CHAPTER 11
Yaya Lingling and the Billionaire's twin
“Okay lang iyan. Naiintindihan naman ng mga bata kung ayaw mo."
"Pero nanay…sa isang iglap bigla akong naawa sa mga bata na iyon, mukha namang nagsasabi sila ng totoo, kita mo iyon nay, umalis sila na bagsak ang balikat nila? Nanay! I don't know what to do anymore." halos mahagulhol na ako sa kakaiyak sa kwarto pagkarating namin.
Sobrang confident pa ako na hindi ako mag-aalaga sa kanilang ama pero ang makita ang mga mukha nila na bagsak na umalis sa restaurant kanina ay bigla akong natauhan at nakonsensya, ang masaklap pa ay wala akong cellphone number sa kanila.
Tama ba ang desisyon ko sa buhay? I don't know na what to do.
"Paano mo nasabi na hindi mo na alam ang gagawin mo?"
“Kasi nanay, kawawa sila dahil wala na silang mommy at ang daddy nalang nila ang meron sila. Tapos…tapos…ako na…”
"Ang bilis mo naman ma attached sa mga bata.”
Tumigil ako sa kakaiyak at hinarap si nanay, "Talaga po? Hindi kaya, naawa lang po ako sa kanila, wala na pong ibang dahilan," sabi ko sabay punas ng aking luha. Mariin na nakatitig si nanay sa akin at umiling na lang ito kalaunan.
Baliw na yata ako.
“Sabi mo iyan, anyway, ano na- gusto mo nang maranasan magtrabaho, di ba?”
"Opo-" masayang wika ko. “Naghahanap pa rin ba sila, iyong sinabi mo po sa akin last time? Hindi ko na hahanapin ang mga bata since ayoko talaga mag-alaga ng tatay nila." sabi ko.
"Oo…iyon nga. Ang maging Yaya…ang sabi ng kumare ko na hindi naman sanggol ang babantayan mo kundi nasa edad lima o anim na taong gulang na.”
“Really? Kailan ba ako magsisimula?”
"Talagang gusto mo na?”
"Talagang talaga po nanay, time is running out na kasi-” mas lalong napapailing nalang ng ulo si nanay sa akin.
“Hay nakung bata ka-"
“Hindi na po ako bata nanay."
“Alam ko." Napanguso ako.
“Basta nanay, sabihan mo po ako kung kailan magsisimula okay? Wala na po akong pera." saad ko sa kanya kaya natawa siya. She knows kasi.
“Oo na, sasabihan ko ang kumare ko, pero itatanong ko muna kung may nahanap na ba na kapalit ngayong araw. Kaya huwag masyadong excited, marami ka pa dapat na matutunan.”
“Opo nanay- thank you po ng marami and thank you for staying with me kahit minsan ang kulit ko na."
"Wala iyon, basta susuportahan kita hanggang kaya ko pa pero may limitasyon ang ibang desisyon kaya ihanda mo ang sarili mo.“ Malapad na naman ang ngiti ko dahil sa sinabi ni nanay.
"Thank you nanay.”
"Tsaka pala. Ang sinabi ko na tawagan mo, tinupad mo ba?”
"Opo nanay, tapos na po at okay na."
“Sige…magpahinga ka na at bukas turuan kita sa mga simple na gawain sa bahay bago ka mapunta at magtrabaho sa ibang bahay. Pangit naman iyong unang trabaho palang ay bigla ka nalang makarinig ng you're fired na kaha-hired mo palang.” aniya sabay tawa ni nanay.
Nginitian ko si nanay, "sige po nay, salamat po ng sobra-sobra,” bago lumabas si nanay sa kwarto ko ay niyakap ko siya ng mahigpit. I don't know what to do anymore, without her.
Hindi naman ako nabigo dahil marami na akong natutunan kung paano mag-alaga ng bata kahit nasa edad lima o anim na sila. Tinuruan ako ni nanay sa mga simpleng bagay na dapat kung matutunan lalo sa paghanda ng pagkain nila o di kaya magligpit ng mga gamit nila. May konting kaalaman na ako kaya hindi na ito bago sa akin pero ayon kay nanay na depende daw kung sino ang magiging amo ko. Hindi lahat ay ma swerte sa mga pinasukan na trabaho. At sana…kung ano man ang tinahak ko na daan ay hindi ako magsisisi sa bandang huli.
Ang mahalaga naman sa akin may experience ako pang journal.
Naalala ko na naman ang mga kambal na nagpakilala sa akin. Kumusta na kaya sila? May nahanap na ba sila na magbabantay sa kanilang ama? Gaano ba nasaktan ang ama nila at hindi pa siya pwedeng makakalakad ng ilang buwan? At kailangan pang magkaroon ng nurse na titingin sa ama nila. Curious tuloy ako sino iyang tao na iyan?
Eh, bakit sila na naman ang naiisip mo Lingling? Move on move on din dahil may bago kanang trabaho.
Hays ito na naman ako…pinoproblema ang hindi ko dapat problema.
“Ready?" Basag ni nanay sa mga iniisip ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango, nasa tapat na kami ng bahay sa isang subdivision na kung saan dito raw nakatira ang magiging alaga ko. Ngayong araw din makikita ko ang mukha ng mga bata at amo ko. Hindi masyadong nagbibigay ng maraming detalye ang kumare ni nanay dahil bawal daw. Ang mahalaga lang naman na gusto ko malaman ay magkano ang magiging sahod ko at dahil malaki ay pumayag ako. Pera na iyan at kung hindi ako satisfied sa ipapagawa nila sa akin ay nakahanda na ang aking resignation letter, kung okay naman at pwede na ako magsimula ay baka hindi na ako sasama kay nanay pauwi kasi kinabukasan magsisimula na ako sa unang trabaho.
Sana kayanin at sana magkasundo kami.
Kinabahan ako pero pinipilit ko na maging maayos lang para hindi na mag-alala si nanay sa akin.
Dahil alam na darating kami ay pinagbuksan na agad kami ng gate.
“Kumare-"
“Kumare? Ang tagal nating hindi nagkita, mabuti nalang at narito ka. Siya na ba? Tuloy kayo… tuloy. Nasa library si boss dadalhin ko kayo sa kanya.” sambit sa kumare ni nanay na ngayon ko lang nakilala. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin ito sa akin. I know that stare ngunit nagkibit-balikat lang ako at ngumiti.
“Totoo bang aalis ka muna?"
“Oo at kailangan ako ng pamilya ko sa probinsya. Kaya naghahanap si bossing na mag-alaga sa mga anak nila." narinig ko na sabi ng kumare ni nanay habang nauna sila na naglakad papunta sa sinasabing library ng amo nila.
Iniwan ko muna sa sala ang maleta ko, nagdala na kasi ako at kung hindi kami magkasundo sa kung sino man ang aalagaan ko ay uuwi ako, kung okay naman at tanggap nila ako ay at least ready na ang gamit ko.
Kaya mo ba Lingling? Kakayanin ko dapat dahil mukha na akong pera ngayon. Sino ang nagsasabi na hindi mahalaga ang pera?
Kumatok muna ang medyo may edad na babae sa pinto ng makarating kami sa sinasabing library at parang magkasing-edad lang sila ni nanay. Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng bahay.
Natural lang ang mga design sa loob na may malaking chandelier sa gitna ng sala at may dalawang stairs side by side papuntang taas at marahil nariyan ang kanilang mga kwarto. Medyo may kalakihan ang bahay nila at may nakita pa nga akong pool sa labas. Pwede kaya akong maligo?
“Pasok!" Narinig namin na sumagot sa kung sino man ang nasa loob.
“Pasok daw tayo." anyaya ni Manang Lo. Pangalan niya.
“Halika na anak." tawag ni nanay sa akin at hinawakan niya ang kamay ko para sabay na kaming pumasok sa loob pagbukas ng pinto ni Manang Lo na naninilbihan na sa pamilyang ito for almost twenty years sa pamilya ng lalaki. Mabait nga siguro ang magiging amo ko dahil nagtagal si Manang Lo.
"Sir- nandito na po ang sinasabi ko na papasok ng trabaho para maging Yaya ng mga bata.” si Manang Lo at dahil busy ako sa kakatingin sa paligid kahit sa loob ng library na napapalibutan ng mga libro kaya ngayon palang ako titingin sa kung saan ang tinutukoy ni Manang na amo, ngunit nanlaki ang mga mata ko na matanto kung sino na naman ang lalaking kaharap ko ngayon.
“Ikaw na naman!"