DIVINE
“MANONG! Magtago kayo, bilis!”
“Anong magtago? E ’di napagalitan ako. Pumasok ka na nga at gabi na.”
“Gusto mong mabugbog?" tanong ko kapagkuwa’y pinipilit siyang lumabas. Pero ang kulit ng matandang ito. Labas na basta ako kapag nabugbog siya dahil ngayon... pinipilit ko siyang lumabas pero hindi nagpatinag.
“Anong mabugbog? Umalis ka nga sa harapan ko bago pa ako sumigaw!" medyo may kalakasang saad nito sa akin.
Wala na akong nagawa. Umalis ako sa harapan niya. Napailing na lang akong tumakbo papasok ng bahay. Dahil gabi na ay napagdesisyunan ko nang pumasok sa silid namin.
Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Brenda sa screen kaya naman agad ko iyong sinagot.
“Hello,” bungad ko.
“Musta? Nakailang text na ako sa iyo. Na-receive mo ba?” tanong nito dahilan para mapamulagat ako.
“Walang pinagbago. Hindi ko pa nakikita ang text mo. Ano ba iyon? Sabihin mo na...”
“Ano pang kuwenta ng text ko kapag sinabi ko? Basahin mo. Bye! Tulog ka na. Love you,” humahalakhak siya sa mga sinasabi niya kaya naman pinatay ko ang tawag na iyon at tiningnan ang inbox.
To: Brenda, Bessy!
“Pst! Punta ka rito sa Sabado, birthday ko. May kaunti namang handaan tapos may inuman. Punta ka, ha.”
“Paalam ka sa Ma’am mo. Aasahan ko iyan. Kapag hindi ka pumunta kakalimutan ko ang pagkakaibigan natin.”
Natawa na lang ako sa mga text niya. Marami pa. Puro tungkol sa birthday niya. Sa Sabado pala ang kaarawan niya. Tama siya... kailangan kong magpaalam na mag-de-day off muna ako. Natawa akong nireplayan siya kahit antok na antok.
THIRD PERSON
“SIR—” Hindi na naituloy ni manong Lando ang iba pa niyang sasabihin nang biglang ibato ni Alexander ang isang sobreng naglalaman ng lilibuhing pera.
“You're fired!” matigas na giit ng binata at tumalikod na.
“Pero Sir., bakit ura-urada naman po? M-May nagawa po ba akong mali o masama?” sunod-sunod na tanong ng matanda rito.
Humarap si Alexander. “I already told you na condom ang bilhin mo! Pero bakit mga butiki ang laman? You stupid! Halos atakihin ako sa puso. You know what my weakness is. Umalis ka na. I gave your whole salary. Out!” muling giit nito dahilan para magulat ang walang kamuwang-muwang na matanda.
“Tama po ba ako nang narinig? Butiki? Eh noong ibigay ko po iyon kay Divine, iyong bagong kasambahay ay mga condom ang laman. Sir., huwag niyo naman pong gawin ito sa akin. May pamilya po akong binubuhay. Wala po akong kasalanan. Baka ang babaeng iyon ang naglagay ng butiki. Sir., maawa po kayo...” Halos lumuhod na ang matanda sa pagmamakaawa.
Natawa siya. “Are you kidding me?”
“H-Hindi po, Sir.”
“May ipapagawa ako sa iyo bukas. Make sure na magagawa mo dahil kapag hindi... tototohanin kong tatanggalan kita ng trabaho.” Tumango lang ang matanda bilang tugon dito.
Siya naman ay ngumiti lamang.
DIVINE
“GOOD mor—”
“Magtatanghali na, hija.”
“Hala! Na-late po ako ng gising. Pasensya na po.”
“Okay lang... nakapagluto na naman ako. Maglaba ka na lang.”
Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa banyo upang magmumog. Nang matapos ay agad akong nagtatakbo pataas sa kuwarto ni Madame Pressy.
Isang katok ko lang ay bumukas na ang pinto.
“Yes?”
“Madame, lalabhan ko na po iyong mga damit niyo...” sabi ko.
Tumango lang siya. “Go ahead.”
Pumasok na ako sa loob at kinuha ang mga damit nitong nakahanda na sa may lapag. Lumabas ako at nagtungo sa labahan.
Walang almusal. Basta’t kaya ko!
THIRD PERSON
“NASAAN?” ang tanong agad ni Alexander kay manong Lando ng ito ay makapasok sa kuwarto niya.
Mahinhing inilapag ng matanda ang isang short sa harap niya. “Ayan po ang nakita kong suot niya kagabi."
“Good,” tanging naisagot ni Alexander kapakuwa’y kinuha ang short. Ipinagpag niya iyon at kalaunan ay may mga nahulog... tama nga siya ng hinala. “Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa sa akin itong babae ka. Hindi naman kita inaano.”
“’Di ba, Sir., nagsasabi ako sa inyo ng totoo, na hindi ko kayang gawin iyon...”
“I knew it. Iniinis niya ako. I think, kailangan kong parusahan ang babaeng iyon. May papagawa ako sa iyo, Lando. Just do it ,” nakangiting bulalas ng binata dito at ngumiti pa ng nakakaloko.
DIVINE
“NANAY, nakita niyo po ba iyong short ko?" tanong ko kay nanay Velda nang makapasok sa kusina.
Kakatapos ko lang maglaba at ngayon ay hinahanap ko ang short ko na sinuot ko kagabi lang. Hinubad ko kasi at nagpalit ako. Tapos nandoon pa iyong mga condom. Jusko! Ano na kayang nangyari kay manong ngayon?
“Aba’y hindi. Bakit ba? Parang natatakot kang mawala iyon.”
“Nanay, huwag po kayong magagalit, huh. Iyong mga condom po kasi sa supot ay pinaltan ko ng butiki. E, nilagay ko sa bulsa ng short ko iyong mga condom. Ngayon... nawawala iyong short ko,” natatakot na kuwento ko rito.
“Luka ka talaga. Takot si Sir. Alexander sa butiki. Tinakot mo pa. Hanapin mo lang sa kuwarto natin, baka nandoon lang iyon,” aniya.
“Sige po...”
Kibit-balikat akong lumabas ng kusina at nagtungo sa kuwarto namin ni nanay. Pero hindi ko talaga mahanap, e. Nakakainis. Saan na iyon napunta. Gaga mo talaga, Divine!
*Ding! Dong!*
“Tumigil ka... busy ako."
*Ding! Dong!*
Nainis akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa pinto. ’Pagbukas ko ay bumungad ang isang familiar na babae. Babaeng nabangga ko roon sa grocery store. Nakasuot ng isang hapit na dress at ilang inches na takong. Hindi naman bagay. Mukhang jeje.
“You?"
“Ako?" naguguluhang tanong ko.
“Hindi. Iyong nasa likod mo.”
Tumingin ako sa likuran ko pero wala naman akong nakitang tao. Ano ba iyan. Nagiging slow na ako.
“I didn’t expect na rito ka pala nagtatrabaho sa bahay ng boyfriend ko,” aniya at walang pasabing nilampasan ako papasok sa loob.
“Teka lang naman!” pigil ko rito.
“At bakit? Huwag mo nga akong hawakan. Ang dumi-dumi mong babae ka,” maarteng aniya dahilan para mandilim ang paningin ko. Hindi ko alam pero bigla ko siyang nasampal. “Ouch!” daing niya.
“P-Pasensya na po.”
Ewan ko ba sa sarili ko. Para akong naging demonyo noong mga oras na nasampal ko siya. Tapos ngayon, mukha na akong anghel dahil sa prisensya ko.
“Pasensya? Ito sa iyo!” malakas ang boses niya sabay hila ng buhok ko.
“A-Aray!”
Pero hindi siya tumigil. Dahil muli na namang nanalantay ang aking pagkademonyo ay muli ko siyang sinaktan. Ginawa ko kung anong ginawa niya. Sinabunutan ko rin siya katulad ng ginagawa niya. Kahit mahapdi ay hindi ako nagpatinag.
Hanggang sa matumba ako kaya naupuan niya ako sa tiyan. Hindi pa matitigil iyon kung hindi pa dumating si Sir. Alexander.
“Stop this. Stop Francine!”
Binitawan naman ako ng babaeng ito. Dali-dali siyang lumapit kay Sir. at parang batang nagsumbong.
“Babe, sinaktan niya ako. See what she did to me,” sumbong nito.
“Relax! Everything will be fine. Pumunta ka muna sa kuwarto at tuturuan ko lang ito ng leksyon. I love you,” nakangiting ani Sir. sa babae. Ngumiti rin naman ito pabalik at sa harap ko mga naghalikan.
“I love you too. Go, I'll support you,” anang babae at nagsimula ng maglakad pataas ng hagdan.
“You!” Tinuro ako ni Sir. Alexander gamit ang isa niyang daliri. “You are not allowed to hurt my girlfriend.”
“Nauna naman po siya, e. Hindi ko naman po sinasadya,” maluha-luhang pagmamakaawa ko. Gamit ang kaliwang kamay ay ipinunas ko iyon sa aking mukha.
“Damn it! Stand!” sarkastiko niyang utos kaya wala akong nagawa.
Pinantayan niya ako sa aking mukha at walang pasabing hinila ako gamit ang aking braso. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya. Hindi ako makapiglas. Nakita ko na lang na nasa pool area na kami.
“I know na may hinahanap ka?" tanong niya. Teka nga! Bakit niya alam na may hinahanap nga ako?
“W-wala po,” sagot ko.
“Anong wala? Kanino ito?”
Nanlaki bigla ang aking mga mata ng makita ang short kong kanina ko pang hinahanap. Nasa kaniya? Bakit? Bakit nasa kaniya iyon?
“A-akin po iyan. B-bakit po nasa inyo?” tanong ko sabay walang pagdadalawang isip na kinuha iyon.
“Alam mo... hindi ko gusto ang ugali mo, old maid.” Nakatingin siya sa akin ng masama habang sinasabi ang mga katagang iyon. Bakit niya nasabi? “Gusto ko lang sabihin sa iyo na bukas na bukas... you may leave. Bakit mo nagawa sa akin iyon? Ang takutin ako? f**k you! Ibinigay sa iyo ni Lando na mga condom ang laman ng paper bag na binigay mo sa akin. Then, pinakuha ko itong short mong sinuot kagabi. At hindi ako nagkamali. Ikaw ang may gawa...” mahaba niyang lintaya dahilan para biglang kumabog itong aking dibdib.
“Sorry po, Sir. Hindi ko naman po intesyong takutin kayo."
“At bakit mo nagawa iyon?” nakapamewang na tanong niya.
“Nainis lang po kasi ako. Bakit po ba ganiyan ang ugali niyo sa akin? Wala naman po akong ginagawang masama. Pero kung laitin niyo ako... parang isa akong pulubi.”
“Wow! I’m shocked! Ikaw pa talaga ang may balak mainis sa akin. Ako ang amo mo at dapat ako lang ang mainis. Bukas na bukas... ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo,” saad niya at inirapan pa ako.
Bakit ba nabigyan ako ng ganitong klaseng amo? Napakasama. Tao rin naman ako kaya nakakaramdam din ng sakit.
“Pe—” Hindi ko na naituloy ang iba ko pang sasabihin dahil bigla niya akong tinulak sa swimming pool. Lumubog ako sa ilalim. Mayamaya pa ay lumutang na ako. Nakita ko siyang papaalis na. Paano na ito? Hindi pa naman ako marunong lumangoy. “Tulong!” malakas na sigaw ang lumabas sa aking bibig.