CHAPTER 10

760 Words
CHAPTER 10 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “I'm sorry to hear that. Hindi ko alam.” saad ko sa kanila. Nagkibit-balikat si Amalthea. "It's okay, ngayon mo lang nalaman so your reaction was still valid. So, dahil alam mo na, is there any possible way na maging nurse ka muna ng daddy namin? We mean, tagabantay muna sa kanya?” "Hindi ako nurse at hindi naman ako nag-aaral na maging nurse para mag-alaga ng mga may sakit.” “We know-" Sabay-sabay nilang sagot. “And then, bakit ako?" “Hindi rin namin alam, bakit hindi ka ba naghahanap ng trabaho?" hindi ko alam kung sino matanda sa aming tatlo at kung magsalita sila ay parang matatanda na. “Naghahanap pero hindi bilang nurse- anong nakita niyo sa akin at gusto niyo na ako ang kinausap niyo? Pwede naman kayong kumuha ng totoong nurse?" tanong ko. Wala si nanay dahil nasa kabilang table ito. Ako ang kailangan ng mga bata kaya binigyan niya ako ng time para kausapin muna sila. “He doesn't like someone who takes good care of him. We don't know the reason why, pero ayaw niya. So, bilang mga anak, we find ways para mapasaya ang daddy namin. You kasi…nakita ka lang namin and maybe for the second time maybe this is the sign that… you are the one that we've been looking for.” ha? Ano raw? Pero... Aww, nakakatouch naman ang mga batang ito, gagawin ang lahat para sa kanilang ama. “Alam ba ito ng daddy niyo?" bigla kong naitanong ngunit umiling lang ang mga ito. “We'll tell her later kung papayag ka-" grabe, kung sino man ang daddy ng mga ito, pinapayagan lang na Yaya ang kasama sa mga lakad nila. Sobrang independent ng mga batang ito. “Pwede ko bang makita ang picture ng daddy niyo?” request ko kasi...why not? “Nope-" parang kidlat sa bilis namang sumagot. “No? So paano ko malalaman na siya ang aalagaan ko kung picture palang ay ipagdamot niyo na sa akin.” "Because…baka ma inlove ka sa daddy namin-" kamuntikan ko nalang naibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa sinabi sa nagpakilala na si Lysithea. Ang mga batang ito, nangugulat sa mga revelation nila. Ang advance naman masyado mag-isip. “What? Anong ma inlove? No way, ano akala niyo sa akin, ang bilis ma love at first sight? Hindi ako ganyan no? Kahit siya na ang pinaka-gwapo at mayaman sa mundo, never ko siyang magustuhan,” saad ko. “Good, iyan ang gusto namin pero malay natin, right, twin? And actually pang-lima kana sa mga nilapitan namin, and the same sa mga nauna, they sparkled their eyes when they saw the picture of our father.” The heck, unfair naman masyado, nakita ng mga nauna ang mukha tapos ako hindi? Paano kung ang hirap palang pakisamahan ang tao na iyan? They are rich kids, so, sa tingin ko, strict ang daddy nila since wala na ang kanilang mommy. Well, I don't care kung ipapakita nila o hindi ang picture ng kanilang ama pero may isa akong gustong malaman. “Since kayo ang naghanap ng paraan para magkaroon ng taga-alaga ang inyong ama, dahil mga bata pa kayo at for sure wala pa kayong trabaho para magkapera unless kung may sarili kayong bank account at hinuhulugan ng daddy niyo, so, sino ang magpapasahod sa akin kung papayag ako?” taas kilay ko na tanong sa kanilang dalawa. "Si daddy-” sabay pa nila na sagot. Natawa ako, ang daddy nila? "Seryoso kayo? Hindi alam ng daddy niyo na may mga kausap kayo na mag-alaga sa kanya tapos siya pa ang magpapasahod sa akin? Baka mamaya niyan hindi pala ako masasahoran dahil ayaw ng daddy niyo dahil hindi naman niya utos na maghanap na mag-alaga sa kanya kung ano man ang nangyari sa kanya.” Mahabang linyahan ko. “Basta….kami ang bahala sa sahod mo.” aba, overconfidence naman. " So?” "So?” "Payag ka na?” walang paligoy-ligoy na umiling ako sa harapan nila . Kahit anong gawin ko hindi ko kayang magbantay ng matandang lalaki. “Sorry…pero kahit anong gawin ko, hindi ko yata kayang mag-alaga ng mas matanda pa sa akin lalo at lalaki. Hindi naman sa may gagawin siyang masama sa akin pero hindi ko lang talaga yata kaya lalo at wala akong karanasan sa pag-aalaga mismo ng ganyang may iniinda na pasyente.” mahinahon kong tugon sa kanila para hindi naman sila sobrang masaktan for the fifth times. But I guess...I did. I hurt them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD