Midnight Lover 2

2299 Words
Papunta na sana ako sa sinasabing silid ni Ema. Nang makasalubong ko ang Mayordoma. "Hija, tanggap ka na, pinasasabi pala ni Lord na bukas ng umaga ay bumalik kayo." "Ho? Tanggap na po ba ako? Eh, hindi ko pa nakakausap si Mr. Clayton," wika ko. "Okay na hija. Puwede na kayong umalis at bumalik kayo ng maaga rito bukas nang maituro ko sa inyo ang mga dapat gawin dito sa bahay," usal ni Manang bago umalis sa harap ko. Agad akong bumalik sa kinaroroonan ni Ema. "Nakausap mo ba, Bella?" tanong sa akin ni Ema. "Hindi pa. Pero tanggap na raw ako sabi ni Manang at agahan daw natin bukas," wika ko. Tumango na lamang si Ema at nagyaya na akong umalis sa bahay ni Mr. Clayton. Kailangan ko nga pa lang magpaalam kay inay. Alam ko naman na papayagan ako noon lalo at kailangan namin ng pera. Malayo pa lamang ako'y natatanaw ko na ang Inay ko. Nakangiti na agad ito sa akin habang papalapit ako. Agad kong sinabi ang aking balak sa Inay ko. Pansin kong nabahala ang mukha ng aking mahal na Ina. "Anak, sigurado ka na ba na papasok kang kasambahay sa bahay ni Mr. Clayton?" tanong sa akin ng nanay ko." "Opo Inay, buo na po ang desisyon ko. Saka malaki rin ang suweldo. Huwag ninyo pa akong alalahanin Inay, kaya ko na po ang aking sarili. Kung hindi ko naman gusto ang patakaran doon ay puwede naman akong umuwi Inay," wika ko. "Basta't lagi kang mag-iingat Bella. Umalis ka agad kung makita mong hindi maganda ang trato sa 'yo sa bahay na iyon," wika ng Inay ko. Pansin kung may pangamba pa rin mukha ni Inay. "Opo, Inay," magalang kong wika. Maaga akong matutulog dahil alas singko pa lang ay gigising na ako. Para walang masabi samin si Mr. Clayton. Nakakahiya naman kung tanghali na kaming pupunta sa bahay nito. Tunog ng alarm clock ang nagpagising sa akin. Kaya nagmadali ako sa aking pagkilos. Pinagbilin kasi ng Mayordoma sa mansiyon na agahan namin ang punta roon. "Nay! Aalis na po ako," lumapit ako sa Nanay ko at nagmano bago umalis. "Mag-iingat ka, Bella!" malungkot na pahayag ni inay sa akin. "Opo nay," magalang na sagot ko. Lumabas ako ng bahay. Natanaw ko agad si Ema na papalapit sa akin. Ang usapan kasi ay sabay kaming pupunta sa bahay ni Mr. Clayton. Naglakad na lang kami patungo sa bahay ng magiging amo namin. Mabilis lang kaming nakarating sa mansiyon. Nag doorbell agad si Ema at bumakas ang gate. Ang nakangiting guard ang bumungad samin. "Pasok na kayo at puntahan lang ninyo si Manang Ditas. Siya na ang bahala sa inyo dahil umalis si ng maaga si Lord Marco." "Sige po!" panabay na wika namin ni Ema. Napansin naman kami ni Manang Ditas nang papasok kami sa loob ng mansiyon. Nakangiti ang matanda habang papalapit samin. "Sumunod kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa inyong magiging salid," wika ng matanda. "Dito ang magiging silid mo Ema," wika ng matanda. "Hindi po kami magkasama, ni Ema?" nagtataka kong tanong sa matanda. "Hindi hija. Dahil ang magiging silid mo ay sa itaas," usal ng matanda. "B-bakit po hindi kami magkasam sa iisang kuwarto?" may pagtataka kong tanong manong rito. "Huwag mo ng alamin hija, dahil sa bahay na ito ang Hari lang ang puwedeng tanong at mag-utos," mahiwagang wika ng matanda. Hindi na lang ako nagsalita. Maganda ang kuwartong pinagdalhan sa akin ni Manang Ditas, at mukhang hindi kwarto ng isang maid. Inayos ko lamang ang gamit ko at lumabas na rin ng silid. Binigay samin ni Manang Ditas ang mga dapat naming gawin dito sa mansiyon. "Bella, ikaw ang maglilinis ng kuwarto ni Lord Marco. Ayosin mo ang paglilinis sa loob ng silid ni Lord. Dahil ayaw na ayaw na may makikitang kalat sa kwarto niya," bilin sa akin ng matanda. Parang bigla akong kinabahan sa sinabi ni Manang Ditas. Wala rin naman akong karapatan na magreklamo sapagkat katulong lang ako sa bahah na ito. "Sige na Bella. Maglinis ka na sa loob ng kwarto ni Lord Marco at tandaan mo ang mga binilin ko sa 'yo," paalala uli sa akin ng matanda. Pumunta na ako sa silid ni Lord Marco. Namangha ako salaki ng kwarto ng Amo ko. Mas malaki pa nga itong silid nito kaysa sa bahay namin. Nag-umpisa na akong maglinis ng buong kuwarto, pinalitan ko rin ang bedsheet ganoon din ang mga kurtina. Mabilis lang akong nakatapos sa paglilinis dito sa kwarto. Kaya Lumabas na ako ng silid. At pumunta sa kusina upang tulungan si Manang sa pagluto. Sumapit ang gabi kaya tapos na rin kami sa mga gawain dito sa mansiyon. Umakyat na ako sa aking silid. Nakakatuwa dahil meron din akong sariling cr dito sa silid ko. Mabilis lamang akong naligo, ang sarap kasing matulog kapag bagong ligo. Lalo na at malambot ang kamang hihigaan ko. Pinatay ko ang ilaw dahil hindi ako sanay matulog ng bukas ang ilaw. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala akon. Narinig kong may pumasok dito sa loob ng kuwarto ko. Kaya lang hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil pakiramdam ko'y antok na antok ako. Naramdaman kong umupo sa paahan ko ang estranghero at hinaplos ang mga daliri ko sa paa, pataas sa hita ko. Sino ang ang lalaking mapangahas na pumasok dito sa kwarto ko. Sana'y, panaginip lang ang lahat ng ito. Lalo at natatakot na rin ako at baka kung ano ang gawin niya sa aking. Mas nagulat ako nang bigla akong halikan sa aking labi. Ang first kiss ko, ninakaw lang mapangahas na estranghero. Nagising akong tagaktak ang pawis sa aking noo. Umikit ako sa paligid at puro kadiliman ang nakikita ko. Hinawakan ko ang labi ko para kasing nakadikit pa ang labi ng estranghero sa aking panaginip. Maaga akong nagising kinabukasan at halos wala nga akong tulog lagi kasing pumapasok sa utak ko ang halik ng estranghero sa aking panaginip. Nakita ko si Ema na kagigising lang. Nakangiti pa nga ito ng lumapit sagawi ko. "Bella, parang puyat na puyat ka?" tanong ni Ema. "Hindi nga ako halos nakatulog kagabi." usal ko. "Bakit?" tanong uli nito. "May itatanong ako sa 'yo Ema." Naranasan mo na bang managinip at sa iyong panaginip ay hinalikan ka ng isang lalaki?" tanong ko rito. "Oo, minsan nga hindi lang halik." wika nito. "Ha? A-Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko. "Ayyy!" Oo nga pala virgin ka pa pala," wika ni Ema. So, panaginip lang pala iyon? Isang linggo ang matuling lumipas pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang aking napanaginipan para kasing totoo ang lahat. Sa tuwing matutulog ako sa gabi laging pumapasok sa utak ko ang paghalik sa labi ko. Katulad ngayon gabi, biga na namang pumasok sa isip ko ang paghalik ng estranghero sa aking panaginip. Ipinikit kong muli ang mga mata ko at tuluyan ng nakatulog. Ngunit nararamdaman kong may humahaplos sa aking mukha. Panaginip na naman ba ako ito?" Pero bakit ganoon parang totoo ang lahat. Nabigla ako nang halikan na naman ang aking labi. Matagal ang ginawang paghalik ng estranghero sa labi ko, parang may hinahanap sa loob ng bibig ko. "Aaahhh!" bakit, umuungol ako?" nagugustuhan ko ba ang halik nang mapangahas na lalaki sa aking panaginip? Nagulat ako nang bigla na lang mawala ang labi ng estranghero sa aking labi. sa aking labi. Dinig ko ang mga yabag ng paa palabas ng silid. Sino ka ba? bakit pumapasok ka sa aking panaginip? "Aaahh!" Malakas kong sigalaw at pawis na pawis. Sinamdam ko ang labi ko at pansin kong basa ang lips ko. Tingin ko rin ay parang namanhid at parang totoong may humahalik sa labi ko. Kakatulog ko lang pero pumasok agad iyon sa aking panaginip. Hindi ako halos nakatulog. Pagtingin ko sa orasan nakita kong alasingko na nang umaga kaya bumangon na lamang ako. Nag-asikaso muna ako aking sarili bago bumaba, suot ko rin ang uniform ng isang katulong. "Good Morning! Manang Ditas," pagbati ko. "Oohh!" ikaw pala Bella, kumain ka na bago ka mag-umpisa sa iyong mga gawain," bilin sa akin ng matanda. "Sige po," tugon ko. "Dumating na pala si Lord Marco kagabi at pinasasabi niyang ayosin mo raw iyong mga gamit niya na nakalagay doon sa maleta niya at iyong maruruming damit labhan muna rin, Bella," bilin sa akin ng matanda. "Sige po. Kaya lang natutulog pa po si Lord Marco," wika ko. "Kumatok ka lang sa pinton at pagbubuksan ka noon hindi iyon basta magagalit sa 'yo. Dahil aayosin mo naman ang mga gamit niya. Saka ibinilin naman niya iyon sa akin kagabi. Kaya huwag kang mag-alala Bella," pahayag ni Manang Ditas. "Sige po," tugon ko kahit may takot sa aking dibdib. Kinakabahan akong pumanhik paitaas upang pumunta sa kuwarto ni Mr Clayton. Sa totoo lang ngayon ko pa lang makikita ang aming Lord. Nanginginig ang kamay ko nang kumatok ako sa pinto ng kuwarto ng amo ko. Hindi naman nagtagal at bumukas ang pinto. Napanganga ako nang makita kong sobrang guwapo ni Mr Claylon. My gosh! Naka boxer lang ang lalaki, mabuti naman at tumalikod din si Lord Marco. At bumalik sa pagkakahiga sa kama. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Dahil parang nanglalambot ito isabay pa ang kaba ng dibdib ko. Nilakasan ko na lang ang loob ko, hindi ako tumitingin sa kama. Kahit alam kong nakapikit na ang lalaki. Ngayon lang kasi ako nakakita ng gwapong nilalang sa tanang buhay ko. Nakita ko naman agad ang dalawang maletang sinasabi ni Manang. Nag-umpisa na ako sa aking gagawin alam ko naman kong marumi dahil hindi ayos ang pagkakatupi. Isa-isa kong iniligay ang malilinis na damit sa loob ng cabinet. Dala ko ang maruruming damit ni Mr Clayton. At balak ko nang labhan. Nakita ko ang lalaki na gising na at hawak ang kanyang laptop. May ipag-uutos pa po kayo, Sir?" nakatungong kong tanong. Sir. Ang gusto kong itawag rito. Ang pangit kasing tawagin ko siyang Lord. Matagal bago magsalita si Marco. "Wala na," tunog nito. Kaya nagmamadali akong kumabas ng silid ni Lord. At ngayon lang ako nakahinga nang maayos. Para kasing iba 'yung pakiramdam ko kapag nandoon ako sa loob ng silid ni Lord Marco. "Nakita muna ba si Lord?" tanong ni Ema. "Oo," sagot ko. "Ang guwapo 'di ba?" tanong nito. Ngunit pansing kong kinikilig. "Oo." Sabay tango ko rito "Makalaglag panty 'di ba?" tanong uli ni Ema "Ang dami mong alam Ema. Bumalik ka na nga sa trabaho mo at baka makita ka ni Manang Ditas, baka ikaw ay mapagalitan pa." "Bella, pinatatawag ka ni Lord Marco. Bilisan mo Bella. Dahil ayaw ni Lord Marco na pinaghihintay," paalala ng matanda. Kaya nagmamadali akong pumanhik paitaas ng silid ni Lord. Kumatok ako sa pinto ng kuwarto. Bumukas naman ka agad ang pinto. Nakita kong mukhang galit ang amo ko. "Kanina pa kita pinatatawag 'di ba?" galit na asik ng lalaki. "Sorry po, Sir," Nakatungong usal. "Ihanda mo ang mga susuotin ko!" Pa-bruskong utos nito sa akin. Marahan akong pumasok sa loob ng kuwarto upang gawin ang pinag-uutos niya sa akin. Lumapit ako sa cabinet at nakita ko agad ang mga pang opisina na damit ng lalaki. Nakabukod na nama kaya madali na lang makita. Narinig ko ring nasa loob ng cr si Sir Marco, dahil sa tunog ng tubig na bumabagsak galing sa shower. Kaya nagmadali kong inayos ang kama habang wala pa ang lalaki. Saktong pagtapos kong maglinis sa buong kuwarto ay siyang labas naman ni Lord Marco galing sa cr. Kaya bigla akong kinabahan lalo at nakita kong nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang katawan ni Marco. Nag-iwas na lang ako ng tingin dito. "Sir, Marco, lalabas na po ako. May ipag-uutos pa po ba kayo?" tanong ko rito. Tumingin lang siya sa akin at tumalikod hindi man lang nagsalita. "Bahala ka nga sa buhay mo," mahina kong bulong at lumabas na nang tuluyan sa kuwarto ng lalaki. "Hi, Bella," pagbati sa akin ng hardenero rito sa mansiyon. Magaang gumiti ako rito. "Ikaw pala, Joe." Magkasing edad lang kami ni Joe. Napag-alaman kong matagal na siyang nagtatrabaho rito sa mansiyon. Wala akong masabi rito kundi sobrang mabait niya sa akin at magalang din makipag-usap. "Tutulungan na lang kitang magwalis, Bella," pag-aalok nito ng tulong. "Naku! Huwag na kaya ko na ang lahat ng ito. Iyong gawain mo lamang ang iyong asikasuhin," malumanay kong wika rito. "Tapos na ako sa mga gawain ko. Sige na pumayag ka na sa aking nain na tulungan kita," pangungulit ni Joe sa akin. "Kaya ko na ito. Saka kaunti lang naman itong wawalisan ko," pagtangi ko rito. Ngunit nakita kong lalapit na sa akin si Joe at tangkang aagawin ang hawak kong walis. Kaya naman agad kong inilayo rito ang hawak kong walis. Ang kinalabas tuloy ay nag-aagawan kami. "Ano'ng ginawa ninyo?!" Dumagundong ang malakas na sigaw ng isang lalaki. Kaya bumaling ang tingin ko sa tao na sumigaw. Ganoon na lang ang takot ko nang makita ko ang nagbabagang tingin ni Marco samin ni Joe. "L-Lord," kabadong sabi ni Joe. At ramdam ko ring may kaba sa dibdib nito. "Oras ng trabaho naglalandian kayo!" malakas at tahasang usal ni Marco Clayton. Napatungo na lang ako sa sinabi niya. Masakit pala magsalita ito. Para tuloy gusto ko na lang umuwi sa bahay ko. "Ikaw! Linisan mo ang kotse ko!" galit na utos ni Marco sa hardenero na si Joe. "And you? Bilisan mong magwalis hindi iyong nakikipag landian ka sa lalaki sa oras ng iyong trabaho!" saad nito pero nakaturo sa akin ang isang daliri nito. Nababanaag ko rin sa mukha nito ang galit. Napanganga ako sa sinabi ni Mr. Clayton. Anak ng tinapa. Nakikipaglandian agad? Diyos ko po ang sakit naman magsalita ng lalaking ito at kung husgahan ako ay wagas na wagas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD