Nagising akong walang Marco sa tabi ko kaya marahan akong bumangon. Narinig ko rin may mga nagtatawanan sa labas ng bahay, sumilip ako sa bintana upang tingnan kung sino ang mga iyon. Nakita ko agad si Marco. Kaya napakunot ang noo ko nang makita ko ang babaeng katabi niya at kung makahawak sa lalaki ay wagas. "Alam ninyo bagay na bagay kayong dalawa," wika ng babaeng bagong dating at tingin ko'y mukhang chismosa ito. "Oohhh, narinig mo 'yun, Love, bagay raw tayo," wika naman ng malanding babae. Biglang nabaling ang tingin ko kay Marco. Lalong sumama ang mukha ko ng ngumiti lang ito. "Hhmmm! Magsama kayong dalawa parihas kayong malalandi," naiinis na bulong ko. Nakakainis ang lalaking iyon. Kapag kami ang magkasama ay hindi talaga ngumingiti ang pesteng Marco. Samantalang sa babaeng iy