“Aly!”
Sumilay agad ang ngiti ko nang masilayan na si Thelia na papalapit sa akin. Niyakap niya naman ako nang mahigpit nang makalapit na sa ‘kin. Nasa mall na kami, hinatid ako ni Papa kaya mas nauna ako kaysa kay Thelia. Nag-commute lang kasi siya. Pagkalas ko sa pagkakayakap niya ay kumapit na ako sa braso niya at naglakad na kami patungo sa national book store.
Pagpasok namin sa store ay kumuha na kami ng basket at sabay na tinahak ang daan sa bawat aisle kung saan nakalagay ang mga notebooks, writing paper, pens, art materials, at iba pa. Humiwalay naman saglit si Thelia sa ‘kin, nagpunta sa novel section. She’s a fan of international writers, especially authors who write romance novels.
Habang ako ay nanatili sa art materials section. Nagde-debate ang puso’t isipan ko kung bibilhin ko ba ‘tong acrylic paint na hawak-hawak ko. Paubos na kasi ang nabili ko nakaraan pero ang sabi ni Mama ‘wag na akong bumili dahil hindi ko na magagamit ‘yon dahil magpapasukan na. Hindi niya alam na iyon na nga lang ang dahilan kung bakit nasa matino pa akong pag-iisip. Kung hindi baka maging katulad na lang din ako ng iba na tuktok na tuktok sa pag-aaral tapos kinabukasan nasa ospital na.
Nangyari iyon sa isa sa mga kaklase ko. She was pressured and deprived of rest. That’s why she burnout and collapsed while reporting in our general chemistry class.
“Oh, your artist self is coming out again?”
“Ay, pating!” napahawak na lang ako sa ‘king dibdib nang biglang sumulpot sa likuran ko si Thelia.
“Grabe, gulat ka na niyan?” at tumawa sabay hampas sa braso ko.
Napabuntong-hininga na lang ako at ibinalik na sa lagayan ang acrylic. Papunta na sana ako sa counter para bayaran na ang pinamili ko nang bigla niya na lang akong higitin pabalik at saka kinuha ang acrylic at nilagay ito sa basket.
“Eh? Hindi ko na bibilhin ‘yan, Thelia. Mayro’n pa sa bahay,” pagdadahilan ko na hindi naman umubra sa kanya.
“Ako pa talaga ang lolokohin mo? Future psychologist yata ang kaharap mo?” nakangiti nang saad niya. “Hindi mo naman tititigan ‘yan ng matagal kung wala kang balak bilhin.”
She knows me well, especially when it’s about my passion.
“Pero ayos lang talaga, Thelia. Baka kasi hindi ko na magamit ‘yan pagdating ng pasukan,” at muli kong hinawakan ang acrylic. Akmang ibabalik na nang magsalita ulit siya.
“It’s fine, Aly. Hindi ka tatakbuhan niyan at saka baka kailanganin mo rin balang araw. Hindi ka naman siguro pagagalitan? You’re good at school. I’m sure they will let you. Don’t be so hard on yourself. After all, it’s your passion that keeps you sane.”
Napangiti ako. “Thank you, Thelia.”
Wala namang masama kung bibilhin ko ang isa sa mga nagpapasaya sa akin.
Matapos namin bayaran ang mga binili namin ay pumasok naman kami sa department store. Nag-ikot ikot kami ro’n, nagsukat ng damit, at bumili rin. Pampalipas oras na rin at pagkatapos ay nagtungo na kami sa isang fast food chain. Nagutom na kami kaya naisipan na naming kumain. Dapat nga sa food court na lang kami kakain pero puno na ng mga tao, hindi kami makakakain ng maayos kahit na ang daming pagpipilian na mga pagkain doon.
Si Thelia na ang nag-order ng pagkain habang ako ang nagbantay ng table namin. Hindi pa naman ako sanay na mag-isang mag-order baka magkamali pa ako. Si Thelia ay extrovert naman, sanay na sanay na sa ganitong public place.
Maya-maya pa ay dumating na siya. We just ordered chicken fillet with rice, two large fries, and two ice cream floats.
“Alam mo ba, there’s this guy who keeps chatting with me,” panimula ni Thelia.
Habang kumakain na kami ay nagsimula na siyang magkwento.
“Tell me about it,” tugon ko at nakinig nang mabuti sa kanya.
I’m a great listener. I prefer to listen and sometimes give advice if it’s necessary. Natatakot kasi ako na baka kaka-advice ko ay nasasaktan ko na pala ‘yong tao o hindi niya gusto ang way ng pag-advice ko sa kanya. Baka mas lalo lang siyang maguluhan o magbago ang pananaw niya. Maging kasalanan ko pa kapag nagkataon kaya mas gugustuhin ko na lang na makinig kaysa magsalita nang magsalita.
“We’ve been talking for three months na. Sabi niya pa, gusto niya na ako at balak niya akong ligawan sa pasukan. Magkakagusto na sana ako sa kanya pero may bigla na lang akong napansin…I don’t know, but he’s showing red flags. Kahit maliit na bagay lang.”
Napatango naman ako habang kumakain na nang fries at sumisimsim sa aking float.
“What do you think? Should I stop talking to him?”
“If you think he’s not good for you, then stop. I mean, p’wede pa naman kayo maging friends pero hindi na kayo magiging tulad ng dati. You can still talk to him, pero may boundaries na.”
“Yeah, a friend will do.” Pagtango niya.
Tumango rin ako. “Besides, madami ka pang makikilalang lalaki. Maganda ka kaya madami pang pipili sa’yo,” seryoso ko namang sabi.
Alam ko na malayo ang itsura ko kay Thelia at masasabi kong mas mautak naman ako sa kanya pero hindi ‘yon nagiging dahilan para lumayo ang loob namin sa isa’t isa. Hindi ako naiinggit, nagsasabi lang talaga ako ng totoo.
We have our strength and weaknesses. She’s good at singing, dancing, and sports. Isa siya sa mga nilalaban sa intrams. While I am good at academics like written works, exams, and research. Magkaiba kami at tanggap namin ‘yon na may kanya-kanya kaming galing at kahinaan. Kailanman hindi ko naisip ‘yon na kainggitan siya. Because she’s my best friend and I will always cheer her up.
It’s just that…pagdating sa ibang tao ay hindi ko matanggap.
May hindi lang siya alam tungkol sa akin at gano’n din ako sa kanya. Ramdam ko naman ‘yon at naiintindihan ko. Kung siya hindi niya magawang sabihin sa akin, hindi ko rin kayang sabihin sa kanya. Kahit best friend ko siya, may tinatago pa rin ako sa kanya. Hindi naman kasi lahat sinasabi ko sa kanya. Minsan lang ako kung mag-open up sa kanya, isa na ro’n ang problema ko sa ‘king pamilya.
She understands and believed in me, and I am also to her.
Pero hindi pa rin nawawala sa sistema ko ang pagkatakot na mahusgahan ng isa sa mga importanteng tao sa buhay ko. I’m not that strong…akala lang nila ‘yon.
“Of course, girl! Ikaw rin maganda, ‘wag kang magpapatalo.”
Ngumiti na lamang ako sa kanya.
Hindi niya alam na isa iyon sa mga problema ko sa ‘king sarili. Having low self-esteem is one of the things that I can’t tell her.
It’s always about myself.