CHAPTER 5
Dahan-dahan ang ginawang pagbaba ni Ariel Buenaventura sa kanilang hagdan mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Galing siya sa kanyang silid at ayon sa kanilang katulong ay may panauhing naghihintay sa kanya sa baba--- ang kasintahan ng kanyang nag-iisang anak na si Arianna.
His eyes were set on the man that was waiting for him at the living room. Mataman lamang siyang nakatitig dito habang naglalakad palapit sa binata.
Tumayo si Kier mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa nang tuluyan siyang makababa at makalapit dito.
"Good morning, sir," Kier said firmly to him.
"Magandang araw din, Kier," tugon niya naman dito.
Saglit na napabaling ang tingin nito sa kanilang taas bago muling ibinalik sa kanya ang atensyon. "I am looking for Aria, sir. I have been calling her since yesterday morning. Pero hindi siya sumasagot sa mga tawag ko."
Naupo si Ariel sa sofang pang-isahan na nasa harap ng binata, saka ito sinenyasan na muli din na maupo. Nang sumunod ito sa kanya ay saka pa lang siya nagsalita sa binata. "Actually, me too, was calling her since the other day. But I did not get any response from her as well," nanlulumo niyang pahayag dito.
"What do you mean by that?" Bigla ay naiangat nito ang likod mula sa pagkakasandal sa sofa nang marinig nito ang mga sinabi niya. "Hindi ba siya umuuwi dito?"
"Since the other day, Kier," tipid niyang tugon sa kaharap. "Akala ko ay nasa bahay lamang siya nila Maureen. You know she used to stay there even before. Madalas siyang mag-overnight sa tinutuluyan ng kaibigan niyang iyon. Pero hindi ang uri ni Arianna ang hindi umuuwi ng ilang araw na hindi ipapaalam sa akin ang dahilan."
Bigla ay marahas na tumayo si Kier at ilang dipa na dumistansiya mula sa kanya kinauupuan. He got his phone from his pant's pocket and tried to call someone--- na sa hinuha niya ay ang kanyang anak.
Pabalik-balik itong naglalakad habang naghihintay na may sumagot sa tawag nito sa kabilang linya. He dialled again when no one answered his call. Nang wala pa ring sumagot ay muli siya nitong hinarap at linapitan.
Maging si Ariel ay napatayo na rin. "No one was answering?" nag-aalala niyang tanong dito.
"Kailan man ay hindi pa nangyari na hindi sinasagot ni Aria ang tawag ko," wika ng binata sa kanya. "Ilang araw na siyang hindi umuuwi? At bakit hindi niyo man lang sinasabi sa akin?"
Ariel looked at Kier's face. Pinag-aaralan niya ang ekspresyon ng mukha nito. Nababanaag niya doon ang pag-aalala para sa kanyang anak.
"Have you tried to report this at the police---"
"I am a police, Kier," putol niya sa pagsasalita nito na umani ng marahas na buntong-hininga mula sa binata. "Sinubukan kong hanapin at ipagtanong muna siya sa mga kakilala at kaibigan niya. Alam mo ang mga ikakasal, Kier, madalas ay naghahanap muna ng mga makakausap about all those stuffs. You know wedding jitters." Nagkibit siya ng kanyang mga balikat saka nagpatuloy sa pagsasalita niya. "But when Maureen said na hindi nagagawi roon ang anak ko ay nag-alala na ako."
"And you did not even try to let me know about this?" Kier said to him.
"Kier, hindi ko gustong... hindi ko na gustong mag-alala ka pa," malumanay niyang saad sa binata.
"Hindi gustong mag-alala?" galit nitong pahayag. "For Heaven's sake, she is my fiancee---"
"And she is my daughter," putol niya muli dito. Saglit itong natigilan dahil sa matigas niyang pagsasalita.
"Magpapaligsahan ba tayo dito kung sino ang mas malapit kay Arianna?" Mababa na ang tono ni Kier nang muling magsalita. Kalmado na ito ngunit batid ni Ariel ang galit sa likod ng pagiging kalmante nito.
"Alam ko at nararamdaman ko na hindi mo ako gusto para kay Arianna. You are just so civil to tell me about that. But we are getting married," he said clenching his jaw. Alam niya na nagpipigil ito ng galit.
"Look, Kier. Alam mo ang uri ng trabaho ko. At alam mo na marami akong kaaway dahil sa propesyon ko na ito. Masisisi mo ba ako kung gustuhin ko man na iiwas ang anak ko sa mga taong iyon?" makahulugan niyang sambit dito.
Napansin niya nang hinawi nito ang sarili at kagyat na itinuwid ang tayo. Bahagyang umilap ang mga mata nito bago siya sinagot. "So, ano ang plano mong gawin? Just stay here and do nothing?"
"Naireport ko na ito. Hihintayin ko na lang ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon," tugon niya sa binata.
"Damn!" Naihilamos nito ang isang palad sa mukha. "I am sorry, I blurted out that way. I am just worried and---"
"I understand," aniya sa binata. "But let us leave it to the authorities."
Tumango-tango ito ngunit batid niyang hindi ito kumbinsido sa mga sinabi niya. "Update me as soon as possible, gaano man kaliit na balita tungol kay Arianna... please."
Tango lamang ang isinagot ni Ariel sa mga sinabi ng binata. Mayamaya pa ay nagpaalam na si Kier sa kanya at dumiretso sa sasakyan nitong nakaparada sa labas ng kanilang bahay.
Naiwan si Ariel na sinusundan ng makahulugang tingin ang binata.
*****
DISPERAS na ng kanyang kasal. Sa ganitong oras ay dapat ayos na ang lahat para sa okasyon na magaganap para bukas. But unfortunately ay hindi. Hindi mangyayari dahil ang mismong bride ay nawawala.
Hindi mapakali na pabalik-balik ng lakad si Aria sa silid na kanyang kinaroroonan. She was so frustrated. Wala siyang ibang nais sa mga sandaling iyon kung hindi ang makaalis na sa lugar na iyon at makauwi sa kanilang tahanan.
"Oh, God!" Marahas na muli siyang napaupo sa gilid ng kama.
Nang mayamaya ay nakarinig siya ng tunog ng papalapit na mga yabag. Agad na muling napatayo si Aria. Gumalaw ang doorknob ng pinto at unti-unti ay bumukas iyon.
Mula sa maliit na pagkakabukas ay sumilip si Manang Salin. She was smiling to her softly. "Handa na ang tanghalian, hija. Hinihintay ka na ni Sir Ronniel sa may lanai," imporma nito sa kanya.
Gulantang na napatitig siya dito. Tama ba ang mga narinig niya? At tama ba ang pagkakaintindi niya doon? Pinalalabas ba siya nito mula sa silid na ito?
Nang sumenyas ito na lumabas na siya ay atubili na sumunod si Aria sa matanda. Naroon pa rin ang pagtataka sa kanyang dibdib.
Pagkalabas ng silid ay bumungad sa kanya ang mahabang pasilyo. Sumunod siya kay Manang Salin sa paglalakad habang hindi niya maiwasan na igala ang paningin sa buong paligid.
Hindi nga siya nagkamali ng hinuha na ang lugar na kinaroroonan niya ay hindi katulad ng mga lugar na pinagdadalhan ng mga kidnappers sa mga dinudukot ng mga ito.
Why, this place is a home!
Nang bumaba sila sa ilang baitang na hagdan ay bumungad sa kanya ang malawak na sala. May isang set ng sofa at sa gitna ng mga iyon ay isang salamin na mesa. May flat screen TV at lampshade sa magkabilang gilid ng bureau na pinapatungan niyon.
Aria can't help but to gasp. Bakas ang karangyaan sa loob ng buong bahay. Ngayon ay hindi niya maiwasang magtaka kung bakit at ano ang dahilan ng mga taong ito para dukutin siya. Surely, it was not because of money. Now, she was so sure of that.
"Dito tayo, hija," turo ni Manang Salin sa sliding na salaming pintuan, dahilan para mapalingon siya dito. Nasa tagilirang bahagi iyon ng bahay.
Kung sa loob ng bahay ay hindi na niya maiwasang mamangha ay ganoon din sa labas. Hindi siya nagkamali. Pagkalabas mula sa sliding door ay nakita niya ang isang katamtamang laki na swimming pool sa kanang bahagi. Ilang kilometro pa ay buhanginan na na tuloy-tuloy patungo sa dagat na mula sa kinatatayuan ni Aria ay kitang-kita na niya.
So, she was right after all. Resort nga ang kinaroroonan niya ngayon.
She does not need to ask. Alam niya na pribadong resort ito kung ang pagbabasehan ay ang katahimikan ng buong lugar. Ni wala din siyang makita na ibang tao na maituturing na turista. The place seemed to be so quiet.
Isang tikhim na mula sa kanyang kaliwang bahagi ang nagpalingon kay Aria doon.
"I am glad you are enjoying the view," said the baritone voice to her.
Aria looked at the man momentarily. Sa ikatlong pagkakataon ay nakaharap niya ito. He was wearing a cotton white shirt and a khaki short. Sa mga paa nito ay tanging simpleng tsinelas lamang ang sapin.
"Let us eat," narinig niyang balewalang turan nito sa kanya.
Dahan-dahang naglakad si Aria palapit dito. Natuon ang mga mata niya sa mga pagkaing nakahain doon. Looking at them, wari ba ay may handaan sa dami niyon.
Pero imbes na maupo si Aria sa upuang nasa kaharap nito ay itinukod lamang niya ang kanyang mga kamay sa sandalan niyon. "Who are you?"
*****
NAPATINGALA si Ronniel sa dalagang kanyang kaharap. Sari-saring emosyon ang sinasalamin ng magagandang mata nito. He saw determination, puzzlement and... fear.
Dagli niyang nabitawan ang mga kubyertos na hawak niya. Naisandal niya ang kanyang sarili sa upuan at matamang tinitigan lamang ang dalaga.
"S-sino... Sino ka ba talaga?" tanong nitong muli sa kanya saka tumitig sa buong paligid. "Where are we? B-bakit ninyo ako kailangang dalhin dito?"
"Why don't you take your seat, Arianna?"
"And that!" she blurted out at him. Muli siyang lumingon sa lalaki. "Bakit mo ako kilala? Bakit ninyo ako---"
Bigla itong natigil sa pagsasalita at napaatras ng ilang hakbang nang tumayo siya. He saw terror and fear on her face.
"Look, Arianna, hindi---"
"I wanna go home, please," hilam ang mga luhang saad nito sa kanya. "I am getting married tomorrow, so please..."
"You are not going to marry anyone! Lalong-lalo na sa lalaking iyon!"
Nanlalaki ang mga mata na nakatunghay sa kanya ang dalaga. "Y-you... you know him? You know my fiance?"
"Damn it!" Ronniel cursed more to himself. Naihilamos niya ang isang palad sa kanyang mukha.
Muling luminga si Aria sa paligid bago siya muling binalingan. "Napakarangya ng lugar na ito. So, I know that money is out of the reasons why you brought me here."
Hindi siya sumagot bagkus ay tinitigan lamang ang dalaga. Namagitan ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Muli ay si Arianna ang bumasag ng katahimikan na iyon.
"Kalaban ka ba ng ama ko? S-sindikato ka ba?"
"Sindikato? Ako?!" Ronniel's eyes widened in disbelief. Mayamaya ay pumuno sa buong paligid ang kanyang halakhak.