Malamig ang simoy ng hangin kaya naman dali-dali siyang nagsuot ng damit sa sasakyan.
Panay ang lingon niya sa banda ni Quentin na naka-tanaw pa rin sa ilog, ang likuran lamang ang natatanaw niya.
“God, what am I thinking?” bulong niya sa sarili at sinuot ang dolphin shorts niya.
Medyo basa pa ang katawan niya at hindi na niya nagawa pang tuyuin iyon ng maayos.
Matapos ayusin ang sarili ay umupo siya sa driver’s seat at binusinahan ang binata. Iyon ang hudyat para lingunin siya nito. Malalaki ang mga hakbang nito na pumunta sa kaniya.
Binuksan ni Clementine ang bintana at tiningala si Quentin.
“Hop in, we are going home,” she said to him.
Kumunot ang noo ni Quentin at umiling. She had no time to be embarrassed. Kung mayroon dapat mahiya rito, si Quentin iyon.
“Mauna ka na. May pupuntahan pa ako,” sagot nito at umatras para bigyan siya ng daan.
Umirap si Clementine.
“Sa bahay niyo, hindi ba?” she asked.
Tumaas ang kilay ni Quentin sa tanong niya. Hindi ito nag-abalang sumagot at nanatiling nakatingin sa kaniya.
“Ano na naman ang binabalak mo?” he asked back.
Umiling si Clementine sa binata. He’s too serious. At saka, bawal na ba ang magtanong sa panahon na ito?
“Nothing. I just want to join you. I don’t wanna go back alone,” she said, sighing. “It’s getting dark and let’s be honest! Mukhang may lalabas na cannibal rito,” aniya pa at paranoid na lumingon sa paligid.
“This is your land. Kung may cannibal rito—” “Oh, come on! Can you just get in the car or much better you drive?” she shouted and went out of the car so she can transfer to the passenger seat.
Nilagay ni Quentin ang kaniyang isang kamay sa bulsa at walang imik na pumasok doon. He watched Clementine as she sat on the passenger seat.
“Ihahatid muna kita sa mansiyon,” sabi niya at pinatakbo ang sasakyan.
“No. Can I come with you?” tanong niya sa binata.
Nilingon siya ni Quentin at umiling.
“Hindi ako sigurado kung ano’ng oras ako matatapos sa pupuntahan ko.” sagot niya at tinutok na ang sasakyan papaliko sa concrete road.
“Please? I just wanna go out of the house. I’m really bored. I was expecting to have fun today but you came and ruined it,” she said with a grimace.
Tumaas ang kilay ni Quentin.
“You call that ‘fun’? Ang maghubad sa ilog ng hindi iniisip kung may makakakita sa kaniya?” sarkastikong tanong ni Quentin.
Bumuga nang hangin si Clementine. He’s being really stubborn! Parang kuya na overprotective.
“That’s called skinny dipping, Kuya,” she explained.
Naiinis na umiling si Quentin sa kaniya.
“Alam ko kung ano ang tawag do’n. Wala ka na sa Amerika. Nasa Pilipinas ka na. Hindi mo kilala ang mga tao rito. Paano na lang kung hindi ako ang nakakita sa’yo?” galit na tanong niya.
“Eh ‘di, salamat na ikaw ang nakakita sa akin!” sabi niya at nilingon ang binata, “Speaking of! You literally saw me. All of me!” she exclaimed.
Lumunok si Quentin.
“I didn’t,” he answered, “Huwag na natin pag-usapan ‘to.” pagtatapos niya ng usapan.
Nanamihik na lamang si Clementine sa kinauupuan niya. Napangisi na lamang siya ng nakita na lumiko sa ibang direksyon si Quentin. It means, isasama siya nito sa kung saan man ito pupunta. Madilim at maputik ang daan. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Huminto ang sasakyan sa isang kanto papasok na hindi kayang pasukin ng sasakyan.
“Maglalakad tayo simula rito,” sabi nito at pinatay ang makina ng sasakyan.
Tiningnan niya ang paligid. May ilang kubo roon na wala na ngayong naka-tira at halos sira-sira na. Mukhang scene ito mula sa isang horror o ‘di kaya ay thriller movie.
“What place is this?” tanong niya at sumunod kay Quentin.
“Dating bahayan ito ng mga magsasaka sa azucarera ninyo,” paliwanag niya at inalis ang isang sanga mula sa daan nila para makadaan ng maayos ang dalaga.
“What happened to the kubos?” tanong ni Clementine.
Natahimik si Quentin at kumuha ng kahoy para hawiin ang mataas na talahib.
“Nasunog,” sagot ni Quentin at giniya siya para lumakad papasok doon.
Kumunot ang noo ni Clementine.
“I did not know that! Kailan?” tanong niya.
Sa buong buhay niya, ngayon lang niya narinig na nagkaroon ng sunog rito.
“Wala ka pa noon. That happened twenty-three years ago,” sabi ni Quentin.
Tumango si Clementine. How come she would know about that? Buong buhay niya nasa Amerika siya. Nauuna si Quentin habang nakasunod siya rito. May ilang kubo silang nadaanan hanggang sa tumigil ito sa tapat ng isang lumang kubo.
Pero hindi gaya ng sa iba, buo ito pero halatang wala ng nakatira dahil matataas na ang talahib noon.
Binuksan ni Quentin ang pintuan. Pumasok siya roon at hinintay si Clementine na makapasok doon. Clementine scanned the area and looked at an old frame.
“This is your house,” aniya at nilingon ang kabuuan ng bahay.
Nandoon pa rin ang mga gamit. Maalikabok iyon. Nilapitan niya ang isang kawayan na center table doon at tiningnan ang litrato ng batang Quentin kasama ang isang magandang babae.
“Your Mom, right?” tanong niya.
Tumango si Quentin. He opened another door kung saan naroon ang isang maliit na kama.
“Wow! She’s really beautiful,” puna ni Clementine at binalik iyon.
Maganda ang ina ni Quentin. Kahawig ito ni Angela na kapatid niya pero ‘di hamak na mas maganda ito. Siguro, doon nakuha ni Quentin ang kaniyang hitsura at hindi sa ama.
Sumunod si Clementine sa kuwarto. Nakita niyang nakahiga doon si Quentin at naka-takip sa kaniyang mga mata ang isang braso.
“Are you gonna sleep here? It’s getting dark and I am scared,” pagsasalita ni Clementine sa gitna ng katahimikan.
“Hmm…” iyon lamang ang naging tugon ng binata.
Lumunok si Clementine. Wala ni isang bakas ng ilaw o hindi kaya switch doon. Tanging maliit na gasera lang ang nasa ibabaw ng cabinet at hindi siya marunong magsindi noon. But to think of it, may bahay sina Quentin rito.
Bakit sila sa mansiyon nakatira?0
Did her father asked them to stay there?
Umupo siya sa paanan ng kama.
The bedframe made a creaking sound. Nilingon niya si Quentin na mukhang matutulog talaga rito.
“Hey! Wake up!” aniya para magising ito pero walang sagot.
She rolled her eyes when she felt something cold crossed her feet. Naaninag niya ang isang maliit na daga na tumakbo.
“Aaaaahhhh!” she screamed at mabilis na tumalon sa kama, “s**t, may rat!” hiyaw niya.
Napatihaya naman si Quentin dahilan kung bakit nasa ibabaw niya pumatak si Clementine. Pumikit ang dalaga at sumubsob sa dibdib ni Quentin. Dahil sa pagkabigla, ang braso ng binata ay inalalay niya sa baywang ng dalaga.
“Daga lang ‘yan,” aniya sa mababang boses.
Mahigpit pa rin ang yakap ni Clementine sa binata.
Kung mayroon siyang kinatatakutan sa mundo, isa roon ang mga daga. Nanginginig siya. Naramdaman iyon ni Quentin kaya hinayaan niya muna ang dalaga sa kaniyang ibabaw.
Pero hindi niya mai-kaila na nararamdaman niya ang malulusog nitong dibdib na kanina lamang ay nakita niya sa ilog. Tumikhim siya para pahintuin ang sarili na isipin iyon. Marami na siyang naging karanasan doon pero hindi niya maiwasang mabalisa sa tuwing naaalala niya ang hitsura ni Clementine kanina.
Bakit ba kasi siya naliligo ng hubad sa ilog? At bakit ba kasi isinama niya rito sa Clementine?
He groaned.
Mabilisan niyang inalis sa ibabaw niya si Clementine at nilapag ito sa kama. Lumapit siya sa gasera at kinuha ang isang kahon ng posporo sa kaniyang bulsa. Sinindihan ni Quentin ang gasera at nilapag iyon sa may kama.
Nahimasmasan na rin si Clementine mula sa kaniyang takot.
“Okay ka na?” tanong ng binata.
Tumango si Clementine.
“This is why I don’t wanna bring you here with me. This place is off limits for you,” dagdag ni Quentin at umupo sa kama.
“What? Off-limits?” tanong niya na hindi na nasagot pa ni Quentin.
Tumunog ang cellphone ni Quentin sa tawag ni Manang.
Sinagot niya ito.
“Manang, magandang gabi,” bungad niya.
Kahit iyon ay labis na napakagalang nito. He’s really unreal.
“Opo. Kasama ko po… May dinaanan lang po kami saglit… Uuwi na rin po kami ngayon,” sagot niya kay Manang sa kabilang linya.
Pinutol nito ang tawag at tiningnan siya.
“Umuwi na tayo. Hinahanap ka na sa mansiyon. They’re probably worried.” aniya.
“Yeah. Dad might be worried because I have his mazda,” she said.
Kumunot ang noo ni Quentin.
“What do you mean?” tanong niya kay Clementine.
Malungkot na ngumisi si Clementine.
“Nothing. Let’s go. I will drive.” she said and snatched the keys from his hand.
Tahimik sila sa paglalakad pabalik sa sasakyan. Binuksan ni Quentin ang passenger seat habang umikot siya para sa driver seat.
“Can you give me pointers in studying here at San Lucas?” tanong niya sa binata.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya pabalik kay Clementine.
“Pointers! On how to survive, on how to meddle with people, professors I should be cautious around… something like that,” she said.
Tumawa nang mahina si Quentin sa sinabi niya.
“Hindi kasing laki ng mga eskuwelahan mo sa Amerika ang San Lucas. Maging totoo ka lang sa sarili mo and you’ll be fine.” aniya sa dalaga.
“You seemed to be a good english speaker para sa isang farmer,” sabi niya.
Kumunot ang noo ni Quentin. Sa lahat ng mapapansin ng dalaga, iyon pa talaga.
“Hindi porket magsasaka bawal na mag-english. Stop stereotyping people. Walang masama sa pagiging farmer. Sila ang nagbibigay ng luho mo, Tine.” pangaral niya.
“I’m sorry, okay? Masyado ka namang seryoso. I don’t mean any harm with what I said, okay?” aniya.
Mas pinili na lamang ni Clementine na tumigil sa pagsasalita. Gusto lang naman niya kasi na kahit papaano maging maingay ang kanilang biyahe pauwi. Pero sa tuwing magsasalita siya, mas lalo lang ata sumasama ang sitwasyon.
She drove for another ten minutes hanggang sa natanaw niya ang mansiyon. Maliwanag na ang mga ilaw nito sa labas.
Naroon din si Manang at Angela na naghihintay sa kanila. Naunang lumabas si Quentin at sinalubong ang mga ito.
She watched him as she was turning off the car’s engine. Nagmano ito kay Manang. Lumabas na rin siya at ginaya ang lalaki.
“Where’s Daddy?” tanong niya kay Manang.
“Nandoon sa loob, hija. Nagpapahanda na ng hapunan para makakain na kayo,” sagot nito at tiningnan silang dalawa, “Kayo ba? Saan kayo nanggaling?” tanong ng matanda.
Nilingon niya si Quentin. Bigla niyang naalala ang pagligo niya ng walang saplot sa ilog.
Ano ang sasabihin niya? Naligo siya na walang saplot at nakita siya ni Quentin?
“May binisita lang, Manang. Sa ilog—”
“Sa lumang bahay nina Quentin!” putol niya sa kung ano ang isasagot ni Quentin sa matanda.
“Sa mga kubo, anak? Totoo ba ‘yon, Quentin?” tanong ni Manang na bakas ang gulat.
Ganoon din si Angela. Natahimik si Quentin at dahan-dahang tumango.
“Opo, Manang.”
“Pumasok na kayong dalawa, Tine. Kakain na,” sabi ni Manang at pumasok na sa loob.
Inakbayan ni Quentin si Angela at sabay silang pumasok. Sumunod naman si Clementine na nakanguso at pinapanood ang malawak na likuran ni Quentin.
He’s really fit.
Noong nagulat siya kanina at nahawakan niya ang katawan nito, hindi niya maipagkakaila na purong muscles ang nahawakan niya. Dumiretso sila sa hapag. Tahimik sila na naghihintay sa pagdating ni Don. Tanging ang mga paglalapag ng kubyertos lamang ang naririnig nila roon.
“Magandang gabi, Wilfredo,” bati ni Manang ng matanaw ang Don na tinutulak ng kaniyang private nurse.
“Magandang gabi rin sa inyo. Mag-umpisa na tayong kumain.” sabi ni Don Wilfredo at inayos ang tela para ilagay sa kaniyang mga hita.
Nagsilbi na ang mga kasambahay. Biglang nakaramdam ng gutom si Clementine sa dami ng masasarap na pagkaing nandoon.
“Dahan-dahan, Tine. Hindi ka mauubusan!” saway ni Manang at sinalinan siya ng juice.
Tumango si Clementine pero panay pa rin ang tusok ng mga pagkain doon.
“I’m sorry, I am just really hungry. I did so much today!” sabi niya sa matanda at nagpatuloy sa pagkain.
“I heard you washed your clothes with no washers at all,” sabi ni Don Wilfredo na hina-hati ang steak.
Tila nabulunan si Clementine sa biglang pagsasalita ng Don.
Mabilis na nagsalin ng tubig si Quentin sa basong nasa harap nito.
Nilagok iyon ni Clementine at huminga ng malalim. Parang bata siyang tumingin sa kaniyang ama at ngumiti ng malapad.
“Yes, Daddy. And I drove around to see the hacienda, too. You did well with the crops,” she explained.
Tipid na tumango ang kaniyang ama.
“That’s because we have the best farmers. You should be more hands on in the business. Why don’t you join Quentin tomorrow?” tanong ni Don Wilfredo.
“Tomorrow?” she asked them.
Uminom ng tubig si Quentin. Si Angela naman ay nakikinig sa kanilang tatlo.
“May kikitain ako sa bayan. Magsasara ako ng deal sa mga Decerna para upahan natin ang bakanteng lote nila sa tabi ng lupain ninyo.” paliwanag ni Quentin.
“Oh? Decerna? I did not know them. Are they rich?” tanong niya.
Tumango si Quentin.
“We can say that. They’re owning big lands here in Palanca and Malabrigo. Haciendero at Haciendera rin sila.” sagot ni Quentin.
“Start with the organic chicken, Clementine Serra. Help Quentin in establishing that. I think it’s a good start.” payo ni Don Wilfredo.
“Me? I don’t know if I can handle it?” tanong ni Clementine.
“Maganda nga iyan, anak! Para matuto ka!” excited na sabi ni Manang na nilalapag ngayon ang panghimagas.
“I will try, Dad. Plus, I will have my school pa in a few weeks. I would really take time to adjust,” she said.
Tumango si Don Wilfredo bilang pagsang-ayon. Pinunasan nito ang gilid ng labi niya at uminom ng tubig.
“By the way, why are we dealing with the Decerna for their lands, when we have a place here in hacienda?” tanong ni Clementine.
Nakuha na ng tuluyan nito ang atensyon ni Don Wilfredo.
“What do you mean?” tanong ni Don Wilfredo sa kaniya.
Tumingin si Clementine kay Quentin na nasa kaniya rin ang buong atensyon.
“I went with Quentin earlier, Daddy. Why don’t we convert the part where the old kubo of the farmers were located to be the site for organic chicken?” suggestion niya.
Natigilan ang lahat sa pagnguya ng pagkain. Quentin dropped his utensils and looked at Don Wilfredo. The old man became serious. Pinagdaop nito ang kaniyang mga palad ng mariin.
“You went where?” pag-uulit nito sa tanong niya.
“How come I did not know na may nasunog na small community sa hacienda? What even caused the fire in the first—”
“Enough,” mariing sabi ni Don Wilfredo at tuluyan na inalis ang tela sa kaniyang hita at tinapon iyon sa mesa, “I am done eating.”
Hindi mawari si Clementine sa reaksiyon ng mga tao.
Nilingon niya si Quentin at Angela na hindi na ngayon makatingin sa kaniya. Si Manang ay may bahaw din na tingin sa kaniya na ngiti at umalis na papunta sa kitchen.
“Tapos na rin ako kumain, Angela. Tulungan mo sina Manang kung tapos ka na.” pamamaalam ni Quentin.
“Wait!” sigaw ni Clementine at tumayo na rin para sundan si Quentin.
“Ano ba ang sinabi ko? I did not tell anything wrong naman ah?” she asked again, tailing him.
Tumigil si Quentin at nilingon siya.
“Just don’t talk about that place ever again. That’s off-limits.” sabi ni Quentin at iniwan siya.
Nakatulala si Clementine roon. Hindi niya maintindihan kung ano ang hiwaga na mayroon doon.
Bumalik siya sa kaniyang kuwarto pagkatapos ng hapag. Binuksan niya ang bintana at tumanaw sa kaniyang balkonahe. Napalingon siya sa banda kung nasaan ang study ng kaniyang ama.
Nagtago siya para pakinggan ang dalawang boses na nag-uusap doon.
The window and sliding doors were open.
“I told you not to bring her there, Quentin. You disappoint me, child.” sabi nito.
Nakayuko si Quentin sa narinig mula sa Don.
“Pasensiya na, Don Wilfredo.” paghingi nito ng paumanhin.
“Huwag na itong mauulit. Sa oras na malaman ko na dinala mo ulit roon si Clementine, hindi ko na papalampasin ito.” giit ni Don Wilfredo.
Tumango si Quentin.
“Naiintindihan ko po, Don Wilfredo.” huling sinabi nito.
Wala nang marinig si Clementine. Tanging ang pagsara lamang ng pintuan mula sa study ang kasunod noon. She saw that Don Wilfredo’s alone in the room. Siguro ay umalis na si Quentin.
“What’s with that place?” tanong niya at tinanaw ang banda kung saan nandoon ang dating bahayan.