DIVINE NAKAUPO ako sa sofa habang hinihintay ang pagbaba ni Alexander. Kailangan kong gawin ito dahil gusto kong matulungan si Madame Pressy. Hindi ko ito ginawa dahil sa pagpupumilit ng lalaking iyon. Mayamaya pa’y nakita ko siyang pababa sa hagdan na kaaagad ko namang sinalubong para tulungan. May saklay ito kaya naman mahirap bumaba sa hagdan. Sabi ko nga, magdadala na ako ng pagkain sa kuwarto niya pero nagpumilit siyang sa kusina kumain. “You’re so sweet...” mahinang bulalas niya kaya agad akong natawa. Binuksan ko ang pinto ng kusina at bumungad sa aming dalawa si Madame Pressy na nakain na. “Kahit kailan talaga... makulit!” nakabusangot na saad nito. Pinaupo ko muna si Alexander sa isang silya at mabilis na nagpatiuna palabas pero agad rin akong natigilan dahil sa tinig ni Mad