THIRD PERSON “’TAY, ang saklay ko!” medyo pagalit na utos ni Francine sa amang nakaupo sa isang kahoy na upuan. Agad namang tumalima ang matanda at agad na kinuha ang saklay ng anak sabay mabilis na ibinigay ito sa kaniya. “Saan ka pupunta, Francine?” tanong nito. Umirap siya sa hangin. “Lalabas ako at maghahanap ng pagkain!” inis na wika niya at iniwan na ang ama. Naiinis siya dahil hindi pa siya kumakain simula kaninang umaga. “Hindi pupuwede!” saad ng ama niya. Bumaling siya rito at inirapan. “Gutom ako. Wala man lang tayong pagkain dito, o! Nasaan na ba sa inay?! Ang hirap na nga ng buhay mas lalo pang humihirap. Dapat kasi hindi na lang nagka-amnesia si Alexander para ngayon... may koleksiyon ng pera. Ayaw ko rito sa bahay na ito! Nakakainis tapos wala pang pagkain? Ayaw ko n