CHAPTER 8

1972 Words
Katatapos lang ng another orientation sa isang subject teacher namin sa Filipino sa Piling Larang. Nasa cafeteria na ako, mag-isang kumakain. Pagkatapos talaga ng orientation lumabas na ‘ko. Gusto ko sanang yayain si Emma na kumain pero nagbago na lang ang isip ko. May kaibigan naman na siya, kasama niya na sila Vein kaya hindi na ako nagtangkang kausapin siya. Habang nakain din ay nagbabasa ako, dala-dala ko ang romance novel na binigay sa ‘kin ni Thelia. This book is a life saver. Hindi ko mapapansin ang mapanghusga nilang mga tingin sa ‘kin. Patuloy lang ako sa pagbabasa at pagnguya ng aking pagkain nang maramdam ko ang presensya ng isang tao na umupo sa harap ko.   Pag-angat ko ng tingin ay tumambad sa ‘kin si Owen, ‘yong kaklase ko na gamer. Iyon kasi ang natatandaan ko sa introduction niya. “Huh?” wala sa sariling nasambit ko dahilan para mapatingin din siya sa ‘kin. Totoo bang nasa harap ko siya? Hindi ba ako namamalikmata? This is new. There’s a guy who wants to sit with me? Ang dami pa namang ibang table na bakante, dito niya talaga gusto? “Why?” his eyebrows furrowed. “May nakaupo na ba rito?” “Ah, wala.” Napailing ako. Unti-unti namang bumalik ang kalmadong ekspresyon niya. Tumango na lang siya at nagpatuloy sa pag-kain. Gano’n din naman ako, kumain na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Kahit nakakabigla ang ginawa niyang pagtabi sa ‘kin. “Wow, Owen! Orientation pa lang may nabingwit ka na?” boses ng lalaki. “Omg! Is that Alysha Ganadoz? Sana all!” boses naman ng babae. And now, someone joined here at our table. Hindi na lang kami ni Owen ang nandito. May kasama na kaming dalawa pa na mukhang taga-ibang strand. Pagtingin ko sa kanila ay katabi na nila si Owen, inaasar na parang wala silang ibang kasama. Hello? Nakakahiya naman sa ‘kin? Akmang tatayo na ako upang lumipat na lang ng ibang table para hindi na sila magambala nang bigla na lang nagsalita si Owen. “Stay. Don’t mind them,” aniya na parang susunod naman ako. Well, yes. Dakilang taga-sunod ako, so… Tuluyan nang napatingin sa ‘kin ang dalawa na hindi ko naman kilala. “Oh, hi! Pasensya ka na, binibiro lang namin itong si Owen. By the way, I’m Ayen from HUMSS strand,” pagpapakilala ng babae at inilahad na ang kamay niya. Napatango ako. “I’m Alysha,” pagpapakilala ko rin kahit na kilala na nila ako kasabay nang pagtanggap ko ng kamay niya. Lumapad ang ngiti sa labi niya. She seems friendly, and I already felt comfortable. “Hello, Alysha! Ako naman si Nilo,” sunod na sabi ng lalaki. “From ABM!” at inilahad ang kamay. Tinanggap ko rin ang kamay niya. Hindi ko akalain na mayroong mga matalik na kaibigan si Owen. Mukhang close kasi sila sa isa’t isa kahit na hindi sila masyadong pinapansin ni Owen, ngunit may napansin ako sa mga mata niya. Nang dumating ang dalawa ay tila kumislap ang mga mata niya. Hindi man siya showy sa mga salita niya, napapansin ko naman sa ekspresyon niya. “Grabe ka naman, bro! Sinosolo mo na agad si Alysha. Kapal ng mukha mo na sumama sa highest honor student,” at napahalakhak si Nilo sabay palo sa braso ni Owen. Kilalang-kilala talaga nila ako. “She’s my classmate, Nilo. f**k you.” “Ouch!” at ibinaling ni Nilo ang paningin sa ‘kin. “Alysha kung ako sa’yo hindi ko ‘to kakaibiganin. Kita mo naman. Ang sama, ‘di ba?” saka muling tumawa habang nakaakbay na kay Owen. Tinanggal naman iyon ni Owen. Hindi ko alam pero parang natatawa ako sa kanila. “Agree,” patango-tango pang sabi ni Ayen. Gustong-gusto talaga nilang asarin si Owen pero parang wala lang kay Owen. Kahit na matalas ang dila niya kung sumagot, hindi naman nasasaktan ang mga kaibigan niya. Dapat sa mga ganitong klase ng tao, nalayo na ako pero iba ang nararamdaman ko ngayon. They look fun to be with and kind. It’s like there is no judgment behind their eyes. Dinadaan lang talaga nila sa biro na hindi naman nakakasakit ng damdamin. Hindi ko kasi ramdam na nang-iinsulto sila, eh. Hindi tulad sa iba na mararamdaman mo talaga, sarkastiko pa. Papahiyain ka pa para pagtawanan. “Mamaya, ah. Kailangan ka ro’n, Owen,” paalala ni Nilo at tumayo na. Gano’n din si Ayen. Tinanguan na lang siya ni Owen at nagpaalam din siya kay Ayen nang kausapin siya nito. “Nice to meet you, Alysha!” sabi naman ni Ayen sa ‘kin. “Mamaya na lang ulit. Kasama naman yata kayo sa part one ng orgs orientation. Isa kami sa magsasalita ro’n. Manood ka, ha?” dagdag niya. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Nagpaalam din si Nilo sa ‘kin, kinawayan ko na lang siya. Last year hindi kasi ako sumali sa mga organization. Mas nag-focus ako sa mga competitions sa loob at labas ng school since ako ang pambato nila palagi. Kaya ngayon iniisip ko rin kung sasali na ba ako, hindi pa ako sure kasi kailangan ko pang kausapin sila Mama. Pag-alis nila ay saka lang ako kinausap ulit ni Owen. “Sorry,” paghingi niya ng tawad. “Huh?” naguluhan pa ako. “About them…they’re my friends actually.” “Oh, it’s nothing,” at saglit na ngumiti. “Nakakatuwa naman sila, eh.” Napatango siya. “Finish your food. Sabay na tayong bumalik sa classroom, hintayin na kita.” Saka ko lang naalala na may pagkain pa pala ako. Nakakahiya naman kung hihintayin niya pa ako. Hindi pa naman kami close. “Hindi na. P’wede ka ng mauna,” tugon ko. “I insist. Just eat, Alysha,” aniya at parang nakita ko pa ang maliit niyang ngiti sa labi. Grabe, ganito pala siya. And wait a minute—bakit ba parang ang casual na namin mag-usap? Grabe, Alysha! Anong kagagahan ‘to? Kailan ka pa nag-entertain ng lalaki? Dapat pinapaalis mo na siya! “Okay…” tanging nasabi ko. Binilisan ko na lang at nang matapos ako ay niligpit na namin ito para bawas sa gawain ng mga naglilinis dito sa cafeteria. Naglalakad na kami patungo sa ‘ming building nang dagsain kami ng mga college students na nag-ROTC. Simula na siguro nang training nila. Ang bilis nilang tumakbo! Mababangga na ako ng isa nang hatakin ako ni Owen palayo sa kanila. Nasa gilid niya na ako. “Be careful,” aniya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. “Thank you,” napahina pa ang pagkakasabi ko na sana narinig niya kasi wala na ‘kong balak na ulitin. Pagpasok namin sa room ay natahimik sila. Tila nagulat nang makita kaming magkasama. Baka issue na sa kanila? Nakatinginan na lang kami ni Owen at bumalik na sa aming pwesto. Baka nga maging close ko itong si Owen. I think we think alike at some point.  “Anong ginawa n’yo, ah?” ani Drake habang nataas at baba ang kilay. “Ikaw, ah. Owen pala ang nais. Mahilig ka sa gamer?” dagdag niya nang hindi ko siya pansinin. Pinapagitnaan ako ng dalawang lalaki. ‘Yong isa ay si Raven na tahimik, buti pa siya hindi tulad ng isa na ang ingay-ingay talaga. Inirapan ko na lang si Drake, pinagtawanan niya naman ako. Hindi pa nagsisimula ang klase nauurat na ako sa lalaking ‘to. Baka magpalipat na lang ako ng upuan kapag naubos na ang pasensya ko. Hindi rin nagtagal ay pinatawag na kami para sa another orientation. Organizations naman ng school. Since madami, hinati nila sa dalawang araw. Ngayong hapon, kalahating orgs ang makikila namin tapos bukas ng umaga ay ‘yong mga natira.   Maya-maya pa ay nasa gymnasium na kami. Madami ang mga students sa STEM strand. Ang strand namin ang bumubuo sa kalahating populasyon ng mga senior high school student’s kaya palagi kaming inuuna. Minsan naririnig ko na lang ang reklamo ng mga taga-ibang strand dahil may special treatment “daw” kami. They have a point, but it’s not all about that. Sa HUMSS strand nga palaging nanalo sa mga competitions na may kinalaman sa poetry, theater performances, debate, at iba pa. ABM naman ay palaging naaasahan sa financial, sobrang yaman ng mga tao ro’n. Sila rin ang madalas namin makalaban sa mga quiz bee. Ang TVL strand ay napakagaling naman pagdating sa pagluluto, sports, technology, at palagi silang nanalo sa Intramurals. May kanya-kanya talagang galing ang bawat mga estudyante, wala ito sa strand. It’s just that society puts standards to it. Na kapag galing kang STEM strand, nandoon ang mga matatalino at iyon ang strand na pinakamahirap. Hindi nila napapansin ‘yong ibang strand na mayroon din namang quality and strength. Kahit ano o sino naman ay may kalakasan at kahinaan na dapat tanggapin, hindi ‘yong ipagkukumpara sa iba. Nakakalungkot lang na ‘yong ibang tao ay hindi ‘yon maintindihan. “Good afternoon, everyone!” Pumalakpak naman kaming lahat nang magsalita na ang babae. Galing siya sa HUMSS strand. Nasa itaas kami ng bleachers. Nasakop namin ‘yon kaya nasa baba ang iba pang mga strand, nakaupo sa stool chair kaharap ang stage. Habang nagpapakila na ang kauna-unahang organization na umakyat sa stage ay nahagip naman ng mga mata ko si Owen. Kasama niya na sila Ayen at Nilo. Saang organization kaya sila? Napapaisip ako. Hindi ko akalain na active si Owen sa mga ganito. Ngayon ko nga lang siya napansin, e ka-strand ko lang naman siya. Bakit nga ba puro ako Owen? Napailing na lang ako at ibinaling na ang paningin sa mga nagsasalita sa stage. Nage-explain na sila kung anong meron sa organization nila. “Sasali ba kayo? Hindi naman required ‘yan, eh.” Narinig kong sabi ng kaklase ko. “Ako depende, hehe.” Si Emma. “Extra credits daw, eh sa certain subjects natin. Depende sa organization na sasalihan,” sabi pa ng isa. Tahimik lang naman ang katabi ko pero ‘yong mga nasa likod, dinig ko ang pinag-uusapan nila. “Ga-graduate na tayo. Ayaw n’yo ba mag-focus na lang sa acads? Baka tumabingi pa tayo niyan dahil sa extracurricular activities na ‘yan. Lagot ako kay Daddy!” “E ‘di hindi ka na sana nag-stem kung hindi mo kaya. Sayang kaya ‘yon. Need natin grades kaya sali na tayo!” “Tanungin n’yo kaya si Alysha?” si Vein. I think siya nga ‘yon. Bakit ako nasama? Anong kinalaman ko sa pagsali o pagtanggi nila sa mga orgs na ‘yon? Ako ba magde-desisyon sa kanila? Hindi ko alam kung anong trip ni Vein. “Eh, sigurado kayo?” hindi nakatakas sa pandinig ko. Hindi ko na kailangan alamin kung sino ‘yon dahil nakilala ko na ang boses niya. Walang iba kundi si Sofia. “Hi, Alysha! Sasali ka ba?” kinalabit ako ni Shane. Napakagat ako sa ‘king labi. Paglingon ko ay nakita ko na ang mga magkakatabing mga babaeng kaklase ko. Pinapagitnaan nila si Vein na parang Reyna nila. Magkakaibigan na nga sila. Halos lahat yata ng babae sa room ay kinaibigan ni Vein, maliban lang ako. “I’m not yet sure,” tanging sinagot ko sa kanila. Hindi naman talaga ako sigurado. “Uhm, Alysha. By the way, kung sasali ka kasi sasali na rin sana kami. You know, para makasabay sa’yo?” ani Vein na parang may gustong ipahiwatig. “Pero kung ayaw mo, it’s fine. Matalino ka na kasi kaya kayang-kaya mo ng hindi sumali sa mga org,” malumanay ang boses niya at nakangiti rin pero ramdam kong ayaw niya sa ‘kin.  I guess she’s one of them. I can’t befriend her. This will only make me lose myself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD