Kabanata 5 - Boss

2388 Words
Parang bata siyang sumunod kay Quentin papalabas ng mansiyon. Maganda ang papasikat na araw. Kahit papaano ay nakalimutan ni Clementine ang inis niya. “Sasakay tayo ng kabayo, marunong ka ba?” tanong ni Quentin sa kaniya. “No. Walang kabayo sa New York City. Puro taxi ang nandoon. Alam mo ba ‘yon?” sagot niya at sinamahan iyon ng irap niya. Tumaas ang kilay ni Quentin. “Alam ko kung ano ang taxi, Tine. Nagbabakasakali lamang ako na marunong ka para hindi ako magdala ng truck.” sagot ni Quentin na pinalampas na lamang ang insulto ni Clementine. “Call me, Senyorita. We’re not close for you to call me ‘Tine’.” sabi niya. Gustuhin man ni Quentin na huwag patulan ito, tila ba palaging nakakahanap ng paraan ito para mainis siya. “No. Hindi ikaw ang boss ko. Ang Daddy mo ang boss ko. Baligtad tayo sa sitwasyong ito, ako ang boss mo, Tine.” sabi niya. Nalaglag ang panga ni Clementine sa pagiging arogante nito. “You know what? The longer you open your mouth, the ruder you get. How in the world you’re my boss? Are you kidding me?” singhal niya rito. Nilagay ni Quentin ang mga kamay niya sa kaniyang bulsa at tinagilid ang kaniyang ulo para titigan siya. “Tandaan mo, nasa akin nakasalalay ang mga credit card mo. At isa pa, ako ang trainor, ikaw ang trainee. Kaya ako ang boss ngayon dito.” sagot ni Quentin. Lumaki ang mga mata ni Clementine. Hitsura lamang talaga ang maganda sa lalaking ito, bukod doon wala na. Iyon ang obserbasyon niya. “Will you stop blackmailing me with my cards? You bastard!” sigaw niya. “Hindi iyon blackmail. Isipin mo na lamang na para rin ito sa’yo. Ang hacienda na ito ang bumibili ng mga ka-pritsuhan mo. Kung hindi mo aaralin ito, paano ka kikita?” pangaral ni Quentin sa kaniya. Umirap si Clementine. Kahit papaano ay tama ito roon. Kung lumala ang kondisyon ng Don at mawala ito ng biglaan, siya lamang ang hahawak ng buong hacienda. Wala siyang kapatid na magiging kahati kaya kasalanan niya sa oras na malugi ito. Ngumisi si Quentin nang makita ang pagtahimik ng dalaga. Kinuha niya ang pagkakataon para lumakad sa paradahan ng mga sasakyan. “Dahil hindi ka pa marunong mangabayo, mag-pi-pickup muna tayo.” sabi nito at kinuha sa sabitan ng mga susi ang may kalumaang keychain. Tumaas ang kilay ni Clementine nang makita na isang kalawangin at halos pasirang pickup ang ini-start ni Quentin. She did not even dare to touch it. Parang isang maling hawak lamang niya, magpipiraso ang pickup na iyon. “Halika na, sakay na.” sabi ni Quentin. Ngumiwi si Clementine. Even the passenger seat was deteriorating. Ang leather nito ay halos magbitak-bitak na at ang ilang foam ay exposed na. “Yuck! You want me to ride that old car? Tumatakbo pa ba ‘yan?” tanong niyang nandidiri. Suminghap si Quentin at pinaingay ang makina nito para patunayan na tumatakbo pa ito. “Ako ang mekinako nitong pickup kaya masisigurado ko na tumatakbo pa ito. Saka palagi itong ginagamit ng mga trabahador.” sagot niya. “Oh my gosh! What? It means it’s full of germs. What if I contracted a disease after riding this hideous pickup?” tanong niya, ngayon at nag-hysterical na. “Puwede ba? Huwag ka nang maarte masiyado? Hindi ka mamamatay sa pag-upo diyan. Kung dito pa lang umaarte ka na nang ganiyan paano pa kapag dinala kita sa mismong farm? Mas marami pang maduming bagay at gawain doon.” sabi ni Quentin. Umirap si Clementine at diring-diri na binuksan iyon. Naiinip naman si Quentin kaya siya na mismo ang padabog na nagbukas ng pintuan mula sa loob. Huminga siya ng malalim at dahan dahang umupo roon. Sinara nito ang pintuan ng pickup. Kinuha nito ang isang hand sanitizer sa bulsa at mabilis na ini-apply iyon. Umiiling na nag-seatbelt si Quentin. “Please, don’t ask me to wear seatbelts. I sat here, but I will not wear the seatbelt.” she said when she saw him looking at her after putting on his seatbelts. “Arte,” bulong ni Quentin at tinapakan ang gas. Impit na napasigaw si Clementine dahil sa bilis ng arangkada nito sa baku-bakong daan. Tama si Don Wilfredo. Wala masiyadong concrete roads dito sa hacienda. Kahit nandidiri. Humawak siya sa pintuan ng sasakyan para hindi siya umalog-alog at mauntog. Tahimik lang si Quentin sa pagmamaneho. Malaki ang hacienda nila. Kung susumahin ay halos masasakop noong ang isang barangay sa San Lucas. Marami at iba-iba ang mga tanim nila roon. Inabot sila ng labinglimang minuto bago sila dumating sa harap ng mga puno ng mangga na may mga bunga. “Nandito tayo para tumulong sa harvest at lagyan ng balot ang ilang manga na maliliit pa.” paliwanag ni Quentin habang unti-unting tinitigil ang sasakyan. Natanaw niya ang ilang mga trabahador na may mga dalang basket na may mga manga. Kinakarga nila ito sa isang elf truck. Ang mga babae naman ay may ginagawa sa diyaryo. “Ang task mo ngayon ay tumulong ka sa paggawa ng mga ibabalot sa mga bunga. Tulungan mo sina Aling Nida.” utos niya at bumaba si Quentin. Ganoon din ang ginawa niya at agad ay naglagay ng hand sanitizer. Lumapit ang medyo may katandaan ng trabahador matapos ibaba nito ang kaing. Ang ilan ay nakatanaw sa banda nila. “Quentin, magandang umaga!” bati nito. “Mang Noli. Magandang umaga rin.” bati ni Quentin pabalik at nakipagkamay pa rito. Nilingon ng matanda si Clementine. Tumikhim si Quentin at nilahad ito. “Ito nga pala po si Clementine. Iyong nag-iisang anak ni Don Wilfredo.” pagpapakilala ni Quentin sa kaniya sa mga trabahador. Ngumiti ang matanda at tumango. “Usap-usapan nga na umuwi ang senyorita,” sabi ni Mang Noli at tumingin sa kaniya, “Ako nga pala si Mang Noli. Ang nangangalaga rito sa Mango Farm.” Naglahad ito ng kamay sa kaniya. Nanigas si Clementine at tiningnan ang maruming kamay ng matanda. “Tine,” bulong ni Quentin na parang inuutusan siya. She looked at Quentin. Tumango ito na para bang in-e-encourage siya na hawakan iyon. Panis ang ngiti niyang tinanggap ang kamay ng matanda at kinamayan ito. Noong bumitaw, agad niyang ipinunas ng patago sa pantalon ang kaniyang mga palad. Lumapit sa kaniya si Quentin at marahang tinulak siya sa kaniyang likuran para maglakad. Lumapit sila sa grupo ng mga kababaihan sa ilalim ng puno. “Mga kasama, si Senyorita Clementine. Ang anak ni Don Wilfredo.” sabi Mang Noli sa ilang kasamahan. Nagsibatian ang mga ito. “Magandang umaga, Senyorita.” bati nila. Ngumiti siya nang tipid sa mga ito. "Simula ngayon, tutulong si Clementine sa hacienda at pag-aaralan niya kung paano tumatakbo ito.” sabi ni Quentin. Pinagmasdan ni Clementine ang mga mukha nila isa-isa. She doesn’t know how to interact with them kaya naman tumingin na lang siya sa malapad na likuran ni Quentin sa kaniyang harap. “May bilin lamang si Don Wilfredo. Huwag nating ituring na Senyorita si Clementine. Huwag kayong matatakot siyang turuan sa lahat ng nangyayari rito. Bagkus ay itrato niyo siyang normal na trabahador. Tawagin natin siya sa kaniyang pangalan.” pagpapatuloy ni Quentin. Umirap siya sa mga sinasabi ng binata. “Makakaasa ka sa amin, Quentin. Ako na ang bahalang gumabay kay Clementine.” sabi noong matandang babae at sinuportahana naman ng iba. "Ako si Nida. Ito naman si Juana at saka si Marci.” pakilala nila. “Nice to meet you, Nida, Juana and Marci.” diretsang sabi niya. Nagulat ang mga ito. “What? What did I say?” tanong niya. Tumaas ang kilay niya ng umiling at suminghap si Quentin. “Magtagalog ka nga at tawagin mo sila ng may paggalang. Halos lahat ng trabahador dito ay hindi nakapag-aral kaya hindi ka maiintindihan kung parati kang mag-iingles.” bulong ni Quentin sa kaniya. Kinagat ni Clementine ang labi niya at huminga ng malalim. Pati ba naman ang pagsasalita ng English ay bawal? “Pasensiya na po kayo, Aling Nida… Alam naman nating lumaki sa ibang bansa itong si Clementine kaya nangangapa pa.” paghingi ni Quentin ng dispensa para sa kaniya. Kunot noo lamang si Clementine sa binata. Tumango lamang ang mga ito sa binata at nagpatuloy na sa ginagawa. Nilingon siya ni Quentin. “Tutulong ako sa harvest ngayon. Si Aling Nida ang magtuturo sa’yo ng mga gagawin.” utos nito. Ngumuso siya at umirap sa binata. He seemed to be enjoying ordering her around. Hindi na iyon pinansin ni Quentin at sumama na sa ngayon ay umaakyat sa punong si Mang Noli. “Halika na rito, Clementine!” tawag ni Aling Nida at tinapik ang espasyo sa tabi niya sa nilatag na munting banig. Umupo siya roon. Pinanood niya ang dalawang babae na hinati ang diyaryo sa dalawa at tinupi iyon para nakagawa ng parang envelope. “Para saan ba ito, Aling Nida? Bakit ang mga bunga ay nilalagyan nito?” hindi niya maiwasang tanungin. Tumango si Aling Nida. “Nilalagyan ang mga mangga pagkatapos ng apatnapu hanggang limampung araw. Ito ay tinatawag na bagging. Proteksiyon ito sa mga peste at nagsisilbi na ring proteksiyon sa tuwing malakas ang hangin.” paliwanag ng matanda. Tumango siya. “Ganito hija ang sukat na gagawin mo. Gumawa ka lang ng gumawa.” sabi ni Aling Nida at binigyan siya ng sample. Kinuha niya iyon at pinagmasdan. She never did crafts before at alam niya na hindi niya forte iyon. Sinubukan niyang sundan ang ginagawa ng mga ito pero tila ba may sariling isip ang mga kamay niya at hindi niya iyon magawa. “Naku, hija. Ganito ang mga tupi. Hindi bale, matututo ka rin.” pagsasabi ni Aling Juana at ngumiti sa kaniya. Tumango siya at tiningnan paano tinupi ni Aling Juana ang mga dulo ng papel. “Kuha mo na ba, hija? Kailangan lang na pantay ang ilalim niyan para hindi iba iba ang laki.” sabi nito. “O-Opo.” piilit niyang sinabi sa tagalog. Tumango siya kahit hindi niya maintindihan iyon. Nilingon niya ang mga lalaki na ngayon ay umaakyat ng puno. Nakita niya roon si Quentin na wala nang saplot pang-itaas may hawak na isang tumpok na mangga. Ang kaniyang puting muscle shirt ay nasa kaniyang bulsa at nakalaylay doon. “Napakaguwapo talaga niyang si Quentin… ano, Clementine?” tanong ni Aling Marci nang makita na nakatingin din siya doon. Tumikhim si Clementine at nag-iwas ng tingin sa bandang iyon. “Ayos lang po.” sagot niya at tinupi ang diyaryo. “Alam mo ba na kilabot iyan ng mga dalaga rito sa San Lucas? Balita ko ay may lahi ang mga Blanco na espanyol. Dagdag puntos pa na napakabait at napakatalino.” pagpapatuloy ni Aling Marci. “Talaga? Oh, baka naman po sobrang yabang lang at bida-bida?” hindi niya napigilang sabihin. Nagkatinginan sila ni Aling Nida. Nag-iwas siya ng tingin at bumaling kay Aling Marci na hindi napansin ang pagiging sarkastiko niya. “Oo. Napakatalino niya. Nagtapos iyan ng Magna c*m Laude sa San Lucas Community College kaya naman hindi nagdalawang isip si Don na tanggapin iyan dito sa hacienda bilang advisor niya.” “Magna c*m Laude?” tanong niya, medyo gulat. “Oo. Balita ko nga ay marami ring Unibersidad sa Maynila ang nais siyang kunin bilang propesor pero tinanggihan niya dahil sa pagiging loyal kay Don Wilfredo.” sagot naman ni Aling Juana. Kumunot ang noo niya. Nais niyang humalakhak sa sinabi ni Aling Juana na loyal ito sa kaniyang ama. 'Baka naman sipsip?' Isip niya. Hindi niya magawang mamangha. 'San Lucas Community College will never be the same level as New York University!' she wanted to scream. “Naku! Sayang at wala pang nobya. Dapat sa edad niya mag-asawa na siya. Baka maunahan pa siya ni Angela niyan!” kumento ni Aling Marci. “Pihikan sa babae. Sabagay, ang ganiyan kaguwapo ay dapat lamang sa magaganda.” sabi ni Aling Juana. “Oo, sa mga kasing ganda ni Clementine. Kung magkakatuluyan kayo, tiyak na napakaganda ng lahi niyo.” humagikhik si Aling Marci sa sinabi niya. Nag-angat ng tingin si Clementine rito. Hindi siya nagkumento pero sukang suka siya sa ideyang iyon. Siya at si Quentin? Magkakatuluyan? Over her dead body! “Ah…” iyon lamang ang nasabi niya. “Ikaw ba, hija? Saan ka nag-aral sa Amerika?” tanong ni Aling Nida. Ngumiti siya ng malawak at proud na sumagot sa mga ito. “New York University. BS Marketing.” “Wow! Talagang napaka-laking eskuwelahan iyon. Narinig ko iyon sa aking anak. Sabi niya mayayaman lamang ang nakakapasok doon.” sabi ni Aling Juana. “Not all. May ilang nakakapag-aral doon because of scholarship.” sabi niya. Naputol ang usapan nila nang dumating si Quentin. Hubad pa rin ito. Pawisan ang dibdib nito. “Aling Nida. Pahingi po ako ng mga bag.” sabi nito. Binigay ni Aling Nida ang ilang gawa na. Hindi nag-aksaya ng panahon na tumingin si Clementine sa banda ng binata. Alam niyang hubad ito at hindi maiikaila na sobrang ganda ng abs nito ngayon. Lumunok siya at pinilig ang maruming naiisip niya. Wala siya sa focus at napansin iyon ni Quentin. Lumuhod siya sa banig sa gilid ni Clementine. “Mali ang ginagawa mo. Here,” aniya at kinuha ang kaniyang kamay na may hawak na papel para gabayan siyang itupi iyon. Hindi mawari ni Clementine ang mararamdaman niya. Gulat ba o pandidiri? Nakahawak lang naman sa mga kamay niya si Quentin. Seryoso si Quentin at parang wala lamang ito sa kaniya. Kinuha nito ang glue at binigay ito sa kabilang kamay ni Clementine. Muli nitong hinawakan ang kamay ng dalaga at ginabayan sa kung saan nito lalagyan iyon ng pandikit. “Diyan at dito mo lalagyan. Tapos iyan na.” sabi niya, mababa ang boses at halos pabulong na. Lumunok si Clementine. Ramdam niya ang init ng katawan ni Quentin sa likuran niya. Pati na rin ang hininga nito sa batok niya. Nag-iinit ang mga tainga at pisngi niya pero nasisigurado niyang hindi iyon dahil sa init. “See? You made your first bag.” sabi ni Quentin pagkatapos ay binitiwan siya para bumalik kina Mang Noli. She was left there, stunned. What the hell, Quentin Blanco?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD