CHAPTER 2
Limang araw mula nang mag-propose si Kier kay Aria ay dumating ito sa kanilang bahay kasama ang ina nito para mamanhikan sa kanila ng kanyang ama.
Through out the night, her father has been polite talking to Mrs. Cornelio. Her father has been civil. Too civil na halos madama na ni Aria ang kalamigan nito para sa kanyang kasintahan at sa ina nito. Kung bakit ganoon ang pakikitungo ng kanyang ama sa kanyang nobyo ay hindi niya alam.
Hindi ganoon ka-judgemental ang kanyang ama at alam niya na hindi naman ang estado ni Kier ang dahilan ng pinapakita nitong pakikitungo, since Kier has a business and financially stable.
Napag-usapan nila nang gabing iyon ang detalye ng gaganapin nilang kasal. Ang petsa ay itinakda nila dalawang buwan mula ngayon.
Gusto man na gawin ng kanyang ama na limang buwan bago sila magpakasal ay hindi na napapayag pa si Kier. Nais sana ng kanyang ama na palipasin muna ang kanyang ika-dalawampu't tatlong kaarawan na mangyayari tatlong buwan mula ngayon.
Sa huli ay ang nais ni Kier ang sinunod nila.
Pagkatapos ng munting salo-salo ay nagpaalam na sa kanila ang mag-ina. Inihatid pa ito ni Aria sa may garahe kung saan andoon ang sasakyan ng kanyang katipan.
Nakalabas na ang sasakyang minamaneho nito at isinasara na ng kanilang katiwalang si Manang Rosa ang kanilang bakal na gate nang pumasok na sa loob si Aria.
Ilang minuto niya pang tinulungan si Manang Rosa sa mga gawain nito sa kusina. Maraming dalang pagkain ang mag-inang Cornelio para sa pamamanhikan ng mga ito nang gabing iyon. At marami pa ang natira. She put the leftovers in a container and put it in the ref.
Pagkatapos nilang gawin iyon ay binilinan niya na rin si Manang Rosa na magpahinga na.
Manang Rosa has been her nanny since her mother died. Apat na taon pa lamang siya ay nasa kanila na ito. In fact, she is more of a family for her than being just a nanny. Sa maraming pagkakataon ay ito na ang lagi niyang kasama simula pa noon, lalo na kung sadyang abala ang kanyang ama sa trabaho nito.
Feeling so tired, she decided to just go to her room. Nasa itaas na siya nang mapalingon si Aria sa may verandah. There she saw her father, standing. Nakaharap ito sa may ibaba, sa may bakuran nila.
Instead of going to her room, she walked towards the verandah. Lumapit siya sa kanyang ama at tumayo sa tabi nito. Itinugod niya pa ang kanyang mga kamay sa bakal na barandilya ng kanilang teresa.
"Hindi ka pa ba matutulog, Dad?" wika niya sa kanyang ama. Napansin niya pa ang isang kopita ng alak na hawak nito sa isang kamay. Doon ay napatitig si Aria.
Lumingon sa kanya ang ama at tipid na ngumiti. "You are not a baby anymore," wika nito sa kanya. "Look at you now, you are getting married, Darling."
Darling--- iyon ang tawag sa kanya ng ama niya simula pa nang bata pa lamang siya.
"Dad, mag-aasawa lang naman ako. It is not as if na mawawala ako sa iyo," natatawang tugon niya dito.
She looked at her father momentarily. It has always been her and her dad. Simula pa noon ay silang dalawa ang magkasama. Kaya naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman nito ngayon.
Sa kabila ng edad ng kanyang ama na apatnapu't lima ay masasabi niyang magandang lalaki pa rin ito. And she knows a lot of woman would still go after him if ever. Ngunit mas pinili nitong huwag na mag-asawa pang muli pagkatapos mawala ng kanyang ina.
There were times that she was thankful for that. All his attention were on her. Dahil sa hindi na ito nag-asawa pang muli ay sa kanya lamang napunta ang buong oras at panahon nito noon pa man. Ngunit kasabay niyon ay ang pagiging protective nito sa kanya.
"Hindi ko lang lubos na maisip na mag-aasawa ka na agad," saad pa nito sa kanya.
"I love you so much, Dad," masuyo niyang sabi sa kanyang ama.
"I love you more, darling. Kaya sana ang gusto ko ay ang makakabuti lang para sa iyo," sambit pa nito.
"And you think na hindi si Kier iyon?" she voiced out what is in her mind.
Tumuwid ng tayo ang kanyang ama nang marinig nito ang naging tanong niya. Binaling nito ang paningin sa kadiliman ng gabi bago siya muling hinarap. "Ayoko lang maulit ang nangyari sa mommy mo, Aria. I do not want to lose you. You are all that I have. You know that."
"Dad! I am just getting married. Sinong may sabi sa iyo na mawawala ako?" nangingiti niyang wika sa kanyang ama. "I promise na lagi pa rin akong pupunta dito pagkatapos ng aming kasal."
She said the last sentence to appease the mind of her father. Ang plano ni Kier ay sa bahay nito sa Tagaytay sila titira sa oras na ikasal silang dalawa. And it might be the reason kung bakit nalulungkot ang kanyang ama ngayon.
*****
THE next three weeks have been busy days for Aria. Gusto niya na siya ang personal na mag-asikaso ng sarili niyang kasal--- mula sa invitations, souvenirs at pati na rin sa caterer.
Hapon ng Sabado at galing silang dalawa ni Kier sa restaurant na kinuha nila upang mag-cater para sa kanilang kasal. Pagkagaling nila doon ay nagpahatid siya sa kanyang nobyo pabalik sa boutique na kanyang pag-aari, ang Arianna's.
Pagkapasok sa boutique ay napansin niya ang ilang customers na nasa loob. Mayroong dalawang saleslady at isang cashier ang Arianna's. Dahil sa hindi pa gaanong natatagalan ang negosyong itinayo niya ay hindi niya pa makuhang magdagdag ng tao para sa kanyang boutique.
Dire-diretso na siyang pumasok sa loob ng maliit na opisina ng Arianna's. Kier followed her inside.
Pagpasok sa loob ay may isang maliit na mesa, swivel chair at isang visitor's chair sa harap ng mesa niya. May dalawang four-layered na drawer sa kanang bahagi niyon kung saan nakaimbak ang mahahalagang dokumento ng negosyo niya. Mayroon ding mahabang sofa sa may kaliwang panig ng opisina niya kung saan madalas siyang nagpapahinga. Sa dingding ay nakakabit ang isang flat screen TV.
Pagkapasok sa loob ay naupo siya sa mahabang sofa at ilinapag ang shoulder bag sa kanyang tabi. Isinandal niya ang kanyang likod sa sofa. And she closed her eyes.
Naramdaman niya nang naupo sa kanyang tabi si Kier. Ipinatong nito ang isang kamay sa sandalan ng sofa sa kanyang likuran. Sa ginawa nito ay nagmistula itong nakaakbay sa kanya.
"Tired?" nakangiting tanong ni Kier sa kanya.
"Said who?" aniya dito at iminulat muli ang kanyang mga mata. Inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat ng nobyo niya. "I am just excited."
"You will be Mrs. Cornelio in five weeks time, Honey. How does it sound like?" malambing na wika ni Kier sa kanya.
Naramdaman niyang hinahaplos na nito ang braso niya gamit ang kamay nitong kanina ay nasa sandalan lang ng sofa.
Tumuwid ng upo si Aria nang mapansin ang ginagawa nito. Balak niya sana na lagyan ng distansiya ang pagitan nila ng kanyang nobyo. Ngunit bago pa man niya magawa iyon ay hinapit na siya nito palapit dito.
"Sometimes, I can't help but to feel like insulted by you, Honey. Sa tuwing nagkakalapit tayo nang ganito, pakiramdam ko ba ay lagi kang napapaso. Knowing that I was just caressing you," he said looking intently at her face. A little bit of amusement was in his eyes.
Sa loob ng apat na buwang relasyon niya kay Kier ay ilang ulit na rin naman siya nitong nahagkan sa tuwing napagsosolo silang dalawa, katulad na lamang ng ngayon. Na kung hindi lang bumabalik sa huwisyo ang kanyang kaisipan ay baka nauwi na sa hindi dapat ang halik na iginagawad nito sa kanya.
Not that she does not love him that much para hindi ibigay ang sarili niya dito, pero naniniwala siyang dapat ay ibigay niya lang ang kanyang sarili sa kanyang magiging asawa. Call it old-fashioned but that is what she believes.
"Hindi naman iyon sa ganoon, Kier. Pero alam mo naman ang paniniwala ko pagdating sa bagay na iyan, hindi ba?" wika niya na lang dito.
"Put down your defences, Honey, we are getting married anyway so---"
"Then, why not just wait?" putol niya sa mga sinasabi pa sana nito.
Tumayo na siya at sabay na kinuha ang kanyang shoulder bag mula sa mahabang sofa. Ilinipat niya ito sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Besides, nasa loob tayo ng opisina nitong boutique, Kier. Any time ay pwedeng may pumasok isa sa mga tao ko mula sa labas," dugtong niya pa sa kanyang mga sinabi kanina.
"Haven't you noticed that I locked the door, Aria?" wika nito sa kanya sabay ng pagtayo. Lumakad ito palapit sa kanya at marahan na hinapit siya sa kanyang beywang.
"Kier..." pagpoprotesta niya sa kanyang nobyo.
Ilinagay nito sa likod ng kanyang tainga ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatabing na sa kanyang mukha. "I love you, Arianna Buenaventura."
Hindi niya alam kung guni-guni niya lamang iyon ngunit saglit niyang nakita ang pagtalim ng mga mata ni Kier nang bigkasin nito ang kanyang apelyido. Nagagalit ba ito dahil sa pagtanggi niya sa nais nitong mangyari?
Pero agad din na nawala ang galit na ekspresyon sa mukha nito at napalitan na iyon ng isang masuyong ngiti. "I will wait for our wedding and I promise to make you response to me just the way I want it, honey."
"Kier!" nanlalaki ang mga mata na saway ni Aria dito. Nakaramdam pa siya ng hiya sa nais ipahiwatig ng kanyang nobyo.
She heard him chuckled because of her reaction before he claimed her lips in a light kiss. "I meant it, Honey."
"Dapat ba akong matakot sa iniisip mo?" tanong pa niya dito
"Why? Are you?" hamon naman nito sa kanya.
Ano man na isasagot niya dito ay napigil at nahinto ng mga katok sa pinto. Si Nessa, ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya sa boutique. She was knocking to inform her that the stocks for her boutique have arrived.