DIVINE LUMIPAS ang mga araw. Hindi ko napansin na libing na pala ni nanay ngayon. Masakit sa akin dahil ito na ang huling araw niya sa amin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga oras na iyon habang inilalabas ang kabaong niya sa loob ng bahay at isinakay sa sasakyan. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Nakaantabay lang sa akin si Carl habang si Insoy naman ay nasa unahan ko habang sabay na naglalakad sa mga tao. “Ayos ka lang ba?” mayamaya pa’y tanong sa akin ni Carl kaya’t bumaling ako at tanging tango lang ang naisagot. Pumunta muna kami sa simbahan para misahan ang kaluluwa ni nanay. Nang matapos iyon ay agad din kaming umalis upang tumungo sa libingan. Lumipas ang mahigit isa’t kalahating oras ay nakarating na kami sa isang pampublikong sementeryo. Malakas ang mga hagulhol ko