CHAPTER 08

902 Words
CHAPTER 08 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Tatlong beses na tumutunog ang alarm clock at kanina ko pa pinapatay pero ngayon ay hindi na pwedeng ipagliban. “Ano na? Sasama ka sa akin o hindi? Kanina kapa ginigising ng alarm clock mo pero nariyan ka pa rin at nakabaluktot sa kumot mo.” see, kung ang alarm clock ay pwede akong gisingin pero matatahimik ko ngunit kasalungat naman kapag si nanay na ang gigising sa akin. “Sasama nanay, wait lang po at magbibihis na po ako.” sabi ko pero nakatihaya pa rin ako sa kama. “Bahala ka riyan, malapit na mag-alas otso at nariyan ka pa rin sa kama mo, nakapagbihis na ako at makakain, ikaw nasa panaginip mo pa,” agad kong dinilat ang aking mga mata at matamlay na bumangon. Hindi pa ako umalis sa kama at nakaupo lang. Malapad ang ngiti ko kay nanay dahil may naalala. Nasa kwarto ko ito at binubuksan ang glass window sa kwarto para magising na talaga ako. “Nanay ang ganda kaya ng panaginip ko, may trabaho na raw ako at ang bait-bait ng amo ko saka ang mga anak n'ya. Ang lambing sa akin." “Grabe namang panaginip iyan, sana magkatotoo, dahil kaakibat ng panaginip ay kabaliktaran.” napanguso ako habang nakatitig sa cellphone ko. Marahil ay tama rin si nanay. Pero binalewala ko nalang at think positive pa rin ako. Malay ko kung baliktad din pala si nanay at tama ako. “Let's see nanay, kung wala po akong future sa pag-aalaga ng bata ay iba naman ang gusto ko." “Ha? At ano na naman iyan, wait a minute, gusto mo lang talaga magtrabaho para may experience ka sa mga ganyan?" Natawa ako sa tanong ni nanay, ganoon na na ako sa sarili ko. “Maybe po…nililista ko na nga sa aking wishing journal ang mga gusto ko po.” Tumingin si nanay sa akin at napailing. Alam ko naman na alam niya kung ano iyon dahil hindi naman ako nagtatago ng secrets kay nanay. Lahat alam niya ang tungkol sa akin. “Nabasa ko nga, sa lahat siguro na tao na nakilala ko ay iba ka. Wala akong ibang hiling sa iyo kundi ang maging masaya ka sa gusto mong subukan sa buhay mo, pero kung magsawa ka na then sabihan mo ako. Alam mo na kung bakit.” si nanay bago ako iwan sa kwarto para makapag-bihis na. Kaya masaya ako na bumangon sa kama at nagtungo sa banyo. Kung wala siguro si nanay ay hindi ko alam ang gagawin ko, salamat na lang at lagi siyang nakasuporta sa akin. Pagkatapos kong maligo ay humarap ako sa square na salamin sa banyo para mag blower ng buhok, kailangan paglabas ko ay tuyo na ang buhok ko. Nagmamadali ako sa mga kilos at baka iiwan ako ni nanay. Malapit lang naman ang simbahan sa amin at pwede na akong pumunta pero nakakahiya kung ako lang ang mag-isa ang pupunta sa simbahan, hindi kasi ako sanay na papasok at walang kasama. Suot ang light blue na plain casual dress hanggang tuhod. Kinuha ko ang sapatos ko na kulay white at sinuot, handa na ako kaya ang bag na inayos ko kagabi ang last ko na kinuha sa maliit na nakalagay sa maliit na table sa kwarto ko. Napabuntong hininga na lamang ako na maalala ko na naman ang wallet ko na hindi ko maalala kung saan ko nilapag o nahulog noong araw na iyon. Di bale na, konting pera lang naman ang laman no’n at iyon nga lang may picture ako roon na nilagay at kahit hindi ko nakikita ang magiging reaksyon sa kung sino man magka-interes na buksan iyon, may picture pala ako na kumakain ng cake at naglagay ako ng konting cake sa gitna ng ngipin ko at nakangiting nakatingin sa camera. Tawang-tawa pa ako kapag iyon ang makikita ko pagbukas ng aking wallet pero ngayon…namumula ako sa kahihiyan na malamang buksan iyon ng kumuha at pagtawanan ang litrato ko at kung magsawa, kunin lang ang mahalagang gamit tulad ng cash at itapon kasama ang mukha ko kung saan. Di ba ang saklap at ang sakit pa ang ginawa. Bakit ko ba kasi hinayaan na hindi nakasarado ang bag ko ng maayos? “Nanay- I'm ready!" tawag ko sa kanya . "Mabuti naman, akala ko matagal ka pa at aalis nalang ako mag-isa.” aniya. "Nagmamadali na nga ako nanay para makahabol ako sa iyo. Let's go!” anyaya ko at agad naman kaming umalis ng bahay. Plano namin na sa labas na kami kakain ng agahan at lunch mamaya after ng mass. Pagkarating namin sa simbahan ay halos puno na rin ang mga taong nagsisimba. Kaya sa panghuli na upuan nalang kami nakaupo, ang mahalaga may bakante pa para kay nanay, medyo matanda na siya kaya hindi niya na kaya na matagal na nakatayo. Lalo at hindi pa nagsimula ang mesa. “Let's sit here…there is an empty seat here.” narinig ko na may nagsasalita na boses bata malapit sa tabi ko at paglingon ko sa bandang kaliwa ko nga ay may dalawang bata na nagtuturo kung saan sila uupo. Tumaas ang isang kilay ko na mapasino ang mga ito. Same color ng damit at hairstyles. “Can we- you?" “Kayo nga-" sa daming bata na pwede kung makita, sila pa talaga? Is this a coincidence? Nagsisimba rin pala sila? Hmmm
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD