“BREAKFAST ready!” Isang boses ang nagpagising kay Georgina mula sa malalim na pagkakahimbing. Ang totoo nga’y kasalukuyan pa siyang nasa kaniyang magandang panaginip nang marinig ang boses ng isang lalaki na siyang nagpagising sa kaniya. Nang maalala niya ang mga nangyari kagabi ay agad siyang bumangon at nanlalaki ang mga matang tumingin sa lalaki. “s**t!" mariin niyang mura nang makitang wala na siya sa pinaghigaang couch kagabi lamang at kasalukuyan nang nakahiga sa kama ng lalaki. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin kay Quidd, hindi na ito naka suot ng sando nitong pantulog bagkus ay isang ng grey na T-shirt. Hindi niya alam kung paano nangyari na napunta siya sa kama nito at hindi niya rin batid kung bakit tila napahimbing ang kaniyang tulog. Dahil nang tumama ang kaniyang mata