IBINABA siya ni Quidd sa tapat ng kanilang mansion, matapos ay iniabot nito ang kaniyang cellphone. Isang ngiti lamang ang nakita niya sa labi ng lalaki bago ito tuluyang umalis nang walang ibang salita na binibigkas. Hindi niya tiyak kung anong meron sa sarili at bakit tila nalungkot siya sa nagdaang pangyayari. Kung minsan ay mapusok ang lalaki at kung minsan naman ay masiyadong malamig at misteryoso. Hindi niya na tuloy malaman kung ano ang dapat na maramdaman. “George, sino 'yon?” tanong ng kalalabas lang na si Celestine mula sa loob ng malaking bahay at lumapit sa kaniya. Kaagad naman niyang hinarap ang kapatid at mapait na ngumiti dito. “And why the hell you smile so bitter?” Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at marahang tinapik-tapik. Bahagya niyang inalis ang dalawang