KABANATA 2

1634 Words
DIVINE “WHY are you staring at me like that?!” Napakurap ako. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa maamo niyang mukha. Napalunok ako ng laway kapagkuwa’y sinagot siya. “May dumi po kayo sa noo,” pagsisinungaling ko. Siya naman ay inangat ang isang kamay para punasan ang noo kahit wala namang dumi. Nasabi niya lang iyon dahil nalunok niya yata ang kaniyang dila. “Wala na?” Tumango ako. “Bumaba na raw po kayo para makakain na.” “Wala akong gana. I’m thirsty. Just give me a glass of water,” aniya sabay sarado ng pinto. Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niya. Dali-dali akong bumaba at kumuha ng isang basong tubig. Lalabas na sana ako nang bigla akong tawagin ni Madame Pressy. “Nasaan siya? Saan mo dadalhin iyang hawak mo?” “Wala raw po siyang gana, Madame. Uhaw lang daw po siya,” sabi ko. Tumango lang ito kaya nagpatiuna na akong umakyat sa taas. “Sir, ito na po ang one glass of water ninyo!” may sarkastiko kong anas pero hindi ko iyon pinahalata. Lumipas ang ilang minuto ay bumukas na ang pinto. Mabuti na lang at may damit na siyang suot. Kung wala ay baka kanina pa akong naglaway. Kinuha niya ang hawak ko. “Wash my clothes...” Nakakainis. Kung kailan gabi na saka pa nagpalaba. Akala niya ba hindi mahirap itong mga pinapagawa niya. Tsk! Huwag ka ngang umagal, Divine. Pinasok mo ito at kailangan mong panindigan. “Go inside and collect my dirty clothes...” aniya at pumasok na. Ako naman ay dahan-dahang pumasok. Bumungad sa akin ang malaking loob pero saksakan naman ng dumi. Nakita kong umupo siya sa isang sofa at prente roong umupo saka tiningnan ako. Kagaya nang sinabi niya ay kinuha ko iyong mga damit niyang nagkalat sa sahig. May mga boxer shorts at— brief?! Parang diring-diri akong hinawakan iyon habang inilalagay sa palanggana. Lumipas ang ilang minuto, napuno na iyon kaya lumabas na ako. “Wait! Hindi mo pa nakukuha iyong nasa CR. Ano kang klaseng maid?” may bahid na tanong nito. Pasensya naman. Tao lang ako. Hindi ako makina. Inis kong inilapag sa sahig ang hawak ko at muling pumasok. Binuksan ko iyong pinto ng banyo niya at hindi ko alam kung makakahinga ba ako. Isang tambak na libagin ang bumungad sa akin. Unang trabaho. Unang hirap! Bumuga ako ng hangin sa bibig at hinakot iyon papalabas. Nang matapos ay hindi na ako nagpaalam pang aalis. Awas na awas na itong dala kong palanggana. Mapuputol yata ang spinal cord ko nito kakaupo. Naglakad na ako pababa hanggang sa makasalubong ko si Madame Pressy— paakyat ito. “Oh, gabi na, a. Bakit maglalaba ka pa?” “Pinautos po sa akin ni Sir. Alexander, Madame Pressy...” “Napakapalautos talaga ng batang iyan. Don’t worry, Divine, ngayon lang iyan.” Ngumiti ito saka nagpatuloy na sa paglalakad. Tumango lang ako sabay muling naglakad. Hindi pa ako kumakai, gagawa na agad ng gawain. Nakakainis iyong lalaking iyon. Kapag lang ako yumaman at siya naghirap, aalilain ko siya katulad nang ginawa niya sa akin. Hanggang sa lumipas ang ilang oras. Hindi pa rin ako tapos sa paglalaba ko. Bigla na lang kumulo ang tiyan ko dahilan para mapahawak ako roon. Gutom na ako. Agad akong tumayo at tumungo sa kusina. Tahimik ang kabahayan. Madilim. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at para akong isang dagang gumagala. Sa gitna ng pagkain ko ay biglang bumukas ang pinto at halos mapaduak ako nang makita si Sir. Alexander. Masama siyang nakatingin sa akin habang naglalakad papunta sa lababo. Naghinaw lang pala siya ng kamay. Napakayabang. Ibato ko itong plato sa kaniya, e! “You can’t eat... unless you finish your f*****g work.” Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Pero napaigtad ako nang makita ko siyang nakaupo sa unahan ko. Nakakalumbaba habang titig na titig sa akin. Ano bang problema niya? Inaano ko ba siya? Takte naman, o. Mabait nga si Madame Pressy, ito namang anak niya parang walang puso. “Tsk!” sabi niya sabay umalis na nakangisi. Ang yabang talaga. Mayabang naman talaga kung titignan mo siya. Parang gusto lagi noon ng away. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. “TAWAGIN mo na lang pala akong nanay Velda.” “Okay, nanay Velda...” saad ko sa kaniya habang nagtitimpla ng kape ng mokong na iyon. Hindi siya maalis sa isip ko. Pati papikit-pikit pa ako dahil alas-tres na ng umaga ako natulog. “Good morning Sir. Alexander and Madame Pressy.” Napatingin ako kay nanay Velda sabay tingin sa pinto. Nandoon iyong dalawang bulto ng tao na papalapit sa lamesa. Inilapag ko ang kapeng tinimpla ko sa harap ng mokong. Palihim ko siyang inirapan at bumalik sa lababo upang ipagpatuloy ang nasimulan. “Why you are not interested to know her name, Alexander?” Si Madame Pressy. “Mom, I have no time to know that shitty thing.” Shitty thing? E, kung iumpog kita sa pader ng malaman mo kung gaano kasakit marinig iyan. Nakakainis! Pampasira ng araw itong ulol na ito. Nakakainis! Parang gusto kong lumayas na rito at maghanap sa iba ng trabaho. Sino bang hindi maiinis sa katulad niyang tao? Kung makaasta akala mo siya lang ang tao sa mundo. Gusto kong itapon sa ulo niya itong juice na tinitimpla ko. Nanggigigil ako. Puta! “Hija, bakit ganiyan ang hitsura mo? Gigil na gigil ka?” “Paano ba naman kasi... nakayabang ng isa riyan. Akala mo kung makaasta ay siya lang ang tao sa mundo.” “Sino ba iyon?” “E ‘di iyong isa riyan na nagngangalang Alexander!” Bigla kong natutop ang bibig ko nang masabi ko ang pangalan na iyon. Malakas rin ang pagbigkas ko kaya alam kong rinig iyon ng dalawang nakain. “Do you have a problem with me, old maid?!” Napaharap ako sa kaniya. Galit siyang tumingin sa akin at ako naman ay napalunok ng laway. Pati anong sabi niya? Old maid daw ako? Bulag ba siya? Bente-singko anyos lang ako, no. Hindi pa ako matandang katulad ng sinasabi niya. “Wala po, Sir.” “Anong wala? Kagabi pa kitang nakikitang may problema sa akin. Tell me!” Ibinaba niya ang dalawang kubyertos niyang hawak. “Wala po talaga.” “Stupid ma—” putol na sambit nito dahil agad na pinutol ni Madame Pressy. “Don’t say those words, Alexander.” “Pampasira ng araw. Makaalis na nga muna rito sa bahay na ito dahil napuno na ng stupid and foolish woman!” aniya at walang paalaman na lumabas ng kusina. Napatingin ako kay Madame. Napailing na lang siyang tumayo para sundan ang anak na naghihimutok. “Hala ka! Bagong-bago, matatanggal na agad,” saad ni nanay Velda. “Paano niyo naman po nasabi?” kuryos na tanong ko rito. “Kita mo ang ekspresyon ni Sir. Alexander kanina? Kapag ganoon iyon, may oras ka na para sa kaniya. Kumbaga, ano mang oras ay mapapalayas ka. Ibang magalit iyon. Heartless at ruthless ang datingan. Kung ako sa iyo... manahimik ka na lang. Sundin mo ang inuutos niya.” Parang nakarandam ako ng takot dahil sa sinabi niya. Mali pala iyong mga naisip ko. Napakatanga ko. Kakainis! Nakakainis! Simula ngayong oras, magiging loyal na ako sa kaniya. Magpapakabait na ako. Totoo iyan. Ayaw kong mawala rito. Ayaw kong mawalan ng trabaho. “Nakakatakot naman po pala iyang si Sir. Alexander” “Hindi ko alam kung magtatagal ka rito... pero pag-igihin mo ang trabaho mo. Lalo na kapag si Sir. Alexander na ang nag-uutos. Manlilisik iyong mata niya kapag hindi mo sinunod o mali. Tama ba iyong paglalaba mo?” saad niya sa akin. Maayos ko namang nalabhan iyong maruruming kasuotan nito kagabi kaya naman wala akong dapat na ikabahala. “Tama naman po. Pati maalam po akong maglaba,” sambit ko. “Mabuti kung ganoon, linisin na natin ito at kapag natapos ka tumungo ka sa swimming pool at linisin mo. Magsi-siwiming si Sir. Alexander mamayang alas-diyes.” Tumango lang ako bilang tugon at sinimulan ng linisin ang kinainan ng dalawa. NANG matapos ay agad akong tumungo sa swimming pool at doon ko nakita ang maraming palutang-lutang na dahon. Luminga-linga ako sa paligid at may nakita akong isang mahabang tubo yata na may nakakabit na fishnet. Alam kong ayon iyong pangkuha ng dumi sa pool pero hindi ko lang alam ang tawag. Kinuha ko na iyon at pumuwesto na para simulan ang paglilinis. Lumipas ang mahigit kalahating oras ay natapos na ako. Isinandal ko na sa pader itong hawak ko bago naglakad na papasok. Pero agad akong natigilan nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Sir. Alexander na naka-half naked. Muli ko na namang nasilayan ang maskulado niyang katawan. Ang naglalakihan niyang muscle. Ang kaniyang six-packed abs. Napalunok ako ng laway. “Don’t stare at me like that, I don’t like you. Kahit umulan man ng apoy... hinding-hindi kita magugustuhan. Watch your words, old maid!” inis niyang saad sabay lagpas sa akin. Bakit ganoon siya kasama? Akala ko mabuting pamilya ang pakikitunguhan ko. Hindi pala! Nakakainis. Ano kayang ibig niyang sabihin? Wala sa sariling napairap ako at dali-daling pumasok sa loob. Nadatnan ko si nanay Velda sa kusina, nagtitimpla ng juice. Hindi ko siya pinansin at nagtungo lang sa lababo upang maghugas ng kamay. “Dalhin mo raw ito kay Sir. Alexander, Divine.” Humarap ako kay nanay dahil sa sinabi niya. Bakit ako? Bakit kailangang ako pa? “Puwedeng kayo na lang po?” nahihiyang anas ko. “Puwede pero ang sabi niya sa akin ikaw daw ang magdala.” “Hala! Nahihiya po ako, nanay. Nakasalubong ko po siya kanina at may sinabi sa akin,” natatakot na saad ko. “Huwag mo na iyong pansinin. Dalhin mo ito at baka magalit pa. Hulong na!” Wala akong nagawa. Kinuha ko iyong juice at agad na lumabas. Pagkarating ko sa swimming pool ay nakita ko si Sir. Alexander na naglalangoy. Ang galing niyang maglangoy. Umiling-iling ako at agad na ipinatong ang juice sa isang lamesang kahoy. Maglalakad na sana ako pabalik sa loob nang bigla siyang magsalita. “Come here and join...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD