"Arayy!" Sigaw ko at tumingin ako sa kamay kong puro sugat, araw-araw akong pinaglalaba, kahit nga yata malinis na damit ay pinalalabhan ni Lucy sa akin basta't mapahirapan lamang ako. Kahit masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong pa rin bumangon, baka saktan na naman ako ni Lucy. Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Lucy at mukhang takot na takot ito. "Hoy! Ikaw, ayosin mo ang sarili mo, sapagkat ngayon araw ang dating si Lord, umakyat ka na sa itaas, bilisan mo!" bulyaw nito sa akin. "H-hindi pa ako tapos," wika ko. ''Ako na ang bahala riyan, ang bagal mo kasi maglaba!" sigaw nito sa akin. Kahit masama ang pakiramdam ko pinilit ko pa rin mag-ayos ng sarili ko sa totoo lang gusto kong mahiga sa kama lalo at sobrang masakit ng katawan ko, isama pa ang kamay kung puro suga