KABANATA 6

1442 Words
DIVINE TAHIMIK akong nakaupo habang si nanay naman ay pinupunasan ang aking basang buhok. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Akala ko mamamatay na ako, buti na lang at dumating si manong Lando. Tarantadong lalaki! “Ayos ka na ba?” tanong ni nanay Velda sa akin ’pagkuwa’y umupo ito sa harap ko. Tumango lang ako bilang sagot. “Bakit ang sama niya?” mahinahong tanong ko. “Huwag mo nang pansinin iyon. Pero— ikaw din naman yata ang may kasalanan. Bakit mo kasi pinalitan ng butiki? E, may phobia siya roon,” anito sa akin. Wala akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga. “Siguro oras na po para umalis na talaga ako. ’Di ba sabi ko po noong isang araw ay aalis na ako pero hindi naman natuloy. Kahit hindi niya sabihing umalis na ako ay aalis talaga ako...” paliwanag ko at tumingin pa sa pinto. “Iiwan mo ako, ganoon?” “Parang ganoon na nga po. Wala na akong choice, ’nay. Ayaw kong mamatay dito nang dahil sa lalaking iyon.” “Hindi naman mamamatay tao si Alexander, e. Ganoon lang talaga ang ugali niya. Sobrang mainisin, manang-mana sa ama niya,” saad nito at hinawakan ang aking kamay. “...ikaw lang siguro ang napag-initan niyon,” dagdag pa nito. Napailing na lang ako. “Pero sobra na po siy—” Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin ko nang biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa lamesa. Kinuha ko iyon at tiningnan ang pangalan. Insoy ang nakita ko— ang kapatid kong bunso. “Hello,” bungad ko. “Ate... hu-huwag kang mabibigla, ha?” “Ano iyon?” medyo kinakabahang tanong ko rito dahil sa tono ng pananalita niya ay malungkot. “Si— si nanay.” “A-Ano si nanay?” Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang bigla siyang umiyak. “Wala na si nanay. Patay na siya, ate. Inatake siya sa puso kaninang tanghali...” At tumigil ang mundo ko. Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ang mga katagang iyon. Hindi iyon totoo. Nabingi lang yata ako. Wala iyong katotohanan. Nakalimutan ko lang maghinuli. Hindi ako umiyak dahil alam ko namang hindi totoo. “Hindi iyan totoo, Insoy. Nakakainis ka! Hindi ka nakakatuwa!” medyo malakas na bulalas ko rito. “Hindi ako nagbibiro, ate. Totoo ang lahat. Kung ayaw mong maniwala, huwag. Pero kung babalik ka ngayon din... makikita mo si nanay,” aniya sabay baba ng telepono. Wala sa sariling napahagulhol ako. Bakit ngayon pa? Hagulhol nang hagulhol lang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong magwala... pero hindi ko kaya. Nakakainis! Bakit ngayon pa siya nawala nang nasa malayo na ako. Jusko! May awa ka pa ba? Mahirap na nga kami... papahirapan mo pa. “A-Anong nangyari, hija?” Hinawakan ni nanay Velda ang balikat ko. Tumunghay ako at maluha-luhang tumingin sa kaniya. “Ang nanay ko po... w-wala na po.” “MAKE sure sa isang linggo ay babalik ka na. Bibigyan kita ng pamasahe pauwi at pabalik. Condolence, Divine.” Inabot sa akin ni Madame Pressy ang isang puting sobre. Nang buksan ko iyon ay bumungad sa aking ang lilibuhing pera. “Maraming salamat po talaga. Asahan niyo po, sa isang linggo ay babalik po agad ako.” “Good. Mami-miss kita kahit bago ka pa lang.” Ngumiti siya sa akin at mahigpit akong yumakap. “Salamat po talaga. Utang na loob ko po ito sa inyo. Mabuti na lang po at mabait kayo sa akin,” saad ko bago unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata. “Mag-ingat ka sa byahe mo.” Ngumiti lang ako sa kaniya kapagkuway tumalikod na habang hila-hila ang isang maleta papalabas ng bahay. Ihahatid ako ni nanay Velda at manong Lando sa paliparan. Mabuti na lang at may nagmamahal sa akin. Hindi katulad ni Alexander na sobrang sungit. THIRD PERSON “SAAN naman pupunta ang babaeng iyon? Hindi pa naman kami tapos maggera,” anang Francine kay Alexander habang pareho silang nakatingin sa papaalis na sasakyan. “I don’t know. I think sinunod naman niya ang gusto ko.” Bumalik na ang binata sa kama kaya naman sumunod ang nobya. “Siya pala iyong bumangga sa akin sa store, babe. Binangga pa ako. And gosh... umepal pa iyong matandang kasama niya,” maarteng wika ng babae. “Don’t mind it, babe. May iniisip lang akong mahalaga.” “Mahalaga? May mahalaga ka na pa lang iniisip ngayon. You can share it to me.” Unti-unting pinadausdos ni Francine ang kaniyang kamay pababa sa dibdib ng lalaki. “Iniisip ko kung bakit siya umalis? She left because of me or she has a problem?” “Concerned ka sa pag-alis ng probinsyanang iyon?” tanong ni Francine sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawala ni Alexander bago sumagot. “Tsk! Syempre hindi. Natatakot lang ako kasi baka nagsumbong siya na pinaalis ko o I don’t know,” anito at humiga sa kama. Nagulat na lang siya nang biglang umibabaw ang babae at mapusok na hinalikan ang nakaawang niyang labi. Kahit maiinit ay gumawa pa rin sila ng milagro. “I want your d*ck, babe.” Nakakagat labi si Francine habang nakatingin sa mukha ng lalaki. “Sa iyo lang ito at walang makakahawak sino man because I love you. I owned you, Francine.” Muli silang nagsalo sa init ng sikat ng araw. Kahit may aircon ay tagaktak pa rin sila ng pawis. NANG masarado ni Pressy ang pinto ay pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Nang natapos ay lumabas na siya pero biglang napaatras nang may makitang isang magandang babae na nakaupo sa sofa. Unti-unti niya itong nilapitan. Walang ano-ano’y bigla niya itong niyakap dahil sa kasabikang makita ito. Ilang taon na rin niyang hindi nakikita ang anak na si Ashriel. Ang bunso niyang anak na nag-aaral sa America. “Oh God!” gulat na saad ni Pressy habang hindi pa rin kinakalas ang pagkakayakap sa anak. “I missed you, my dear daugther. How are you?” tanong niya sa anak. “I’m always okay, mom. Where’s kuya Alex? He is here? I want to surprise him.” “Nasa kuwarto. Puntahan mo na. I’m pretty sure na matutuwa iyon dahil bumalik ka na. He missed you too, anak. Go.” Humalik muna si Ashriel sa ina bago naglakad pataas. She took a deep sigh bago sumilip sa nakaawang na pintuan ng kuwarto ng kuya Alex niya. She was suprised. Nagulat siya sa nakita. Imbis na siya ang mag-surprise ay siya ang na-surprise. Nakita niyang nakapatong ang kuya niya sa babaeng kasama nito na kinaiinis niya. At kalaunan ay pabagsak na humiga ang kuya niya sa tabi ng babae. Ayaw niya kasi sa babaeng iyon para sa kuya niya dahil sobrang arte. Hindi niya masabi dahil ano bang laban niya? Mas matanda ang kuya niya at may mas karapatan ito sa pipiliin niya. Bumuntong-hininga siya bago malaking inawang ang pinto. Nagulat pa ang dalawa. “What is the meaning of this, kuya!” medyo pagalit na tanong niya. Si Alexander naman ay napaanga dahil sa nakita. Dahil doon ay agad siyang tumayo at sinuot ang pantalon. Akmang lalapit na siya sa kapatid nang bigla lumayo si Ashriel. “Why?” nakataas ang braso ni Alexander na nagtanong. “Anong why? E, ikaw nga dapat ang tanungin ko niyan. Bakit? I told you, kuya. Stop loving her,” galit na anas niya. “We loved each other. Ano bang pinagsasabi mo? Bumalik ka ba rito para pangaralan ako o para magbakasyon?” tanong ni Alexander. “I don’t like her. Hindi siya bagay sa iyo!” singhal niya. “What?! Bakit mas marunong ka pa sa nakakatanda mong kapatid” pagalit na tanong ng lalaki dahilan para mas lalo niyang tinaliman ang tingin dito. “Fine!” aniya sabay lumabas na. “Pag-usapan naman natin ito! Huwag kang tumalikod. Huwag mo akong talikuran!” sigaw ni Alexander kaya inis niya itong hinarap at hinampas sa dibdib. “Gosh! Hindi pa nga kayo kinasal... nag-s*x na agad kayo. So yuck! That damn and b***h woman. Sorry for what I’ve said to you. Pero ayon ang totoong nararamdaman ko. Stop loving her, bakit? Alam mo na ba ang background sa buhay niya? Syempre hindi... puro ka kasi negosyo!” malakas na anas niya sabay muling tumalikod. Hindi na niya naramdaman pang sumunod ang kapatid. Umirap pa siya sa hangin dahil sa inis. Hindi niya ba alam kung wagas siyang mangaral sa kapatid niyang si Alexander. At hindi niya rin alam kung bakit ayaw niya sa babae ng kuya niya. “Anong ba iyang mukha mo? Kakadating mo lang at madilim na kaagad iyang hitsura mo? Ano bang nangyari? At anong sigaw ang narinig ko, my dear?” tanong ni Pressy sa anak habang nakaupo sa sofa. Si Ashriel naman ay umupo sa tabi nito. “Mom, si kuya and his b***h girl wa—” “Mom, huwag kang maniwala sa babaeng iyan. She’s a liar.” Tumingin siya sa hagdan at nakita niya ang kuya niyang pababa habang kasama ang babae nito. Mga malalandi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD