It was Sunday. Walang trabaho ngayon si Clementine sa hacienda gaya ng ilan. She woke up late, nagbawi ng mga tulog niyang nawala dahil sa parusa ni Don Wilfredo.
She went down when it’s about lunchtime. Ngayon lang siya nagising. Nakita niya si Angela na naglalagay ng mga plato roon.
Don Wilfredo went to the next hospital to do some check-ups for his treatment. Quentin’s not in sight.
“Senyorita, hindi pinalabahan ni Manang kina Melba ang mga damit mo. Utos kasi ni Don Wilfredo,” sabi ni Angela.
“What?” she asked.
When she thought things got better, ito na naman ang Don. She slammed herself onto her seat.
Lumabas si Manang mula sa kusina dala ang mga pagkain. Inalalayan naman ito ni Angela habang nakahalumbaba siya roon.
“Manang, will you tell the helpers to set up the washers and dryers? I would like to use it to wash my clothes.” tanong niya.
Nagkatinginan sina Manang at Angela. Nalaglag ang panga niya sa reaksyon ng mga ito.
“Don’t tell me, Don Wilfredo would not let me? Gooood, I am so tired!” she exclaimed.
Pumasok sa kusina si Quentin. Gaya ng dati, topless ito. Nakakunot ang noo ni Quentin sa kanila.
“Ano ang nangyayari dito, ‘Nang?” tanong ng walang malay ni Quentin.
"Ito'ng si Clementine, kailangan maglaba ng kaniyang mga damit.” sabi ni Manang.
Sumulyap si Quentin sa dalaga.
“Halika na, hijo. Kumain na kayo.” sabi ni Manang.
Umupo roon si Quentin. Nakanguso naman si Clementine sa mesa. Umupo na rin si Angela at nag-umpisa na silang kumain.
Tahimik sila. Tanging ang mga tanong lamang ni Manang ang nagbibigay ng diskusyon sa kanila. After eating, umalis na rin kaagad si Quentin dahil sa tawag ng isa sa mga tauhan.
“May trabaho pa rin ba si Quentin ng linggo?” tanong niya kay Melba, isa sa mga kasambahay.
Tumango ito at binaba sa laundry area ang mga maduduming damit ni Clementine.
“Opo, Senyorita. Hindi po nagpapahinga iyang si Quentin kaya nga po sobrang bilib si Don Wilfredo sa kaniya.” sabi ni Melba.
Tumango na lamang ito.
“Ganito po ang gagawin. Paghiwalayin niyo po ang mga de-kolor sa mga puti.” paliwanag ni Melba.
Pinakita ni Melba kung paano gagawin iyon. Tumango si Clementine at tinulungan si Melba sa kaniyang gagawin.
“Tapos maam, lalagyan niyo ng tubig at sabon. Tapos maam uunahin niyo ang mga puti na kusutin parang ganito.” sabi ni Melba at pinakita ni Melba kung paano kukusutin ang mga damit.
“So, it’s like rubbing the clothes. Okay, got it.” kumento niya sa pinapanood.
“Korek, Ma’am!” sabi ni Melba, masayang masaya.
“Tapos po maam if makusot niyo lahat, babanlawan natin ng tatlong beses. Tatagtagin niyo po ang mga bula. Pag nalinaw na ang tubig, puwede na isampay.” sabi nito at proud na pagtatapos ni Melba sa leksyon.
Tumango si Clementine. Ilang minuto lamang siyang pinanood ni Melba dahil kailangan niya na umalis kasi may inuutos si Manang dahil pabalik na ang Don mula sa treatment.
Pawis na at ngalay si Clementine matapos ang isang oras na pagkukusot. Kung alam lang niya na hindi siya papayagan ng Don na gumamit ng washing machine at dryer, hindi siya parang fashionista na kada oras ay magpapalit ng damit na suot.
Siya tuloy ang kinarma sa dami ng lalabhan niya. She was so tired that she used her feet. Tinatapakan niya ang mga denim jumpers na ginamit niya sa bukid.
Nakarinig siya ng ingay mula sa mga paparating na kabayo. Lumunok siya at tinanaw ang mga pigura na papalapit sa kuwadra na hindi kalayuan sa banda niya.
There were three horses coming. Dalawang trabahador at nasa pinaka-likuran ng mga ito ay si Quentin na seryoso.
Their eyes met. He wore a ball cap pero imbis na nasa unahan ay nasa likuran ang pinaka sangga nito sa init.
“Sige, Quentin… mauna na kami,” paalam noong isa sa mga trabahador.
Tumango si Quentin at hinayaan sila na pumasok sa kuwadra.
He’s wearing his usual work clothes— loose muscle shirt, faded jeans and a pair of brown boots. He looked really heavenly. Parang model sa isang equestrian themed na magazine.
Bumaba si Quentin sa kabayo at nilagay ito sa kaniyang kuwadra. Ilang minuto pa ay lumabas ito at dumiretso sa banda niya.
“You’re still not finished?” tanong nito at pinagmasdan ang mga damit ni Clementine.
Ngumiwi si Clementine at tiningnan ang mga paa na nakalubog sa bula.
“I do not even know what I am doing here. I am tired from using my hands. I thought it will be a rest day?” reklamo niya.
Umiling si Quentin sa sinabi niya.
“Ngayon alam mo na. Masyado kang mabilis magpalit ng damit. Hindi mo pa nga napapawisan, change outfit ka na agad.” sabi niya.
Lumapit siya sa isa sa mga timba at nag-umpisa na linisan ang kaniyang mga braso na may pawis. Umirap naman si Clementine sa binata.
“Of course, I learned how to dress to impress.” she said.
“Sino naman ang mai-impress mo rito? Mga puno o kabayo?” sarkastikong tanong ni Quentin.
Tumigil si Clementine sa pag-apak sa mga jeans niya.
“Alam mo, Mr. Perfect… kung wala kang magandang sasabihin i-tikom mo na lang ‘yang big mouth mo.” sabi niya na may pagsusungit.
Umangat ang gilid ng labi ni Quentin at tinaas ang dalawa niyang kamay.
“Sabi mo, eh.” sabi niya at pumasok na sa backdoor ng mansiyon.
Natapos siya sa paglalaba. Ang lahat ng pangarap niya na makapag-relax ngayong araw ay tila lumabas na sa pintuan.
Basang basa siya ng pawis noong isinampay niya ang kahuli-hulihang piraso ng kaniyang damit. Tumigil naman sa porch ang sasakyan ni Don Wilfredo.
Nagkatinginan sila ng ama.
“Good afternoon, Daddy.” aniya at inayos ang t-shirt at shorts na halos mabasa na.
“Good afternoon, Clementine. Natapos mo ang paglalaba?” tanong nito.
Tumango si Clementine at ngumiti kahit na pakiramdam niya ay mukha na siyang isda na balisa.
“That’s good to know that you were serious about this punishment, Clementine Serra.” pagpuri ni Don Wilfredo sa kaniya.
“Thank you, Daddy.” she said.
“Okay. You can enjoy the rest of your day. Let’s go,” pamamaalam ni Don at tinulak na siya ng kaniyang nurse papasok sa loob.
“Daddy,” tawag niya bago pa man mawala ito sa kaniyang paningin.
Tumigil ang nurse sa utos ni Don Wilfredo. Lumingon ang matanda sa anak.
“Can I at least borrow a car? I wanna explore the hacienda,” sumusubok na tanong niya.
Well, she wanted to go to the river and swim. Iyon talaga ang naiisip niya. The hacienda doesn’t have any pool.
“You get the keys of the Mazda from Manang. Don’t wander too far. Baka mawala ka.” sagot ni Don.
Tumango siya at hindi maitago ang saya.
“I will be back before dinner time,” she assured.
Nag-ayos ng mga gamit si Clementine at excited na pumunta kay Manang. Para siyang bata ng makita ang isang lumang modelo ng Mazda sa garahe.
Wala iyong panama sa kaniyang sports car pero mas mabuti na ito kaysa sa lumang truck ni Quentin. She opened the door and started the engine.
Mabilis niyang pinatakbo iyon. She was engrossed by the majestic views. Nakita niya ang sinasabing ilog ni Quentin. Maganda at malinis iyon.
Walang tao roon, siguro dahil ay pinagbabawal na pumunta roon. Umupo siya sa isa sa mga kubong naroon.
Nilatag niya ang isang pashmina at umupo roon. She stripped her clothes. Natira ang dilaw na string bikini sa ilalim.
“Well, this is the relaxation I am talking about,” she murmured and put lotion on her body.
Sayang at nasira ang kaniyang cellphone. She thought that if she would not go against her father for the meantime, she can request for a new phone. Besides, she has a laptop. She thinks she can manage.
For sure, River and Solanna’s looking for her for not showing up to their vacation plans this year. She rolled her eyes. Dapat ay nasa Maldives siya kasama ng mga sorority sisters niya imbis na sa Palanca.
But since she’s here alone, may ideya na pumasok sa isipan niya. She looked around as she removed the knot of her stringed bikini bra.
Sinakop niya ang dibdib para itago iyon pero unti-unti ring inalis ang mga kamay nang makalubog sa tubig.
She really wanted to do this. Matagal na niyang iniisip na mag-skinny dipping. Isa iyon sa mga wild bucket list niya. She went to the water and removed her bikini panty. Tinapon niya iyon sa mga bato.
It was a good thing that the water’s deep. Hindi siya nahirapan na itago ang sarili. She swam for a good ten minutes bago niya napagpasahan na sumisid para makita ang ilang mga isda na naroon.
She was so mesmerized. Umaangat lang siya para huminga at bumabalik rin sa ilalim. At her third attempt to breathe, nagulat siya ng makita si Quentin na nakaluhod ang isang tuhod at hawak ang yellow niyang bikini bra.
Gulat na gulat siya ng makita ang binata. She cupped her now exposed breast. Quentin froze.
“A-Ano'ng ginagawa mo rito?” pasigaw niyang tanong.
Mas nilubog niya ang sarili sa tubig. She was hoping the water wasn’t that clear. Pero alam niyang hindi. Quentin can see fragments of her body.
Nag-iwas ng tingin si Quentin sa kaniya at binitiwan ang kaniyang bra.
“Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?” pagbabalik niya sa tanong.
“This is our property, right? I am taking a dip. How did you get here without a sound?” tanong niya at tinulak ang tubig para mabasa si Quentin.
Alam ko ang mga shortcut rito. Maliligo rin sana ako bago bumalik ng mansiyon.” paliwanag ng binata.
“Manyak! You were holding my bra!” giit ni Clementine at tiningnan ang bra na binitiwan ng binata.
“Hindi ako manyak. Nagtataka lang ako bakit may bra at mga gamit dito gayong walang nakakapasok.” sabi niya.
Tumaas ang kilay ni Clementine. Now, the waters started to get cold dahil dapit hapon na. Hindi siya makaahon dahil sa ang two-piece bikini niya ay nasa malapit lang ni Quentin.
“What are you looking at? Manyak! I need to go out of the water!” sigaw nito.
“Can you hand me my bikini?” tanong ni Clementine.
Quentin swallowed hard and was about to do it when they heard the galloping horses from nearby. Paniguradong dadaan ang mga iyon dito, dahil ito lang ang maayos na daanan para makabalik sa kuwadra.
Hindi na nakapag-react pa si Clementine ng tumalon si Quentin at mabilisang hinubad ang T-shirt niya para i-suot sa katawan ng dalaga.
Namula si Clementine. He guided her to wear the muscle shirt. Nararamdaman pa niya ang pagdaplis ng mainit na palad ni Quentin sa gilid ng kaniyang dibdib.
Walang pakialam si Quentin kahit na nakita niya ng harapan ang malulusog na dibdib ng dalaga. Ang nasa isip lang niya ay mai-tago ang katawan nito sa mga trabahador na maaaring makakita sa kanila.
Dinampot din niya ang nakakalat na bra at panty ng dalaga at binigay nito sa kaniya.
Ilang saglit pa ay natanaw na nila ang ilang trabahador. Nakatingin ito sa kanila.
“Oh, Quentin! Kasama mo pala si Senyorita.” sabi noong isa.
Tumikhim si Quentin at tinago ang pang-ibabang katawan ni Clementine sa mga ito.
“Oo, nais ng Senyorita na ma-solo niya ang ilog ngayong araw, Ramon. Aalis na rin ako.” sabi ni Quentin nang hindi inaalis ang tingin sa mga trabahador, tila binabantayan ang mga lalapatan ng mga titig nito.
“Ganoon ba? Halika na at sumabay ka na sa amin papunta sa mansiyon!” pag-anyaya noong isa.
Nagkatinginan sila ni Quentin. Sa oras na umalis si Quentin sa harapan, matatanaw ng mga ito na hubad ang pang-ibaba niya.
Umiling si Quentin.
“Hindi na. May dadaanan pa ako sa bahay namin. Mauna na kayo. Salamat.” pagtanggi niya.
“Ay siya, kung ganoon… mauuna na kami. Mag-ingat kayo, Quentin, Senyorita!” pamamaalam nila.
Pinanood nila na mawala ang mga ito bago siya hinarap ni Quentin. Diniretsa niya ang tingin sa mukha nito.
“Magbihis ka na. Sa kotse ka na lang mag-ayos. Ihahatid kita sa mansiyon at huwag mo nang uulitin na maligo rito ng walang saplot.” may diin na sabi ni Quentin.
Umahon ito.
Now, his jeans and boots were soaked with water. Pinasadahan nito ang kaniyang basang buhok at hindi na nagawang lumingon pa sa banda ng dalaga.