Kabanata 6 – The Lesson

2027 Words
Ilang araw pa at nakita niyang dumating ang mga dokumento at ilang gamit niya mula sa New York. Gaya ng sinabi noon ng Don, wala ang kaniyang mga designer na gamit. Iyon ay mga maliliit lamang at mga ala-ala niya. “Ito po ang mga dokumento ni Miss Clementine mula sa New York University, Don Wilfredo,” sabi ng isa sa mga assistant ng Daddy niya. Tumango ang Don at kinuha iyon para tingnan. Hindi makahinga si Clementine habang nakikita ang pangalan niya sa bawat dokumento. Nakaupo sila ngayon sa sala ng mansiyon. Magkatabi sa tapat niya ang magkapatid na Quentin at Angela habang sila naman ni Don Wilfredo sa kabila “Ito ang mga listahan ng requirements ni Clementine. Bukas na bukas din ay nais kong ma-enroll siya sa Community College.” utos ng Daddy niya at binigay iyon sa sekretarya. Pumikit si Clementine sa narinig. Parang gusto niyang magising sa masamang panaginip na ito. Napatigil siya sa mga iniisip nang tumikhim si Quentin. Nagkatinginan silang dalawa. Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya at bumaling kay Don Wilfredo. Ito na talaga. Tila natuldukan ang mga pag-asa niya na babalik siya sa New York sa pagsisimula nang bagong semester niya roon. Gusto niyang maluha sa lungkot. Wala siyang kakampi sa lugar na ito. She stood up and went to her room. Doon ay sinubsob niya ang sarili sa unan at umiyak. She tried to call Solanna or River but since the signal there was weak, hindi iyon lumusot. She lost it. Binato niya ang kaniyang cellphone sa dingding. This place was not her home. Hindi siya sanay sa puro puno at kabukiran. She was surrounded by tall buildings and the traffic all her adolescent life. Ang ilang araw na experience sa bukid ay mas lalong nagpalala rito. She fell asleep. Nagising na lamang siya alas tres ng hapon. It was a peaceful afternoon. Wala siyang nakita kahit ni isang kasambahay sa mansiyon. She was about to look for food in the kitchen nang mapansin niya na naroon pa rin sa malawak na sala ang kahon na naglalaman ng mga gamit niya. Yumuko siya roon at binuksan iyon. It was her personal belongings less the designer things. The door suddenly opened. Gulat siya nang makita roon si Quentin na mukhang kagagaling lang sa labas. May hawak itong libro. Nagkatinginan sila. Umirap si Clementine at hindi na ito pinansin kahit pa napansin niyang umupo ito sa isa sa mga upuan doon sa sala. Hindi na siya nagsalita at binuksan ang box. Mga pictures niya iyon sa New York. Hindi na niya binuklat ang mga iyon at tinabi ito. She liked to take polaroid pictures when she started living there. Kumbaga ang mga larawan na iyon ang nagsisilbing diary ng buhay niya sa New York. Nandoon din ang mga portrait ng kaniyang ina. Hinaplos niya iyon at marahan na nilapag sa tabi niya. Napangisi siya ng makita roon ang box ng alahas na binigay sa kaniya ni River noong senior prom. “Oh my gosh. I thought you’ll be gone forever!” she exclaimed nang makita ang diamond pendant ng kuwintas na iyon. Parang bata niyang niyakap iyon. Nakakabit pa roon ang message card ni River. She really liked this jewelry. Bukod sa kilalang brand, talaga namang maganda ang cut noon. Kinuha niya iyon at sinuot sa sarili. She looked at herself from her cellphone’s camera. “Still pretty as ever.” she whispered at pinasadahan iyon ng daliri. Tumikhim si Quentin. Naasar siyang nag-angat ng tingin sa binata. "What?” tanong niya, naiinis na. Tumaas ang kilay ni Quentin at nagpatuloy sa pagbabasa ng dala niyang libro. “Huwag mo’ng isusuot sa labas. Maraming magnanakaw dito.” sagot ni Quentin at nilipat ang pahina ng libro. Clementine raised her eyebrow. “Don’t you ever make pakialam to me, okay? Palibhasa ‘di mo afford bumili nito. Excuse me, my suitor gifted this to me. This is a five-carat diamond necklace.” sinabi niya ng may buong pagmamalaki. Malakas na sinara ni Quentin ang libro at tumingin sa dalaga. Hindi naman nagpatinag si Clementine. “Masyado kang materialistic, Miss Clementine.” puna ni Quentin na halatang sarkastiko. “Masyado ka ring pakialamero, Mister Perfect.” sabi niya pabalik. Umiling si Quentin at tumayo na para umalis doon. Alam niyang walang saysay kung lalabanan niya ang Senyorita. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito sa kaniya. Hindi niya nais na magselos ito sa pakikitungo ni Don Wilfredo sa kanila ng kapatid niyang si Angela. Totoong nakikitira sila rito pero pinaghirapan nila ang lahat ng mayroon sila ngayon. Nagtatrabaho si Quentin sa hacienda at bilang adviser ni Don Wilfredo habang si Angela naman ay tumutulong sa gawain bahay at minsan ay tumutulong din sa bukid. Kaya naman nang sumapit ang hapunan ay hindi na siya nag-atubiling pansinin ang Senyorita. Ganoon din si Clementine. They were eating peacefully nang magsalita ang Don. “Bukas ay mag-eenrol ka na, Clementine Serra.” sabi nito. Tumigil si Clementine sa pagnguya at uminom ng tubig. “You really cannot wait for this?” sarkastiko niyang tanong at pinutol ang karne niya gamit ang kutsilyo at tinidor. Tumikhim si Don Wilfredo at nagsalita. “Yes. If you think that I will change my mind… then, it is a no.” mariing sagot nito. Padarag na binaba ni Clementine Serra ang kubyertos. Wala na ata silang dinner na natapos ng maayos. Puro na lang may mainit na diskusyon sa pagitan ng mag-ama. Angela and Quentin looked at each other. Si Manang naman ay nakatingin lamang sa kanila pero handa nang umawat sa oras na magtaas sila ng kamay. “Daddy, look,” sabi niya sa ama, “Can I just not attend college here? I will do what you want. I will study our business. Then, when everything is alright I will go back to New York to finish my degree.” Seryoso lang na nakatingin sa kaniya ang Don na parang napakaimposible nang sinasabi niya. “And what, Clementine Serra? Delay everything here because you want to study at NYU? At sino ang hahawak ng business sa oras na naroon ka?” tanong ng Don. “But Daddy we can compromise a year—“ “No. You will stay and finish your studies in SLCC.” pina na sabi ni Don Wilfredo. “No! I don’t want any record of that filthy public school in my records.” sabi niya sa ama. Halata ang gulat sa mukha ng lahat sa sinabi niya. Huminga ng malalim si Clementine. She wants to have her college records with the best. Pakiramdam niya, malaking downfall iyon kung magtatapos siya sa isang local community college. "That’s it, Clementine Serra!” sigaw ni Don Wilfredo, “You’re so full of yourself! Lumaki kang spoiled brat kaya napakabastos mo. From now on, I will cut all your cards. Lahat ng luho mo, ay hindi ko hahayaan.” Padabog na hinampas ni Clementine ang mesa. “What? No! You cannot. You will really lose all my respect for you.” banta niya sa ama niya. “Guess what, child? I can! At wala ako’ng pakialam kung magrebelde ka. You won’t get any penny from me for all your whims. Kung may gusto ka, paghirapan mo.” sagot ni Don Wilfredo. “I am twenty three for god’s sake! You cannot control me like I am your goddamn puppet!” she shouted. “Clementine, Wilfredo! Tama na—“ Manang tried to get in between but it was cut off, “Hindi, Luisa! This woman needs to be taught a lesson. Quentin!” tawag niya kay Quentin. “Ano po ‘yun, Don Wilfredo?” tanong ni Quentin na may buong paggalang. Nakakuyom ang palad ni Clementine. She cannot stand this place. Aalis at aalis talaga siya rito ngayong gabi din. “Simula ngayon, Clementine will work under you. She will get paid like our workers. I won’t give her a single money. She needs to earn everything here.” sabi ng kaniyang ama. Nangilid ang luha ni Clementine at kinuyom ang kaniyang mga palad. “Opo, Don Wilfredo. Makakaasa kayo.” sagot ni Quentin. “Angela,” tawag muli ni Don Wilfredo. Aligaga na tumingin si Angela na para bang hindi niya inaasahan iyon. “Tutulong din si Clementine sa gawaing bahay. Turuan mo siya. Hindi siya maaaring gumamit ng katulong sa bahay na ito. Naiintindihan mo ba, Manang Luisa?” pagpapatuloy nito. Marahang tumango si Manang at Angela. Ang ilang kasambahay na naroon, tahimik at halatang natatakot din. “Oh, please… Daddy. Just kill me now.” may pagka-sarkastiko niyang sinabi at bumuga ng hangin ng pagka-dismaya at galit si Clementine bago tumayo sa kaniyang upuan. She threw her table napkin and stormed away from the dining room. She will leave this place tonight. Wala siyang pakialam kung wala siyang matutuluyan. She would rather live on the streets than to be here with these people. Mga tao na walang ginawa kundi ang sakalin siya sa leeg niya. She opened her bag and slid as much as clothes she can fit. She was zipping her bag nang bumukas ang pintuan. It was Quentin. Seryoso ang mukha nito nang lingunin siya ng dalaga. “What are you doing here?” galit niyang tanong sa lalaki. “Maglalayas ka?” tanong nito, mukhang walang pakialam sa galit ng dalaga. Umirap si Clementine. “Pakialam mo ba?” sigaw niya. Hindi natinag si Quentin at lumapit pa sa kaniya. Pinagmamasdan niya ang mga padabog na galaw nito. “Kung ako sa’yo hindi ko na papahirapan ang sarili ko. Ibabalik ko rin naman ang mga damit na ‘yan sa huli.” Umiiling siya sa binata. “If you’re here to piss me off, then get lost. I don’t need you sticking your nose with my business.” she warned. Napansin ni Quentin ang basag na cellphone ng dalaga sa sahig. Pinulot niya ito. "Binato mo?” tanong niya at nilapag iyon sa kama. “What do you think?” tanong niya pabalik sabay ng pag-irap niya. Huminga nang malalim si Quentin. “Too bad. You cannot buy a new phone in an instant.” sagot niya. Inagaw ni Clementine ang durog-durog na screen ng kaniyang lastest apple phone. Sa lakas ata ng bato niya, hindi na magagawa pa iyon. "Bloody hell!” mura niya at napasigaw na lang. Tumaas ang kilay ni Quentin sa pagmumura niya pero hindi na niya pinuna iyon. The chaos happened at dinner was enough. Luckily, Clementine backed down too “Narinig mo ang Daddy mo, hindi ba? You are now my business, Tine.” sabi nito. Tumigil si Clementine at hinarap ito. “Ang sipsip mo. Tuta ka ba ng Daddy ko?” tanong niya. Ngumisi si Quentin at hindi sumagot. “This is for your own good, Tine. Inihahanda ka ng Daddy mo for this business. Bukas ay pupunta siya ng Manila for treatment.” sabi nito. Huminga nang malalim si Clementine. The reality dawned on her again. Her father’s sick. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Para bang sa dami ng kinaiinisan niya, ngayon lang niya naisip muli ito. “Did the doctor tell you how long?” tanong niya sa ngayon ay mahinahong boses. Sinabi ni Quentin na may taning na ang buhay ng ama. “Eight months to one year. Hindi mo dapat sinasayang ang mga oras para sa walang kuwentang bagay. Huwag mong hintayin na magsisisi ka,” sagot ni Quentin. Napaupo si Clementine. She’s losing her father. Naalala niya ang pag-iyak niya noong mamatay ang Mommy niya. Pero iba ito ngayon. May chance pa siya na pasayahin si Don Wilfredo. Hindi gaya ng sa Mommy niya na biglaan ang pagkamatay. Nag-angat siya ng tingin kay Quentin. Tama si Quentin. She hates to admit it but he’s definitely spitting sense. She can just try not the fight with her father. Andwhen she’s sure that she made him happy, she can do whatever she wants. She can even go back to New York. She just needs to compromise for her father. “I still don’t like you. But okay, I will try the community college.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD