KABANATA 11

1606 Words

DIVINE PAGKABABA pa lamang naming tatlo sa eroplano ay agad namangha si Insoy. Nakangiti ko siyang tiningnan at mabilis na hinawakan ang kamay upang lumabas ng airport. “Ang ganda naman dito, ate. Ang tataas ng mga gusali,” manghang sabi niya habang nakatanaw sa nagtataasang mga building na nakapalibot sa siyudad. Sa totoo lang ay walang ganito sa probinsya namin sa Cebu. Merong mga building pero hindi naman mataas na hindi katulad dito sa Maynila ay sobrang tayog. “I know na masasabik sa rito sa Manila. So... mauna na ako, Divine. Naibigay ko na naman ang number at address ko if gusto mo akong kausapin. Especially sa nang— ” Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na naman ang idudugtong niya. “Ah. Oo. Alam ko naman, pero sana huwag mo akong tatalikuran kapag nagkataon,” saad ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD