First day of class.
Six in the morning, gising na ako. Eight pa naman ang start ng klase. Ihahatid naman kami at malapit lang naman ang pinapasukan naming paaralan kaya mabilis lang kami makakarating kahit na magkaiba kami ng school ni Sammie. Pagbangon ko ay niligpit ko na rin ang aking higaan. Pagkatapos pumasok na sa banyo para makapaghilamos at sipilyo.
Nang makababa ay nagkasabay pa kami ni Sammie sa hagdan. Pinauna ko na siya at pagpasok namin sa dining room ay binati namin si Mama bago umupo at magsimulang kumain. Hindi namin kasama si Papa ngayon dahil tulog pa. Si Mama naman kasi ang maghahatid sa ‘min.
“Galingan n’yong dalawa, ha? First day of classes n’yo ngayon kaya dapat lang na magkaroon na agad ng good impression ang mga teachers ninyo sa inyo.”
As usual, ganito si Mama. Bago pumasok pinapaalahanan niya kami tungkol sa mga dapat naming gawin sa paaralan. Gusto niya na maging bida kami palagi. Nakakarindi na nga pero hindi ko sasabihin dahil—
“Oo na. Paulit-ulit na lang,” pagsagot ni Sammie.
Dahil si Sammie na ang magrereklamo. Siya lang naman ang may kakayahan na magsalita ng gano’n kay Mama na parang mas matanda pa siya.
Napahinto sa pag-kain si Mama. Susunod nito ay manenermon na siya habang ako ay tahimik lang na kumakain. Iniiwasan ko na lang ang maya’t mayang pagtingin ko sa kanila. Itinutok ko na lang ang sarili sa pagkain bago pa ako mawalan ng gana.
“Sam, kay aga-aga. Huwag mo na ‘kong subukan,” kalmadong saad niya na tila ba nagtitimpi. Maya-maya pa ay nagsalita ulit siya na akala ko ay tapos na. “Tumatanda kang paurong! Iyang bibig mo, walang ginawa kundi ang sumagot-sagot sa ‘kin ng pabalang. Siguraduhin mo lang na babawi ka ngayong school year kung hindi ipapatapon na talaga kita sa probinsya. Gumaya ka nga sa Ate mo!”
Napatikhim na lamang ako.
“Fine! Just shut up.” Pag-irap niya.
She should have known better. Mother knows best, hindi ba? Pero bakit hindi niya maramdaman o mapansin lang na sumusobra na siya? Na baka nasasaktan ang kapatid ko kaya nagagawa niya ‘yon. I’m being a hypocrite. I f*****g know that. I hate my sister. I hate Sammie. I know at some point, ayokong nalalamangan niya ako pero…ayoko rin naman na palaging ganoon na lang ang makikita ko sa tuwing nagagalit si Mama o Papa sa kanya. I just feel guilty. Bilang Ate na dapat pinagtatanggol ko siya pero heto ako hindi man lang makapagsalita.
May pagkakataon talaga na hindi ko magamit ang boses ko.
Pagkatapos kumain ay umakyat na ulit kami ni Sammie. Gusto ko pa sana siyang kausapin dahil kami na lang dalawa, ngunit nakapasok na siya sa kanyang kwarto. Napabuntong-hininga na lamang ako at pumasok na rin sa ‘king kwarto.
Kasalukuyan nang nagmamaneho si Mama. Malapit na kami sa Science school na papasukan ni Sammie. Maya-maya pa ay nakarating na kami. Nagpaalam lang siya at bumaba na, hindi na hinintay si Mama na makasagot. Napailing na lang si Mama at minaniobra na ulit ang manubela para ihatid naman ako sa school.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami. Tinanggal ko na ang seatbelt ko.
“Bye, Ma. Ingat po,” sabi ko bago bumaba.
“Make me proud, Alysha.”
Napatango ako. “Yes, Mom,” tugon ko at tuluyan nang bumaba. Pagsara ko ng pinto ay tinahak ko na ang daan papasok sa campus.
Habang naglalakad ay may bumabati naman sa ‘kin. Mga kilala ko no’ng grade 11. Since palagi akong sumasali sa mga extracurricular activities, madami rin akong nakikilala pero hindi ko sila nagiging kaibigan. Tinatanguan ko na lang sila at paminsan-minsan nginingitian kapag tinatawag nila ako. Kapag niyayaya naman nila ako, tumatanggi ako. Nagdadahilan na hindi ako p’wede kahit na papayagan naman ako.
I checked my phone once again. Kagabi lang sinend sa amin ang soft copy ng section, designated seats at kung saang building kami.
Still, I’m on section one. Pero iba na ang mga kaklase ko, bago na. Ang mga dati kong kaklase no’ng grade 11 ay hindi ko na makakasama ngayong school year. Pinaghiwa-hiwalay talaga kami kaya panibagong introduction na naman ito. Iyon naman ang pinakahihintay nila sa orientation week. Student’s introduction, in a creative way.
Nagtungo na ‘ko sa second building, third floor. G12 – Stem 1-1 ang pangalan ng section at room kung saan ako kabilang. Pagpasok ko sa classroom lahat naman sila ay napatingin sa akin. With my resting b***h face? Automatically they won’t talk to me. Paniguradong kung ano-ano na ang iisipin nila tungkol sa ‘kin. Baka nga nakilala na nila ako. Hindi naman kasi ako transferee, malamang naririnig na nila ang pangalan ko.
Sabi pa sa ‘kin ni Thelia no’ng magkaklase kami ay mukha akong mataray at natatakot sila sa ‘kin dahil sa mga mata ko. Para kasi akong may gagawing masama sa paningin nila. Walang nagtangkang mang-asar sa ‘kin dahil na rin sa katayuan ko sa klase na palaging honor student. Siya lang talaga ang naglakas-loob na kaibiganin ako.
Parang gandang-ganda ako sa sarili ko, noh? Kahit hindi naman talaga ako maganda. It’s just that it’s my way to help myself in this society full of bullies or staying away from those insensitive people who don’t know the difference between jokes and an insult.
Nang makaupo sa ‘king upuan ay nagbasa na lang ako. Balita ko mamayang hapon pa ang general assembly kaya ngayong umaga ay nasa classroom lang kami, hinihintay ang magiging adviser namin. Hindi ko naman inalintana ang pag-iingay nila lalo na ‘yong mga lalaki sa likod na mukhang magkakaibigan na lahat. May naka-assign na seats sa amin pero hindi yata nila sinunod o baka nagtabi-tabi muna sila?
Kapag ganito talaga, ang dami kong naiisip. Nakatuon ako sa libro, ngunit lumilipad naman ang utak ko.
Maya-maya pa ay pumasok na rin ang adviser namin. “Good morning, class.”
Napatayo na kaming lahat. “Good morning, Miss Tacuyan!” pagbati namin. Kilala na namin siya. Naging teacher ko rin siya no’ng General Physics 1.
“Get back to your proper seats,” paalala niya kaya nagsibalikan ang mga lalaki kong kaklase sa tama nilang upuan. Akala siguro nila ay pagbibigyan pa sila. Mabuti na lang marunong silang sumunod, isang sabi lang. “Okay, class! You may sit now,” aniya kaya napaupo na kami.
“Miss, may klase na ba agad?” tanong ng isa kong kaklase.
“Gusto n’yo na ba? P’wedeng-pwede,” nakangiting tugon ni Miss at akmang ilalabas na ang libro.
Napadaing naman ang iba na parang ikakamatay na nila kung magklase na. “Miss, ‘wag!” halos sabay-sabay pang sabi nila kaya tuluyang natawa si Miss.
Habang ako? Tahimik lang na pinagmamasdan silang lahat. Wala akong masabi, kahit ano namang mangyari ngayon susunod ako. Kung may klase na, sasagot agad ako sa recit dahil nakapag-aral naman na ‘ko.
“Of course, this week is just an orientation, so there will be no classes.”
“Yown!” tuwang-tuwa naman sila.
Pagkatapos, humarap na si Miss sa white board at nagsulat gamit ang pentel pen. Naka-aircon ang room kaya hindi na uso ang black board. Matapos niyang isulat ang pangalan niya ay nagpakilala na siya. “As you all know, I’m Crissa Tacuyan. I will be you adviser for this Stem 1-1, class. Ako rin ang magiging teacher n’yo sa General Chemistry 2 and Research capstone.”
“Ito na…nararamdaman ko na ang pagbagsak ko.”
Muli silang natawa dahil sa komento ng lalaki naming kaklase.
“’Yong iba ay naging teacher na ako sa General Physics 1. Am I right, Miss Alysha?” pagtingin niya sa ‘kin.
Napatingin din ang mga kaklase ko sa ‘kin. Napalunok ako at marahang napatango. “Yes, Miss.”
Tumango rin siya. “Unfortunately, ibang guro na ang makakasama ninyo sa General Physics 2. Para naman bago ang makakasama n’yo at experience pagdating sa Physics 2,” at pumunta na sa harap namin. Sumandal siya sa table at humalukipkip. “Now, let’s start with your introduction. State your name, hobbies or what’s your dream profession. Anything you like to tell us about yourself. You can also sing or dance, show your talent. Let’s start with you,” pagpapatuloy niya. Nagsimula ang introduction sa unahan.
Naka-pwesto ako sa bandang gitna kaya matagal-tagal pa ako.
“Hi, I’m Vein Diaz! My dream profession is to be an architect,” simpleng pagpapakilala niya. Iyon pa nga lang ang sinabi niya ay nagkukumahog na ang mga lalaki na makilala siya.
Gano’n talaga kapag maganda.
“Nice to meet you, Vein. You’re the transferee, right?” tanong ni Miss matapos tignan ang papel na hawak niya kung saan nakalagay ang mga pangalan namin.
“Yes, Miss.” Pagtango niya.
“Miss Vein, can you tell us more about yourself?”
Napangiti naman ang babae. “Actually, I have a lot of talents po. I can sing, dance, and play some instruments.”
And now, I feel stupid. She got the looks, talents, and what? Matalino rin ba siya? Great, my mood is now ruined.
“Sample, please!”
“Oo nga, Miss!”
“Kanta lang, oh!”
They were all laughing and smiling at the same time, while me? I am not okay. I feel like this school year would be the death of me.
Dahil sa sinabi nila ay nagpakita nga siya ng gilas. Pagkatapos niyang kumanta lahat nagpalakpakan, kasama ako sa pumalakpak. Tunay nga siyang magaling. Hindi naman ako plastik na tao, marunong akong pumalakpak sa mga taong deserve talaga. Besides, wala pa nga siyang ginagawa sa akin. Ang sama ko naman kung magtatanim na agad ako nang sama ng loob. Hindi naman ako ganoong tao. Kahit na may naiisip ako…
Sunod na nagpakilala ay ‘yong lalaki na mukhang walang pakialam sa mundo. He’s wearing a black hoodie, parang siya ‘yong palaging natutulog sa klase. He looks like a fictional character. “I’m Owen Miguel Bautista. Gamer. I still don’t know what profession I’m going to take.”
Iyon lang naman ang sinabi niya at umupo na siya. Hindi niya na in-entertain ang sinabi ni Miss. Ganitong klaseng pag-uugali ay isa sa mga nagugustuhan ng mga babae, but not me. Silent type, cold, walang pakialam? Bonus na lang siguro na gamer siya. Kung hindi naman ‘yan gwapo, hindi siya pagtutuunan ng pansin o magugustuhan. I just wonder what’s happening in his mind? He looks deep.
Nagpatuloy pa ang pagpapakilala ng mga kaklase ko.
“Hello, guys!” this one is cheerful. Nakikita ko siya palagi sa cheering dance competition. “I’m Sofia Valencia. I love to dance, and someday I want to be a cardiologist!” pagpapakilala niya. Sumayaw rin siya harapan, tuwang-tuwa naman sila at nagawa pa nilang biruin si Sofia.
Sunod, lalaki ulit ang nagpakilala. “Hi. I’m Julian Ramos. I read books, play chess, and play sports. Soon to be an Engineer.”
Ah, matalino ‘to. Good looking din. Wala namang panget dito, ako lang. Gan’yan na gan’yan din ang mga kaklase ko no’n pero makukulit pa ang mga ‘yon. Ngayon kasi iba na. Besides, I like to observe people, and sometimes it’s also my way to know them by not talking to them. I just watch like a person who judges them silently, but in a good way. Hindi ko naman sila sisiraan. Gusto ko lang talaga makilala ‘yong mga taong maaaring makausap ko o maging kaibigan ko. Or maybe I’ll stick to being alone? Bahala na nga.
Dalawa na lang, pagkatapos ako na ang susunod na magpapakilala.
“Hello po! I’m Emma Cruz. I love reading din po, and doing crafts or artworks. Hindi pa po ako sure sa dream profession ko kasi pinag-iisapan ko pa kung magte-take ako ng medical course sa college or architecture…”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. She’s also an artist…maaari kayang maging kaibigan ko siya?
“Wow, that’s nice, Miss Emma. Good luck,” puri naman sa kanya ni Miss.
“P’wede po bang pa-portrait?” biro pa ng isa na ikinatawa nilang lahat.
“Sure po!” tugon niya agad.
Mukhang mabait siya…
Napabalik na lang ako sa katinuan nang makaupo na ang katabi ko. Tapos na siyang magpakilala kaya ako na ang sunod na tumayo. “Hi, I’m Alysha Ganadoz. I…I can paint,” mautal-utal pang sabi ko. Napahinga ako nang malalim. “My dream profession is to be a doctor like my Father. He’s a surgeon.”
Dream ko ba talaga?
“Sabi sa’yo, eh! Siya nga si Alysha, ‘yong highest honor.”
“Sana all brainy!”
“President na natin ‘yan, oh!”
I just smiled at them. Kilala na nga nila ako dahil sa mga achievement ko. I should be happy, but it’s not enough. It will never be enough.