Hindi na natuloy ang pagyaya ni Julian sa ‘kin na kumain sa labas dahil sa nangyari. Kasalukuyan nang nagmamaneho si Papa, pauwi na kami. Hindi pa namin masusundo si Sammie dahil wala pang 5 p.m. Napaaga lang talaga ang pag-uwi ko dahil sinabi ni Mama na kailangan ko munang magpahinga. Naudlot tuloy ang usapan na mangyayari dapat kanina sa office ng guidance counselor. Gayunpaman, mas mabuti na rin ‘yon na ipagpabukas na lang dahil pagod na kaming lahat. Para isahan na lang din ang usapan na mangyayari bukas. Inaasahan din na magkikita-kita na lang bukas ang mga magulang ko, magulang ni Vein saka mga magulang ng kasabwat niya, at magulang ni Emma. Hindi dapat ako kasama pero nadamay na ako kaya kailangan talaga sila Mama at Papa bukas. “Kumain ka na ba, Alysha?” ani Mama. Napahawak