THIRD PERSON NAKANGISING bumaba si Francine sa kotse ni Calvin at kaagad nang nagpatiuna papasok sa loob ng hospital. Lumapit muna siya sa nurse station upang tanungin kung nasaang room ang pupuntahan niya. Actually, gusto niyang puntahan ang matandang humarang sa kaniya at tuluyan ng patayin ito sa simpleng solusyon. Kapag sinabi niya ay gagawin niya. Nabalitaan niya kasi sa balita na buhay ang matanda at ngayo'y nagpapagamot sa hospital na kinalalagyan niya. "Nasaan dito iyong room ni Velda Bolivia?" tanong niya. "I will check, Na'am." Agad namang tumalima ang nurse upang hanapin ang numero ng kuwarto na kinalalagyan ng matanda. Nang mahanap ay kaagad itong lumapit kay Francine. "Ma'am, room. 304 po. Kaano-ano niya po kayo?" anang nurse sa kaniya. Ngumiti siya rito sabay sagot. "