CHAPTER 1

1672 Words
CHAPTER 1 Parang nangangarap na itinaas ni Aria ang kanyang kaliwang kamay at ilinahad ito sa harap ng kanyang best friend na si Maureen. May kislap sa kanyang mga mata nang humarap siya dito. Ipinakita niya pa sa kanyang kaibigan ang engagement ring na suot niya sa kanyang palasingsingan. "What can you say now, Mau? Isn't it romantic?" kinikilig niya pang pahayag sa kaibigan niya at hinalikan pa ang singsing na suot niya sa kanyang daliri. On her ring finger is a twenty-four karat diamond engagement ring. Unang tingin pa lang sa singsing ay masasabi nang may kamahalaan ang presyo nito. Nagugulumihanan na napaupo sa harap niya si Maureen. Marahan na ibinaba nito sa mesa sa harap niya ang isang baso ng juice. Kasalukuyan siyang nasa bahay ng kanyang kaibigan para sabihin ang magandang balita dito. "Romantic? Are you out of your mind, Aria?" eksaheradang sabi nito sa kanya. Halos madama niya pa ang pagkagilalas ni Maureen sa tinig na ginamit nito. Nababagot na ibinaba niya naman ang kamay niya sa mesa at humarap sa kanyang kaibigan. "I do not get it kung bakit ganoon na lamang ang disgusto mo para kay Kier, Mau. Heaven's sake, he is almost perfect. I do not see any reason kung bakit hindi ko tanggapin ang proposal niya. He is my boyfriend," mahaba niyang pahayag sa kanyang kaibigan. Maureen rolled her eyes upwardly because of what she has said. "Boyfriend for only four months, Aria! And now, you are telling me that you are engaged with him?" saad pa nito sa kanya. Four months. Yes. Tama ito. Nakilala niya si Kier sa boutique na pag-aari niya na matatagpuan sa may Makati City. Bumibili ito ng damit na ayon pa dito ay ipangreregalo sa mama nito na may kaarawan. Dahil sa lalaki ay wala itong ideya sa pag-shopping. And so, she assisted him that day. Umpisa pa lang ay nagpakita na ito ng interes para sa kanya. Hindi man lang nito itinago ang paghangang para sa kanya ng binata. After that day ay ilang ulit pa itong nagpabalik-balik sa kanyang boutique para kilalanin pa siya nang lubusan. And one thing led to another. Mula noon ay nagyayaya na itong kumain sila sa labas na madalas niya naman na paunlakan, dahilan para magkakilala pa sila ng binata. Kier was the epitome of a perfect boyfriend for her--- matangkad, maputi at maganda ang pangangatawan nito. Something that she would always be proud of as his girlfriend. He was thirty-one years old, nine years senior to her. Nagmamay-ari din ito ng isang travel agency. At masasabi niya na financially stable na ito. Hindi ito nagpaligoy-ligoy ng nararamdaman para sa kanya. At paglipas lamang nga ng anim na buwan ay naging kasintahan niya ang binata. At kanina nga ay nag-propose na ito sa kanya pagkalipas ng apat na buwan na pakikipagrelasyon niya dito, a proposal which she accepted so wholeheartedly. "Aria, ten months mo pa lang nakikilala ang lalaki na ito," wika pa ni Maureen sa kanya. "He has a name and it is Kier," saway niya pa sa kanyang kaibigan. "Whatever!" Maureen snapped at her. "Can you just imagine kung ano ang magiging reaksyon ni Tito Ariel kapag nalaman niya na tinanggap mo na ang proposal niya?" tukoy nito sa kanyang ama. Napabuntong-hininga na lamang si Aria dahil sa mga sinabi nito. Katulad ni Maureen ay kinakitaan niya na rin ang kanyang ama ng pagtutol sa pakikipagrelasyon niya sa kasalukuyan niyang nobyo. Though, hindi ito gumagawa ng hakbang para ilayo siya sa lalaki ay hindi rin naman ito nagpapakita ng pagkagiliw kay Kier. "Come on, Mau. I love Kier. Hindi ba pwede na maging masaya na lang kayo para sa akin?" saad niya dito sa mahinang tinig. "Hindi ba pwedeng kilalanin mo muna siya nang matagal? Nang lubusan?" bwelta naman nito sa kanya. "Besides, you are only twenty-two, Aria. Why are you so in a hurry to settle down?" Nagkibit-balikat na lamang siya sa mga sinabi ng kanyang kaibigan. Maureen has been her best friend since they were in high school. At masasabi niya na kilalang-kilala na siya nito. So, she must know that she truly loves Kier. Kaya naman ay hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang disgusto nito para sa kanyang nobyo. Hindi na nakuha pa na sumagot ni Aria sa kanyang kaibigan. Mas natuon na ang isip niya sa kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang ama oras na sabihin niya dito na tinanggap niya na ang proposal ni Kier sa kanya. ***** ARIA opened the car's door and went out of it. Pasado alas-otso na at kauuwi niya lang mula sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan. Dire-diretso siya na pumasok sa loob ng kanilang kabahayan. Paakyat na sana siya sa taas at nasa bukana na ng hagdanan nang mapalingon siya sa may study room. Hindi masyadong nakapinid ang pinto niyon at mula sa labas ay nasilip niya agad ang kanyang ama. Pumihit pabalik si Aria at sa halip na umakyat sa kanyang silid ay pumasok siya sa loob ng study room. Marahan na linapitan niya ang kanyang ama. "Hi, Dad," masuyo niyang wika dito. Mula sa pagbabasa ng ilang mga dokumento ay napaangat ng ulo si Police Major Ariel Buenaventura. "Hello, Darling. Kauuwi mo lang ba?" He asked the obvious. He also smiled at her softly. "Yeah." Lumapit siya sa mesa nito at pinasadahan ng tingin ang mga kasalukuyang binabasa nito. "Galing ako kila Maureen, dad," imporma niya sa kanyang ama. Her father's attention was still on what he was doing. "Dad," agaw niya sa atensyon nito. "Yes, Darling?" anito habang nagtitipa sa laptop nito. Ni hindi nag-angat ng mukha ang kanyang ama nang tumugon sa kanya. "Kier proposed to me," bigla ay bulalas niya dito. That caught his attention. Ariel stopped from typing on his keyboard and stared at her so intently. "And I... I said yes, dad." Bigla itong napasandal nang marahan sa swivel chair na kinauupuan nito. "Are you sure about this, Aria? Napakabilis naman yata ng mga desisyon ninyo, don't you think?" wika nito sa kanya. Inaasahan na niya ang magiging reaksyon ng kanyang ama. Bagaman ay iniisip niya rin na sana man lang ay isaalang-alang ng kanyang ama ang mararamdaman niya. Lumapit siya sa kinaroroonan ng ama niya at pumuwesto sa likod nito. Yumuko siya nang bahagya at niyakap ito mula sa likuran. She rested her chin on his right shoulder. "Dad, hindi naman kailangan ng mahabang pagkilala sa isang tao para mahalin siya, hindi ba? Besides, kilala ko na rin naman si Kier," wika niya pa dito. "Kilala mo na nga ba nang lubusan ang nobyo mo, hija?" may laman na tanong ng kanyang ama sa kanya. "You have only met him for ten months." May bahid ng pag-aalala ang tono na ginamit nito at bakas din iyon maging sa mukha ni Ariel. Iyon din ang sinabi ni Maureen sa kanya noon--- na sampung buwan pa lang nang nakilala niya ang kanyang katipan. Pero sa kabila ng ikli ng panahong iyon ay kampante siya sa relasyong mayroon sila ni Kier. Gusto niyang isipin na magtatagal ang kung ano mang mayroon sila ngayon. Tumuwid ng tayo si Aria at lumipat siya sa may harapan ng mesa ng kanyang ama. Naupo siya sa upuang nasa harap ng mesa nito. "We have all our lives to know each other, Dad. Besides, kayo din naman ni Mom ay nag-umpisa bilang estranghero sa isa't isa, hindi ba? Almost every couple does," pahayag niya pa dito. Itinukod ng kanyang ama ang dalawang siko nito sa mesa bago siya tinitigan nang mataman sa kanyang mukha. "Ibang kaso ang mayroon kami noon ng mommy mo, hija. Our families were friends ever since we were young. Matagal nang magkakilala ang mga magulang naming dalawa." Nakita niya nang kumislap ang mga mata ng kanyang ama nang maalala ang nakaraan nito at ng kanyang ina. Malalim na napabuntong-hininga na lamang si Aria. Kasama pa sana nila ang kanyang ina ngayon kung hindi lang sa mga taong nakalaban ng kanyang ama noon dahil sa trabaho nito. Her father is being respected by his colleagues. Pati na ng mga taong nakakakilala sa pamilya nila. Ngunit hindi ng mga taong nakakalaban nito dahil sa pagiging isang pulis. Dahil sa propesyon na mayroon ito ay hindi birong mga tao ang nagkakaroon ng galit para sa kanyang ama. Her father is a very sensible man. Kung mali at talagang labag sa batas ang ginagawa ng mga tao ay hindi nito pinalalampas, maging malalaking tao man ang mga iyon. At iyon ang naging sanhi ng kamatayan ng mommy niya noong maliit pa lamang siya. Mayroong napadakip na malaking sindikato ang grupo ng kanyang ama. Bagama't may mga nahuling miyembro niyon ay hindi nila inaasahan na may mga galamay pa ang grupo ng sindikato sa labas ng kulungan. Papasok na sana sa paaralang pinagtuturuan ang kanyang ina nang tambangan ang taxi na sinasakyan nito ng mga armadong lalaki. Dead on the spot si Mrs. Norma Buenaventura, ang kanyang ina, kasama pa ang taxi driver na nadamay lamang sa krimen na nangyari. That incident happened when she was just four years old. At alam niya na iyon din ang naging dahilan kung bakit naging extra protective sa kanya ang ama niya habang lumalaki siya. "Dad, try to give Kier a chance. And I assure you that he is a fine man," nakangiti niyang pahayag sa kanyang ama. Tumayo na si Aria at muling linapitan ang ama sa kinauupuan nito. Hinalikan niya ito sa pisngi bago nagpaalam na. "Goodnight, Dad," wika niya dito nang nakangiti. ***** PAGKALABAS ng anak niya sa kanyang study room ay kinuha agad ni Police Major Ariel Buenaventura ang telepono na nasa mesa lamang niya at nagtipa ng numero doon. Saglit siyang naghintay ng ilang segundo bago may sumagot sa tawag niya sa kabilang linya. "Hello," said the baritone voice over the line. "Hello, I think it is about time." Saglit niya munang pinakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. "Ito lang ang nakikita ko na paraan... Yes. It is up to you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD