CHAPTER 07

1093 Words
CHAPTER 07 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Anong nangyayari sa iyo at noong isang araw ka pa balisa?” tanong ni nanay sa akin. “Ano ba talaga ang nangyari sa lakad mo noong nakaraan? Pinayagan kitang umalis dahil sa tingin ko ay kaya mo na pero nitong huling alis mo ay para kang takot ka o ano.” dagdag pa niya. Nasa kwarto ako at hanggang ngayon minsan lang akong lumalabas ng bahay. Nginitian ko si nanay at binalik ang attention sa binabasa ko na libro. "Wala naman nanay, nag-iisip lang po ako kung saan na naman ako maghahanap ng trabaho." saad ko kahit kalahati na rason ay hindi tungkol sa paghahanap ng trabaho. Naalala ko kasi palagi ang nangyari sa lalaki, hindi ko na alam kung kumusta na siya dahil pinigilan na ako ng ilang guard sa building niya nagtatrabaho na makalapit, basta umalis na rin ako no'ng dinala na ito sa hospital. “Iyan ba? Ano ba ang gusto mong trabaho? Nakapagtapos ka naman ng business course, may iba ka pa ba na gusto?” "Kahit ano nanay, napili ko iyan kasi nga-” "Alam ko kaya tinatanong kita kung ano ba talaga ang gusto mo na trabaho? Kahit ano ba? Gusto mo bang maging Yaya?” "Yaya?” "Oo Yaya ng mga bata. Magbantay at mag-alaga ng bata. May kilala ako na kumare na nagtatrabaho sa mayamang pamilyang ito at ayon sa sinabi niya naghahanap siya ng Yaya sa mga bata dahil ang Yaya nila ay uuwi na sa kanilang probinsya dahil may emergency.” paliwanag niya. "Then…anong gagawin ko po? Wala rin po akong experience tungkol diyan? Pero…parang gusto ko ring subukan iyan nanay.” "Sure ka na? Parang lahat nalang ata na sinabi ko na trabaho ay gusto mong subukan-” mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi ni nanay. "Oo nanay para may memories ako na nagawa ko iyang bagay na iyan.” "Pero ang tanong kung kaya mo ba alagaan ang anak ng magiging amo mo kung sakali.” Natahimik ako sa sinabi ni nanay at napabuntong hininga na lamang Umiling ako sa kanya. "Hindi ko po alam nanay kung kaya ko pero depende po yata iyan sa edad ng bata, di po ba?” "Oo…" “Sige po nanay kung meron po, try ko po, kung hindi then gagawa na rin agad ako ng resignation letter.” masayang wika ko at umayos na ako ng upo sa kama para ayusin ang sarili ko at bumaba para sabay na kaming kumain ng merienda sa kusina. Kahit papano sa pag-uusap namin ay gumaan ang loob ko at nawala ang lalaki sa isip ko pero ngayon bumalik na naman. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Kasalanan ko ba? At kung kasalanan ko eh di sana may humahabol na sa akin na pulis ngayon pero wala naman. At bakit ba kasi hinahabol niya ako, tumakbo ako dahil baka ano pa ang gagawin niya sa akin. Kahit sabihin natin na siya ang may-ari ng building na iyon ay minsan may masama pa rin na tao sa mundo. Paano kung isa siya? O- di kaya nag-ooverthink lang ako? Hays…. bahala na nga siya, sana pala pinuntahan ko sa hospital para malaman kung buhay pa ba talaga? Hindi naman ako advance mag-isip lalo at ang sabi ng nakakita na buhay pa raw ito pero kasi minsan kapag dinadala sa hospital ay dead on arrival na. Hays…bakit ba ako nakokonsensya? At bakit ko ba nga siya iniisip? “Hoy bata ka!” Napaigtad ako sa gulat dahil sa pagtapik ni nanay sa balikat ko. “Nanay naman…” “Eh sa tulala ka na naman …pupunta nalang tayo ng doctor para ipatingin ka, baka may nangyari sa ‘yo noong umalis ka at hindi mo lang sinabi sa akin. Oh, ganyang tingin, kilala kita.” napanguso ako, pinigilan na umiyak. Hanggang sinabi ko rin sa kanya ang nangyari. “Sana sinabi mo agad sa akin para nagpa-imbestiga natin at baka may gagawin pala na masama ang lalaking iyon, alam mo ba na marami ngayong business owner na masama ang ugali? Kaya mag-iingat ka.” tumango ako kay nanay at tama siya pareho kami ng naiisip. Mabuti nalang talaga na nakatakas na ako sa office niya palang. “Pero nabangga siya kawawa naman." kanina, kumampi siya sa akin pero ngayon naman ay nag-aalala siya sa lalaking iyon. Sino ba talaga love ni nanay sa aming dalawa ng lalaking iyon? Hays. Wala akong ginawa buong araw kundi ang magbasa o di kaya tinulungan si nanay na magligpit. Nagbabasa rin ako ng messages sa phone kung may oras. Dahil bukas ay linggo kaya nagreready ako ng damit para susuotin ko sa pagsimba. Sunod ko namang inayos ay ang sling bag para dalhin bukas, ngunit kanina pa ako nagtataka kung bakit hindi ko napansin ang wallet ko. “Nanay?" “Oh," sagot nito pagkatapos akong hatiran ng gatas. “Have you seen my wallet po?" “Wallet? Hindi ba naman, naglilinis ako, wala akong nakita sa sahig o saan man. Nawawala?" “Parang…." “Hala ka riyan, yong mahahalagang documents ay baka nilagay mo sa wallet mo?" aniya at tinulungan ulit akong maghanap. “Hindi naman Yaya, picture ko at pera ang andon." “Noong last mo na alis at umuwi ka baka naiwan sa sasakyan, nagtaxi ka di ba?” Tumango ako sa sinabi ni nanay. Last kong alis ay iyong nag-apply nga ako at pupunta sana ako sa convenient store pero hindi natuloy dahil may tumawag sa akin, at iyon nga siya and then no'ng umuwi ako ay wala na sa isip ang wallet ko at ang binigay na sukli sa driver ay galing sa bulsa ng bag ko na dala hindi sa mismong wallet ko. "Hindi ko alam nanay…baka nga nahulog sa taxi or what." “Mabuti nalang at wala kang ibang nilagay doon bukod sa sinabi mo kanina na pera at picture mo-" “Meron pa nanay…." “Ha! Ano naman?" “Sili po." sabi ko sabay bungisngis. “Sili? Para saan?" “Para ma prank ko po kung sino man ang magtangka na kumuha ng wallet ko kung nakawin man ay sili ang makikita nila. Di ba, ang saya-saya nanay?” Napailing nalang si nanay sa akin. “Mga kalokohan mo talaga sa buhay hindi ko minsan mahulaan.” saad niya at natawa na rin. Umalis si nanay at nanatili ako sa kwarto ko. Natatawa pa rin. Nanghihinayang sa wallet pero hindi ko lang maisip kung ano ang maging reaksyon ng kumuha no’n kapag nakita niya ang laman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD