Pagkatapos naming mag-hapunan ay umakyat na ako sa ‘king kwarto. Hindi na ako nagtagal sa baba. Pinaakyat na rin naman kami ni Mama kaya hindi na ako nag-atubiling sumunod. Nawalan na rin naman kasi ako ng gana at kung magtatagal pa ako sa baba baka kung ano pa ang marinig ko sa kanila. Matapos naming mag-usap ni Papa no’ng kaming dalawa lang ay nanahimik na lang ako. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makauwi kami. Pagkatapos kong mag-half bath ay sumalampak na ako sa kama. Ayokong mag-aral ngayong gabi dahil wala namang papasok sa utak ko. Maya-maya pa ay naisipan ko ng patayin ang ilaw para kung sakali mang pumasok si Mama o Papa sa kwarto, makikita nilang tulog na ako at pababayaan na nila ako. “Anak—” Napapikit ako nang marinig na ang boses ni Mama. “Tulog na pala. Ano bang