CHAPTER 6 Arianna looked at the man in front of her with astonishment. Ano ang nakakatawa sa mga sinabi niya? Bakit aliw na aliw ito? Hindi maiwasang lukuban siya ng takot at pangamba kanina nang mapagtanto niya na kilala nito maging ang kanyang nobyo. Sa ganda ng lugar na kinaroroonan niya ngayon, na nasisiguro niyang pribadong lugar, ay alam niya na hindi pera ang motibo ng mga ito sa pagdukot sa kanya. Idagdag pa ang rason na hindi sila ganoon kayaman tulad ng iba. At sa lahat ng ito ay iisa lang ang nakikita niyang rason. It must be her father's line of work. Sa ilang dekadang pagiging pulis ng kanyang ama ay hindi na biro ang mga nakabangga na nito. Hindi ba at iyon ang naging rason sa pagpatay sa kanyang ina maraming taon na ang nakalipas? And would that happen to her too? Kalaba