NANG DUMATING na gabi ay hindi nagawang mahiga ni Georgina sa kaniyang kama upang matulog. Tila may kung ano sa kaniyang sarili na pilit siyang pinaghahanda ngayong gabi, kung kaya naman hanggang ngayong ay gising pa rin siya. Datapwat mag-aalas dos na nang madaling araw. Nagmamatiyag siya sa paligid at maya't-maya ang pagsilip sa bintana ng kaniyang silid kung saan nakasara ang mga kurtina. It seems like, she was expecting someone to visit her tonight. “I know you will come tonight,” wika niya sa mahinang boses habang palinga-linga sa may bintana. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay at tanging ang mga ilaw lamang na nasa labas ang binuksan niya. Umupo siya sa kama at binuksan ang cellphone, kung saan konektado lahat ng cameras na naka-install sa loob at labas ng kaniyang baha