DIVINE “GINAGAWA na po namin ang lahat kaya huwag na po kayong mag-alala.” Hindi ako makuntento at hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Pabalik-balik lang ako. Isa lang naman ang puwedeng kumuha sa kapatid ko at iyon ay si Francine. “Magpahinga ka na muna at tatawag na lang daw sila kapag may impormasyon na tungkol sa kapatid mo,” mayamaya pa’y sabi ni Alexander na nasa likuran ko na pala. Humarap ako rito at tumingin nang matalim. “Ayaw ko!” matigas kong sabi. Siya naman ay hinawakan ako sa braso at hinapit papunta sa kaniya kaya wala akong nagawa kundi ang mapayakap at muling mapahagulhol ng iyak. “As I've said to you... everything will be fine. Magpahinga ka muna at baka mapahamak ang ating baby. The doctor said, don’t stress, okay? Let’s go at pagod na rin ako.” Hinila na