Maaga nagising si Clementine kinabukasan dahil sa mga katok mula kay Manang. Inalis niya ang eye mask niya at binuksan ang pintuan.
“Tine, bumangon ka na!” sigaw ni Manang.
“Manang, it’s too early.” sagot niya habang humihikab siya at niyakap ang mga braso.
She’s still on her nighties.
“Hija, maaga ka na pinapagising ni Quentin. Hindi ba ay magtatrabaho ka na ngayon sa hacienda?” tanong ni Manang sa tonong mahinahon.
Kumunot ang noo ni Clementine sa sinabi nito.
“Totoo ba talaga iyon, Manang?” she asked in disbelief.
Tumango ang matanda.
“Oo, hija. Mag-ayos ka na at hininhintay ka sa baba para sa almusal.” sagot ni Manang.
Halos manghina siya roon. Don Wilfredo’s words are considered law in this house. Tamad na tamad siyang maligo. It’s six thirty in the morning and she’s not a morning person.
Nakasimangot at padabog siyang bumaba sa hardwood staircase ng mansiyon. She went straight to the dining area at naabutan doon na kumpleto ang lahat.
Quentin, Angela and Don Wilfredo were already sitting. Sabay-sabay ng mga ito na pinanood ang pagpasok ni Clementine.
“What? I am not a morning person, do not start a row with me.” sabi niya at umupo na sa upuan niya.
Quentin just watched her while sipping on his coffee. Pumalakpak si Don Wilfredo para maihanda na ang mga pagkain. Nakaantabay doon ang private nurse nito.
Kumuha si Clementine ng pancakes at sunny side up. Tahimik niya iyong kinain at uminom siya ng kape. Tanging mga kubyertos lang ang maririnig kung hindi nagsalita si Don Wilfredo.
“Saan mo balak dalahin ngayon si Clementine, Quentin? Balita ko ay sa manggahan mo siya dinala noong isang araw?” tanong ng Don.
Nakuha noon ang atensyon ni Clementine. Yeah, halos maghapon din siya gumawa ng bag para sa mga mangga. Nakatulog siya agad pagbalik ng mansyon.
“Sa tubuhan naman po ngayon, Don. Kailangan ng mga manggagapas roon ayon kay Mang Caloy. Kukunin namin ang mga puwedeng kunin para sa ganoon ay mapabilis ang pagproseso ng mga gagawing suka at asukal.” paliwanag ni Quentin at sumulyap sa kaniya.
Tumango si Don Wilfredo.
"You heard that, Clementine Serra? You better behave at huwag kang tatakas.” banta ng ama.
Hindi siya sumagot sa ama at uminom na lang ng tubig. Pinagmasdan siya ng ama habang nginunguya ang tinapay niya. She chose not to talk or they will end up fighting again.
Matapos ang almusal ay tumayo na siya para sumunod kay Quentin. Napairap siya ng tumigil sa harapan ng porch ang lumang truck nito.
“Ito na naman? Can’t we bring a nicer car here? Marami naman sa garage. I just feel like this one is unsafe and of course—dirty.” sabi niya at hindi pa rin sumakay.
“Huwag ka nang maarte. Nakasakay ka na naman rito at buhay ka pa naman ngayon kaya ano ang problema?” tanong ni Quentin.
Umirap si Clementine at kinuha ang kaniyang alcohol para mag-spray sa loob ng sasakyan bago siya umupo doon. Sinadya ng dalaga na mag-spray sa bandang mukha ni Quentin. Sa ganoong paraan ay makakaganti man lang siya.
“Ano ba?” tanong nito na naiinis.
Nag-iwas ng mukha si Quentin dahil muntikan na siyang ma-suffocate sa rami ng alcohol.
“Iyan ba ang isusuot mo sa paggagapas ng mga tubo? You should wear thicker and proper clothes. Maggagapas ka ng tubo hindi ka gagala sa kung saan.” sabi ni Quentin.
Tiningnan ni Clemetine ang branded niyang denim jumper na pinailaliman ng isang Itim na Gucci shirt. Sa ulo niya ay gucci handkerchief na bumabagay sa aviators na nakasabit sa shirt niya.
“What? I am comfortable here. Puwede ba, tigilan mo ang pagpuna sa damit ko. That’s a sign of a men toxicity. My body, my rules.” sabi niya at sinuot ang aviators.
“Tsk. Ikaw ang bahala.” sinabi ni Quentin bilang pagsuko at pinaandar na ang sasakyan.
Tiningnan ni Clementine ang malawak na lupa ng kaniyang pamilya. Iba’t-iba ang taniman doon. Dumaan sila sa gitna ng palayan.
Malakas at sariwa ang hangin. Masarap din ang munting sikat ng araw na tumatama sa kaniya. She put her arm out to feel the fresh breeze.
Ngumiti siya at pinanood ang mga tanawin. Quentin on the other hand, opened the local radio. Kumalma si Clementine at nagpatuloy sa pagtingin sa labas.
Nang mapansin na medyo malayo na ang nalakbay nila at hindi pa sila nakakarating sa pupuntahan ay nagtaka na siya.
“Gaano kalaki ang lupain ng mga Diogracia?” tanong niya kay Quentin, “I noticed we were not exiting the gates so I guess we are still inside our lot?”
Ngumisi si Quentin sa kuryusidad niya.
“The Diogracia’s lands ends until the next town. Your family currently owns 1900 hectares of land. At iyan ang nakikita mo sa labas.” sabi ni Quentin.
Hindi niya napigilan ang gulat niya. Hindi niya alam iyon. Ang alam lang niya mayaman ang pamilya niya dahil sa hacienda pero hindi niya akalain na ganito iyon kalaki.
“For real? Oh, my god! I didn’t know!” sigaw niya.
Umiling si Quentin.
“Ngayon, alam mo na. This is a big responsibility. In the future, you’ll have all of this.” sabi nito.
“1900 hectares? That’s a lot!” sabi niya.
“Oo. Iba-iba ang mga tanim niyo rito. May mga bakahan at kuwadra rin. There’s a river inside, too.”
Nalaglag ang panga ni Clementine. Para siyang bata na hindi makapaniwala sa sinasabi ni Quentin.
“Puwede bang maligo, there? I like to swim.” sabi niya sa binata.
Tumango si Quentin.
“Oo. Minsan naliligo ako roon. Pribado ang parteng iyon. Tanging mga pinahihintulutan lang ni Don ang nakakapasok. Ginagamit iyon sa irigasyon ng mga taniman.” paliwanag ni Quentin.
“Woah, this hacienda is no joke. It’s like we own a little world here.” sabi niya.
Hindi na nagkumento pa si Quentin doon. Huminga ng malalim si Clementine. Now, she understands kaya naman pala ganoon ang pressure na nilalagay ng kaniyang ama rito.
Tumigil sila sa hindi kalayuan sa malawak na tubuhan. Maraming tao ang nandoon at nag-ha-harvest ng mga tubo.
She watched them working under the sun. May mga hawak itong itak na pinangpuputol sa mga tubo. Ang ilan ay nagkakarga sa mga truck.
“Quentin!” tawag nila habang papalapit sila.
Tumango si Quentin at tinaas ang kamay na para bang binabati niya ang mga ito.
Clementine watched his every move. Kinamayan niya at magalang na kinausap ang ilan doon. He really belonged here. Walang duda na mahal siya ng mga tauhan ng Daddy niya.
Magiging ganito pa rin kaya sa oras na siya na ang magmana nito? Kaya ba niyang hawakan ang buong hacienda na ito?
“Tine,”
Nabalik siya mula sa malalim na pag-iisip nang tawagin siya ni Quentin.
Nilingon niya ito at nakita ang tingin ng mga tao sa kaniya. Unti-unti siyang lumapit at tipid na ngumiti.
“Ito nga pala si Clementine. Nandito siya para tumulong sa atin ngayon at aralin ang nangyayari dito sa tubuhan. Kaya sana ay tulungan niyo siyang maintindihan ang proseso natin dito.” pagpapakilala ni Quentin sa kaniya.
“Good morning, everyone.” she tried to greet like what Quentin did earlier pero mga panis na ngiti lang ang nakuha niya sa mga ito.
Nagsibalikan sila sa paggagapas matapos ang ilang paalala ni Quentin. She stood there watching. Nang mapansin ni Quentin na tahimik lang siya sa isang tabi ay lumapit sa kaniya ang binata.
Hinila siya nito papasok sa tubuhan. Nasa karamihan sila. May dala itong itak at iniabot sa kaniya.
“What would I do with this? Gosh, it’s so heavy!” hindi niya mapigilang sabihin nang hawakan niya iyong mag-isa.
Napatingin ang ilan sa kanila. Seryoso naman si Quentin na tinuro ang ilang naggagapas. Sa kabilang kamay niya ay ang itak niya.
“Gayahin mo lang ang ginagawa nila.” utos nito.
Nilingon ni Clementine ang paligid. Everyone was doing the harvest in swift moves. Tiningnan ni Clementine ang itak at sinubukang hawakan iyon ng gaya ng sa kanila.
“Is this right—” naputol siya sa tanong niya nang makita niyang naghuhubad sa harapan niya si Quentin.
Lumaki ang mga mata niya sa nakita. Nakakita na siya ng katawan ng mga lalaki sa US na babad sa gym pero ngayon lang siya nakakita ng ganito ka hard toned body.
Napalunok siya at pinagmasdan ang morenong abs nito na depinang depina. Nag-angat siya ng tingin kay Quentin na ngayon ay nakatingin na din sa kaniya.
“B-Bakit ka naghuhubad?” natatarantang tanong ni Clementine.
Ramdam niya ang init ng kaniyang pisngi. Kumunot ang noo ni Quentin at nilagay ang hinubad na tshirt sa likurang bulsa ng pantalon, gaya ng lagi niyang ginagawa.
“Ayaw kong mapawisan ang damit ko. Wala akong dala na pamalit.” seryosong sagot nito at nag-umpisa nang yumuko para putulin ang mga tubo.
Tumikhim siya at binalingan ang kabilang banda na may tubo at sinubukang putulin iyon. She hit the sugarcane but she failed. Nabali lang iyon pero hindi naputol.
She hit the same sugarcane over and over again pero nabasag lang ang katawan noon imbis na maputol. Napansin niya ang nga tingin at kuryusong sulyap ng mga tauhan sa kaniya pero wala ni isang gustong tumulong sa kaniya.
She sighed. Lumipat siya ng puwesto, nagbabakasakali na baka mapuputol niya ang mga nasa bandang ito pero ganoon pa rin.
Umirap siya at sinulyapan ang nakatalikod sa kaniya na si Quentin. Ang bawat putol nito sa mga tubo ay mahusay.
Napansin ng dalaga ang mga braso nito na umiigting sa tuwing ihahampas niya ang itak sa mga tubo. Kinagat ni Clementine ang kaniyang labi.
This guy could really be model on magazines.
Naputol ang pag-iisip niya noon nang nilingon siya ni Quentin. Nawiwirduhan ito sa kaniya. She cleared her throat.
“Bakit? Ano'ng problema?” tanong niya sa dalaga at tumigil para harapin siya.
Kanina pa nararamdaman ni Quentin ang tingin ng dalaga sa kaniya. Lumunok si Clementine at tinuro ang mga nasira niyang tubo.
“This is not working. I think I killed these sugarcanes.” seryosong sabi niya.
Tumingin si Quentin sa mga ito. Umiling siya at napatawa ng mahina sa sinabi niya. Lumapit siya roon sa mga tubo.
“Manood ka.” utos nito at pumuwesto sa harap ng maayos pang tubo.
“Hawakan mo ang tubo sa bandang ito. Gaya nito,” pinakita nito kung saan hahawakan ang tubo, “Pagkatapos, hampasin mo lang nito. Lakasan mo lang at lagyan mo ng kontrol para maputol mo siya.” paliwanag nito at ginawa iyon para maputol.
Tumango si Clementine. Hinawakan niya ang tubo ay hinampas iyon pero dahil sa lakas ng impact at hina ng hawak niya sa itak ay tumilapon ang itak sa malayo.
“Oh, my god! S-Sorry!” sigaw niya nang muntik na may matamaan sa mga trabahador ng itak.
Tumakbo siya roon para pulutin ito. Natigilan ang ilan sa pagtatrabaho dahil sa pagsigaw ni Clementine. Pinanood nila na tumakbo si Clementine sa banda ng isang lalaking trabahador. Some found it funny, ang ilan ay napataas ang mga kilay sa Senyorita.
“Oh! Manong are you okay? Sorry po! I don’t mean to make this flying itak hit you!” histerikal na sambit ni Clementine at halos i-check ang lalaki na muntik na matamaan nang tumilapon na itak niya.
Tumango ang lalaki.
“O-Okay lang, Senyorita!” pagpapakalma ng lalaki rito.
“Okay ka lang ba, Erik?” tanong ulit ni Quentin na lumapit na rin.
“Opo, sir. Hindi naman ako natamaan ni Senyorita. Sige, sir. Ikakarga ko muna ito sa truck,” sabi nito at kinuha ang tinatali niyang tubo.
Pinanood ni Clementine ito hanggang sa mawala ito sa paningin nila. Nilingon niya ang paligid at napansin na halos lahat ay nanonood. Mabilisan namang nagsibalikan ang mga ito sa trabaho nang gawin din ni Quentin ang pagsulyap sa mga ito.
Narinig niya ang mahinang halakhak ni Quentin sa tabihan niya. Nilingon ito ng inis na si Clementine.
“What are you laughing, at? I almost killed a guy!” tanong niya sa binata.
Ngumisi si Quentin.
“Nothing. Flying itak?” he asked and laughed like it was a joke.
Nang kumalma ay umiling ito pero bakas pa rin ang ngisi para kay Clementine. Tumaas ang kilay ni Clementine rito.
She was so pissed that he found it funny.
“Most of the times you are annoying but sometimes you can make a person laugh. You are really something, Clementine. Tch.” he said smiling.