DIVINE
NANGINGILID ang luha ko nang makababa ng tricycle. Sa may tarangkahan ay may nakadikit na tarpaulin. Doon nakasulat ang pangalan ng nanay ko at litrato niya. Wala sa sariling nagtatakbo ako papasok ng bahay. Pagpasok ko pa lamang ay bumungad na sa akin ang kabaong ni nanay. Maraming bulaklak sa gilid.
“Ate...”
Napatingin ako sa kaliwang gawi, naroroon si Insoy. Imbis na pansinin ko ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa kulay puting kabaong.
Biglang bumuhos ang luhang kanina pa dapat babagsak. Bakit ganoon naman? Masyado pang bata ang nanay ko para mamatay.
“Nanay!” may kalakasan kong saad.
Tinitigan ko siya sa kaniyang mukha habang mahimbing na natutulog. Ayaw kong isiping patay na siya. Gusto ko sa sarili ko’y buhay siya at mahimbing lang na natutulog.
“Nanay, bakit mo agad ako iniwan? Hindi ba’t sabi ko ay babalik ako... pero bakit ganoon? Hindi mo muna ako hinintay. Paano na iyong plano nating magbakasyon? ’Nay, gumising ka na riyan, bangon na! ’Pag ako nainis aalis ako,” umiiyak na sabi ko habang yakap-yakap ang kabaong niya. Wala akong pakialam kung tuluan man ng luha ko iyon... basta’t inilabas ko ang hinanakit ng aking damdamin.
May naramdaman akong humawak sa balikat ko dahilan para mapatingin ako. Nandoon ang isang matangkad na lalaki at guwapo. Hindi ko siya kilala, pero parang bakit ang close niya sa akin? Hindi ko na iyon pinansin at humarap na ulit ng kabaong.
“Ayos ka lang ba?” narinig kong tanong niya sa aking likuran. Pero naging pipi ako ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. “Ayos ka lang ba?” muling tanong niya.
Wala sa sariling humarap ako sa kaniya. “Obvious ba?” Inirapan ko siya. Ganito ba naman ang hitsura ko tapos tatanungin ako kung ayos lang ba ako. Malamang... hindi!
“O-Okay. Kumusta ka na? Tagal na natin hindi nagkita,” aniya mayamaya.
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Matagal na raw kaming hindi nagkita? Paanong nangyari iyon? May magic ba?
“Pasensya na, ha. Hindi kita kilala kaya malayo tayong nagkita.”
Naglakad ako patungo sa isang upuan at doon naupo. Nakita kong sumunod siya sa akin at walang pag-aalinlangang umupo sa tabi ko.
“Nagpapatawa ka ba, Divine? Hindi mo na ako kilala?”
Umiling ako. “Unang-una, hindi ako nagpapatawa. Ikalawa, hindi talaga kita kilala at bakit ka ba naririto? Kamag-anak ka ba namin?”
“Hindi. Ako lang naman iyong kaibigan mong nang-iwan sa iyo.”
May parang biglang tumusok ng ulo ko nang sinabi niya ang salitang kaibigan. Mariin akong napapikit at parang bumalik ang nakaraan.
“ITAGO mo itong tela na ito. Araw-araw mong tingnan para maalala mo ako,” saad niya sa akin sabay bigay ng isang kulay asul na tela.
Nakangiti ko iyong kinuha. “Bakit mo naman ako binigyan nito?” kuryos na tanong ko.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago ako sinagot. “Aalis na kasi ako... pupunta na kami sa Manila para roon ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Sorry, ha. Para na rin kasi ito sa aking future. But don’t worry... babalik ako kapag nakatapos ako ng aking pag-aaral,” nakangiting sambit niya dahilan para malungkot ako.
Tumalikod ako’t umupo sa isang malaking bato habang nakaharap sa ilog. “Iiwan mo na ba ako?” mahinahon pero puno ng kalungkutan kong tanong.
Naramdaman ko na lang na tumabi siya sa akin. Inakbayan ako at walang pasabing hinalikan ang aking pisngi. Hindi na ako nagulat dahil palagi niya naman iyong ginagawa sa akin tuwing kami’y magkikita.
“Ganoon na nga. Pero huwag kang mag-alala at babalik ako kapag nakatapos ng kolehiyo. Huwag ka ng malungkot...” Pinisil niya ang pisngi ko kaya napangiti na lang ako ng wala sa oras.
Siya na nga lang ang kaisa-isa kong kaibigan... aalis pa. Pupunta sa malayo para makapag-aral. Samantalang ako’y iiwan. Iiwan niya na ako. Wala na akong karamay sa buhay. Naiyak akong yumakap sa kaniya. Doon nilabas ang sakit na para bang ayaw kong umalis siya sa buhay ko. Mahal na mahal ko siya!
“ANONG nangyayari at pumikit ka?”
Napakurap ako. Tumingin sa kaniya at tinitigan ang mukha niya. Siya si John Carl, ang aking kababata. Dahil doon ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Yakap na puno ng pagmamahal. Napawi ang kalungkutan ko nang muli kaming magkita.
“Natatandaan mo na ba ako?” tanong niya.
Kumalas ako sa pagkakayakap at sabay punas ng kaunting luhang pumatak sa aking mga mata. “Oo... bakit ngayon ka lang umuwi, Carl? Hindi mo ba alam na dati ay palagi akong malungkot dahil wala ka sa tabi ko. Pero ngayon— nawala ang kalungkutan ko nang muli kitang makita.” Ngumiti ako at muli siyang niyakap. Nakaka-miss!
Ang dami nang nagbago sa kaniya. Ang kaniyang hitsura, mas lalo siyang gumuwapo. Dati maliit o pandak lang ito ngayon para ng isang basketball player. Nakakamiss ang dati naming pagsasama. Mabuti na lang at naririto siya. Naririto sa tabi ko.
“Kamusta ka naman? Kanina mo pa akong nire-reject, e,” natatawa niyang sabi.
Napatawa na lang ako nang mahina. “Sorry naman. Akala ko kasi kung sinong lalaki. Sa totoo lang, marami na ang nagbago sa iyo. Siguro may asawa ka na, ’no?”
“Asawa? Pinagsasabi mo? Bata pa ako para riyan... magtatrabaho na muna ako para makatulong sa pamilya,” aniya.
“Tapos ka na ba ng pag-aaral mo?” tanong ko.
Tumango siya. “Yup, graduate ako ng Engineering,” aniya kaya naman nakaramdam ako nang kalungkutan. Mabuti pa siya nakatapos na at samantalang ako’y ’ni hindi nakatapos kahit highschool.
“Ang swerte mo naman.”
“Bakit mo nasabi? Hindi ka ba nakatapos?” sunod-sunod na tanong niya.
Napalumod ako ng laway. Hindi ako mahihiya na ipagsabi kung anong grade ang natapos ko bagkus ay lalakasan ko pa ang loob ko.
“Hindi ako nakatapos dahil sa hirap ng buhay. Grade nine lang,” sagot ko.
Inakbayan niya ako bago isinandal ang ulo sa aking balikat. Masaya ako at muli siyang bumalik. Pero may kaunti pa ring sakit itong aking puso dahil sa pagkawala ng aking mahal na nanay. Tumayo ako kaya agad siyang bumitaw. Naglakad ako patungo sa may harap ng kabaong niya at tiningnan siya. Sana’y masaya na siya kasama ang Diyos. Sana’y mahalin siya katulad kung paano namin siya minahal. Nakakalungkot isipin.
“Can I ask you?” bulong sa akin ni Carl na nasa gawing kaliwa ko lamang.
Pinunasan ko ang luha ko gamit ang aking palad bago siya hinarap. “Oo naman.”
“May boyfriend ka na ba?”
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ako puwedeng magkamali. Tinanong niya kung may nobyo na ba ako. Wala akong nobyo at sa panahong ito ay wala akong time na magka-boyfriend. Uunahin ko muna ang kapatid ko. Papatapusin ko muna siya ng pag-aaral niya kahit wala na si nanay.
Teka nga— bakit kaya niya ako natanong? May gusto ba siya sa akin? Sunod-sunod akong napailing at muling humarap sa kabaong.
“Wala, bakit?”
“Wala naman. Hindi naman masamang magtanong, right?”
Tumango lang ako bilang tugon dito. Randam kong hinawakan niya ang aking kamay kaya medyo nagulat ako. Babawiin ko na sana iyon nang bigla niyang diinan.
“Puwede ba kitang ligawan?”
Nanlaki ang mga mata ko. Ligawan? Kung puwede niya akong ligawan? Sabi ko nga... wala pa akong oras para riyan. Uunahin ko na muna ang kapatid ko. Agad kong binawi ang kamay ko.
“Pasensya na, Carl. Pero hindi na muna ako magpapaligaw kasi kailangan ko munang unahin ang kapatid ko. Magtatrabaho ako para makapagtapos siya,” malumanay na sagot ko.
Nakita ko ang malungkot na ekpresyon ng kaniyang mukha. Gamit ang aking magkabilang palad ay idinikit ko iyon sa kaniyang magkabilang pisngi.
“Pasensya na, ha. Dadating din naman tayo sa puntong puwede na...”
“It’s okay. Kaya ko namang maghintay.”
“Baka mapagod ka kakahintay?”
“Ayos lang iyon sa akin. Basta’t mahalin mo rin ako. Mahal kita, Divine. I want you to be part of my life. Gusto kong bumuo tayo ng ating pamilya. Please, let me love you,” anito dahilan para muli akong mapalumod laway. Iba na itong sinasabi niya. Medyo sensitive na. Anak agad? E, hindi pa nga kami.
THIRD PERSON
“MOM, huwag kang maniwala sa babaeng iyan. She’s a liar!” saad ni Alexander sa ina. Naguluhan ang matanda, nakakunot-noo itong tumingin kay Ashriel.
“What?”
“Mom, tatapatin ko na kayo. Si kuya at ang kaniyang girlfriend ay nagse-s*x. I saw them, mom.” Masamang tumingin si Ashriel sa kapatid.
“Totoo ba ito, Alexander?”
“No! That’s not true. Nagpapatawa lang siya at sinisiraan niya ako, mom, hindi niya gusto si Francine para maging aking girlfriend. Admit it, Ashriel!” matigas na anas nito. Isang irap ang nakuha nito kay Ashriel bago nagsalita.
“Fine! Kasalanan ko na lahat! Alam mo kung bakit ayaw ko sa babae mo? She has a secret na tinatago sa iyo. I know her background,” ani Ashriel at masamang tumingin sa babae ng kuya niya habang ito’y nasa likod.
“What? Hindi mo siya kilala kaya wala kang alam. Bumalik ka lang yata rito para suhestyunin ako. f**k you, Ashriel. Wala kang alam sa buhay ng girlfriend ko kaya manahimik ka. You make me crazy! You stupid!” inis na saad ni Alexander at walang paalam na lumabas habang hila-hila ang nobya.
“Gosh! Magsisisi rin iyang si kuya,” aniya sabay upo sa tabi ng mommy.
“Teka nga— ano ba ang nangyayari at sobrang galit ka? May problema ba kayo? You can share it to me to create a solution. Alam niyo namang ayaw kong nag-aaway kayo.”
Hindi nakuha pang sumagot ni Ashriel. Nanggigigil pa rin ang kalooban niya. Paano ba naman kasi ay nagmahal ang kuya niya sa isang bar dancer. Oo, alam niya kung anong buhay ng babae nito dahil pinaimbestigahan niya.