Kabanata 8 – Ngiti

1923 Words
Natapos ang mahabang araw ng pag-ta-trabaho ni Clementine sa tubuhan. She stretched her arms nang sa ganoon ay maibsan ang sakit ng katawan niya. “I’m dying to have a spa day! My limbs are gonna fall off.” reklamo niya habang naglalakad sila ni Quentin pabalik sa sasakyan. Hindi nagsasalita si Quentin. Nanatiling nakahubad ito. Ang kaniyang t-shirt ay naka-lagay sa kaniyang balikat. Binuksan nito ang pintuan ng truck. Kumunot ang noo ni Clementine. “Well, I have to ask. May spa ba rito?” tanong niya sa binata. Nilingon siya ni Quentin at tumaas ang kilay. “Walang spa rito, Senyorita Clementine. Sa mga karatig bayan siguro.” sagot ni Quentin. Huminga nang malalim ang dalaga. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa lugar na ito? Eh kahit saan ka lumingon ay puro puno o ‘di naman kaya ay taniman ito “It’s so boring here. Kahit necessity wala sila—“ “Hindi naman necessity rito ang spa. Mahihirap ang mga tao rito. Kumain ng tatlong beses hindi nila magawa magpa-spa pa kaya?” masungit na sabi ni Quentin. Sumakay siya roon. Quentin wore his shirt and started the truck. Natahimik naman si Clementine roon. Kanina lang ay sinasabihan siya nito na nakakatawa siya and now, he looks mad again. "Wait, are you getting mad because I said necessity ang spa?” tanong pa niya nang sumakay na siya sa truck. Walang imik na nag-drive si Quentin papalayo roon. Binuksan nito ang mga bintana. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. “Tch. Mood swings.” bulong ni Clementine at pi-na-nood ang sunset sa palayan. “Hindi ako galit. Masyado ka lang materialistic. Masyado kang high maintenance.” sabi ni Quentin pagkalipas ng lang segundong pananahimik. Tila ba na-offend si Clementine sa sinabi ng binata. “Excuse me? Hindi ako materialistic ah. I just grew up around these things. Sorry naman,ah? I just cannot change ng isang tulog lang.” sabi niya habang sinasabay ang pag-irap niya. “Iyan ang gustong baguhin ng tatay mo. If you want to help this business, you need to think like a poor woman. Money is the blood of this business. Kailangan mong maging matalino.” sabi ni Quentin. Hindi maintindihan ni Clementine paano sila napunta sa usaping ito. Paano nauwi sa discussion ang usapan nila sa spa? “Are you saying bobo ako? Did you know I am an A-list student?” tanong niya, ngayon sobrang offended na sa mga lumalabas sa bibig ng binata. Sinulyapan siya ni Quentin. “Hindi ko sinabi na bobo ka. I know you’re smart when it comes to academics. Ang sinasabi ko dapat business wise ka,” pagbawi niya sa binata. Nangliit ang mga mata ni Clementine. Alam niya na isang salita pa ni Quentin. She will make him feel her wrath. "You need to strip yourself from all your whims. Masyado ka pang bata kaya—“ “Excuse me? Hindi na ako bata. I am twenty-one na kaya! I kissed boys and did up to second base, Kuya!” hindi niya maiwasang ipagmalaki niya. Nagpreno si Quentin. Muntikan na siyang mauntog sa lumang dashboard ng truck dahil doon. Kung hindi man lamang maagap na inilahad ni Quentin ang palad niya sa ulo niya. Hinawakan ni Clementine ang noo niya na tumama sa palad ng binata. “Oh my gosh naman, Quentin! Can’t you drive?” tanong niya rito at agad na chineck sa salamin ang noo niya. “Ano ang sinabi mo?” tanong nito na hindi man lang tinanong ang dalaga kung ayos lang ba siya. Nagngangalit ang mga mata ni Clementine rito. “Ang sabi ko, can’t you freaking drive?” pag-uulit niya. “Oh my god baka magkapasa ako sa—“ pagpapatuloy niya na agad din namang pinutol ni Quentin. “Bente uno ka pa lang, Clementine at ganiyan ka na agad kabulgar? Hindi ka man lang ba nahihiya sa mga salita mo?” seryosong tanong nito. Natigilan si Clementine. What the hell? “What? Twenty-one is a legal age, for your information. Plus, I grew up in America. Ano sa tingin mo ang ginagawa ko roon? Praying and meditating?” sarcastic na sabi niya. Umiling si Quentin sa sinabi niya. He continued driving. “Salamat sa Diyos at si Angela ang kapatid ko. If you’re my sister, itatali kita.” banta ni Quentin. Nag-make face ang dalaga sa litanya ni Quentin. “Salamat rin sa Diyos at hindi ako si Angela. Bakla ka ba? You blabber so much! If I am your sister, I would kill myself. Ang kill joy mo.” sabi niya. Galit siyang nilingon ni Quentin. Ngumisi naman siya bilang ganti sa binata. This was such an achievement. To piss the ever-perfect Quentin Blanco! “Do not be so prude! You’re a guy, I am sure you’re not a virgin anymore!” sigaw niya. Tumaas ang kilay ng binata. “Liberated ka nga,” sabi ni Quentin. “Why? What’s wrong with that? Ikaw ilang taon ka na ba at parang virgin ka umakto?” tanong pa niya. She cannot believe na sobrang conservative ni Quentin. Ang mga ganitong hitsura sa America, papalit-palit ng babae. Tinigil ni Quentin muli ang sasakyan. Marahas niyang tiningnan si Clementine. “Puwede ba tumigil ka nga sa pagtatanong kung—“naiinis na sabi ni Quentin at agaran niyang pinutol iyon. “Why? Ilang taon ka nga kasi?” she asked again, still pushing the topic. Pansin niya na kanina pang naiinis si Quentin and she was willing to do everything to push his perfect mode buttons. “If Angela is my age, then you are older. Come on, Kuya!” she insisted. “Twenty-eight.” sagot ni Quentin. Saglit siyang nagulantang doon. He’s seven years older! Hindi halata! She thinks that he’s just five years older or what. “Oh my! Kuya!” she teased with a laugh, “Gurang ka na pala and yet you are still a virgin.” she teased and smirked. Malalim ang hinga ni Quentin at ngumisi rin sa kaniya. 'He really looked good for twenty-seven huh.' she thought. “What makes you think, I am?” tanong nito sa kaniya. Nawala ang ngisi niya sa sagot ni Quentin. Binuhay ng binata ang makina ng truck at nagpatuloy na sa pagdadrive. "So, you’re not prude at all!” sigaw niya. “Sa’yo na rin nanggaling. Lalaki ako, may pangangailangan.” sabi ni Quentin. Lumunok si Clementine. Well, minus the annoying attitude he’s quite hot. Any girl would be willing to get down with him. Sa kaniyang physique, ang mga gaya ni Quentin Blanco ang sikat at hinahabol ng mga babae noon sa America. Even here, any girl would be willing to chase his attention. She's sure. But unfortunately, not her. “Who?” tanong niya, still interested with the details. “Why are we still talking about this?” tanong na may pagkontra ni Quentin. Niliko niya ang truck sa direksyon pabalik sa mansyon. Sumandal si Clementine at ngumuso. Bakit nga ba curious na curious siya? Is it because he looked like a mystery? “Because, I am bored and curious. Come on, spill the tea.” she said. Tahimik ilang saglit si Quentin. Clementine lost the hope he would answer but Quentin did. “An ex-girlfriend.” iyon lang ang sinabi niya. “Okay. I won’t ask na.” she said and smiled. “Never ever tell this to Angela. I don’t want her to be curious with s*x or anything.” utos ni Quentin. “Well, malas ni Angela at hindi siya ako. Kasi me? I got to date every Asian guy at my department.” she laughed. “At proud ka pa talaga?” tanong niya. “I just date around. Unlike you, you had s*x. Ako? Make-out lang.” she said teasingly and winked. Hindi na nagsalita si Quentin. Halata ang inis nito sa mukha niya. Walang pawi ang saya ni Clementine sa buong biyahe. Masaya pa siyang bumaba roon sa truck at naglakad papakyat sa mansyon. Nakasalubong niya si Don Wilfredo na nakasakay sa wheelchair at tinutulak ni Angela. Kuryusong nakatingin sa kaniya ang matanda. “Clementine Serra.” her dad greeted. Ngumiti si Clementine at nagmano sa kaniyang ama. “What happened? You look happy,” puna nito. Tumingin si Clementine sa papalapit sa kanilang si Quentin. Seryoso pa rin ang mukha nito. Mas ngumisi si Clementine nang sulyapan siya ni Quentin. “Kuya,” tawag ni Angela sa kapatid. “Angela… Don Wilfredo…” bati nito sa kanila pabalik at tumayo sa tabihan ni Clementine. Tumikhim si Don Wilfredo. “Kamusta ang pag-ani ng mga tubo?” tanong nito. “Maayos naman, Don Wilfredo. Bukas ay uumpisahan na iyon sa processing. Tutulak ako sa pabrika bukas para matutukan iyon.” sagot nito. “Magaling, Quentin. As always.” pagpuri nito at bumaling sa anak. “Kamusta naman itong si Señorita Clementine? Hindi naman ba naging pabigat roon? O gumawa ng gulo?” tanong ni Don Wilfredo. Bumaling si Clementine sa sasabihin ni Quentin. Alam niyang she did okay. Hindi man siya ganoong kagaling sa pagputol. She survived and she did not kill anyone. “Maayos naman, Don Wilfredo. Medyo nagkaroon lamang ng muntikang disgrasya. Lumipad ang itak niya at muntikan ng matamaan ang isa sa mga manggagapas.” Agad siyang umirap at pumagitna na sa usapan bago pa man siya siraing tuluyan ni Quentin sa report tungkol sa kaniya. “Hey! It’s not like I wanted that to happen. Kasalanan ko bang mabigat iyong itak that it slipped my hand?” tanong niya at sumimangot. Hindi nagsalita si Don Wilfredo pero ngumiti ito sa narinig. Gulat na may halong pagtataka ang mukha ni Clementine. “Maayos naman kung ganoon. Magpahinga na kayong dalawa. Halika na, Angela. Itulak mo ako papunta sa veranda. Gusto ko ng sariwang hangin.” marahan na sabi ng Don. “Masusunod po, Don Wilfredo.” sabi ni Angela at tinulak ang wheelchair papaalis roon. Naiwan silang dalawa roon ni Quentin. Hindi mapigilan ni Clementine ang mapangiti. Nilingon niya ang binata. “Did you just see that?” masaya niyang tanong. “Ang alin?” tanong ni Quentin. Nilahad ni Clementine ang palad niya sa direksyon kung saan pumunta si Don Wilfredo. Quentin just looked at her. “Did he just smile at me?” tanong niya. It was the first time she saw her father smiled. Kahit sa mga interview nito sa telebisyon at business magazine ay hindi ito ngumigiti. Hindi niya maiwasang matuwa roon. Para siyang bata na nabigyan ng regalo. “Sa tingin ko. Bakit, Senyorita?” tumango si Quentin sa kaniya at namulsa. She smiled wider when she heard his confirmation. Akala niya namamalik mata siya. It was so rare na para bang kayamanan maituturing ang isang ngiti mula sa matanda. “Oh my god. My father just smiled at me… Ngumiti si Don Wilfredo!” sigaw niya at halos mapatalon sa tuwa. Quentin cannot help but to smile. Sobrang nakakatuwa na makitang ganito ang Senyorita. Para itong bata na tumatalon doon. “Keep this up and you will win your father’s heart.” he said as an advice. “Hindi lang ang puso ni Daddy ang kukunin ko. Pati ang hacienda na ito, Quentin. Lahat ng ito ay magiging akin.” she said seriously. Tumingin sa kaniya si Quentin at nilagay ang dalawa niyang palad sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon. “No doubt about that. Everything will be yours, Senyorita.” Quentin nodded and watched her run upstairs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD