CHAPTER 7

2115 Words
“My dream profession is to be a doctor like my Father. He’s a surgeon.” Seriously? To be a surgeon? Hindi ko nga alam kung makakayanan ko ba talaga ‘yon. Hindi ko naman kasi gusto ‘yon, si Mama at Papa ang may gusto no’n para sa ‘kin. Pero wala akong magagawa kundi ang sumunod pa rin at maging mabuti na anak para sa kanila. Ayoko silang madismaya sa ‘kin, gusto ko pa rin na maging proud sila sa akin dahil iyon na lang ang pinanghahawakan ko kahit na hindi na ako masaya. I was happy back then about my achievements, having this confidence, but then I woke up. “How’s your first day?” Kasama ko ulit si Thelia. We’re at the café. Mamaya pa ako uuwi, ayoko pa kasing umuwi agad sa bahay. Dapat nga kasama ko ang mga kaklase ko ngayon kasi niyaya nila akong gumala pero mas pinili kong makipagkita sa best friend ko. Nakapagpaalam naman na ‘ko kay Mama. Pumayag siya dahil sinabi ko naman ang magic word. I said that I was good at the orientation kanina and nakapag-speech pa ako no’ng general assembly kaya tuwang-tuwa siya at pinayagan ako agad. Napabuntong-hininga ako. “Okay naman. They’re all good and mukhang competitive rin,” tipid kong sagot at saka sumimsim sa frappe. “What’s with that expression? You look tired, like always. Hindi ka ba naging masaya kanina?” nag-aalala niya namang sabi. Her lips turned into a frown. “You always know the answer to that question,” tugon ko at bahagyang natawa. Idinaan ko na lang sa tawa para hindi na mahawa si Thelia sa kalungkutan ko. “Kanina sa class introduction, alam mo ba kung anong sinagot ko?” dagdag ko. Napakunot ang noo niya. “Just like the old times? To be a doctor like your father?” “Exactly,” at napatango ako. Siya naman ngayon ang napabuntong-hininga. “Look, Alysha.” Umayos siya sa kanyang pagkakaupo at mainam akong tinignan sa mga mata. “Ano ba talaga ang gusto mo? Why don’t you try talking to them? Hindi mo naman sila binibigo, eh. Palagi kang nasa top. I do hope that they will listen to you. Try to open up to them. Siguro naman kahit papaano maiintindihan ka nila kasi kahit ano pang mangyari anak ka nila,” pagpapatuloy niya. Naiintindihan ko ang ibig ipahiwatig ni Thelia na kahit anong mangyari pamilya ko pa rin sila. Kaya dapat lang na lumapit pa rin ako sa kanila, magsabi, o mag-open up katulad ng sinasabi niya pero…hindi ‘yon gano’n kadali. Easier said than done. Hindi naman kasi lahat ng pamilya ay madaling lapitan. Bahagya akong napatungo, malalim na ang iniisip. “What if they won’t listen, Thelia? I want to be an artist, but I know deep inside they won’t let me. I’m the successor of the family, ang susunod sa yapak ni Papa kaya anong magagawa ko?” “Just try, Aly,” at hinawakan na ang kamay ko. “You can do it. Para na rin sa ikakatahimik ng puso mo. Kung ayaw pa rin nila saka na tayo gumawa ng paraan, okay? I’m here, you’re not alone.” I’ll try… “Thank you, Thelia. I really appreciate it,” at ngumiti. “Anytime, Aly. I’m your best friend! So, don’t worry. We only live once, so let’s live our life to the fullest.” Isa pa, I can’t live my life to the fullest. Kaya minsan nakakaramdam na lang ako ng inggit kapag nagagawa nila ang gusto nila na walang hinihingi ang magulang na kapalit sa kanila. Na okay lang sa kanila na mababa ang makuha nilang grade basta pasado, o hindi sila nanalo sa ganito ay hindi sila mapapagalitan at papayagan pa rin sila o susuportahan sa buhay nila. Sadly, hindi gano’n ang pamilya ko. There’s too much expectation, and that is the life that I need to fulfill. “Ikaw, kumusta?” tanong ko naman. Binitiwan niya na ang kamay ko at saka napapalakpak pa. Excited na siyang magkwento. Mukhang naging masaya ang first day niya. Nakinig lang ako sa kanya at maya’t maya sumasagot kapag kailangan. Maya-maya pa ay naisipan na naming umuwi. Nag-commute lang kami, hindi na nagpasundo. “Bye, Aly! Ingat sa pag-uwi!” aniya bago bumaba sa jeep. Siya kasi ang mauuna na bumaba sa amin. Sa dulo pa kasi ‘yong subdivision na inuuwian ko. “Ingat, Thelly!” tugon ko at kumaway pa sa kanya. Huminto na ang jeep nang pumara ako. Pagbaba ko ay nilakad ko na lang papasok sa subdivision, hindi na ako nag-tricycle. Sayang pa sa pera, at saka pampalipas oras na rin ‘tong paglalakad ako. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong naman ako ni Sammie. “Gagabihin daw sila Mommy. May urgent business meeting na pinuntahan. Ikaw na ang magluto,” iyon lang ang sinabi niya at umakyat na sa taas. Napabuntong-hininga na lang ako at umakyat na rin sa kwarto upang makapagpalit muna ng damit. Pagkatapos, bumaba na rin ako at nagtungo na sa kusina para makapag-prepare na ng pagkain para sa hapunan mamaya. It’s already six-thirty p.m. kaya nagsimula na rin ako. At dahil ako ang nagluto, si Sammie na ang pinaghugas ko ng pinggan. Mabuti na lang hindi na siya nagreklamo. Sinunod niya na lang ako. Kung hindi, mag-aaway talaga kami. Pagkatapos kong ligpitin ang pinaglutuan ko ay umakyat na rin ako. Matapos kong ayusin ang mga gamit ko na inilagay ko sa study table ay pumasok na ako sa banyo para makapag-half bath. Pagkatapos ko ring magbihis ay humarap na ako sa ‘king study table, pagkaupo ko sa upuan ay sinimulan ko na ang pagbabasa. Mag-aaral muna ako hanggang sa pasukin ako ni Mama o Papa sa kwarto, saka lang ako mago-online kapag tapos na nila akong silipin. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang may kumatok na nga sa pinto ko. Pagtingin ko sa wall clock, 9 p.m. na. Kararating lang nila. “Ma,” at ngumiti ako nang makita na siya. “Very good! Nag-aaral ka na, Anak,” nakangiti ring sabi niya. Tumango na lang ako na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. “Bakit, Ma? May kailangan ka pa po ba?” tanong ko nang saglit siyang natahimik. Bahagya naman siyang napailing. “Congrats on your first day, Alysha,” aniya at inilabas na ang white paper bag na kanina niya pa tinatago sa kanyang likuran. “W-wow…” hindi makapaniwalang sabi ko kahit na alam ko ng mangyayari ito. “Thanks, Mom,” at niyakap niya na ‘ko. “Binili namin ‘yan ng Papa mo,” aniya pagkalas ko sa yakap. “Pagbutihin mo ang pag-aaral. Sobra-sobra pa ang ibibigay namin sa’yo.” Hindi ko inalintana ang huli niyang sinabi. “Si Sammie, meron din po ba?” Napailing siya. “Hayaan mo na ang kapatid mo.” “Baka magalit—” hindi niya man lang ako pinatapos. “Siya ang unang nakakita, Anak. Sinabi ko nang magkakaroon din siya kung aatupagin niya na ang pag-aaral niya. Kailangan niyang matuto.” Napatango na lamang ako. Tama rin naman siya pero mas mabuti sana na hindi na lang nila ako binilhan. “Sige na, mag-aral ka na riyan.”  Pag-alis niya ay saka ko lang binuksan ang paper bag. Branded bag ang binili nila para sa ‘kin. Handbag na kulay pink. I don’t like color pink, pero iyon na ang kulay na madalas binibigay nila sa ‘kin. Hindi nila alam na favorite color iyon ng kapatid ko. Hindi rin nila alam na paborito kong kulay ay red. Nagkapalit ba o wala lang talaga silang pakialam sa mga simpleng bagay na tungkol sa amin?   I know I should be thankful. And I am thankful that I’m receiving this kind of gift, but it’s not okay. Dahil may napag-iiwanan na isa. Ngayong lumalaki na kami kung may ibigay man sa amin, hindi na talaga ‘yong kailangan mayroon kami parehas dahil kung sino ang mabait na anak o palaging magaling sa school ang nakakatanggap na ng regalo. Nilagay ko na lang ang bagong bag sa loob ng closet ko kung saan nakalagay sa iisang shelf ang mga bag ko. Pagkatapos bumalik na ako sa pag-aaral. Alize: Hello, guys! Bungad ko sa kanila. Katatapos ko lang mag-aral. Nakahiga na ako at nakatalukbong ng kumot habang hawak-hawak ko ang aking cellphone. Patay na rin ang ilaw kunwari’y natutulog na ako. Bella: Hey, girl! Penelope: Hi, Alize! Gerald: Hello, Al! Iilan lang ang online ngayon. Mukhang nag-start na rin ang klase nila. Alize: Kumusta kayo? Busy na ba? Sunod-sunod naman ang pag-reply nila. Bella: Yes! Nagsimula na kami. Kayo ba? May nagturo na nga sa amin agad, eh. Chemistry pa! Gerald: Aruy! Bella: Manahimik, Gerald!   As far as I know, galing din sa Stem strand si Bella. Gusto niya ring maging doctor. Pangarap niya talaga ‘yon kaya sigurado akong magtatagumpay siya. Gerald: Kami, orientation pa lang kaya p’wede pang mag-relax. *laughing emoji* Si Gerald naman ay pangarap maging reporter. Gusto niya rin ‘yon kaya wala siyang pinoproblema dahil suportado rin ang pamilya niya sa kanya. Penelope: Yes, Alize. Kayo ba? Habang si Penelope, hindi ko siya gaanong nakakausap pero last time nalaman ko na may problema siya sa kukunin niyang course dahil pinipilit siya ng magulang niya sa hindi niya naman kaya. May kanya-kanya rin talaga kaming pinagdadaanan. Kahit na there’s a chance na they all made it up, it still relates to us. We all know how reality works. That’s why we’re here in this virtual world. Nag-reply rin ako sa kanila at nag-open ng topic na madalas kong gawin sa tuwing tahimik ang group chat. Kayang-kaya kong gawin ‘yon pero sa personal hindi. Maya-maya pa ay mas umingay na ulit ang group chat dahil nag-online na rin sila Kylie, Harry, Nikolai, Liza, at Omar. Si Ryujin ay hindi na yata mago-online dahil gabing-gabi na rin at madami na siguro silang ginagawa sa school. College student na kasi siya. Liza: Long time no chat! Nikolai: Grabe, tagal n’yong nawala! Nag-honeymoon kayo, noh? Liza: Luh? Kapal ng mukha mo, Nikolai! Omar: Gago HAHAHAHA Nagkaroon pa ng tampuhan na ikinatawa ko naman. Sunod-sunod na ang pag-chat nila. Kinamusta rin nila ako na palagi nilang ginagawa. Hindi nila ako nakakalimutan. I really feel special in this group. Inabot na kami ng madaling araw sa pagku-kwentuhan. Hinayaan ko na silang mag-usap. It’s time to check my socials. Habang nag-scroll sa f*******:, nanlaki na lang ang mga mata ko nang mag-pop up ang chat head ni Ryujin. Nag-private message siya! Bumababa na rin ang kumot na nakatalukbong sa ‘kin dahil sa kalikutan ko. Tuluyan akong napasandal sa headboard at binuksan na ang message ni Ryujin. Ryujin: Hey, Alize. Would you mind listen to me? I need someone to talk to right now. Napalunok ako, dinig ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Gayunpaman, nag-reply ako agad sa kanya. Alize: Sure, Ryujin. What’s up? Maya-maya pa ay nag-reply na siya. Wala pang isang minuto. Ryujin: Can I call? Napamura ako sa aking isipan. Call lang naman, ‘di ba? Muli akong napalunok at napahinga na nang malalim. Alize: Okay. *Ryujin Laxus is calling you* Dali-dali naman akong lumabas patungo sa balkonahe ng kwarto ko. Ginawa ko pang tao ang bolster ko na unan at tinakpan ito ng kumot para lang hindi ako mahuli. Pagsara ko ng glass door ay gumilid ako kung saan hindi ako makikita. Baka kasi bigla-biglang pumasok si Mama o Papa sa kwarto, patay talaga ako! Pagsagot ko ng tawag ni Ryujin ay binati ko naman siya. “Hi.” “Alize.” His voice is really deep…lakas maka-gwapo! Actually, nag-face reveal na siya. Inabot pa nga ‘yon ng thousands of likes sa social media. Dahil lang sa dare kaya niya nagawa ‘yon. Kung totoo man na siya ‘yon, ang swerte talaga! Muli akong napalunok. Unti-unti na rin akong kumakalma. Hindi lang talaga ako sanay na may tumatawag sa akin tapos madaling araw pa. Lakas rin talaga maka-jowa nitong si Ryujin. “Hey…are you okay? May problema ba?” bahagya ko pang binabaan ang boses ko para magmukhang girly ang pang-digmaan kong boses. “I had a bad day.” “Go on, Ryujin. I’ll listen.” At nagsimula na nga siyang magkwento tungkol sa nangyari kanina. Nakinig lang talaga ako sa kanya, I didn’t bother to answer. Hanggang sa matapos siya saka ko lang siya kinausap. He’s having a hard time, especially there’s a problem with his family. I guess family is sometimes the main problem in our life. Everyone can relate. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD