CHAPTER 9

1524 Words
Katatapos lang ng part one orientation ng mga organizations. Pagkatapos akong kausapin nila Vein ay tinantanan na nila ako. Mabuti na lang kasi aalis talaga ako kapag hindi sila tumigil. Hindi ko na nga masyadong naintindihan ‘yong pinagsasabi ng grupo nila Owen dahil sa kanila. Ang alam ko lang ay kabilang siya sa organization ng mga writers, editor naman siya ro’n. Talagang ginulat ako ni Owen. Ibang-iba siya sa inakala ko. Sabi nga nila, don’t judge the book by its cover. “Alysha, right?” Hindi ko alam kung anong mayro’n ngayong araw pero dalawang lalaki na ang lumapit sa ‘kin. Wala pang nakakagawa no’n maliban na lang kung may kailangan sila. Lalapit lang naman sila sa akin kapag ganoon. “Julian?” patanong ding sabi ko ukol sa pangalan niya. “Yes, hinihintay mo rin ba sundo mo?” aniya at umupo na sa tabi ko. Tumango na lang ako at bahagyang umusog palayo sa kanya dahil nagkadikit ang braso namin. Nandito kami ngayon sa waiting shed sa labas ng school, hinihintay ang sundo namin. Uwian na kasi at dapat magco-commute ulit ako pauwi pero biglang nag-message si Papa sa ‘kin na susunduin niya ako. First time kong makakasama si Papa na kaming dalawa lang. Madalas kasi si Mama talaga ang umaasikaso sa amin. Sabi niya pa pupunta kaming mall para mag-grocery. I can’t wait to do that.   “You prefer to be alone?” muli siyang nagsalita. “Sometimes,” tugon ko. Sa harap lang ang paningin ko, nakatutok sa mga dumadaang sasakyan. Hindi na ako nag-abalang tignan siya pero ramdam ko ang pagtitig niya sa ‘kin, mula sa peripheral vision ko.  “Ah, okay lang ba na nandito ako?” Tuluyan na akong napatingin sa kanya dahil sa naging tanong niya. Mukha ba akong nangangain? Bakit niya pa kailangan magtanong? Isa ba siya sa mga natatakot sa ‘kin o kaya siya gan’yan dahil sa mga nalaman niya tungkol sa akin? Alam ko naman na may nasasabi ‘yong iba tungkol sa akin. Na sa sobrang talino ko “raw” ay hindi ko na kailangan ng kaibigan kaya wala pa akong nagiging ka-close kundi si Thelia no’ng junior high school pero wala na siya no’ng nag-senior high kami kaya mag-isa na lang ulit ako sa paningin nila. Naririnig ko pa sa iba na masungit ako, mayabang, o ‘di kaya self-centered. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ‘yon. Pinag-uusapan nila ako, aware ako ro’n. May nahuli pa nga ako noon. “Okay lang. Bakit?” nagawa ko pang magtanong. Gusto ko lang malaman kung bakit niya nasabi ‘yon. “To be honest, you look intimidating.” Bahagya naman akong natawa. Bago iyon sa pandinig ko, wala pa kasing nakakapagsabi sa akin no’n. Masyado siyang honest. “Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nangangain.” “Oh, wow,” sumilay na ang ngiti sa labi niya. Napatitig ako ro’n. Ang gandang pagmasdan…posible ba talaga ‘yon? Mas lalo siyang gumwapo dahil sa pagngiti niya. ‘Yong gwapo ka na nga, tapos may iga-gwapo ka pa pala. Nahiya tuloy ako makipag-usap parang hindi ko deserve na makipag-usap sa kanya dahil sa itsura ko. “Alysha?” Napakurap ako. “Yes? Sorry, may sinasabi ka ba?” Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Now, he looks amused. “Let’s be friends? I want to know you more. Hindi ako makikinig sa sinasabi nila.” Natigilan ako. Dapat kukunin ko na ang kamay niyang nakalahad sa ‘kin, ngunit sinabi niya ‘yon. “Ano bang sinasabi nila tungkol sa ‘kin?” tanong ko at ibinaba niya na ang kamay niya nang hindi ko ‘yong tanggapin. “Sorry—” hindi ko na siya pinatapos. “No, it’s fine. Gusto ko rin namang malaman.” Tuluyang naglaho ang ngiti sa labi niya. “Vein said something—” Naibaling ko na lamang ang paningin sa harapan. Naudlot ang pagsasalita niya nang may huminto ng sasakyan sa harapan namin. Tumayo na ako at isinukbit na ang bag sa likod ko. Sakto talaga ang pagdating ni Papa. “Bye,” tipid kong sabi at pumasok na sa loob ng sasakyan. Hindi ko na kailangan patapusin si Julian. Sa sinabi niya pa lang, sigurado na akong ayaw talaga sa ‘kin ni Vein. Ano bang ginawa ko sa kanya? Wala naman. Kuhang-kuha niya na nga ang atensyon ng lahat. “Pa,” sabi ko nang makapasok na sa loob ng sasakyan. Ikinabit ko na rin ang seatbelt ko. “Kaklase mo ba ‘yon, Alysha?” aniya at nagmaneho na muli. “Yes po,” tugon ko. “Bawal pang mag-boyfriend, ha. Alam mo namang ikaw ang pinaka-inaasahan ko, Anak. Mag-aral muna bago ‘yang pag-ibig dahil hindi ka niyan mapapalamon kundi ang career mo lang na tatahakin mo,” paalala niya. Gusto kong matawa na dapat kakabahan ako sa sinabi ni Papa pero hindi, eh. Sino ba naman ako? Ang kapal naman ng mukha ko kung magkaka-boyfriend ako. Hindi naman ‘yon mangyayari sa akin. Ang labo ng iniisip ni Papa! Sa itsura kong ‘to? Seryoso? No way! Walang magtatangkang lalaki na ligawan ako kahit na matalino pa ako. Mas gugustuhin pa rin nila ang magandang babae dahil iyon nga naman ang unang napapansin. Eh, ako? Kailangan ko munang ipakita ang ugali ko o katalinuhan ko para magustuhan? Ang hassle, besides tanggap ko ng walang magkakagusto sa ‘kin. Matagal na. “Yes, Dad. Wala ‘yon sa plano ko sa buhay.” Kayo naman magpa-plano sa buhay ko, hindi ba?  “Tama iyan.” Makalipas ang ilang oras ay narating na namin ang mall. Pagka-park ni Papa ay bumaba na ako at sabay na kaming pumasok sa gusali. Dumiretso muna kami sa supermarket. Nakasunod lang ako sa kanya habang siya ay namimili ng mga bibilhin. Pagkatapos ay pumila na kami. Hindi nagtagal ay kami na ang sumunod sa counter, matapos niyang bayaran ang groceries ay nagtungo naman kami ni Papa sa isang restaurant. He’s going to treat me. “Kapag hindi mo naubos, i-take out na lang natin para sa Mommy mo at kay Sammie. Nag-order din naman ako para sa kanila,” aniya. Ngumiti na lamang ako at saka tumango. Hindi niya nakalimutan sila Mama at Sammie. Kapag kasama ko siguro si Mama, hindi niya maiisip ‘yon. While waiting for our food, nag-usap kami tungkol sa nangyari sa school kanina. Kahit na nakakatakot si Papa, sa tingin ko magagawa niya pa rin akong intindihin. Si Mama lang naman ang mahirap talaga kausapin. Should I try? Baka ito na ang pagkakataon ko. Si Papa na lang muna ang kakausapin ko. “Dad, what if…” natigilan na lang ako sa pagbilis nang pagtibok ng puso ko. Ito na naman ang mabigat kong nararamdaman na parang ayaw akong pasalitain. But I have to! I need to try if this really works for Dad. “What if, ayoko pong maging surgeon?” nangangatal kong sabi. Para akong masusuka, tila pinipilipit ang tiyan ko at umaakyat ang asido sa lalamunan ko! “Oh, ano bang gusto mo, Anak? Pedia? Cardio? Neuro? P’wede naman—” Dahan-dahan akong napailing. “Hindi, Dad. I want to be an artist po…” “What?” napakunot ang noo niya at parang hindi narinig ang sinabi ko kahit na alam kong narinig niya naman ‘yon. Hindi niya lang siguro matanggap na ang anak niya ay may ibang gusto.  I’m starting to feel bad…hindi ko na lang sana tinuloy. Sa reaks’yon pa lang ni Papa alam ko ng hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Bakit ba ako umasa? Nakakainis! Mas kilala ko ang pamilya ko. Alam ko ng ganito ang mangyayari pero sinubukan ko pa rin. Bakit ba ako nakinig kay Thelia? Hindi niya naman nakakasama sila Mama.  “Tama ba ang narinig ko, Alysha?” pagpapatuloy niya. “W-wala po, Dad.” Pag-iling ko. “Sorry, hindi po pala…wala iyon.” Napabuntong-hininga naman siya, tila nakahinga nang maluwag. “H’wag mo ng uulitin ‘yon, Alysha. Mas maganda na maging surgeon ka tulad ko. Kayanin mo dahil nararapat sa’yo ‘yon. You’re my first daughter, my responsible daughter. Don’t disappoint me, Alysha.” Ang hirap maging panganay. Ang daming i-aasa sa’yo. Sana naging bunso na lang ako. Bahagya akong napayuko, muling pinigilan ang luha ko. Hindi ako p’wedeng umiyak. Ayokong makita ni Papa na nasasaktan ako. Ang alam nila, matapang ako. At sa pag-angat ko ng tingin sa kanya ay ngumiti na ako. “Opo, Pa…” “Very good. H’wag mo na ring ipaalam sa Mommy mo. Alam kong gusto mo talaga iyon, Alysha pero hindi ‘yon makakabuti sa’yo. Being an artist? Painter? What, Alysha? Mabubuhay ka ba ro’n? Hindi, ‘di ba?” Napatango na lang ako. Hindi na ako sumagot dahil kahit ano pang sabihin ko, ang tanging papakinggan niya lang ang gusto niyang marinig. “Magagalit lang sa’yo ang Mama mo kung sasabihin mo ‘yan,” dagdag niya. “Yes, Dad.” Hindi na talaga mauulit. Kahit sino sa kanila, wala talagang nakakaintindi sa akin. Sa pamilya ko, mag-isa lang talaga ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD