Hayaan mo na ang anak mo, Samuel. Minsan lang ‘yan lumabas at saka mataas naman ang nakukuha niyang marka sa school kaya payagan mo na.” Ngumiti na lamang ako. Mayamaya pa ay pumayag na rin si Papa, hindi siya maka-hindi dahil totoo naman ang sinasabi ni Mama. Basta mabait ako, matalino sa school, at palaging bukambibig ng mga teachers, hindi nagiging mahigpit sa akin si Mama. Kapag mataas ako sa exam, bibigyan ako ng regalo. Kapag naipanalo ko ang isang contest sa school, tataasan allowance ko. Sa bawat achievements ko, may nakukuha ako. Kapalit ng pagiging good girl ko at smart student sa school ay nakukuha ko lahat ng gusto ko. “Kumusta nga pala ang resulta ng exam mo, Sam?” ani Mama kay Sammie. Saglit lang siyang tinignan ni Sammie at ibinalik rin ang tingin sa pagkain. “I passed the exam.” “What? Kailan pa dumating ang resulta ng exam mo?” gulat na sabi ni Mama. “Tagal na, ngayon lang naman kayo nagtanong.” She passed the exam… I guess it’s okay. Hindi naman kami magkasama sa iisang school. “Akala ko ba ay sa next week mo pa malalaman, Anak?” hindi rin makapaniwala si Papa. “Let’s just say that I want to surprise you and Mom,” aniya, hindi niya man lang ako binanggit. Sabagay, wala kaming pake sa isa’t isa.  And, did I hear it right? Surprise ba kamo? That’s new. Pati ako na-surprise. Hindi ko akalain na mapapasa niya ang entrance exam gayong hindi ko naman siya nakikitang mag-aral. Palagi pa nga siyang nasesermonan dahil puro siya cellphone, nood nang nood ng Anime. Besides, it’s a science school! Ang hirap no’n. “Let me see the results of your exam,” sabi naman ni Papa. Nilabas naman ni Sammie ang cellphone niya at pinakita na ang resulta mula sa email niya. Napasilip pa ako ro’n pero hindi ko gaano makita dahil tutok na tutok si Mama at Papa sa screen. Hindi ako makasingit. “You barely passed the exam,” sa boses pa lang ni Mama ay halatang dismayado na siya. “Still passed the exam,” mariing sabi ni Sammie. “Masaya ka na rito? Pasang-awa?” dismayado ring sabi ni Papa. Bahagya akong napangiti. Tinago ko ‘yon kaya napatungo ako, tapos naman na akong kumain. Aalis na nga sana ako pero nang malaman ko na nakapasa siya sa exam ay nanatili muna ako. At dahil sa mga narinig ko, ako pa rin talaga ang mas matalino sa amin. Ibig sabihin, na sa ‘kin pa rin ang magiging atensyon nila Mama. Hindi makukuha ni Sammie. “At least…I passed the exam,” pag-ulit niya. “Nakakahiya ka, ipagmamalaki ko pa naman sana na nakapasa ka sa exam. ‘Yon pala ay pasang-awa ka, Sammie. Sinabi ko naman sa’yo, mag-aral ka! Nakahain na nga sa’yo lahat, isusubo mo na lang bata ka!” mahabang litanya ni Mama na sa bawat salitang binitiwan niya ay masakit sa tainga. “Mabuti na lang hindi ka na kailangan i-interview. Nakakahiya kang samahan sa school,” sabi pa ni Papa. “I’m done eating,” napatayo na lang bigla si Sammie. Ramdam ko na ayaw niya ng manatili rito dahil mahaba-haba na naman ang sermon sa kanya. Hindi siya makakatakas sa akin kahit na poker face pa siya dahil every time na magbibitiw ng salita sila Mama at Papa sa kanya, masakit ‘yon. Maliban na lang kung gan’yan talaga siya. Ewan ko, kapatid ko siya pero hindi rin ako sigurado sa tumatakbo sa isipan niya. Baka ako lang ang nasasaktan kaya heto ako, ginagawa ang lahat para hindi sila ma-disappoint sa akin. “Sammie, isa!” “Anak!” napasigaw na rin si Papa. Hindi sila pinakinggan ni Sammie, tuloy-tuloy lang ang paglakad niya palayo sa amin hanggang sa makita ko ang pag-akyat niya. Napabuntong-hininga na lamang ako at ibinaling na ang tingin kay Mama at Papa na tila problemado na. “Kausapin mo nga ‘yang kapatid mo, Alysha. Bakit hindi ka niya gayahin?” Muli akong napabuntong-hininga sa pasaring niya. “Napasa niya naman ‘yong exam, Ma. Hindi ba’t mas okay ‘yon kaysa sa bumagsak siya?” sinserong sabi ko. Ayoko ng palalain ang iniisip nila. Natahimik silang dalawa. “Umakyat ka na, Anak. Kami na ang bahala rito ng Mama mo. Kausapin mo na lang ang kapatid mo,” sabi naman ni Papa nang hindi na makapagsalita si Mama. Natauhan siguro sa sinabi ko. Tumango na lang ako at tumayo na para magtungo sa taas. Bago pa ako makaakyat ay naikuyom ko na lamang ang aking kamay nang marinig pa ang sinabi ni Mama. “Nakakainis ‘yang anak mo. Baka balang araw ay magaya sa kapatid mo! Ayoko ng palamunin sa bahay!”  Judging people so easily shows how rotted your mind is, Mom. Nasa tapat na ako ng kwarto ni Sammie. Kumatok muna ako at nang pihitin ko ang door knob ay hindi ko naman mabuksan. Naka-lock kaya mukhang magsasalita na lang ako rito sa labas. “What?” narinig ko namang sabi niya mula sa loob. “Send mo na lang sa messenger ‘yong kailangan mo,” sagot ko. Hindi niya talaga ako pinapasok. “Done!” Hindi na ako nagtagal sa labas. Mukhang hindi niya na kailangan ng kausap, palagi naman kaming ganito. Sanayan lang. Pagpasok ko sa aking kwarto ay dumiretso na agad ako sa banyo para maligo ulit. Ang lagkit kasi ng pakiramdam ko at galing pa naman kami sa labas kaya ang init. Matapos kong maligo at magbihis ay tumalon na ako patungo sa higaan. Sumandal ako sa headboard at binuksan ko agad ang social media accounts ko sa cellphone. Hindi pa ako nakuntento, kinuha ko pa ang laptop ko na nasa gilid lang ng kama. Nasa loob ng side table kung saan may drawer.  I chatted first with my best friend, Thelia. Siya lang ang pinagkakatiwalaan kong kaibigan. Ang hassle kapag madami lalo na kung magpa-plastikan lang. Sinabi kong tuloy kami bukas, nag-reply naman siya agad. Excited siyang makita muli ako, bakasyon ba naman kaya bukas pa lang kami magkikita at nasa ibang school na siya kaya sobrang dalang na lang namin kung magkita. Pagkatapos ay kinalikot ko na ang laptop ko. Hindi ako nagtagal sa real account ko dahil may iba pa akong account. It’s called “dummy” account. Bukod sa real word, may mundo rin akong ginagalawan sa virtual. At ang mundong ‘yon ay nagpapasaya sa akin. Everything that happened there is the life that I’ve always wanted. Pagbukas ko ng dummy account ko ay napangiti agad ako dahil ang dami ko na namang notifications. Sandamakmak na messages, mula sa random strangers, group chats, at sa mga ka-close ko ro’n. Madami rin akong natanggap na reacts sa latest post ko. Nagpunta naman ako sa comment section. Binasa ko lahat ng comments nila, natawa na lang ako nang magbiro pa ang isa. Ni-replayan ko naman ‘yon. Wala pang isang minuto, nag-reply agad ang mokong. Napahalakhak pa ako nang mapansin na umabot ng 500 shares ang post ko. Tungkol kasi sa nakaka-relate na sitwasyon ang pinost ko kaya madaming nag-react, comment, at share. May bigla namang nag-pop up na chat head mula kay Bella. Binuksan ko ‘yon at binasa ang chat niya. Bella: Girl! Sa wakas naman online ka na, na-miss kita! Muli akong napangiti. Nagtipa naman ako ng ire-reply sa kanya. Alize: Miss you, too, Bella! Wait lang, mag-chat ako mamaya sa group chat. Ang dami ko pang re-replayan sa post ko. Bella: Go, girl! Iba talaga kapag sikat! *wink emoji* Ni-react ko na lang ang chat niya at ni-remove na ang chat head para hindi sagabal sa screen ko. Alize Laxus, it’s my name in my dummy account. Hindi nila alam ang buong identity ko. I made up everything. From my appearance, school life, and status. Everything is a lie. Hindi ko p’wedeng sabihin ang totoong buhay ko sa kanila, at saka alam ko rin na gano’n din sila. Sa mundong ‘to, laganap ang kasinungalingan. At inaamin kong isa ako ro’n. Kung ano ang kinatahimik ko sa reyalidad ay ‘yon naman ang kinaingay ko sa social media. Ang pinagkaiba lang, imbis na sa real account, sa dummy ako nagpapalit ng pagkatao. Sa social media, ang daming peke. At aware ako sa lahat ng mga ginagawa ko. Ang saklap lang talaga ng buhay ko kaya nagagawa ko ‘to. Matapos kong i-check lahat ng post ko ay nag-chat na ako sa group chat namin. Galing ako sa Laxus family. Nasa RP world ako. Role players kumbaga. Alize: Hello! Iyon pa lang ang sinabi ko sa chat ay dinagsa na nila ako. Lumapad tuloy ang ngiti sa labi ko. Kinilig naman ako sa founder namin, lalaki kasi. Siya ang kauna-unahang bumati sa akin. Ryujin: Good evening, Miss Alize. Ang gwapo basahin ng message niya! Pero hanggang doon lang ako. Wala talaga akong balak na magjowa dito sa RP world kahit na ilang taon na ako rito. Fling lang minsan kapag bored, hindi ako nag-seseryoso. Alize: Good evening, Ryu! Na-miss ko kayo, hehe. Nag-send pa ako ng emoji, kinantyawan naman nila ako. Nangunguna pa si Bella, isa sa mga ka-close ko sa Laxus. Siya rin ang dahilan kung bakit naging member ako ng Laxus. Thanks to her mas sumikat ako sa social media. Gerald: Bakit kasi hindi na lang kayo? Kylie: Oo nga, wala bang next level diyan? Bella: I know right! Best couple sila ng Laxus kapag nagkataon. Besides, ang perfect n’yong dalawa, huhu! Harry: Kainggit… Alize: Stop it! Baka totohanin ko, charot! Ganito ako sa social media. Ang dali kong makisalamuha, ang bilis para sa akin. Pero kapag sa totoong buhay na, hindi ko magawa. Mas gugustuhin ko na sila pa ang unang lalapit sa akin. Ayokong maghabol para lang makipagkaibigan. Gerald: Tanggalin ang C, iwan ang harot! Penelope: Babaero talaga ‘tong si Gerald, eh. Daming alam. Gerald: Crush mo lang ako! Sorry pero may Julia na ako, Penelope. Natawa naman ako sa kanila. Mayamaya pa ay nag-reply na si Ryujin. Ryujin: What do you think, Alize? Tuluyan akong napahawak sa aking dibdib. Bumilis ang pagtibok ng puso ko, kabadong-kabado! Hindi ko inaasahan ang reply niya dahil sa tuwing inaasar kaming dalawa ay hindi naman siya sumasagot kaya ang ending, ako lang ang umaawat sa kanila kahit na nagmumukhang tanga na ako pero napapatawa nila ako. Dito lang… Bella: Oh! Nikolai: Sana all! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero iisa lang ang nasa puso’t isipan ko. Ayoko. Alize: Walang gano’n founder! Parehas tayong busy! Ang tanga ng rason ko pero ayoko talaga. Masasaktan lang ako kung susubukan ko dahil alam kong mauuwi ito sa meet up. Kapag nagkita kami, anong magiging reaksyon niya? Baka nga kapag nag-exhange pa lang ng picture ay i-ghost na ako, eh! Wala ng meet up na mangyayari dahil malalaman niya na kung sino talaga ako at ‘yon ang ayokong mangyari. Iyon ang tinatago ko sa kanila. Kapag nag-send ng pictures, palagi ko silang iniiwasan. Mabuti na lang mababait sila. Hindi ako confident sa sarili ko kaya nga gumawa ako ng dummy account dahil ibang picture gamit ko. Isang Ulzzang girl. Ryujin: You’re right. We’re both busy. Tigilan n’yo na kami, guys. Ayaw ni Alize. Na-guilty naman ako. Parang nasaktan ko siya pero wala, eh. Hangga’t maaga pa ay itatanggi ko na. Besides, wala akong ibang nararamdaman sa kanya. Ayoko pa naman sa mayabang.  Dahil sa sinabi ni Ryujin ay natahimik sila. Hindi na ako nag-reply sa sinabi niya, nag-out na lang ako dahil inaantok na rin naman ako. Bahala na bukas, babalik naman ulit kami sa dati. Hindi na ‘yon magiging awkward sa amin ni Ryujin. Niligpit ko na ang laptop ko at ang cellphone ko ay pinatong ko na sa table. Pagkatapos kong patayin ang ilaw ay nagtalukbong na ako ng kumot, handa nang matulog. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD