Mga katok sa labas ng pinto ang narinig ko kaya agad kung binuksan ang pinto. "Miss Bella, pinatatawag po kayo ni Lord Marco," wika ng tauhan ni marco. "Sige, po kuya susunod na ako," pahayag ko rito habang nakangiti at nakita siyang bigla tumungo. "Napaka mahiyaan mo naman po, kuya? Huwag na po ninyo akong tawaging Miss Bella, pangalan ko na lang po ang itawag ninyo sa akin," anas ko. "Hindi po maaari iyon Miss Bella ako naman po ang malalagot kay Lord at pinagbilin din po niyang bawal kaming makipag-usap sa 'yo," nakatungong wika ng lalaki. Anong kaya ang problema ng lalaking iyon at ayaw akong makipag-usap sa mga tauhan niya. Saka wala naman akong saki o may amoy ang kili-kili ko. Nagdadabog tuloy akong bumaba ng hagdan dahil nakakainis. Naku makawala lang ako rito, hindi mo na ak