KABANATA 4

1572 Words
DIVINE “WHAT happened last night?” Tumingin sa akin si Sir. Alexander kaya nalaman ko agad na ako ang tinatanong niya. “Wala naman po,” sagot ko. “Are you sure? Bakit nasa mukha ko iyong t-shirt and short ko? Why?” medyo malakas na tanong niya. “Wala po iyon.” “Anong wala? You raped me?” tanong nito dahilan para mapatigil ako sa aking ginagawa . Assumero! Kahit kailan hindi ako papatol sa iyo. Tsk! “H-huh? Pa-aano niyo naman po nasabi?” “Nanaginip ako... kasama ka and I see, I see that you ate my c**k. You stupid! Pati ako pinagpapantasyahan mo. One more, old maid. And I will fire you!” aniya sabay tayo. “Hala! Panaginip lang iyon, Sir.,” sabi ko rito pero nagulat na lang ako nang hinawakan niya ang aking braso. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naamoy ko ang mint niyang hininga. Halos maduling ako kakatitig sa mata niyang kulay asul. “Isa pa... malilintikan ka sa akin. I will rape you. Papahirapan kita hanggang sa hindi ka na makatayo. Papatayin kita,” sambit niya at binitawan ang braso ko. Biglang tumibok ang puso ko. Hindi ako in love, kundi takot ang namayani sa aking kalooban. Demonyo siya. Ayaw ko na rito. Ayaw ko na. Bukas na bukas din ay aalis na ako. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho kaysa sa makasalimuha ang lalaking iyon. Naramdaman ko na lang ang kaunting luhang pumatak sa aking mata. Napakasama niya! “ANO namang nangyari sa iyo at iyak ka nang iyak diyan?” tanong sa akin ni nanay Velda habang kami ay nasa garden. Gabi na at wala na namang gagawin sa loob kaya napagdesiyunan ko na lang na rito muna tumuloy at ilabas ang galit. Sumunod naman ang matanda kaya wala na akong nagawa. “Wala po ito...” “Anong wala? Hindi iiyak ang tao kapag walang problema o nangyaring masama. Sabihin mo na dahil tayo-tayo lang ang nandito,” pangungulit niya kaya wala na akong nagawa. Humarap ako sa kaniya habang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. “Si Sir. po kasi, binantaan akong gagagasahin niya at papatayin pa. Sabay papahirapan daw po ako hanggat hindi makatayo. Natatakot po ako, nanay,” umiiyak na paliwanag ko rito. Siya naman ay natawa lang. “Masanay ka na sa kanya. Ganoon talaga siya kaya konting pasensya na lang, hija. Niloloko ka lang noon.” “Hindi po ako noon niloloko. Randam na ramdam ko po ang mga katagang lumalabas sa bibig niya. Amoy ko pa nga po ang hininga niya, ang sarap.” Natawa ako. “Natatakot po talaga ako. Bukas na bukas ay aalis na po ako.” Paano ba naman kasi. Hindi maalis sa isipan ko iyong guwapo niyang mukha. Tapos iyong hininga niya. Pero nakakainis lang dahil sinabihan akong ni-rape ko raw siya. Ano ako? Adik?! Tapos sinabihan niya akong rarl-rape-in niya ako. Ang sakit. Baka mawala ang pagkabirhen ko sa bahay na ito. Ayaw ko pa iyong mawala. Mahal na mahal ko itong ari ko. “Aalis ka? Iiwan mo ako?” “I have no choice, nanay. Para na rin sa akin ang pag-alis ko. Ayaw ko kayang mamatay at magahasa. Basta... aalis po ako bukas na bukas.” “Itatapon mo lang din iyang sinasabi mo. I'm sure kapag umalis ka’y babalik at babalik ka pa rin.” “Hindi na po siguro.” Umupo ako sa isang bench habang nakabusangot ang mukha. Naramdaman ko na lang na tumabi siya sa akin. “Huw—” “Anong ginagawa niyo riyan? Oras ng trabaho niyo, a.” Sabay pa kaming napatingin ni nanay at doon sa malayo ay nakatayo si Alexander. Napakayabang talaga! “Natapos na naman namin ang mga gawain,” anang nanay pero tumawa lang ang mokong na ito. Sarap iumpog sa pader. “Nevermind...” aniya sabay alis na. Loko-loko. Ang daming alam. Puro dada. “Nakakainis talaga iyong batang iyon.” “Hala, bata raw. Hindi na iyon bata, nanay. Matandang ulikba na iyon. Tanda-tanda na napaka-ingay pa,” humahalakhak na saad ko kay nanay. “Ako ba ang pinapakinggang mo, ineng?” Nagulat na lang ako dahil biglang sumulpot si manong driver. Nanlaki ang mga mata nito sa akin. “Ano ka ba? Hindi ikaw iyon,” ani nanay dito. “Okay. Nasaan ba si Sir.?” tanong ni manong kay nanay. “Pumasok na sa loob. Bakit mo ba hinahanap?” tanong ni nanay dito. “Ibibigay ko lang ito,” sagot nito sabay taas ng isang maliit na supot. Ano kaya iyon? Condom? “Ano iyan. Gusto mong ako na lang ang magbigay?” Tumayo si nanay at kinuha ang maliit na supot. Hindi na nagprotesta si manong. Nang buksan ni nanay ay agad napatakip siya ng bibig. “Bakit po? A-anong nangyari?" tanong ko sabay lapit kay nanay. Kinuha ko iyong bagay na nasa kamay niya. Hindi nga ako nagkamali ng iniisip. Condom nga. “Sige... ibigay mo na kay Sir.” Lumayo na si manong sa puwesto namin. May biglang namuo sa isip ko. Nakakatawa iyon. “Ayan ba iyong condom na sinasabi niya?” “Ayan nga po. Ang dami... baka makakailang round iyon. Nanay, baka ako na lang ang magbibigay sa kaniya, please…” pangugulit ko. Ibinigay naman niya iyon kaya wala sa sariling napangiti ako at para bang lumundag ang puso ko. Hindi ko alam kung gagana itong naisip ko pero sana gumana. LUMIPAS ang halos kalahating oras. Nakakuha na ako ng limang butiki sa kisame. Patay ka ngayon, Alexander. Ipaprank kita. Kinuha ko ang maliit na supot at inalis roon ang mga condom. Gamit ang pangsipit ay isa-isa kong nilagay ang mga butiki. Wala sa sariling napangiti na lang muli ako sabay labas ng kusina. Sana maging effective itong gagawin ko. Tatakutin ko siya. Tapos kapag binuksan niya iyong supot biglang tatalon ang mga butiking naroroon. Nakakatawa itong plano ko! “Loka ka talaga, Divine...” natatawa kong saad habang pataas sa ikalawang palapag. Nang nasa itaas ay sunod-sunod akong kumatok sa pintuan ng kuwarto ni Sir. Lumipas ang ilang segundo ay bumukas iyon. “Ito na po pala ang pinapabigay ni manong sa inyo. Hindi na po siya makataas dahil masakit daw po ang tuhod. Una na po ako...” sabi ko at ibinigay ang supot sabay talikod na. “Tsk.” Ayon lang ang narinig ko bago niya sinaraduhan ang pinto. Naglakad pa ako ng konti sabay tigil. Palakpak nang mahina at naghihintay sa ano mang mangyayari. Humanda ka sa akin! “Oh my God! Holy s**t! W-What is this? O-Oh my! Lea-ve me alonee!” malakas na sigaw ni Sir. Alexander dahilan para dali-dali akong bumaba ng hagdan. Isa lang ang masasabi ko. Successful ang ginawa ko. Yes! Nagtago ako sa pinakang-ibaba at tumingin sa itaas. Nakita ko na lang siyang lumabas ng kuwarto niya at pababa sa hagdan. Dahil doon ay mabilis akong naglakad papunta sa kusina. Gagawa-gawa ako ng katangahan tapos matatakot ako. Pero infairness, takot pala ang mokong na iyon sa butiki. Paano kaya kapag ipis na? “Divine! Divine! Divine!” sunod-sunod na sigaw nito. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Nakita ko siyang palakad-lakad na para bang takot na takot. “Why, Sir. Alexander?” “Clean my room now! I said clean it!” sigaw niya habang nakaduro sa akin. “Maghintay ka naman,” mahinang usal ko sabay talikod. Hindi ko na siya narinig pang nagsalita. Ang mayabang, may kinakatakutan rin naman pala. Nakadating ako sa loob ay tumingala ako. Doon ay nakita ko ang limang butiking aking hinuli. Gamit ang walis tambo ay tinanggal ko ang mga iyon at itinapon sa bintana. Ang sarap pa lang makipaglaro sa kaniya. Gagawin at gagawin ko iyon araw-araw. Gaga ka talaga! Natatawa akong lumabas habang bitbit ang walis tambo. “Why you are laughing?” Napapitlag ako nang biglang may magsalita sa likuran ko. Nang tingnan ko iyon ay napaatras ako ng kaunti. Takte! Galit na galit ang guwapo niyang mukha. “Where’s Lando?” tanong niya sa akin. Umiling ako. Sino bang tinutukoy niya’t hindi ko naman kilala iyong Lando na sinasabi niya. “Hindi ko po alam,” sagot ko. “Stupid! Anong hindi alam? Sino nagbigay sa iyo noong ibinigay mo sa akin?” Nanlilisik na ang mga mata niya. Ah... now I know. Lando pala ang pangalan ni manong driver. Hala! Ang bobo ko. Siguro tama nga siya na stupid ako. Paano ba naman kasi... hindi ko naalala na siya ang papagalitan nitong mokong na ito. OMG! Manong Lando. Hindi ko sinasadya. “Ah... s-si manong?” tanong ko kahit alam ko na naman. “Who’s manong? Huwag mo nga akong baliktarin, old maid. Tell me the f*****g truth or else... I will rape you.” “Bastos!” sigaw ko sabay hampas ng dibdib niya. Pakiwari ko’y hindi siya nasaktan dahil matigas iyong dibdib niya. “Bullshit! Just tell me the f*****g truth.” “Sinabi ko na sa iyong si manong.” “Are you crazy? Sino bang manong ang sinasabi mo? I need Lando. Where is he?” “Alam mo ang gulo-gulo mo.” “Bakit ako? Tinatanong ko si Lando.” “Puta! Hindi ko nga kilala!” “Mas puta ka! Where is he? Sino ang nagbigay ng supot na iyon sa iyo?” nangigigil na tanong niya sabay hawak sa braso ko. “Sabing si manong e. Si manong, iyong nagda-drive ng sasakyan,” inis kong saad dito. Ang slow. Sabing si manong. Siya naman ay puro Lando. “Okay. Where is he?” mahinahong tanong niya. “Hindi ko alam.” “Find him, now!” matigas na aniya sabay tumalikod na at nagpatiuna na sa kaniyang kuwarto. Jusko! Manong! Yari ka kahit ako ang may gawa. Sorry na. Dapat makaisip ako ng paraan para hindi mabugbog ang matandang iyon. Tanda-tanda na. Char. Pero kasalanan ko talaga. Anong gagawin ko? Natatakot ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD