TATLONG oras na ang nakalilipas matapos ang naging pag-uusap ni Georgina at ni Wallan sa telepono ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maipako ang isip sa ginagawang trabaho sa opisina. Hanggang ngayon ay ginagambala ng lalaki ang kaniyang isip. He was blaming her about his brother's death. He found out about the organization she was leading with. And it caused him to believed, she killed his brother. Napahawak siya sa kaniyang sintido at huminto sa ginawa. Hindi niya rin naman matatapos ng maayos ang gawain hanggat may kung ano sa kaniyang isip na patuloy siyang ginagambala. She kept on asking her self, what to do now, after she found out the real culprit behind the big money—stolen from the company. Kung si Calixta pa ang makakatuklas sa taong ito, siguradong mapapahamak ang buh