PROLOGUE
Masayang tumakbo ang sampung taong gulang na si Ronniel palapit sa kanyang ina na si Mariel. Tanghali na at uwian na nila mula sa isang pribadong eskwelahan kung saan siya ay nag-aaral.
Sa tuwing uwian na ay lagi na nakaabang ang kanyang ina, na pinagmamaneho ng matagal na nilang driver, para sunduin siya.
"How was your day?" magiliw na sabi ni Mariel sa anak nang salubungin ito.
"Ayos lang po, Ma." He handed to her the testpapers that he was holding and smiled. Agad iyong kinuha at pinasadahan ng tingin ni Mariel at nangiti sa nakitang resulta ng pagsusulit ng anak.
"Hmmm... Mukhang may kailangan akong bilhan ng ice cream ngayon, ah," masaya nitong wika sa anak.
Bakas sa mukha ni Ronniel ang excitement dahil sa mga sinabi ng ina. "Really, Ma? Yes!"
Iginaya na siya ng kanyang ina sa paglalakad at akmang palabas na sila ng paaralan nang bigla ay may maalala si Ronniel.
"Wait, Ma. I forgot my lunchbox," saad niya ulit sa kanyang ina.
"Okay. I will wait for you at the car," wika naman ni Mariel.
Hindi na sumagot pa si Ronniel at pumihit na lamang pabalik sa loob ng paaralan. Mariel headed to the car. Ang sasakyan nila ay hindi naman nalalayo ang kinapaparadahan mula sa gate ng eskwelahan.
Paliko na sana si Ronniel sa isang pasilyo na patungo sa mga silid-aralan, when suddenly he stopped on his feet. Bigla ay nagkagulo ang ilang tao na nasa entrada ng eskwelahan. Some run towards the school. Ang iba naman ay napasigaw na lamang.
Tunog ng sunod-sunod na putok ang sanhi ng pagkakagulo ng mga tao sa kanyang paligid.
Napabaling muli sa labas ng eskwelahan si Ronniel. Hindi niya alintana ang mga taong nagkakagulo at nagtatatakbo paroo't parito sa kanyang paligid. Sa kanyang murang edad ay hindi niya lubos na maintindihan kung ano ang mga nangyayari. Ngunit sapat na ang pagkabahala at takot sa mukha ng mga tao sa paligid niya para siya ay makaramdam ng kaba.
Naglakad siya ulit palapit sa may gate ng eskwelahan. Isang itim na van ang humarurot paalis mula sa harap ng paaralang kanyang pinapasukan.
Pilit siya iginagaya papasok ng isang guwardiya na nakabantay sa harap ng paaralan. On the guard's right hand is a gun. Nakatutok ang mga mata nito sa kaaalis pa lang na sasakyan, habang pilit siyang pinapapasok ulit sa loob.
Until Ronniel's gaze went to the taxi, a few steps away from them. Wari ba ay may ibababa itong pasahero sa may harap ng eskwelahan.
Then, he saw blood... on the taxi's passenger. Maging sa taxi driver mismo.
Bigla ay nanlaki ang mga mata ni Ronniel dahil sa kanyang nakita. Hindi niya kailangan ng taong magpapaliwanag sa kanya na patay na ang mga ito. He knew from there na wala ng buhay ang mga lulan ng taxi.
Hanggang sa humantong ang tingin niya sa gutter na katabi lamang ng taxi.
There he saw Kuya Alex, ang matagal nang driver nila. Pilit nitong binubuhat ang isang bulto na duguan na nakahandusay sa baba. Wala na ring malay iyon at may bahid ng dugo ang katawan.
Shock was understatement on a realization that hit him. Panic and fear rose from his young heart.
"Ma! Mama!" sigaw niya habang pilit na iwinawaksi ang mga kamay ng guwardiyang may hawak pa sa kanya.
Tears started to roll on his cheeks. Nabalot din ng takot at pangamba ang kanyang dibdib.....