Chapter 2
HALOS ARAW-ARAW akong sinusundo ni Johann. Kung minsan naman ay hinahatid niya rin ako. Pero minsan din ay hindi siya nagpapakita. Hindi ko naman siya tinatanong kung anong pinagkakaabalahan niya kapag wala siya sa construction. E ano naman ngayon kung minsan wala siya. Tulad ngayon walang Johann na nagpakita sa campus. Inaamin kong umaasa akong makikita ko siya sa gate pero nabigo lang ako. I pouted. “Nasaan kaya iyon?
Baka nagsawa na sa'kin? May nakitang ibang babae? Napuno na sa kasusungit ko? Bigla na lang akong nainis.
Nakasimangot akong naglakad palabas ng campus habang yakap ng mahigpit ang libro ko. Naiinis ako. Baka maniwala na kong madali lang talaga magsawa ang mga lalaki. Wala talagang nakakatagal sa mahabang ligawan. Kasi ang uso ngayon, isang kindat lang kayo na! Nakatinginan lang, kayo na! O kaya isang linggong ligawan, pakipot ng kaunti, sasagutin na! Kaya maraming maagang nabubuntis kasi nagpapadala sa init ng katawan!
Pagnagpakita siya sa'kin, ha who you ka! Ha!
“Miss tabiii!”
Ganoon na lang ang gulat ko ng may sumigaw sa kaliwa ko. Mabilis ang mga pangyayari. May mga sumisigaw ding iba pero 'di ko na sila matingnan pa dahil ang mga mata ko ay nakafocus sa motor na mabilis ang harurot at papalapit sa akin! Am I going to die! Ayoko pa, mag-aasawa pa ko! A familiar face flashed in my head. A man that I was anticipating to see. Ang kabaliktaran ng pangarap ko.
Si Johann.
“Aaaah!” Biglang may yumakap sa'kin at tinulak ako sa sementong sahig. Unang sumadlak ang balakang ko sa matigas na sahig. Dumilat ako, mainit na semento ang bumungad sa akin. Dumagundong ang dibdib ko. Hingal na hingal ako. Buhay pa ba ko?
“Okay ka lang Miss?” Halos hindi pa ko makahinga sa mga pangyayari. Hindi ko nga iniintidi ang taong sumagip sa'kin.Bumangon ako at isang kamay ang naglahad sa harapan ako kaya kinuha ko na rin.
Tiningnan ko ang motor na muntik na kong sagasaan. Hinahabol na siya ng isang traffic enforcer na saksi rin sa nangyari.
“Okay ka lang ba miss?” Isang baritonong boses ang nagsalita sa gilid ko. I looked at him. He was giving me my bag and books.
“T-Thank you..” Dahil sa sobrang kaba at takot ko tanging iyon lang ang nasagot ko.
“Gusto mo bang dalhin kita sa ospital? Baka may pilay ka?” Bakas sa boses niya ang pag aalala. Ospital? Gastos lang 'yon. Wala sa budget ko ang magpaospital. Hindi naman ito siguro malala.
Umiling ako. “Hindi na. Okay lang ako. Salamat na lang.” Dahan-dahan akong tumayo at humakbang, napangiwi ako ng kumirot ang binti ko. Inangat ko ng kaunti ang palda ko, at laking gulat ko ng makita kong namumula at puro gasgas ito. May mga dugo na rin akong nakikita. “Ang malas naman oh..”
“Tara miss, hatid na kita sa ospital. Dapat nating ipatingnan 'yang binti mo. Malakas ang impact ng pagkakabagsak natin baka may nadislocate sa mga buto mo. Mas mainam na ipacheck na natin 'yan” Then he started walking habang hawak niya ko sa siko.
“No! okay lang. Maliit na sugat lang 'to--”
“I insist. At ako na ang bahala.” He said. Talagang wala siyang balak na bitawan ako. Ano'ng gagawin ko, wala akong pera pambayad?
Naglakad kami patungo sa isang matingkad na kulay asul na kotse. Bahagya akong napanganga. I looked at him again. He was about to open the passenger's door. Noon ko lang siya napangmasdan. Matangkad, gwapo at matipuno siya. Pailalim kong sinuri ang taong nagmagandang loob na tulungan ako. Signature shirt, nice pants, expensive watch na nakita ko na suot ng isa sa mga classmate ko. Aaminin ko, sa materyal na bagay ay munting paghanga ang naramdaman ko.
Hinatid pa ko hanggang sa bahay ni Tyler Fellez. He was the one who saved me from that incident. He even paid my hospital bills. Ilang tests din at gamot ang binigay sa'kin kaya malamang libuhin din ang inabot no'n. Lalo pa at sa private hospital pa niya ko dinala. Nahihiya tuloy ako sa kanya. Nagtratrabaho na naman daw kasi siya kaya wala lang daw 'yon sa kanya. He's twenty-four. Five years ang tanda niya sa akin.
“Salamat ha, Tyler. Nakakahiya na sa'yo. Pero babayaran naman kita. Hmm, easy ka lang.” Nahihiya kong sabi sa kanya.
He chuckled. “It's alright. Magpagaling ka lang, bayad ka na. At mag-iingat ka na sa susunod. Baka 'di na kita maligtas pa.” We both laughed.
“Ate Aaliyah!”
Sabay kaming lumingon ni Tyler sa pinanggalingan ng boses. Napangiti ako ng makita ko ang pinsan kong si Alee na nakatayo sa pinto ng bahay namin. Pero nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang katabi niya na may madilim na mukha. Matiim siyang nakatingin sa braso ko.
Na hawak ni Tyler.
Biglang kumalabog ang puso ko. Sa uri ng paninitig ay tila aakayin ako nito sa sobrang tiim at bigat. Nakapamulsa siya at walang kangitingiti ang mukha.
“Ate Aaliyah bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay ni kuya Johann e!” Lumapit si Alee sa amin ni Tyler. Ngiting-ngiti at parang nagniningning ang mga mata niya kay Tyler nang malapitan itong nakita.
“May nangyari lang kasi kanina. By the way Tyler this is Alee, pinsan ko. Alee si Tyler Fellez, niligtas niya ko kanina, pinagamot pa.”
“Nice to meet you, Alee.” Naglahad ng kamay si Tyler. Na agad namang tinanggap ni Alee.
“Nice to meet you too, Tyler. Pero wait! Niligtas ka niya at pinagamot? Bakit ano'ng nangyari?” Pag- aalalang tanong ni Alee. Sinuri pa niya ko.
“Naku, mahabang kwento. Sa loob na natin pag-usapan. Tyler dito ka na kumain.” Nahihiya akong lumingon sa kanya. Umaasang kahit sa ganitong paraan ay makabawi ako at malamang na nasira ko ang oras nito.
He smiled, “Hindi ako tatanggi d'yan. Pagkain 'yan e!”
Papasok na kami ng bahay ng humarang sa daanan ko si Johann. Kung kanina ay madilim ang mukha niya ngayon ay malambot na ito. May pag-aalala pa kong nakikita sa kanya. I sighed. “Mauna na muna kayo sa loob Alee...”
“Sure! Tara Tyler!” She immediately grabbed Tyler's arm.
I looked at Johann again. I crossed my arms on my chest. “Ano'ng sa atin Johann? Alam mo, para kang kabute. Bigla kang sumusulpot at bigla ka ring nawawala.” Kainis! Nasamyo ko ang pait sa tono ko sa pagkakasabi n'on.
He furrowed his brows. “Nasaktan ka ba? May masakit ba sa'yo? Ano'ng nangyari? Namukhaan mo ba yung gumawa n'yan? Baka kailangan mong ma-confine? s**t! Dapat pala sinundo kita! B'wisit!” Humugot siya ng malalim na hininga. I was stunned at his reaction. Nataas-baba ang dibdib niya. Kitang-kita ko sa itsura ang disappoinment at pagsisisi. Nawala tuloy ang tapang na nilabas ko dahil d'on.
“O-Okay na naman ako. Hindi naman kalakihan ang sugat ko e, Saka wala naman daw akong bali...” Pinakita ko pa sa kanya ang sugat ko sa binti.
Ngunit tila mali ang ginawa ko at lalong dumilim ang mukha niya. “f**k!” He cursed when he saw my scratches, parang gusto pang magwala sa itsura niya. Nagulat ako sa nakikita ko sa kanya. Kung makamura siya at magalit ay bago sa akin. This is the first time I saw him like this. Na parang 'di na makakausap ng matino.
“Ano ka ba hindi naman 'to seryoso, saka nagpacheck-up na ko kanina. Maswerte nga raw ako at ganito lang ang natamo ko. Kung hindi nga dahil kay Tyler--”
“Niligtas ka niya? Kasama mo ba siyang nagpagamot?” Salubong ang mga kilay niya at tila paputok na sasabog!
“Malaki ang utang na loob ko sa taong 'yon. Kung hindi dahil sa kanya malamang na-ospital pa ko. Sinagot pa nga niya 'yung bayad sa hospital.”
“Parang tinulungan ka lang hangang-hanga ka na? Natural sa tao ang tumulong kaya hindi ka dapat humanga ng ganyan. Dinala mo pa dito. Baka mamaya n'yan masamang tao 'yan.” Hindi pa rin nawawala ang salubong n'yang kilay. Tila naiinis pa rin.
“Pwede ba Johann tumigil ka na nga. Saka, ngayon ka lang nagpakita uli tapos kung makaasta parang boyfriend kita a!” Napameywang na ko sa kanya para kahit papaano ay malusaw ang parte ng dibdib kong kinakabahan sa kanya.
He grinned. “E'di sagutin mo na ko! Para valid na kong magselos sa mga lalaking lalapit sa'yo at patutumbahin ko sila 'pag dumikit sila sa mahal ko!” Anas nito. Napanganga ako at bumilis ang t***k ng puso ko. Tama ba iyong narinig ko, na mahal ako? Alam kong palagi siyang nagpapakita ng interest sa akin pero ngayon lang niya nabanggit ang mahal.
I was shocked. Speechless to be exact.
“Namiss kita. Ako ba 'di mo namiss?” He asked with a tender voice.
I swallowed. Naguguluhan na ko! I took a very deep breath. “Ewan ko sa'yo timang!” At nagmartsa na ko papasok sa loob ng bahay. Bago pa ko mawala sa sarili ko.
Ilang oras din pumirmi sa bahay si Johann. Actually parang wala siyang balak umuwi hangga't nandoon pa rin si Tyler. All the time, ay masama talaga ang tingin niya dito lalo na 'pag nag-uusap kami. Kung minsan ay pinanlalakihan ko siya ng mga mata kapag binabara o sinusungitan niya ito. Tinanong din niya kung ano ang plate number ng muntik nang sumagasa sa'kin. Alangan naman itong sinagot ni Tyler. Pag-alis ng dalawa ay saka kami nakapagbonding ni Alee.
Alee is my closest cousin. We both have the same interests, mapa-showbiz, musics, movies at kahit sa pananamit. Nagkikita lang kami 'pag dumadalaw siya samin ni lola at ng pitong taong gulang kong kapatid na si Adrian. Ang mama ni Alee na nakatira na ngayon sa america ang nagpapaaral sa amin. Madali kaming magkasundo ni Alee dahil para na kaming kambal. Magkamukha daw kasi kami. Pati pangangatawan at haba ng buhok.
“Grabe Ate Aaliyah ang cute ni Tyler! Though, twenty-four na siya. Pero type ko talaga!” Kinikilig na litanya niya. Nakahiga na kami sa kama ko nang sinimulan n'yang ikwento ang tungkol kay Tyler.
“Okay lang magkacrush pero dapat unahin muna ang pag-aaral bago ang lovelife.”
“Ano ka ba, kailangan mo ng inpirasyon para makapag-aral ka. Ako nga nakakailang boyfriend na ko!”
“Ang bata-bata mo pa Alee! Tantanan mo muna 'yang boyfriend-boyfriend na 'yan! Darating ka rin diyan 'pag nagtatrabaho ka na.”
“Ate hindi masamang magkaboyfriend 'no! Saka eww! Kapag nagkatrabaho na saka lang pwede magboyfriend? Are you out of your mind? Masarap kayang magkaboyfriend!” She looked at the ceiling while biting his lips. Kinabahan ako.
“Don't tell me--you already..” Huwag naman sana..Tumingin siya sa'kin at mapaglarong tinaas-baba ang mga kilay niya.
“Had s*x?”
Napaupo ako. “Oh no! Alee!”
Natawa pa siya, “What Ate? Is that a big deal? Hello? Modern era na tayo. Hindi na 'yun issue 'no! Saka..masarap kaya.”
Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Hindi ko akalaing magagawa niya 'yon. “Paano kung mabuntis ka?”
“'Te, may tinatawag na condom. Safe 'yon.” Tila normal lang ang lumalabas sa bibig niya. Hindi yata magandang mag-dorm 'tong si Alee. She's exposed with people in a place when lust is pouring. I was scared for her. Kinabukasan na umuwi si Alee. Pilit ko pa rin siyang pinapaalalahan sa mga ginagawa niya at ang palagi niyang sagot ay 'Ok! Ok!' Napabuntong hininga na lang ako.
Napaaga ang uwi ko galing school dahil absent ang last professor ko. Wala akong naging sundo kasi ang aga ko. Itetext ko na lang si Johann pagkauwi ko. Mula kasi ng insidenteng 'yon ay palagi na niya kong sinusundo at kung minsan hinahatid rin. He made me feel so special. Kaya minsan hindi na ko sanay na hindi nakikita si Johann.
Agad akong nagmanong kay lola pagkarating sa bahay, “O ang aga mo yata ngayon?” Tanong niya habang nanonood ng TV.
“Wala pong professor, 'la.” Sabi ko bago nagpunta sa kusina para uminom. Habang nagsasalin ng tubig ay napansin kong may laman ang puting Tupperware namin sa mesa. Kitang-kita ko ang laman n'yon, Binatog! Paborito ko 'yon! “'La! Kanino 'tong binatog?” Excited kong sigaw at walang pagpipigil na binuksan ko ang takip.
“Dala 'yan ni Johann kanina. Dumaan daw 'yung naglalako niyan, ikaw daw ang naalala niya kaya binilan ka. Nakakatuwa talaga 'yang batang 'yon. Masipag na mabait pa. Naku, swerte magiging asawa n'un.” Narinig kong sabi ni Lola. I instantly smiled na para sakin pala 'to. Pinapakilig na naman ako nitong taong 'to. But I felt sad sa huling sinabi ni Lola. I can't imagine Johann with other women, parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko.Kumuha ako ng dalawang kutsara, kinuha ko ang binatog at tumabi kay lola. “'La, kain po tayo.”
“Tapos na. Binilhan din ako ni Johann ng pansit bihon.”
Lalo naman ako nakaramdam ng tuwa kay Johann. Hindi lang ako ang inaalala niya. Hindi ko na tuloy maintindihan ang sarili ko. Kinikilig ako. Kinikilig ako!
Sumubo ako at dali-dali kong kinuha ang phone ko para maitext si Johann. Si Lola naman at tutok pa rin sa TV.
Ako: “Timang! Na-cut class ko. Nasa bahay na ko!”
Habang kumakain at nonood ng TV ay nag-beep ang message alert tone ng phone ko.
Johann: ”Safe ka bang nakauwi? Sino'ng kasabay mo?”
I replied. “Oo naman. Mag-isa lang ako timang! Nas'an ka?”
He replied in a split seconds,
“Dapat tinext mo ko na maaga ka uuwi. Nami-miss na kita, baby loves.”
Napangiti ako,
“Ewan ko sa'yo timang! Salamat sa binatog. Love it!”
He replied. Ang bilis sumagot nito. “Love you too!”
I gasped. Kung nasa harapan ko lang 'to mababatukan ko 'to e! Pero tila tumalon ang puso ko! Ako:”Ang sabi ko gusto ko iyong binigay mo,hindi ikaw! Timang!”
Johann:”Sus, nag-deny pa. Magtapat ka na kasi gusto mo na ko 'no?”
Kumabog ang dibdib ko. Gusto ko na ba siya? O nadadala lang ako sa trato niya sa'kin. Nalilito ako kaya 'di na ko na-reply. Ngunit maya-maya lang ay tumunog ang phone ko. Si Johann ulit,
Johann: “Silence means YES, Aaliyah.”
Agad akong nagtipa ng sagot para kontrahin ang tinext niya pero nang i-send ko na ay biglang message not sent! “Ay putik!”
Nag-expired na load ko! Nalintikan na.Baka ano'ng isipin nu’n! Tumunog ulit ang phone ko.
Johann:”So tayo na baby loves?!”
Nataranta ako. Teka--kailangan kong magpa-load. Mababaliw ako sa lalaking 'to. Kinuha ko ang wallet ko at lumabas ng bahay.“Aling Tess paload po.” Bungad sa may-ari ng kalapit na tindahan.
“Naku Aaliyah, nasira 'yung cellphone kaya wala akong pangload ngayon..” Sabay kamot nito sa kanyang batok. Nanlaki ang butas ng ilong ko. Naramdaman ko bigla ang panlalamig ng mga palad ko.
Paktay! Sa palengke na loadan nito pagkawala rito at kailangan ko pang sumakay ng jeep. Ilang sandali pa, tumunog na naman ang phone ko.
YESSS! Sa wakas akin kana, baby loves! I love you too! I'm the happiest sexy man alive!”
I bit my lip at dali- dali akong pumara ng jeep.