CHAPTER 09

841 Words
CHAPTER 09 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Can we sit here beside you? If not then…it's okay.” sambit sa isa sa kambal, hindi ko lang alam kung sino sa kanila ang naka-away ko I mean not my enemy pero nakasagutan ko sa mall noong kailan lang. Magkapareho kasi ang mukha kaya hindi ko ma identify. Oh wait may nunal siya, samantalang ang isa ay wala pero nakalimutan ko kung sino nga ang nakaharap ko noon. “Ayaw niya yata eh, let's find-" “Yeah sure…I'm not the owner of this chair, so yeah…pwede kayo umupo.” saad ko agad at umusog pa ng konti, nasa simbahan kami kaya kailangan na bawasan ko ang sungay ko nang kaunti. Lalo at may ka maldita ang mga batang ito, same yata kami. “Kilala mo ba ang mga iyan?" bulong na tanong ni nanay sa akin na nasa tabi ko lang sa bandang kanan nakaupo. “Medyo po-" “Medyo?" “Yeah…hindi ko po sila lubos na kilala, pero sila yong sinabi ko sa inyo noon na nag-aagawan kami ng toy na favorite ko. Isa sa kanila ang gumawa.” balik bulong ko sa kanya. "Ah, himala naman na nagkita na naman ang landas niyo.” Natawa ako kay nanay at tumango. “Kaya nga nanay eh, nasabi ko nga kanina sa sarili ko." wika ko. Bumaling ako sa mga bata kunwari tumitingin sa mga tao sa paligid, malapit na raw ang pari kaya konting tiis nalang. "Who's with you?” tanong ng isa sa akin. Tinuro ko ang kasama ko. “My nanay, and you guys-" nanahimik ako sa sasabihin na marinig ang pagsasalita ng pari. Simula na pala ang misa. Tumahimik na lang ako at hindi na pinapansin ang dalawang bata na katabi ko. Hindi naman siguro ako huhulihin kung kaya't nandito sila, di ba? Wait a minute, at bakit ko naman naisip na huhulihin ako sa dalawang paslit na ito? Wala naman akong kasalanan kung tutuusin, pinaubaya ko na nga lang sa kanila ang stuff toy na iyon. “Peace be with you-" hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sitwasyon ko ngayon, eh paano kasi ang tanging laman ng isip ko ay walang iba kundi ang mga bata na ito habang nagsasalita ang pari sa unahan. “Peace nanay-" wika ko kay nanay at ngumiti rin sa unahan na may tatlong nakaupo roon na tumalikod para batiin kami. “Peace-" “Peace…." aba, tingnan mo hindi pa tapos ang mass pero nagma-maldita na ang batang babae na kamukha ng isa. Kaya imbes na sila ako tumugon ay sa kasama nila, ate ang narinig ko na tawag nila at ayon sa nakikita ko na may dala itong maliit na bag at kanina pa inaasikaso ang mga bata at hindi naman makaa-ikaila na ang mga kambal na ito ay anak mayaman. Saan kaya nakatira ang mga ito at dito sa simbahan nagsisimba. At bakit sila lang? Kanina ko pa gusto itanong kung saan ang ng mga magulang ng mga bata na ito at tanging kasama lang nila ang kasama at himala na nagsisimba rin ang mga ito kahit wala ang mga magulang, pero baka magalit sa akin kapag nagtanong ako dahil nakiki-chismis lang kahit hindi naman, curious lang ako. That's it. Hanggang sa natapos na ang misa na walang ibang laman ang utak ko kundi sa mga bata. Una kaming umalis sa kanila kaya hindi ko alam kung naroon pa ba ang mga ito sa loob ng simbahan. “Saan tayo kakain?" tanong ni nanay habang nakahawak ito sa aking mga braso. Nasa labas na kami ng simbahan at naghihintay ng masasakyan kung saan kami plano na kakain. “Sa mall na lang kaya tayo malapit dito o sa ibang restaurant?” “Excuse me-" pareho kaming napalingon ni nanay dahil may nagsalita sa harapan namin sa kabilang side ko. Dumungaw kami at nakita ko na naman sila. “Yes?" “Can we talk to you for a minute? If that's okay with you, kung hindi pwede, well it's okay. We will find another one who can help us.” saad ng isa sa kambal. Nagkatinginan kami ni nanay at tumango siya. Napagpasyahan namin na sa mall kami na kilalang restaurant kakain ng lunch at isinama ko na rin ang mga bata at tinanong ko muna sila kung hindi ba sila hahanapin ng mga magulang nila pero hindi naman daw. "So…what is it?" tanong ko pagkarating namin sa tinutukoy ko na restaurant. “What do you guys want from me?" "We are looking for someone who will take good care of our father.” bungad ng isa. “Father? Why? What happened to him?” "Naaksidente siya and still recovering -” "And then…why are you guys looking for someone who will take care of him, hmm? Nasaan ba ang asawa niya at hindi siya kayang alagaan. Nasaan ang nanay mo?” "She's dead.” sagot ng isa. "Dead and oh-” bigla akong natigilan na ma realize ang sinabi niya. Ibig sabihin, wala na pala silang mommy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD