KABANATA 3

1672 Words
DIVINE “COME here and join...” aniya kaya napabaling ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Pero kinakabahan ako. Malay ko bang gusto niya lang makipaglaro sa akin tapos lulunurin niya ako. Ayaw ko! “Sorry, Sir. Hindi po ako marunong lumangoy pati oras po ng trabaho ngayon. Sorry po,” sabi ko sa kaniya at naglakad na papasok. Hindi ko na narinig ang boses niya. Nang makapasok ay agad akong sumandal sa pinto at napabuga na lang ng hangin. Akala ko ba aalis siya? Hindi yata ako makukuntento habang naririto siya. Wala sa sariling napalumod laway ako at tumungo na sa sala upang maglinis. “Divine, tara at maggo-grocery tayo.” Napatingin ako sa may hagdanan at nakita ko si nanay Velda na pababa. “Ngayon na po?” tanong ko. “Oo. Now na. Kaya tara na’t baka magalit pa si Madame,” sabi niya at hinila na ako papalabas. Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Sumakay kami sa kotse para magtungo sa grocery store. Ang totoo nga niyan ay ngayon lang ako nakasakay dito. Para bang mababangga sa labas kahit hindi naman. Natawa na lang ako ng wala sa oras. “Sino ga itong babaeng ito?” Napatingin ako kay manong driver. “Ah, siya si Divine, bagong kasambahay. Ang ganda, ’no? Artistahin ang dating. Hindi bagay sa kaniya ang maging isang katulong. Dapat sa kaniya ay artista,” nakangiti si nanay habang sinasabi ang mga iyon. Tama nga, maganda ako at ano namang ipagmamalaki ko? Hindi nga ako nakatapos ng highschool at paano ako mag-a-apply sa magandang trabaho kung wala akong tinapos. Saka anong sabi? Bagay daw sa akin ang maging artista. Paano naman ako dadating doon kung wala nga akong tinapos? “Aba’y tama ka riyan, Velda. Ang ganda-ganda nga niyang babaeng iyan. Ilan taon ka na ba, hija?” tanong ni manong sabay baling sa akin. “Bente-singko po, manong...” “Bata ka pa pala. Bagay kayo ni Sir. Alexander. Maganda ka tapos guwapo siya... ayan ang perfect couple. Kaso sa pagkakaalam ko bente-otso na yata si Sir. Alexander pero guwapo pa rin...” anito. Speaking of him! Wala akong pakialam sa kaniya. Hindi ko na nakuhang sagutin si manong. Sumandal na lang ako sa upuan. “Huwag ka ngang tsismoso riyan. Pati huwag mo nang banggitin ang pangalan ni Sir. Alexander. Natatakot itong batang ito. Alam mo naman ang Sir. natin, masyadong matapang at barumbado.” “Una, hindi ako tsismoso, nagsasabi lang ako ng totoo. Ikalawa, kahit kailan puwedeng kong banggitin ang pangalan ni Sir. Close kaya kami noon. Binibigyan nga niya ako ng isang libo tuwing may ipapabili siya sa akin.” Ang daldal nitong si Manong. Imbis na magmaneho nang ayos, e nakikipagkuwentuhan pa. “Ano namang pinapabili sa iyo?” tanong sa kanya ni nanay. “Ano pa ba, e ’di condom!” medyo malakas na sagot ni manong dahilan para mapatikhim ako. Tama ba ang narinig ko? May kinakama na pala iyong mokong na iyon. Ang landi! “Teka nga... a-anong condom? Hindi ko iyon alam,” kuryos na wika ni nanay Velda. Natawa ako dahil sa kanilang dalawa. Ang tatanda na napakaingay pa rin. Napabuga na lang ako ng hangin at ipinikit ang aking mga mata. “Ayon iyong inilalagay sa t**i para hindi mabuntis ang ka-s*x, Velda!” Bigla akong napamulat dahil sa sinabi ni manong. Wala ba siyang mata at may bata rito? Oo na... hindi na ako bata. Pero nakakainis. Diretsahan niya pang sinabi iyong ari. Napakabastos! “Ah... para bang balat ng skinless iyon?” inosenteng tanong ni nanay. Dahil sa inis ko’y sumingit ako. “Nanay, masyado na pong bulgar ang mga tanong niyo. Kung ano na pong sinabi ni manong noong una ay ayon na. Stop talking na. Manong huwag ka nang umimik diyan at baka mamaya ay mabangga tayo. Mahal ang buhay...” “Oo, parang balat iyon ng skinless,” patuloy pa ring sagot ni manong. Nagsalita na ako't lahat-lahat pero parang walang narinig. Nairita ako kaya parehas kong tinakpan ang aking dalawang tenga. Lumipas pa ang ilang minuto, nakarating na kami sa grocery store. Nang makababa ay umunat ako dahil sa pagod kakasandal. “Hintayin mo lang kami riyan at babalik rin kami agad,” anang nanay Velda. Nakita kong tumango lang siya kaya naman agad kaming nagpatiuna papasok. “Kumuha ka ng dalawang basket, Divine,” utos sa akin ni nanay. Kumuha naman ako ng dalawa. Aalis na sana ako ng may makita akong isang bakal na tinutulak kung saan naroroon iyong basket. Puwede naman yata ito, e. Ibinaba ko ang hawak ko at mabilis na itinulak iyon patungo kung saan naroroon si nanay. Pasunod-sunod lang ako at siya naman ay parang hinahakot na ang buong laman ng grocery na iyon dahil hindi siya natigil sa pagkuha. Lumipas ang mahigit ilang oras ay natapos kaming mamili. Punong-puno iyon kaya naman hirap na hirap akong itulak. “Ako na riyan, Divine,” sabi sa akin ni nanay habang nasa aking likuran. “Kaya ko naman po ito at huwag kayong mag-alala, ayos lang po ako,” hirap na sagot ko. Hindi ko pinapahalatang napapagod ako dahil mas bata ako kumpara sa kaniya na matanda na. Mayamaya pa ay natigilan ako dahil parang may nabangga yata itong aking tulak-tulak. Itinabingi ko ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko. Naroroon ang isang babae. Naka-shade habang naka-dress na hapit. Nakatakong rin ito na ilang pulgada. Lumipas ang ilang segundo ay tinanggal niya ang salamin niya. Masamang tumingin na para akong isang halimaw o multo. “The hell! Titingin ka lang ba riyan? See what you did to me. Nadumihan ang dress ko, gosh!” maarteng saad niya. “Sorry, hija. Hindi naman sinasadya,” pagtatanggol ni nanay. “So, it was an accident? Duh! Punasan mo itong dress ko, nadumihan!” sigaw niya dahilan para agad akong lumapit at pinagpag ang unahan ng damit niya. Sa totoo nga niyan ay wala namang dumi. Masyado lang siyang maarte. Iba talaga kapag mayaman. Nang matapos ay lumayo na ako. “Pasensya na, hindi ko sinasadya,” paumanhin ko. Hindi na niya nakuha pang sumagot. Isang irap lang ang nakuha ko sa kaniya bago tumalikod. Napabuntong-hininga na lang akong humarap kay nanay. “Iba talaga kapag mayaman...” mahinang banggit ko. “Tama ka, Divine. Kapag yumaman lang ako hindi ako magiging katulad nila. Kung umasta akala mo’y kampon ni Satanas,” aniya. “At tayo namang mahihirap... inaapi-api lang. Tara na po,” sabi ko at muling itinulak iyon patungo sa counter. GABI na ng pumasok ako sa kuwarto dahil dinalaw na ako ng antok. Humiga ako sa isang maliit na kama habang nakatitig sa kisame. Kanina inaantok ako pero ngayon parang hindi na. Inihilig ko ang ulo ko at pumikit. Pero itong diwa ko’y umiikot lang sa babae kanina doon sa grocery store. Humanda ka, babae ka! Kapag ako talaga ay yumaman. Bumuntong-hininga ako. Natigilan ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa kaliwa ko. Kinuha ko iyon para sagutin. Nakita ko ang pangalan ni Brenda sa screen. “Hello,” bungad ko rito. “Kamusta ka na? Ayos ba riyan? Inaapi ka ba?” sunod-sunod na tanong nito. “Ano bang klaseng tanong iyan? Syempre okay lang ako. At higit sa lahat, hindi ako inaapi,” sagot ko. Rinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya. “Weh, totoo?!” “Syempre hindi... kahit oo.” Natawa na lang ako sa sinagot ko. “Luka ka talaga. Sino namang nang-aapi sa iyo. Iyong matandang babaeng amo mo o iyong anak niya?” “Sino pa ba... e ’di iyong magaling niyang anak. Biruin mo ba, noong una kaming magkita bigla niya akong inirapan. Tapos pinaglaba ako ng kabundok at gabi pa. Palautos pala iyong mokong na iyon. Nakakainit ng ulo. Tapos inaya niya akong mag-swimming, syempre hindi ako pumayag.” “Hala siya, o! Baka gusto ka ni Sir. mo? Kapag niligawan ka sagutin mo na a—” putol niyang saad dahil agad kong iyong pinutol. Medyo nainis na kasi ako. “Luka ka! Kahit ligawan niya ako hindi ko siya sasagutin.” “Ang tanong... liligawan ka ba?” natatawang tanong niya. “Ewan ko sa iyo. Gusto ko nang matulog. Bye!” “Bye...” aniya. Agad kong pinutol iyon at muling inihilig ang ulo. Badtrip! Hindi ako makatulog. Bigla akong napatayo dahil may biglang lumagabag sa sala. Ano ba iyon? Dahil sa tensyong nararamdaman ko ay agad akong lumabas. Madilim sa kapaligiran. “Help,” isang tinig ang narinig ko sa hindi kalayuan. Ibinaybay ko ang aking tingin at bigla akong nakakita ng isang tao habang nakahiga sa carpet. Nakahigang nakasubsob ang mukha. Sino ba iyon? Magnanakaw ba? Dali-dali kong tinungo ang switch ng ilaw at nang bumukas ay agad kong nilapitan. Iniharap ko iyon at hindi naman pala ang iniisip ko. Si Sir. Pulang-pula ang mukha. Lasing yata ito o baka nakainom lang. “Who are you?" lasing na tanong niya. “Ako po si Divine.” “Really? Then why are you here?” Gusto ko na itong sampalin dahil sa gigil. “Kasambahay ako. May problema?” maangas na tanong ko. Nakainom naman kaya aangasan ko na siya. “Ano pang ginagawa mo riyan? Ihatid mo na ako sa kuwarto ko. Now! I need to rest. Faster, old maid!” Dahil sa sinabi niya ay agad ko itong inakay paakyat sa hagdan. Nakainom lang naman yata kaya madali ko siyang naihatid sa kaniyang kuwarto. Nang maihiga ay agad kong tinanggal ang sapatos niya. Sinunod ang pang-itaas at pantalon. Hindi ako rapist, ’no. Ginagawa ko lang ang tungkulin ko. Ngayon, boxer na lang ang natira sa kaniya. Napalumod laway ako dahil bakat na bakat. Nananaginip ba ako? Napailing na lang akong tumungo sa closet niya at kinuha ng maisusuot. Isang t-shirt at jersy na short ang nakita ko. Lumapit ako sa kaniya. Tiningnan ko ang mukha niya pababa sa leeg, sa tiyan, at sa ari niya. Muli akong napalumod laway ng makitang galit na galit na iyon na para bang gusto ng lumabas sa boxer. Ano ba ito? Nawala ang pagkainosente ko dahil sa lalaking ito. “Can I f**k you?” Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Bastos! Dahil sa inis ko ay ibinato ko sa pagmumukha niya ang hawak ko at walang pasabing lumabas na sa kuwarto niya. Napakabastos! Akala ko pa naman ay matino kapag lasing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD