Dalawang linggo na ang nakalilipas pero hindi pa rin nagkakamalay si Marco. "Namimis na kita sana'y gumising ka na Marco hindi ko kayang makita kang nakaratay rito sa ospital. Ayos lang sa akin kahit magsungit ka o kahit hindi ngumiti, ang mahalaga ay buhay ka. Tatanggapin ko na lamang na lagi mo aking nilalandi," kausap ko sa walang malay na si Marco. Nagulat ako nang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Len. "Miss Bella, bilis mo! Kailangan mong magtago ngayon din, hindi ka nila puwedeng makita." "Ha, bakit? Sino ba ang mga iyon? tanong ko kay Len. "Mamaya ko po na lang po ipapaliwanag sa 'yo Miss Bella. Dito po muna kayo sa ilalim ng bed magtago dahil parating na po sila," tarantang wika nito. Sumunod na lamang ako sa pinagagawa ni Len. Nagmadali akong sumuot sa ilalim